Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

***

Bukang Liwayway Foundation Inc.
Martes, Oktubre 2, 2001

Maalinsangan ang panahon at ilang mga bata ang walang humpay na tumatakbo sa malawak na hardin ng bahay ampunan. Halo-halong saya at iritan ang maririnig sa paligid. Maging sa pribadong opisina ay maririnig ang mumunting tilian ng mga naglalaro ng taguan at tumbang preso. Hindi rin nakatakas ang tunog ng mga dumaraan na mga dyip at traysikel, kasama na ang paghuni ng mga ibon sa 'di kalayuan.

At mula sa loob ng isang opisina na damang-dama ang lamig mula sa aircon ay tahimik na nakamasid si Tayla sa labas. May ngiti sa kaniyang maamong mukha habang nakatanaw sa mga bata.

Kahit na nasa ampunan ang mga bata, nakapagsasaya pa rin sila nang magkakasama lalo na sa mga panahon ng pangungulila at kalungkutan.

Naupo si Tayla nang maayos at marahang hinaplos ang kaniyang dilaw na bestida na may mga tupi-tupi sa laylayan. Bumalik ang tingin niya sa mga bata sa labas at muling binalot ng kaba ang dibdib.

Naramdaman ni Tayla ang kamay ng kabiyak na hinawakan ang kaniyang kamay na nakapatong sa kaniyang sariling hita. Nakaupo sa kaniyang tabi si Graham at paglingon niya sa asawa ay nakangiti rin ito sa kaniyang direksiyon.

"Graham," malambing niyang tawag sa mister.

"Are you excited, Tay?" malambing na sagot ng banyagang lalaki.

Tumango-tango ang Australiana sa kaniyang asawa at pinisil ang kamay nito. Napakagat pa siya sa ibabang labi bago sumagot, "Yes, Graham. I'm ecstatic. I feel restless!"

Hindi na nawala ang abot-tainga na ngiti ni Graham. Halos maningkit ang kaniyang mga mata dahil na rin sa kaparehong kasabikang nararamdaman gaya ni Tayla. Pareho nilang hinintay ang araw na iyon.

"It won't be long now, darl. It won't be long."

"Yes, you're right," nakangiting usal ng ginang.

Huminga nang malalim si Tayla at muling nilingon ang mga bata sa labas. Halos mapatalon siya nang makita ang isang batang babae na nadapa at agad na tinulungan ng ibang kalaro nito. Umiiyak ang bata, at kahit mahina ay naririnig sa opisinang kinaroroonan nila.

Ilang saglit pa ay nagmamadaling lumapit ang isa sa tagapangalaga ng ampunan sa bata. Inalalayan niya ang batang babae na makatayo, pinagpagan ang damit, at saka sinuri kung may sugat o galos. Gaya ng tagapangalaga, nakahinga rin nang maluwag si Tayla nang makitang maayos lamang ang bata. The kid was already flashing a toothy grin at everyone.

'Kids can be very clumsy,' natatawa niyang isip habang pinagmamasdan pa rin ang mga musmos sa hardin. May ilang lumapit sa kumpulan bago muling nagpatuloy ang paglalaro nila. Aakalaing walang nangyari doon.

Bumukas ang pinto at muling bumalik ang mga mata ni Tayla sa opisina. Marahan niyang pinisil ang kamay ni Graham na nakatingin na rin sa paparating na opisyal ng ampunan. Tumayo silang dalawa at nasasabik na sa balitang bitbit ng ginang para sa kanila.

"Thank you for your patience, Mr. and Mrs. Smith," pagbati ni Mrs. Susan Marie Yosep, ang founder ng Bukang Liwayway Foundation, Inc. She looked like she was in her early thirties.

"It's okay, Ma'am. I'm sure we were also very early today," natatawang ani Tayla. Her cheeks turned a little crimson.

Napangiti si Susan nang lumapit sa mag-asawa. Batid niya ang kasabikan ng mag-asawa, partikular na sa ginang. She knew their story—of wanting to build their family and trying for so long—and today, she was part of making it possible for them.

"Well, I won't make it any longer then. Congratulations, Mr. and Mrs. Smith!" anunsiyo ng ginang.

Nagkatinginan ang dalawang banyaga at gumuhit ang malapad na ngiti sa kanilang mga labi. Matutupad na ang matagal na nilang pinapangarap na mabuo—isang pamilya na matatawag nilang kanila.

Sunod na pumasok ang assistant ni Susan na karga-karga ang isang sanggol na nakasuot ng puting onesie at may pink na bonnet at mittens. Maluha-luhang lumapit sina Tayla at Graham sa mga dumating.

Namumula-mula ang pisngi ng bata at mahaba ang pilikmata. Manipis din ang mala-rosas na labi nito. Nakabalot ang sanggol sa isang puting tela at malalim ang tulog.

"Here you go, Mrs. Smith," anang assistant nang maingat na ibinigay ang hawak na sanggol sa ginang. Mangiyak-ngiyak na tinanggap ni Tayla ang bata. She was so tiny and so precious in her arms. She was an angel.

"Hi, baby," malambing na tawag ni Tayla sa hawak na sanggol.

Hindi na napigilan pa ni Tayla ang pagtulo ng luha. She had her dream on her arms, and she could not wish for more. Karga karga na niya ang pangarap at matagal na pinananalangin sa buhay.

"Hi, sweetie," bati ni Graham at hinahawakan ang munting kamay ng batang nakabalot sa pink mittens.

Agad kumapit ang bata sa kaniyang hintuturo. Kumunot pa ang noo ng bata na agad ding naglaho. Napangiti ang mag-asawa at hindi na napansing nakamasid si Susan sa kanila at nakuhanan na sila ng una nilang litrato na magkakasama. "She's very beautiful," bulong ni Tayla.

Inayos ni Tayla ang nagulong tela nang bahagya itong gumalaw. Her pinkish lips pursed while her eyes remained close. Napatingin si Tayla nang maramdaman ang kamay ni Graham na dumapo sa kaniyang likod at marahang tinapik-tapik ito.

"She is, indeed. From today onwards, she's Katherine Jesse Smith, our daughter," ani Graham.

Lalong naiyak si Tayla habang yakap-yakap ang munting anghel sa kaniyang bisig. Matapos ang ilang taon nilang paghahanap at paghihintay sa proseso, may anak na sila ni Graham. Sulit na sulit ang pagbibiyahe nila nang ilang libong milya upang makilala at tanggapin sa buhay nila ang munting anghel.

"Mr. Smith," pagtawag ni Susan sa ginoo habang sobrang emosyonal pa rin si Tayla na karga pa ang sanggol. "Yes, Mrs. Yosep?"

"There is something from"—Napahinto si Susan bago nagpatuloy sa pagsasalita—"Katherine's biological mother and I will leave it to your discretion if you give it to her when the time comes."

"What is it?" biglang singit ni Tayla sa kanilang dalawa. Nagtungo si Susan sa kaniyang mesa at kinuha ang isang puting envelope. Muli siyang lumapit sa kinatatayuan nina Graham at inabot ang envelope. Nagpapalit-palit ang tingin ni Graham sa liham at kay Susan. Nagdadalawang-isip na tinanggap iyon ng lalaki.

"What's inside?"

Umiling si Susan bago sumagot, "I'm afraid I have no idea about the contents of her letter. As I have previously said, we will leave it to your discretion when and how you will give this letter to Katherine. She may or may not ask about where she came from, but just like any kids taken in by foreigners, the question about why they're different and where they came from may arise. We will leave this to your care."

Napatitig si Graham sa liham. Walang kahit ano na nakasulat sa harap o likod nito. Lumapit si Tayla at tinapik ang braso ng asawa. Napatingin si Graham sa kaniyang misis.

The middle-aged man saw how his wife's eyes twinkled with genuine care and happiness. Tayla had always cared for people since the very beginning, and he loved that about her. Napakabuti at napakamaaalalahanin ng kaniyang misis at hindi na nito kailangan pang sabihin kung ano ang tumatakbo sa isipan nito dahil kitang-kita niya iyon sa ningning ng mga mata ng asawa.

Napaisip din si Graham tungkol doon kahit na nabanggit na iyon noong unang beses silang kinausap. Ngunit kailanman ay hindi nila nakilala ang batang kanilang aampunin o kahit ang ina nito. The foundation kept it confidential . . . but they assumed that the biological xparent did not want to have anything to do with the child.

Ngunit alam din nila ni Tayla na darating ang araw na magtatanong si Katherine tungkol sa pagkatao nito. At kapag dumating ang araw na iyon, wala silang ibang gagawin kundi ang sabihin ang buong katotohanan.

And maybe, that letter would make the explanation easier. "We understand," sagot ni Graham nang muling harapin si Susan, "We will give this to Katherine when the right time comes." Itinupi ni Graham ang liham at inilagay sa kanilang dalang bag. "Thank you, Mrs. Yosep."

"No, thank you to both of you. I am grateful that a lovely baby will have her own family from now on. I'm sure that Katherine will grow up in a home filled with love from you and Mrs. Smith."

"That's for sure," ani Graham.

Nilingon ni Graham si Tayla at bumaba muli ang tingin sa sanggol. Nag-angat ng tingin si Tayla at ginawaran siyang muli ng isang malawak na ngiti, kapuwa nasasabik na makauwi na sa kanilang tahanan.

"Let's go?" tanong ni Tayla at tumango si Graham."

Muling sinilip ni Tayla ang sanggol at hinalikan ang noo nito at saka nagsalita, "Let's go home now, Katherine."

The baby cooed as if she understood what Graham said as she welcomed the new dawn with her new family.

***

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro