Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fourteen

Black Eternity Series
Trevor Solinoz
My Ex-Wife

~

THE FIRST strike is done, and it isn't the last one. Marami pang mga naiisip si Ari na gawin laban sa magaling niyang kapatid. Kung tutuosin ay kulang pa ang lahat ng iyon, kulang pa sa lahat ng mga kasamaang ginawa nito sa kanya at sa pamilya niya. Kulang na kulang dahil alam niyang kahit na anong gawin niya laban sa kapatid niya ay hindi na maibabalik ang buhay ng anak niya at ng magandang relasyon nilang mag asawa.

Lahat nasira ng dahil lamang sa tukso.

If money is the root of all evil, temptation is the reason why relationships broke. Tempting someone taken is a sin that's why there is so many sinners now.

Napabuntong hininga si Ariella bago inayos ang sleeve ng suot niyang dress. Magmula ng turoan siya ni Erie na mag ayos sa sarili ay sinasanay na niya ang sarili niya. Sa ganitong paraan mas komportable siyang kalabanin si Marielle.

Sabi nga nila, sa galit nagsisimula ang lahat. Siguro ay duon na rin siya kumukuha ng lakas ng loob kaya niya nagagawa ang bagay na ginawa niya laban kay Marielle. Minsan iniisip niya kung nagiging masama ba siya, kung dahil ba sa kagustohan niyang maghiganti ay nasisira na niya ang sarili niya. Kaya minsan napapatanong na lang siya kung dapat na ba niyang pag sisihan ang mga ginagawa niya.

She immediately shook her head. Stop thinking like that Ari! Hindi iyan maganda para sayo at sa mga plano mo. Damn!

Hinawi ni Ari ang buhok niya bago niya napagpasyahang lumabas ng silid. Gugulatin niya ngayon sina Trevor at Marielle na magkasama sa dati nilang kwarto ngayong umaga. Sinadya niya talagang hindi makisiksik roon dahil may iba siyang planong gawin.

Marahan siyang humakbang palapit sa pinto ng Master's bedroom. This morning will gonna be a blast for the three of them.

Marahan niyang pinihit ang doorknob ng pinto at saka marahang tinulak iyon, she was expecting to see the two sinners naked under the sheet but she's wrong, wala si Trevor sa silid na iyon kundi si Marielle lang na prenteng nagpapahinga sa dati nilang kama.

Where the hell is Trevor?!

Inis ma umalis siya sa kwartong iyon at hinanap ang magaling niyang asawa. Don't tell her hindi nito tinabihan si Elle kagabi?! Well, there's a possibility of that but.. Damn! Sayang lang ang mga plano niya kapag hindi nakipag cooperate sa kanya si Trev.

Babalik na lang sana siya sa silid ng kanyang anak ng makita niyang bahagyang nakabukas ang pinto ng library ni Trev. May kung ano sa sarili niya at para bang may sariling isip ang kanyang mga paa kaya nilapitan niya iyon.

Palakas ng palakas ang pintig ng puso niya habang mabibigat ang kanyang mga paang humahakbang palapit doon. She stopped in front of the door, noong una ay sumilip muna siya bago niya iyon tuloyang binuksan ang pinto.

And there she found her husband, sleeping peacefully im a couch wearing only his boxers.

She sighed. Hanggang ngayon naalala niya pa rin na sa bawat sulok ng bahay na ito ay may ginawang kababalaghan ang asawa niya at ang kapatid niya. But it doesn't change the fact that she's still madly in love with her husband. Masyadong powerful ang pagmamahal niya kay Trevor para lang mawala iyon. If love isn't powerful like hers, it's not called love. It's nothing.

Dahan dahan siyang humakbang papalapit kay Trevor, titig na titig siya sa asawa. Ramdam na ramdam niya ang lakas ng kabog ng dibdib niya, she smiled bitterly. Ganito pa rin pala ang epekto ni Trevor sa kanya kahit na gaano pa siya nito sinaktan.

Umupo siya sa gilid nito. Nakatakip ang braso ng asawa sa mga mata nito, marahang tinanggal ni Ari iyon.

She slowly touched his face. "I still don't know why I don't wanna leave you Trev, after all what happened I'm still deeply in love with you." muli siyang napangiti ng mapait. "But I do hate you too, I can't trust you anymore. And.. I am willing to step aside everything to avenge Tristan's death. Para makabawi ako sa pananaksil niyo sa akin ni Marielle." kusang tumulo ang nga luha niya, "Bakit ganon Trevor?! Hindi kita masisi sa lahat ng bagay, hindi ko kayang magalit sayo ng sobra, sa halip ay mas lalo pa kitang minamahal. Naisip ko, siguro kung hindi ako naging mahina noon, siguro kung hindi ako nagpakatanga noon, hindi sana tayo umabot sa ganito. Hindi sana nasira iyong magandang pagsasama natin noon. There is no perfect love story, but I am willing to accept our imperfect love story perfectly. That's how much I love you Trevor.. But I still have doubts, natatakot akong sumugal ulit, nakaktakot dahil minsan ko nang naipatalo ang lahat. Please.." marahan niyang hinaplos ang pisngi nito. "please tell me how should I trust you again? How should I accept you again without any doubt?! How, Trevor? How?!"

There she is, crying like a teenager. Matapos ng halos ilang linggo niyang pagtitiis na huwag umiyak at sabihin ang mga saloobin niya, nagawa niya iyon ngayon kahit na tulog ang asawa niya.

Kahit sandali lang, she wants to show how broke she is, kahit sandali lang.

This is what she hate of acting like a strong one. No one is asking you if you're okay, if you're heart is still okay.

No one.

DINILAT ni Trevor ang kanyang mga mata ng maramdaman niyang lumabas na si Ariella sa library niya. Bumangon siya sa pagkakahiga at umupo sa gikid ng couch. He heard everything, he can feel how broke she is and that's all because of him. Dahil sa kanya nasira ang npakabait niyang asawa. Dahil nagpabulag siya sa galit at tukso.

Honestly, he doesn't know what to do. Inaamin niyang naduwag siya kanina kaya hindi niya hinayaang malaman ni Ariella na gising na siya. Halos maluha pa nga siya ng marinig ang nga hinaing nito ngunit pinigilan niya ang sarili.

Ariella is broke and he doesn't know how to fix what's broken. Is it possible? But damn! He wants her back, ayaw niya iyong ganito. Ayaw niyang maging ganito na lang sila at hangga't may nakikita pa siyang pag asa, mag iisip niya ng paraan para maibalik ang dati sa kanila. Pipilitin niya, kakayanin niya.

"Let me take all the pain, my love. Let me love you whole-heartily again, my Ella.." bulong niya sa hangin na para bang maririnig siya ng asawa.

Marahas na nagbuga ng hininga si Trevor upang pigilan ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata bago tumayo at kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa ibabaw ng study table niya.

He dialled his friend's number that can really help him in this situation.

"Andrius, I need your help." aniya sa kabilang linya.

Everything is going to be alright. Gagawin niya ang lahat para bumalik lang sa dati ang lahat.

KUMUNOT ang noo nila ng bumalik siya sa mansyon ni Trevor na punong puno ng bulaklak ang labas nito. Galing kasi siya kanina sa condo unit na pinahiram ni Rum Costalles sa kanya, kinuha niya ang ilang gamit niya dahil alam niyang medyo magtatagal pa siya sa bahay ni Trevor.

She wanted to burn this house because this mansion is full of sins, kung may natitira mang magandang ala-ala sa lugar na ito, iyon ay ang pag silang niya kay Tristan dito kasama ang asawa niya.

Kung hindi lang dahil doon, malamang ay pinasunog na niya ito kasama ang malandi niyang kapatid.

She sighed. Kung naging malakas lang sana siya noon, sana ay buhay pa ang anak niya ngayon. Tumaas ang kanyang mukha at muling binalingan ang nagkalat na bulaklak. Kulay puti iyon at nasa malalaking vase pa nga ang iba.

Napataas ang kilay niya, what the hell is this?!

She just shook her head and continued to walk. Hindi niya nga lang maiwasang mapaingos lalo na kapag naiisip niyang si Elle ang may gawa nito para mapansin lang ng asawa niya. That woman! Wala talaga itong balak na umalis dito. Anyway, hindi pa naman siya tapos dahil nag uumpisa pa lang naman siya.

Iyong nangyari kanina sa library ng asawa niya, iyong pag iyak niya. Huli na iyon at hindi na iyon masusundan, hinayaan na niya ang sarili niyang ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya, ngayon ay hahayaan naman niya ang sarili niyang ibuhos ang lahat ng galit sa puso niya.

Nakarating si Ariella malapit sa fountain at doon siya natigilan. Nakita niya ang isang pamilyar na bulto na nakatalikod mula sa kinatatayuan niya.

Napalunok siya, Trevor was wearing a white tuxedo. Unti unti, ay humarap ito sa kanya.

He smiled sweetly while holding a bouquet of roses. "Mrs. Solinoz.."

She almost shiver upon hearing that.

"What's this?!" kunot noong tanong niya.

Suminyes si Trevor na huwag muna siyang magsalita. "I am not a prince charming nor a king 'cause I let you broke, I cheated and I am not perfect but hell! This is not a fairytale. Mahal kita Ariella, alam kong hindi iyon sapat para makalimutan mo ang lahat ng nagawa ko pero handa akong gawin ang lahat para bumalik ka lang," he took a step closer. "I won't get tired of chasing you my love, let me take all the pain, let me gain your trust again, let me love you 'till forever ends, Ariella." he held her hands. "Let's erase all the past and start a new memories. I promise this time that I will hold you forever, I will never cheat again and I will never doubt you again. Mahal na mahal kita Ariella, I hope you'll let us try again, try to fix what's broken."

Ilang sandali siyang natulala sa sinabi ni Trevor. Napakurap kurap pa siya at tila hindi alam ang sasabihin. She wanted to accept him again with open arms but.. Doubts. She still has doubts. Natatakot siyang maulit lang uli iyong nangyari noon.

"Let me prove myself Ariella. Let me take all the pain and love you perfectly. Don't push me away 'cause honestly, I can't take it anymore." he said sincerly.

She tried not to tear up. This won't help her, anyway. Ibang tao na siya ngayon.

Binawi niya ang kanyang kamay na hawak hawak nito. Kitang kita niya ang sakit sa bumadha sa gwapo nitong mukha.

"We cannot fix what's broken, even a broken jade bangles can't fix, pamilya pa kaya?!" tinalikuran niya ang binata at marahang naglakad, she proceed on talking while walking. "I am not here to build a new memories with you Trev. I am here for my son. I am here to get rid of my sister. And building a new memories with you again is not on my list."

She didn't bother to look at him again, sa halip ay tuloyan na siyang naglakad palayo bago pa bumagsak ang mga luha niya.

**

A/N: mema lang! Hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro