Chapter Eighteen
Black Eternity Series
Trevor Solinoz
My Ex-Wife
~
IS IT THE right time for this? Makakabuti nga ba ito para sa lahat ng mga plano niya o baka muli lang siyang mapahamak dahil dito. Titig na titig siya sa pregnancy test kit na ipinasubok sa kanya ng doctor na pinuntahan nila ni Rum. Makailang ulit pa nga siyang napalunok dahil sa resulta niyon.
Its two purple lines..
She's pregnant again with Trevor's child.
Nakaramdam bigla ng takot si Ariella. Takot na baka mapahamak siya at ang batang dinadala niya dahil nasa paligid lang naman niya ang kapatid niyang si Marielle na pumatay sa anak niyang si Tristan.
Dapat ba ay nakinig nalang siya noon kay Trevor at hinayaan niya na lang sana ang asawa na ito na ang bahalang dumispatsa kay Marielle. Hindi naman niya alam na aabot sa ganito at mabubuntis siya. Hindi naman ito kasama sa mga plano niya but then, may kasalanan naman siya. Hinayaan niyang magpaangkin siyang muli sa asawa. Nagpadaig siya sa nararamdaman niya.
Napabuntong hininga na lamang siya. Naramdaman niyang tinapik ni Rum ang balikat niya.
“You should take care Ari, at hindi safe place ang tinutuluyan mo ngayon. Bumalik na lang kaya muna sa condo. Papasamahan kita sa kaibigan mong si Erie.” anito.
Ngumiti naman siya. “Thank you sa concern, Rum. I really appreciate it.”
“Anything for you Ari.” nakangiting sagot nito.
She smiled. Rum is so sweet and kind hearted. Hindi man sila ganoong magkakilala, tinuring siya nitong mabuting kaibigan at natutuwa siyang nakilala niya ang binata.
Sinamahan siya ni Rum pabalik sa condo unit nito. Siguro nga ay magandang doon na muna siya manatili. Hanggang ngayon iniisip niya pa rin kung paano niya sasabihin kay Trevor ang tungkol sa batang dinadala niya ngayon. Aasa ito sa mabilis na pagkakaayos nila, ang kaso hindi pa siya handa. Ni hindi niya na nga alam kung ano na ba ang susunod na hakbang niya laban kay Marielle gayong may bata na siyang dinadala at kailangan na niyang isa-alang alang ang kalagayan nito. Hindi ma siya maaring basta basta na lang kumilos ng kung ano ano dahil baka iyon pa ang ikapahamak nilang mag ina.
Wala sa sariling hinaplos niya ang impis niyang tiyan.
Little Tristan e?
Kusang kumawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Ngayon, sisiguradohin na niyang aalagaan niya ang batang dinadala niya at hindi niya hahayaang may mangyaring masama rito.
“Ari,”
Napalingon siya kay Rum ng tawagin siya nito. Bihis na bihis na naman ang binata at tila may importanteng lakad ito.
“I'm going to ETHQ, would you like to come with me? Hindi kasi ako mapalagay na wala kang kasama rito, mamaya pa naman ang punta ni Erie dito.”
She smiled. She knew about Rum being a torturers. Hindi naman niya hinuhusgahan ng binata dahil alam niya sa sarili niya na mabait na tao si Rum Costalles.
“Okay lang ako rito Rum. Hindi naman siguro ako maano dito, this is your property anyway.”
Tumabi ito sa kanya sa sofa, “I can't leave you here, Ari. Sumama ka na lang please.”
Hindi niya mapigilan ang mapangiti. “Fine,” pagpayag niya.
NAKARATING sila sa ETHQ. Pinabantayan siya ni Rum sa isa sa mga taohan nito hanang nasa meeting ito kasama ang iba pa nitong ka-grupo. Unang pasok niya pa lang sa lugar na ito hindi na niya mapigilan ang mamangha, this place is too beautiful to become a headquarters. Parang ginawa ito para lang sa mga Hari at Reyna. No wonder kung bakit ang mga torturers ang pinka kinatatakutang grupo sa underground society.
Sa pagliliwaliw niya sa ETHQ, nakasalubong niya iyong babaeng sinasabi ni Rum na babae ng Daddy nito. So, nandito rin pala ito. Galit si Ariella sa mg babaeng mang aagaw pero iba itong babaeng kaharap niya ngayon, para bang may hindi tama sa uri ng tingin nito sa kanya.
Minabuti niya nalang na ngumiti. “Hi.” bati niya.
Naiilang na ngumiti ito sa kanya. “H-hello. D-dinala ka ni R-rum dito?!”
“Uh-uhm.” tango niya.
“T-totoo bang b-buntis ka?” puno ng kuryosidad na tanong nito.
Hindi niya alam kung bakit bigla ay gusto niyang mapangisi. There is something wrong with this woman. Para bang interesadong interesado ito kay Rum Costalles. Siguro ay iniisip nitong may relasyon sila ni Rum.
“Yes,” nakangiting sagot niya. “I am pregnant.”
Kitang kita niya ang sakit na bumadha sa mga mata ng dalaga. She knew it. She's into Rum.
Humakbang siya papalapit rito. “Tell me, are you Rum's father's woman?!” walang abog na tanong niya.
Bigla itong namutla sa narinig. Tila ba naghahanap ng salitang isasagot nito sa kanya.
Sa hindi niya malamang dahilan bigla nalang itong nawalan ng malay dahilan para bumagsak ito sa sahig, sakto naman na kakarating lang nila Rum at ng nga kagrupo nito. Bigla siyang nataranta.
“What happened?” tanong ni Rum ng makalapit ito sa kanya. Kitang kita niya ang kakaibang pag aalala nito sa babaeng nakahandusay sa sahig. “Rowen, take her to Edzel.”
Akmang lalapitan na ito ng bunsong kapatid ni Rum na si Rowen nang magsalita si Mr. Costalles—ang Daddy nina Rum.
“Don't touch her Rowen.” he said with full of authority. “I can take care of her.”
“Hanggang dito ba naman ipapamukha mo sa amin kung gaano kahalaga sayo ang babaeng 'yan Dad? Bakit hindi mo nalang sundan si Mom sa Australia ang makipag ayos sa kanya kesa nagpapauto ka dyan sa babaeng yan.” ani Rum.
Ramdam na ramdam niya ang tension sa pagitan ng mag aama. Maging ang iba nitong mga ka-grupo ay nanahimik.
“Shut up Rum! You're the obe who brought us in this situation. Shut the fuck up and don't you fucking insult Rachelle, she's carrying my blood.” galit na sagot ni Mr. Costalles sa anak bago nito binuhat si Rachelle paalis papunta sa infirmary.
Naiwan silang tulala roon. Lalong lalo na si Rum. Rocky the eldest son of Mr. Costalles just laughed, a sarcastic laughed.
“Wow! I just can't believe that he impregnate that woman. This family is a mess.” ani Rocky Costalles.
Wala namang imik ang bunso sa magkakapatid habang kitang kita niya naman ang galit sa mga mata ni Rum.
“Sir, the FORTEZA's are here to pick up your guest.” anang lalaking lumapit kay Rum.
Mahinang napamura si Rum bago naglabas ng baril. Ganoon din ang mga kasamahan nito. Nag aalangan naman si Ariella kung susunod ba siya sa mga ito o hindi, God! Hindi pa nga sila nakakahuma sa pasabog ni Mr. Costalles tapos malalaman niyang narito sina Trevor para sundoin siya. At paanong nalaman nitong narito siya?!
“Aish!” napasabunot siya sa sariling buhok bago sumunod kina Rum.
“BRING MY WIFE back Costalles, pasasabugin ko itong headquarters niyo kapag hindi mo nilabas ang asawa ko.” Dinig niyang sigaw ni Trevor.
Napasinghap siya ng malakas. Narito nga sina Trevor kasama ang buong FORTEZA Mafia maliban nalang doon sa mukhang manyakis.
“Move. This is my territory, you fools.” sagot naman ni Rum.
“My wife is here. I'll kill you if you won't bring her to me.” Trevor said.
“This is the safest place for your wife aside from my arms.” nakangisimg sagot ni Rum.
Nagpaputok ng baril si Trevor. “Fuck off!” he hissed.
Nagsilabasan ng baril ang mga taong naroon. Pinalibutan ng mga taohan ng torturers ang grupo nina Trevor, walang takot iyong hinarap nina Trevor at ng mga kasamahan nito.
“I just want my wife back. Just give her to me and we'll be out of this shitty place! She is mine Costalles, mine alone.”
“Once yours but you didn't treasure her.” mapang uyam na sagot ni Rum.
Oh please stop! Nanginginig n siya sa takot. Hindo niya kayang nakikitang nagkakaganito sila ng dahil sa kanya.
She's about to leave and give herself some space when she heard Trevor's voice again.
“Ariella! Ariella I know you're there.” sigaw nito. “Please, please come home. I miss you so much. You know that whatever happens I will never leave you again Ariella. Please, isang araw ka lang nawala pero pakiramdam ko mamamatay ang puso ko. Nag aalala ako sayo, hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ka sumama dyan kay Rum Costalles but please,” bigla nalang itong lumuhod na ikinabigla ng lahat. “I'm begging you Ariella, I can't leave without you. Please.. Give me another chance, hindi hindi na kita pababayaan. Just.. Just comeback.”
Natutop niya ang kanyang bibig upang pigilan ang paghikbi. Oh, God! She can see how desperate Trevor is.
“Geez! I hate dramas!” sabi noong babaeng mukhang elegante. “Where is Hauxford? How dare all of you to barge in here! This is our territory and your fucking comrade kidnapped my sister! Where the hell is he?!” asik nito.
“I am not here to discuss that, I am here for my wife, Miss Fame.” sagot naman ni Trevor.
“Geez! Cheesiness is so fucking disgusting. I'm out of it.” binalingan nito si Rum. “You idiot! You have nothing to do with her just bring her back! Fuck!” binatukan pa nito ng malakas si Rum.
“Fuck Aiszel!” Rum hissed.
“Queen.” pagtatama noong babae.
Muli niyang binalingan ang asawa. Nakaluhod pa rin ito, may sinabi pa iyong babaeng nag ngangalang Aiszel ngunit hindi na niya iyon inintindi pa, dahan dahan siyang lumabas sa pinagtataguan niya.
“Ari.. You don't need to do this. Your safer with me.” sabi pa ni Rum sa kanya.
Tinutukan ito ng baril ni Aiszel. “I told you to shut up Rum and let them be.”
Napalunok siya at hinawakan ang mga kamay ng binata. “Thank you for everything. I'll value everything you've done to me Rum. You're not only a friend, you're a brother indeed. I really appreciate your help but maybe this is the right time for me to fix everything.” ngumiti siya sa binata. “In my own feet. Thank you so much Rum.”
“Ari..”
Binitiwan niya ang kamay nito bago marahang humakbang papalapit kay Trevor. Nahirapan pa siya dahil sa hagdan pababa rito.
Lumapit siya sa asawa at tinulungan niya itong tumayo.
Pinunasan nito ang luha sa mga mata nito. “Ariella.. Give me a chance, I promise not to hurt you again, I promise to protect you from your sister. I promise that I'll love you 'till eternity.”
“You don't need to promise anything Trevor,” napahikbi siya. “This is enough, I want my pain to be gone for real and only you can do that.”
Hinawakan niya ang mukha ng asawa at dahan dahang dinampian ito ng halik sa labi, wala siyang pakialam kung gagawa man sila ng eksena sa lugar na ito. She just can't take it anymore.
“I am willing to start over again, Trevor. I am willing to build a new memories with you again.” nakangiting aniya.
NEW MEMORIES? Not if she'll kill you first. Marielle will never let you happy Ariella Montesalvo. Sa kanya lang si Trevor at kung ang kamatayan mo ang magiging dahilan para mapasakanya na ng tuloyan ang lalaking mahal niya, gagawin niya iyon ng walang kahirap hirap.
So be ready Ariella, Marielle is not yet done with you.
**
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro