Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15


I wanted to be alone and I'm thankful that they granted me that.

Pagod akong sumandal sa dingding habang iniisip ang mga nangyari. I'm scared and worried that after all the years we've spent running ay bumalik nanaman kami sa dati. Ayaw ko ng mangyari 'yon, ayaw na ayaw ko na, dahil pagod na pagod na ako.

Pero anong gagawin ko? Ngayong nandito nanaman siya.

Gusto ko siyang isumbong sa pulis! Gustong-gusto ko! Pero alam kong malulusutan nanaman niya 'yon ulit, katulad ng dati.

I was awake the whole night and when the sun rose from the horizon ay agad kong pinuntahan si Shin dahil nag-aalala ako. I tried to act normal, I hid my bruises using a long-sleeve turtleneck top and pants. Kinapalan ko rin ang blush on ko para hindi niya mapansin ang namumula kong pisngi dahil sa sampal.

Habang naglalakad ako ay palingon-lingon ako sa paligid at hindi ko rin maiwasan ang panginginig ng binti ko kung kaya't mabagal ang lakad ko.

I feel anxious, pakiramdam ko ay nakatingin sa akin ang mga tao sa paligid at binabantayan ang kilos ko. Tumigil ako at huminga ng malalim, sinubukang pakalmahin muna ang sarili bago magpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating ako sa tapat ng unit niya ay huminga muna ako ng malalim bago 'yon binuksan. Hindi ko naman inaasahan ang sasalubong sa akin.

It was a mess, the sala was a huge mess.

Anong nangyari? Bigla akong kinabahan at nabitawan ko ang mga dalang paperbag.

"Shin!"

I panicked at agad na binuksan ang kwarto niya pero wala naman siya doon. Halos hindi na ako makahinga dahil sa mga posibilidad na nasa isip ko.

Did he find him? Sinaktan niya rin ba si Shin? Dahil kung oo ay mukhang makakapatay na ako ng demonyo.

I searched every corner of his apartment and I sighed when I saw him inside the CR lying on the floor.

"Shin! Shin!" I shouted and shook his shoulders.

Ano bang nangyari sa kanya? Bakit siya nasa CR at walang malay?

I checked his pulse and I sighed in relief no'ng maramdaman din 'yon.

"Shin! Gising!" Mahina kong tinapik ang pisngi pero wala pa rin.

Fuck, what's happening?

Bigla naman sumagi sa isip ko ang isang posibilidad and I think I was right with that.

He's drunk. At nakumpirma ko rin 'yon no'ng makita ang ilang can ng beer na nakakalat sa sala.

Nanghihina akong lumuhod sa paanan ng kama niya no'ng mailipat ko na siya roon. I couldn't prevent myself from crying so hard anymore.

Everything is a mess...my feelings, si Shin, and then my devil father is back.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, gulong-gulo na ako at pagod na pagod. But then...there's Shin. I still have one reason left to fight.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa noo.

He's my only family left and I still feel responsible for everything that happened to him in the past, so I'll protect him no matter what.

Kung mayroon mang isang tao sa mundo na alam kong hindi ako huhusgahan at maiintindihan ako ng buong-buong, alam ko siya 'yon. Dahil halos pareho kami ng pinagdaanan sa kamay ng iisang tao.

But then...what I should do now is distance myself to him again. Because that's one of the ways I could protect him.

The reason why I am living separately from him is to protect him dahil alam ko na anytime ay pwede akong balikan ng demonyo kong ama at kapag kasama ko si Shin, alam kong siya nanaman ang sasaktan niya. But I never told Shin about that, because I don't want to make him worry anymore, he already been through a lot at ayaw ko ng makita pa siyang nahihirapan dahil sa akin.

And now, there's no way in hell I would let him know about what happened to me. It's better to keep things a secret.

Lumabas na ako sa unit niya, ngunit bago umalis ay tinapangan ko na ang loob ko at nagtanong sa mga taong nasa kabilang unit.

"Aba eh, no'ng nakaraan, may umiiyak na babaeng dumaan dito. 'Yong laging pumupunta d'yan sa unit ng kaibigan mo." Ani ng matandang kakilala ko.

Tumango ako. "Gano'n po ba? Sige po, salamat."

Napaupo ako sa hagdan pagkaalis ng matanda.

There's no fucking doubt na si Erika 'yon. But why? What happened? Kahit naman ayaw ko sa kanya ay kahit papaano nagtiwala ako...na kahit hindi paghabang-buhay ay hindi naman ganito kabilis matatapos ang lahat.

Kahit mahirap ay pumasok ako sa school pagkatapos no'n. I wore a hoodie kahit ang init init ng panahon because I need to hide my bruises.

I could sense Priam's stares while we were in the class and it's so awkward.

"Bet mo yata magmake-up ngayon ah? Pak na pak. Lagi ka lang natural look pero bagay din pala sa'yo 'yong makapal na make-up, feeling ko nga pwede kang magmodel." Pansin ni Fina.

Tumango lang ako at itinuon ang pansin sa klase.

Pagkadismiss ay agad akong tumayo at lumabas para iwasan siya at ang mga tingin pero mas nauna siyang lumabas sa akin.

I thought he's going to say something pero wala, instead, he leaned closer to me and fixed the collar of the hoodie I am wearing, at doon ko lang napagtanto na kita na pala ang pasa ko sa leeg.

He gave me a concerned smile before walking away.

Bumalik ako kay Shin pagkatapos ng klase dahil hindi ako mapakali, kahit papaano ay gusto kong malaman kung ano ang nangyayari...kahit konting detalye lang, because I want to help.

Kung maaayos pa ay susubukan kong tulungan silang ayusin ang problema nila, but then I found out...that it was my cousin who pushed her away.

Lumipas na ang ilang araw pero gano'n pa rin siya, and it was really bothering me.

I know she's precious for him, pero siguro nga katulad ko ay iniisip din niyang hindi niya deserve si Erika.

Indeed, Shin and I were so fucking alike in many ways. But then...I think he deserves her. And so, I decided to push through with my plan.

"Ed, may number ka ba ni Alas?" Nagmamadali kong tanong sa tawag. Because I remembered na same school sila ni Erika, I think it was Ed who told me before na sa CEU rin nag-aaral si Alas.

Good thing he immediately gave me the number kahit na ilang pang-aasar ang lumabas sa bibig niya. I decided not to mind that dahil may mas importante pa akong bagay na dapat atupagin.

Where are you? Can we meet? Si Nisha to.

I sighed after sending that message. Nahihiya pa akong harapin siya dahil sa nangyari no'ng gabing 'yon pero wala na akong choice, dahil siya lang ang alam kong makakatulong sa akin.

Nag-aalala ang kanyang mga mata no'ng dumating siya sa restaurant na sinabi ko. He even eyed me from head to foot. I know he's looking for something pero hindi 'yon ang dapat na pag-usapan namin. Not the bruises I hid under the clothes I'm wearing na ilang araw na pero hindi pa rin nawawala.

I sighed, today is all about Shin and Erika.

"I'm okay. I'm sorry for what happened last night and thank you for helping me. Pero...hindi 'yon ang sadya ko sayo." I looked away dahil hindi ako sanay na humingi ng pabor sa iba but I should do this.

He sighed. It's obvious na marami siyang tanong at gustong sabihin but I was glad that he decided to set those things aside.

"Okay, what is it?"

I told him about the person I'm looking for at nabuhayan naman ako ng loob no'ng sabihin niyang kaibigan niya 'yon.

"I only know about her morning sched, pero susubukan kong alamin mamaya."

I became hopeful after talking to him and when he said na pwede ko ng puntahan si Erika ay agad na akong pumunta roon. Gaya ng napagkasunduan namin, he didn't tell her about it.

She looked like a mess, too. And as I talked to her, I realized that maybe I was wrong with my assumptions about her, especially when I saw how fast she ran after hearing about Shin. She's so determined and I could see that she genuinely cares for him.

Sumandal ako sa pintuan ng unit ni Shin habang nag-uusap sila sa loob. Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila pero sapat na para maintindihan ko ang nangyayari.

They both love each other.

A tear fell from my eye at agad ko ring pinunasan 'yon. I stared at the setting rays of sun na ngayo'y natatakpan na ng mga nagtataasang gusali.

For the first time this week, something good happened.

I am happy for Shin at sana ay magtuloy-tuloy na ang pagdating ng mabubuting bagay sa kanya. Deserve niya 'yon.

Nagdesisyon akong umalis na no'ng mapagtanto na kailangan nila ng oras para sa isa't isa.

Umupo ako sa paanan ng kama pagdating ko sa bahay. My breathing started to get heavy again and my body trembled. For the past few days ay palaging gano'n ang nangyayari sa akin, and it would take me a lot of time to calm myself down.

Inangat ko ang unan sa kama at kinuha doon ang balisong na dala-dala ko simula pa no'ng umalis kami ng probinsya.

Ilang taon ko na 'yong hindi nagagalaw, pero no'ng mga nakaraang araw ay hindi ako makatulog na hindi hawak 'yon. Because it's only when I am holding it that I feel safe.

I'm scared...na magigising akong nand'yan nanaman siya sa harapan ko.

Takot ako, takot na takot. Dahil bumabalik sa akin ang lahat.

Bumabalik sa akin ang mga alaalang pilit kong kinakalimutan at tinatakasan. I could remember my mom's death again, our sufferings, those days that I'm crying habang pinapanuod ang taong mahalaga sa akin na pinapahirapan at wala akong magawa, all the things I did na hindi ko naman ginustong gawin...everything.

"Mama..." yumuko ako at hinawakan ang dibdib ko dahil ang bigat bigat na.

My mom used to tell me that crying is not a sign of weakness pero simula no'ng mawala siya ay ayaw ko na 'yong paniwalaan, because I feel so weak when I'm crying. Pero wala rin naman palang pinagkaiba talaga, umiyak man o hindi, mahina pa rin ako.

"Miss na miss na kita, Mama..."

I cried for hours until I felt that my tears had dried already.

Then, I began thinking about the few happy memories I've retained in my mind when mom's still alive. Ang 7th birthday ko, no'ng ipinasyal niya ako, no'ng dumating si Shin sa amin, 'yong mga words of wisdom ni mama, 'yong mga panahong sinasabi ko sa kanya na gusto kong maging flight attendant kapag lumaki, 'yong pagtitiwala niya sa akin na kaya kong marating mga pangarap ko, at 'yong huling ngiti niya at salita sa akin bago siya mawala.

"Mag-iingat ka, galingan mo sa exam ha? Mahal na mahal kita, hindi 'yan magbabago kahit na anong mangyari. At magpakatatag ka lagi, huwag kang papadaig sa mapaglarong tadhana."

I reached for her picture beside my bed and hugged it.

"Mama...pagod na ako..."

Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko hanggang sa makatulog ako habang hawak ang kuwadro at kutsilyo.

Katulad ng mga nakaraang araw ay pumasok ako kinabukasan, at gaya ng ginagawa ko no'ng mga nakalipas na araw ay makapal na make-up ulit ang inapply ko sa mukha ko at nagsuot ng hoodie dahil baka mapansin nila ang mga pasa sa braso ko.

Pagkarating ko sa classroom ay agad kong napansin na may kakaiba. I'm sure something is wrong with the way they looked at me.

Umupo ako at pinilit na pakalmahin ang sarili dahil baka nagiging paranoid nanaman ako, pero hindi... I know that I am right this time. Na may mali sa paraan ng pagtingin nila sa akin.

Even Fina was looking at me like that...like they're judging me for something.

Hindi ko alam ang nangyayari kaya nagdesisyon akong huwag nalang pansinin 'yon hanggang sa matapos ang klase.

"Grabe, ano kayang ginawa niya? Nilandi niya?"

I heard Fina, together with Marian's friends whispering at the back habang nag-aayos ako ng gamit. I looked around at napansin kong wala si Marian, maybe she went out or something.

"Sabagay, mukhang expert naman siya sa bagay na 'yon!"

"Well. Someone even said that they saw her having sex in public. Kadiri, diba?"

"Yeah, and there were also rumors na may sugar daddy siya na nagpapaaral sa kanya."

"Gosh, kawawa talaga si Marian. Lagi nga namang daig ng malandi ang matino."

I furrowed my brows because of the mention of Marian's name. I don't know what's happening at bakit kasama si Marian doon.

"See? She's not even ashamed. Kapal."

"Sanay na kasi siguro sa ganyan. Landi eh, alam mo na."

"Eww, maganda nga kaso basura."

Tila sinadya nilang lakasan 'yon para marinig ng lahat na nasa loob ng silid. Nanginig naman ang binti ko nang pumasok sa isip ko ang isang posibilidad.

Kaya ba gano'n nila ako tingnan? Kasi iniisip nilang...

"Can you please stop? You got it all wrong!" wika ng isang pamilyar na boses.

I was about to stand when I saw Priam in front of me with his sorry eyes.

I know he would fucking defend me pero hindi na niya kailangang gawin 'yon dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit may ganoong opinyon ang iba tungkol sa akin.

I stared at him and shook my head. This is why I don't want to associate myself with him, kasi alam kong mangyayari 'to.

He's a good person and if he really like me, ay masasabi ko na hindi talaga ako makakabuti sa kanya. I would just taint his name.

"Lumayo ka sa akin," walang emosyon kong sabi at tumuloy na sa pagtayo.

I'm sure they're all looking at us now, and judging me. Wala akong sugar daddy at alam kong wala akong nilandi. Pero may parte rin sa utak ko na hindi ko sila masisi. Dahil tama naman sila sa iilang bagay na sinabi nila.

And I hate myself for being like that.

Kakalabas ko palang ng silid no'ng hinawakan ni Priam ang braso ko at iniharap niya ako sa kanya.

"Sorry. Pangako, aayusin ko." His eyes glistened again and his hold tightened, tila ayaw akong pakawalan.

"I'm really sorry..." he added with a faint voice as he stared at me, and then he shook his head and let go of me.

I used that as an opportunity to tell him what I was thinking earlier. Kanina I was hesitating, pero ngayon ay buo na ang loob ko, because I just received the biggest sign.

"You should stop liking me." I managed to say it with a straight face.

Mula sa pwesto niya ay kitang-kita ko ang pagbagsak ng balikat niya. And again, I used that as an opportunity to strike.

"There's no chance that I would like you back, so stop now."

I managed to say it again, even if it's against my heart.

Priam looked away and gave me a sad smile. I thought he's not gonna say anything anymore after a few seconds of silence but he spoke again.

"Sorry...for causing trouble for you. Pangako, aayusin ko." He took a step backwards and gave me a smile again before turning his back.

Napahawak ako sa dibdib ko habang naglalakad palabas ng Arts Building. I didn't know that it would hurt so bad. The pain was different and it's making me fucking weak, pakiramdam ko ay paulit-ulit na kinukurot ang puso ko sa tuwing naiisip ko ang mga sinabi ko.

Dahil ang totoo, pakiramdam ko ay hindi imposibleng hindi ko siya magustuhan.

And maybe...kung may normal lang akong buhay...I would never think of rejecting him.

Because I would definitely like him, too.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro