Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six

Black Eternity Series
Trevor Solinoz
My Ex-Wife

~

SA TOTOO lang hindi alam ni Ariella kung ano ba ang dapat niyang sabihin matapos ang kanyang mga narinig sa kapatid. How can she do such a thing?! Paano nito nakuhang gawin ang mga bagay bagay na hindi niya inaakalang magagawa ng kapatid niya. Sagad na ba ang kahibangan nito at nakuha nitong ipalaglag ang sariling anak nito. Sa totoo lang hindi na niya malaman kung ano ba dapat ang maramdaman niya sa kapatid. Kung noong nitong mga nakaraang araw ay naawa siya sa nangyari rito at sa bata ngayon ay mas lalo lang tumindi ang pagkamuhing nararamdaman niya para sa kapatid.

May tao bang ganito kasama kasi hindi niya maintindihan kung bakit may mga taong sadyang gagawin ang lahat para lang sa pag ibig.

Parang siya, kahit na nahihirapan na siya ay patuloy niya pa ring minamahal si Trevor, gaya ng pinangako niya sa altar noong kasal nilang dalawa.

"Plinano ko ang lahat Ella, mula sa lalaking nakatabi mong hubo't hubad buong magdamag hanggang sa pagkamatay ni Tristan. Yes my dear, ako ang nagpautos na sagasaan ang walang kwenta mong anak dahil alam kong hangga't nariyan ang salot na batang iyon ay hindi ka mapapaalis sa buhay ni Trevor, ewan ko ba naman kasi kung ano ba ang nakita sayo ni Trev at mahal na mahal ka niya. Anyway, ang importante ngayon ay malapit ka ng mawala sa buhay ng lalaking mahal ko."

What a psycho bitch! Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Ella sa mga nalalaman niya. Galit na galit siya dahil ang kapal kapal ng mukha nitong ipagmalaki at sabihin sa kanya na pinatay nito ang anak niya para lang makuha si Trevor!

Para lang maakit ang asawa niya!

Humakbang siya paatras ngunit hindi niya pa rin inaalis ang mga titig sa kapatid. "S-sasabihin ko kay Trevor ang mga nalaman ko. Napakasama mo!"

"Sige subukan mo. Sa tingin mo ba paniniwalaan ka pa ng asawa mo?!" nang iinsultong humagikgik ito. "Oh, my bad. Malapit ka na pala niyang maging ex-wife dahil sa annulment paper. I can't wait since that day will come. The greatest downfall of my oh so lovely half-sister."

Nanalamig ang kalamnan niya, paano kung hindi nga siya paniwalaan ni Trevor? Pero kailangan pa rin nitong malaamn ang mga pinaggagawa ni Elle.

Nagmamadali siyang lumabas ng silid. Kailangan niyang makita ang asawa niya. Kailangan niyang sabihin rito ang mga nalaman niya. Hindi niya kayang intindihin kung bakait ganoon nalang ang galit sa kanya ng kapatid niya at nagawa nito a kanya ang mga bagay na iyon. Pati si Tristab dinamay pa nito. Ang sakit sakit, tinanggap niya ang lahat ng mga masasakit nasalitang binitiwan sa kanya ng kapatid niya, nagtimpi siya dahil kahit paano'y kadugo niya ito pero hindi niya akalain na magagawa nito ang lahat ng iyon para kay Trevor.

Para sa asawa niya.

Bakit ba sa dinami rami ng pwedeng mahalin ng kapatid niya bakit ang asawa niya pa?! Bakit nito kaiangang sirain ang pamilyang binuo nila ni Trevor ng magkasama?! Bakit?!

Ang dami saming tanong na bubuo sa isip niya, ang sakit sakit sa dibdib. Ang bigat bigat ng nararamdaman niya pero mas nangingibbaw iyong galit at poot niya sa sariling kadugo, sa sariling kapatid.

Hindi niya hahayaangt ma-manipula nito ang asawa niya, hindi niya hahayaang mabulag si Trevor sa kasinungalingan ng kapatid niya. Kailangan na niyang tuldokan ang kung ano mang kahibangang ginagawa ng kapatid niya. Kailangan niyang gawin iyon upang maisalba ang pagsasama nila ni Trevor.

Handa na siyang lumaban ngayon. Handa na siyang lumaban para sa mga karapatan niya. Hinding hindi niya mapapatawad ang kapatid niya sa ginawa nito sa kanya, lalong lalo na sa anak niya.

Naabutan niya si Trevor sa library nito sa mansyon. Kitang kita niya kung paanong kumunot ang noo niya ng makita siya nito. Ang bigat bigat ng dibidb niya habang pinag mamasdan ang walang emosyong mga mata ng kanyang asawa na nakatitig sa kanya. Para siyang sinasakal, para siyang pinapatay.

Mabibigat man ang kanyang mga hakbang. Sinikap niyang lumapit ng mabilis ssa kinaroroonan ng asawa.

"What are you doing here?!" His voice is covered with coldness.

Hindi niya mapigilan ang maluha lalo na sa tuwing pumapasok sa isip niya ang mga nasayang na pagkakataon para maiayos ang relasyon nilang mag asawa.

"Trev.. Trevor.." Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil panay ang paghikbi niya.

Tila wala naman pakialam ang asawa niya dahil panay lang ang paglipat nito sa pahina ng librong hawak hawak nito. "If you have nothing important to say you may leave. I don't wanna see your presence here."

"Trevor!" Asik niya. Hindi na talaga niya kaya,

"What?!" Balik sigaw nito sa kanya. "I don'y wanna see s fucking murderer! You killed our son and now you killed my.. my.. Elle's child!"

"Hanggang kailan ka ba papabulag sa galit mo sa akin Trevor? Hanggang kailan?!" Halos pumiyok na siya sa pagakakasigaw niya. "Pinapaikot lang tayo ni Elle, sinisira niya tayo dahil mahal ka niya. Bakit hindi mo makitang ginagawa niya ang lahat ng ito para iwan kita?!"

"Leave then." Mariing sagot nito.

Napaawang ang labi niya sa narinig. Hanggang ngayon ba naman. "Trevor ano ba, makinig ka namna." Hinwakan niya ang magkabilang braso nito.

Galit na tinanggal iyon ni Trevor at binato sa kanyang dibdib ang hawak hawak nitong libro. Kitang kita niya ang galit na galit na ekspresyong ng mukha nito. Alam niyang para sa kanya ang lahat ng galit na iyon.

Hindi naman siya nagpatinag, hinawakan niyang muli ang mga braso nito at pilit itong pinaharap sa kanya. "Trevor makinig ka naman sa akin, siya ang nagplano ng lahat. Siya ang dahilan kung bakit tayo nasisira ngayon dahil mahal na mahal ka niya. Sinabi niya sa akin na siya ang nag set up sa akin noong gabing nakita mo akong may kasamang iba. Inosente ako Trev, paniwalaan mo naman sana ako.. Wala akong ginawang masama." Tuloy tuloy ang pag agos ng mga luha niya. Sobrang sakit na. "Wala akong ginawang masama.. I didn't hust you.. I'M Innocent, I'm innocent, please.. paniwalaan mo naman ako." pagmamakaawa niya.

Inangat ni Trevor ang kamay nito at marahang hinaplos ang kanyang pisngi pababa sa kanyang baba.

Patuloy ang pagtangis niya. "I didn't do anything wrong.. I didn't.."

Umiling ito sa kanya at saka mabilis na ibinaba ang kamay nito. Nataranta si Ella lalo na nang pilit nitong tanggalin ang mga kamay niya sa braso nito.

"Trevor... No.. No, Trev."

Hinabol niya ang asawa ng mabilis na naglkad ito palabas sa library. Wala na siyang pakialam pa kung pinag titinginan pa siya ng mag katulong at bodyguards sa buong mansyon. Naubusan na yata siya ng pakialam sa katawan.

"Trevor! Trevor!"

Pilit niyang hinahabol ang asawa hanggang sa makarating sila sa garahe. Mabilis sa sumakay si Trevor sa mamahalin nitong sasakyan at pinaharurot iyon paalis. Hindi naman nagpatinag si Ella kahit na malakas ang ulan. Hinabol niya ang papalyaong sasakyan ng asawa niya kahit na anong pigil sa kanya ng mga guards doon ay hindi siya nagpapigil. Hinayaan niyang mabasa siya ng ulan habang hinahabol ang sasakyan ni Trevor.

Kailangan niyang maabutan ang asawa niya. Kailangan nitong maniwala sa mga sainasabi niya. Kailangan niyang isalba ang relasyon na mayroon sila.

Nakita niya sa mga mata mito kanina, noong hinaplos nito ang kanyang pisngi, nakita niya iyong dating Trevor. Iyong lalaking minahal siya ng lubusan, iyong lalaking kailanman ay hindi siya pinabayaan.

Takbo siya ng takbo kahit na hindi na niya makita ang sasakyan ng binata. Wala siyang pakialam kung sinasabayan ng malakas na ulan ang mga luhang umaagos sa kanyang mga mata. Kailangan niyang maabutan ang asawa niya. Kailangan.. bago mahuli ang lahat.

Pagod na pagod siya at tila sumusuko na ang kanyang mga binti. Hindi pwede, hindi siya pwedeng huminto pero mukhang hindi na talaga niya kinaya dahil tuloyan ng bumagsak ang kanyang hinang hinang katawan sa basang kalsada.

MABIGAT ang talukap ng kanyang mga mata ng unti unti niyang idinilat iyon. Nakaramdam si Ella ng kakaibang lamig, giniginaw siya. Ramdam na ramdam niya rin ang bigat sa pakiramdam niya, para bang tinatrangkaso siya sa sobrang bigat ng katawan niya. Gayunpaman ay pinilit niya pa ring idilat ang kanyang mga mata.

Kumurap kurap pa siya bago niya napagpasyahang umupo sa kama. Nasa loob siya ng hindi pamilyar na silid ngunit isa lang ang masasabi niya, nasa silid siya na pag aari ng isang lalaki, halatang halata naman iyon sa kulay puti at itim na combination sa silid na iyon.

Ang tanong, kaninong silid ito?

Gusto niya sanang bumangon para makaalis na dahil hindi naman pamilyar sa kanya ang lugar na ito pero hindi niya magawa dahil masama talaga ang pakiramdam niya. Natigil lang siya sa pag iisip ng kung ano-ano ng bumukas ang pinto ng silid at iniluwa niyon si Rum Costalles, iyong lalaking nakilala niya sa Club noong isang gabi.

"Whoa! You're awake Ari! How are you?!" Tanong nito at agad na lumapit sa kanya.

Umiling siya. "P-paano ako napunta rito?!"

"Nadaanan kita sa gilid ng kalsada na nakahandusay at basang basa sa ulan. Hindi mo nman sinabing trip mong matulog sa gilid ng kalsada habang umuulan."

Sinamaan niya ito ng tingin sa biro nito.

"Joke lang! Ano ba kasing ginagawa mo sa gilid ng kalsada at basang basa ka?! Trinangkaso ka tuloy,"

"Nasaan ako?!" Tanong niya at pilit na inignora ang mga tanong ng binata sa kanya.

"Nasa bahay." Kibit balikat na sagot nito. "Hindi ko kasi alam kung saan kita dapat dalhin. Hindi naman pwedeng sa ETHQ dahil magulo pa doon ngayon."

ETHQ?! Hindi niya alam kung anong lugar iyon pero hindi siya interesadong malaman iyon. Marami pang mga bagay bagay sa buhay niya na gusto niyang maayos bago intindihin ang ibang bagay.

Kailangan niyang makaalis, kailangan niyang mapuntahan si Trevor kaya kahit na nanghihina ang kanyang katawan. Pilit siyang tumayo.

"Wait, wait. Where are you going?!" nag aalalang tanong ni Rum sa kanya.

"I need to go, kailangan kong makausap ang asawa ko."

Kaagad niyang tinungo ang pinto. Alam niyang nakasunod lang sa kanya si Rum.

"Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas yan? Masama pa ang pakiramdam mo." anito.

Umiling siya. Kailangan na niyang umuwi ngayon. "Salamat Rum pero kailangan kong umalis."

Binuksan niya ang pinto, isang malakas na pag singhap ang bumungad sa kanila. Gulat na gulat ang babaeng nasa harapan nila habang nakatingin sa kanya.

"What are you doing here Rachelle?!" malamig na tanong ni Rum doon sa babae.

Nag iwas naman ito ng tingin sa binata. Siya naman ay na excuse na, kailangan na niyang umuwi at hindi na niya kailangang panoorin pa ang drama ng dalawang iyon. Nagpapasalamat naman siya kay Rum at tinulongan siya nito.

Kaagad siyang sumakay sa taxi ng makalabas siya. Wala siyang pambayad pero makikiusap na lang siya sa taxi driver na babayaran niya ito once na makarating sila sa mansyon.

Pumayag naman ito.

Tahimik lang siya hanggang sa makarating na siya sa bahay nila ng asawa niya. Sinabihan niya ang driver ng taxi na maghintay muna saglit at kukuha lang siya ng pambayad.

Pumasok na siya sa loob, habang humahakbang siya paakyat sa grand staircase doon ay ang bigat bigat ng dibdib niya. Napapahawak pa nga siya sa wedding ring nila ni Trevor.

Hindi niya alam kung bakit imbes na sa silid siya ni Tristan dumiretso ay nagtungo siya sa dating silid nila ng asawa. Kakaiba ang kabang nararamdaman niya habang pinipihit niya pabukas ang pinto.

When she finally opened it, she broke down when she saw his husband and how he kissed her sister.

Hindi makahinga si Ella, ang tanging gusto niya lang ay sumuko na, ang umalis na kaya iyon ang ginawa niya.

Tumakbo siya palabas. Tumakbo siya pabalik sa taxi na punong puno ng mga luha ang kanyang mga mata.

Ayaw na niya! Pagod na pagod na siyang masaktan.

Kung hindi siya kayang paniwalaan ni Trevor, sinusukuan na niya ito pero kahit kailan, hindi niya hahayaang maging masaya ang babaeng pumatay sa anak niya.

Sinira nila ang buhay niya kaya marapat lang na sirain din niya ang buhay ng mga ito.

Muli siyang bumalik sa malaking mansyon na tirahan daw ni Rum Costalles.

"Miss yung bayad niyo ho," paalala sa kanya ng taxi driver bago siya bumaba.

Wala siyang pambayad pero may isang bagay na wala ng halaga sa kanya ngayon na pwede niyang ipambayad.

Hinubad niya ang mamahaling wedding ring niya na bigay ni Trevor sa kanya.

"That's my payment. Keep it, sell it or throw it away. I don't give a fuck!" mariing aniya bago bumaba sa taxi.

Pagod na pagod na siya. Durog na durog na siya.

In order to protect herself and to avenge her son,

She must change.

Change is coming...

**

A/N: Nakakatuwa naman hanggang FB ang support niyo sa story ni Trevor. I love you so much torturers :*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro