Chapter Seven
Black Eternity Series
Trevor Solinoz
My Ex-Wife
~
NAKAUPO si Ella sa gitna ng kama habang nag iisip kung tama nga ba ang naging desisyon niya. Kanina nang bumalik siya rito sa poder ni Rum Costalles ay malugod siyang tinanggap ng binata. Alam niyang hindi niya ito masyadong kilala at ayaw naman niyang abalahin pa ito sa mga problema niya. Hindi siya ganong tao, kung kinakailangan na kimkimin niya lang, gagawin niya huwag lang makaabala sa iba.
But she is in a different situation, gusto niyang makaganti. Gusto niyang mawala iyong sakit na nararamdaman niya sa puso niya. Gusto niyang magbago. Gusto niyang baguhin ang sarili niya at tuloyang itapon ang Ariella Montesalvo-Solinoz na mahina at walang laban.
She won't let Tristan's killer live happy and free. Kahit doon man lang makaganti siya.
Ang sakit sakit. Buong buhay niya minahal niya ang kapatid kahit hindi naman sila buong magkapatid. Hinyaan niya lang itong tapak tapakan ang buong pagkatao niya maging ang pagiging asawa't ina niya. Nakakapagod magmahal ng isang taong hindi naman deserving, nakakapagod umintindi at higit sa lahat nakakapagod ang maging tanga at bulag sa katotohanan.
Someone told her before that be a vicious one if you want to survive in this world of full of imperfections that's the only way to protect the people you love most. But she didn't believe it, she wants peace and order that lead her here.. Broken..
Nagkamali na siyang minsan at hindi na niya hahayaang mas madurog pa siya. Mas bumaba pa siya. Gagawin niya ang lahat para sa sarili niya at para sa yumao niyang anak.
Napalingon siya sa pinto ng silid ng bumukas iyon at gaya ng inaasahan niya, iniluwa niyon si Rum Costalles.
Kaagad siyang napatayo. "Nabigay mo ba?!"
"Yes." tumango ito. "I handed it to your sister. Wala iyong asawa mo nung dumating ako."
"Ex-husband." pagtatama niya.
Yes, ex-husband dahil ang bagay na pinasuyo niya kay Rum Costalles sa mansyon ni Trevor ay ang annulment paper na pirmado na rin niya.
Wala ng silbi ang kasal nila kung namumuhay ang galit at poot ni Trevor sa puso nito. Pero hindi siya rito susuko. Ang kapatid niya ang kalaban niya at gagawin niya ang lahat para mabawi ang lahat ng inagaw nito sa kanya.
Hindi man maibabalik ang buhay ng anak niya pero sisiguradohin niyang mabubulok sa impyerno si Elle.
"Salamat Rum," ngumiti siya sa binata. "Hindi rin ako magtatagal sa poder mo, may ipon naman ako at baka bumili nalang ako ng condo para tuloyan ko. Ayokong maabala ka pa."
"Why? Ayaw mo ba rito?! Ayaw mo bang kasama ako?!" biglang tanong nito.
Natigilan siya saglit bago napailing. Alam na niya kung saan tutungo ang usapang iyon at hindi niya iyon nagugustohan.
"Hindi Rum, ayoko lang abalahin ka. You barely know me." prangkang sagot niya.
Tumingin sa kanya ang binata na puno ng pagkamangha. "You really act like my late sister. That's why magaan iyong loob ko sayo. Don't worry wala akong masamang intensyon sayo. I just see her to you."
"Oh my bad," kaagad na aniya. "I misinterpret everything."
"Sorry if I may look 'feeling close' to you. I just missed my sister." may himig ng lungkot sa boses ng binata.
Bigla tuloy siyang na-curious. "What happened to her?"
"She died a month ago and my elder brother is blaming his wife because of that. Masyadong komplikado iyong pamilya namin. Huwag mo na lang alamin." tumawa ito ng bahagya.
Tumango tango naman siya. Mukhang ayaw naman talaga pag usapan ng binata ang tungkol sa bagay na iyon kaya nirerespeto niya ang desisyon nito.
"Anyway, kung ayaw mong manatili rito, I have a condo in Makati. Hindi ko naman iyon ginagamit, you can use it o kung gusto mo sayo nalang. Ipapalipat ko na lang sa pangalan mo iyon."
Namamangha talaga siya sa sinasabi ng binata dahil kung makapagsalita itong ibibigay nito sa kanya ang condo unit nito ay parang namimigay lang ng barya.
Kaagad niya iyong tinanggihan. "No, nakakahiya sayo. Hindi naman tayo ganoong magkakilala."
"I told you, I saw my sister in your personality." maagap na anito. "Please don't stop me from helping you. I can feel your pain and your eagerness to get even to whomever. Hindi nga kita ganoong kilala pero nababasa ko ang mga nararamdaman mo sa mga mata mo pa lang."
"Fast judgement." kumento. "So, friends?!" ngumiti siya sa binata at iminuwestra ang kanyang kamay.
Maagad itong tinanggap ng binata. "Friends. So, pumapayag ka na ba na ibigay ko sayo iyong unit ko?!"
"No! Pero, hihiramin ko iyon. Aaminin ko kailangan ko ng malaking halaga ngayon para maisagawa ang mga plano ko. Hindi aabot iyong ipon ko kapag bumili pa ako ng condo or nag rent ng apartment. Kakapalan ko na iyong mukha ko," nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga. "Kailangan ko ng trabaho."
"You don't have to. You can use my money if you want. How much do you need? Fifty billion? Or I'll make it hundred instead?!"
Napanganga si Ella sa narinig. Alam niyang mayaman ang binata but hell! How fucking rich he is?!
"W-why? W-hy are you doing this?!" manghang tanong niya.
"Believe me or not I just wanted to help you. I told you, you're like my sister and infact, mabilis kang makagaanan ng loob kaya kung ano man ang kailangan mo handa kitang tulongan."
Oh! May ganito pa pala kabait na tao sa mundo ngayon at lalaki pa ha?! Kitang kita niya naman ang sinseridad sa kulay berdeng mga mata ng binata. Para saan pang tanggihan niya iyon? Alam naman niyang kailangan na kailangan niya ng tulong nito.
"AT LAST natanggal na rin iyang makapal mong helmet sa ulo at naumpog ka na sa pader. Akala ko'y hindi na mangyayari iyon Ella! Nako ha! Buti nalang talaga at iniwan mo na iyang walang kwenta mong asawa." dire-diretsong sabi sa kanya ni Erie at tila tuwang tuwa dahil isang malaking himala daw ang ginawa niya.
Nakipagkita siya ngayon sa kaibigan upang sabihin ang mga ginawa niyang hakbang at ang mga gagawin niyang hakbang. Kakalipat niya lang din kasi sa unit na sinasabi ni Rum pero hindi niya tinanggap iyong napakalaking perang ibinibigay sa kanya ng binata. Gusto niyang magsimula at uumpisahan niya iyon sa pag angat niya gamit ang kakayahan niya.
"So tell me, saan mo nakilala si Rum Costalles?!"
"Sa Club na pinupuntahan natin. Lasing na lasing ka kasi noon kaya hindi mo siya napansin. Isa pa, abala ka sa pakikipaglingkisan sa kapatid ng asawa mo."
Namula ang buong mukha nito sa sinabi niya kaya natawa naman siya ng malakas.
"Err. Huwag mo ngang ibaling sa akin ang topic. So tell me, hot ba itong si Mr. Costalles slash your knight in shining armor?!" kinikilig pa ito habang nagtatanong.
"Mahal ko si Trevor kaya huwag kang umasa na magkakaroon ng romantic relationship sa amin ni Rum. Magkaibigan lang kami dahil nakikita niya sa akin ang yumao niyang kapatid. Inaamin kong hindi ako naniniwala noong una dahil sino ba naman ang estrangherong tutulong sayo ng walang kapalit diba? But then, kailangan ko ng tulong niya. Kailangan kong pabagsakin ang kapatid ko para matahimik ang kaluluwa ng anak ko." mariing aniya.
"Isa pa yan! Tangina! Ang sarap niyang i-prito ng buhay. Sinong halang ang kaluluwang papatayin ang sariling kadugo para lang sa lalaking mahal. The nerve with this woman. Baliw na siya Ella!"
Napahawak siya ng mahigpit sa teacup sa harapan niya. Nanlalamig ang kalamnan niya sa galit sa tuwing iniisip niya ang mga ginawa ni Elle para masira ang buhay niya.
"Ella kumalma ka muna." mukhang napansin yata ng kaibigan niya ang tensyon na nararamdaman niya.
Kaagad niyang binitiwan iyong tasa at huminga ng malalim.
"Hindi ko na alam kung paano ko sisimulan ang lahat Erie. Gusto kong gumati, gusto kong bumawi, gusto kong maramdaman din ni Elle iyong hapdi at hinagpis na nararamdaman ko ngayon. Kung kinakailangan na doblehin ko pa iyong sakit gagawin ko, gagawin ko para makaganti lang." nanginginig pa ang kanyang boses sa galit habang sinasabi iyon.
Iyong sakit na nararamdaman niya ngayon, walang sino man ang makakapag salaysay niyon kundi siya lamang. Siya lang.
"Nandito ako Ella. Kami ni Mr. Costalles, tutulongan ka namin."
"Gusto kong baguhin iyong sarili ko Erie, gusto kong mawala na sa pagkatao ko ang pagiging mahina dahil pagod na pagod na akong tinatapak tapakan lang ni Elle ang buong pagkatao ko. I want a new me, I will trash my old personality and I will no longer Ella the mahina Montesalvo. I want to be called as Ari the strong one Montesalvo, uumpisahan ko ang pagbabago sa pangalang gagamitin ko." mariing aniya.
Bawat salitang binibitiwan niya pakiramdamn niya ang punong puno ng galit ang puso niya pero ayaw naman siyang kainin ng galit na iyon dahil alam niyang maaari iyong ikasira ng buhay niya. Ayaw niyang maging baliw tulad ng kapatid niya. Ang gusto niya lang ay maiganti ang pagkamatay ng anak niya.
"Right! That's the spirie Ell--I mean Ari!" Bakas ang tuwa sa boses ng kaibigan niya.
Laking pasasalamat niya lang talaga at may kaibigan siyang tulad ni Erie nadagdagan pa ni Mr. Rum Costalles. Siguro kung wala ang mga ito sa tabi niya ay hindi niya alam kung paano siya magsisimulang muli.
Napag usapan nila ni Erie ang mga babaguhin niya. Alam niyang marami siyang dapat na baguhin lalo na ngayon, hindi niya pa aalm ang magiging reaksyon niya kapag nag krus ang landas nila ng kapatid niya at ng dati niyang asawa. Kailangan niya ng mainam at epektibong plano. Kailangan dahil para rin naman sa kanya iyon.
Una, papasok siya sa isang malaking Company under Heluxus Empire, iyong Heluxus Cosmetic na pinamamahalaan ni Ms. Ayesha at Ms. Sapphire Heluxus, iyong sikat na mga babaeng businesswoman. Gagawan ng paraan ni Erie para mapabilang siya sa mga models ng naturang mga produkto. Siyempre bago ang lahat ng iyon kailangan niya munang sanayin ang sarili niya na mag ayos. Hindi na siya si Ella, ibang tao na siya kaya iba na rin dapat siya kumilos at manamit.
Pangalawa, pag iisipan niya kung paanong makakabalik sa buhay ng asawa, pero hindi para sa kapakanan niya kundi para maagaw ito sa kapatid. Ipaparamdam niya rito kung ano ang pakiramdam ng maagawan. Unti unti niyang kukunin ang lahat ng inagaw sa kanya ng kapatid. Habang nasa proseso siya niyon ay tuturuan niya rin ng leksyon ang dati niyang asawa.
It'll be a start.
A start of new her..
"Halika na El--I mean Ari, ipagsho-shopping kita ng mga bagong damit. Gusto ko yang revenge revenge na plan mo pero ayoko ng bumalik ka pa sa asawa mong bobito!" anito.
Natawa naman siya. "Erie, biktima lang din siya. Tuturuan ko naman siya ng leksyon huwag kang mag alala."
"Fine. If you say so." Nagkibit balikat ito. "Let's go?!"
Tumango siya at sabay na silang umalis sa lugar pero sabay din silang natigilan ng makita nila kung sino ang papasok sa coffee shop na iyon.
It's her evil sister,
together with her husband. No, ex-husband.
Nakalingkis ang mga braso ni Elle sa braso ni Trevor. Bakas ang tuwa sa mukha ng magaling niyang kapatid samantalang si Trevor naman ay seryoso ang mukha. Hindi niya ito mabasa tulad ng dati.
Ikinuyom niya ang kanyang kamao. Nag tiim bagang siya habang pinagmamasdan ang kapatid niya at kung gaano ito kasaya.
"Kalmahin mo ang sarili mo, hindi pa ito ang tamang oras." sabi sa kanya ni Erie sa gitna ng kanyang nagkukuyupos na galit. "Halika na, sa kabilang exit na tayo dumaan."
Hinila siya ng kaibigan niya at nagpatianod naman siya. Muli niyang sinulyapan ang dalawa.
May araw din kayo..
**
A/N: Hello awesome torturers! Dahil naka-achieve ng 100 comments ang last chapter. Here is the next one! Hooray!
LoveJaff <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro