Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5: Ang Pamimili

Thank you, Grasya1799, for watching our livestream on Kumu!

***

"AY gay'on? Ay sige, ako'y babalitaan mo nang masabi ko rine sa bata. Kaawa-awa naman at kung ano-ano ang nangyari bago makarating dine sa amin," ani Marites sa telepono.

Tahimik na nakikinig si Katherine sa ginang kahit na hindi niya naiintindihan ang Tagalog. Iniisip niya na baka may salitang tumatak sa kaniyang isipan at mai-search niya sa internet kapag may phone na siya.

Sa ngayon, aasa na muna siyang may impormasyong makapagtuturo kung nasaan ang kaniyang totoong ina. Parang namamasa ang kaniyang mga kamay na magkasalikop habang hinihintay ang balita mula sa matanda. Matinding kaba rin ang bumabalot sa kaniyang sistema, umaasang magandang balita ang kaniyang sasalubungin.

"O, sige, sige. Salamat, Tasio," pagpapaalam ni Marites nang maibaba ang telepono.

"Katreng."

"Yes, Inay?" ani Katherine nang lumapit ang ginang. Kahit papaano ay hindi na niya nalilimutang tawaging 'Inay' si Marites gaya ng sabi nito.

"Tasio, the old barangay captain, said he doesn't know anyone named Pia Cantos," saad ni Marites.

Parang nanlamig ang sistema ni Katherine sa narinig. Pilit prinoseso nang ilang ulit.

"I-is that so?"

Nanlumo si Katherine sa narinig. Mukhang hindi niya pa rin malalaman kung nasa tamang lugar siya at kung saan makikita ang kaniyang ina.

"Yes, but don't worry. He said he will check with his prends about your mother. Maybe they know her."

"Thank you."

Nais ni Katherine na panghawakan ang munting pag-asang makikilala niya ang ina. Umaasa siyang makukuha ang kasagutan na siyang kokompleto sa kaniyang buong pagkatao.

May takot man sa dibdib kung makikilala niya o kung makikilala siya ng kaniyang totoong ina, may bahagi sa kaniyang nasasabik. Maybe meeting her biological mother would make her feel complete. Maybe that could erase the void she has always felt.

"Ah, Katreng."

"Yes, Inay?"

"Later, you're going with Crisostomo, 'no?"

Tumango ang dalaga. "Yes, he said after work. I'm sorry for all the trouble. I . . . I can probably go there alone?"

"What?" di-makapaniwalang tanong ni Marites.

"Um . . . you can tell me which transportation I need to get on, and I should make it there in one piece."

"Oh, no, no! I don't want you to be a victim of the bad people!" anas ng matanda. "My son can take you there. He borrowed Mimi's car, so don't worry."

Nabigla si Katherine sa narinig. "W-what? Oh, my gosh! I feel bad!"

Tanda niyang nag-commute lang din si Crisostomo kaya sila nagkakilala, ngunit para abalahin niya pa ang magkapatid ay hindi niya gusto. Masyado na niyang naabala ang mag-anak nina Marites.

"Don't worry! Mimi is with her boyfriend, and she likes it better because Crisostomo puts gas in her car for free."

"Gas? You mean petrol?"

"Yes, gas, petrol, same thing," sagot ni Marites at napatango na lamang si Katherine. Marami-raming salita rin siyang dapat matandaan habang nasa Pilipinas siya.

"Crisostomo is a very safe driver, so you are in good hands," saad ni Marites.

Napangiti si Katherine. Pulos mabubuting bagay lamang ang nararanasan niya magmula noong patuluyin siya nina Crisostomo sa kanilang bahay. She has received nothing but pure goodness—magmula sa pagpapatuloy sa kaniya hanggang sa pagkain, at maging pagtulong sa paghahanap sa kaniyang ina.

"Thank you, Inay . . . very much."

"You are welcome, Katreng. My son is a good boy, so I know he will take care of you!" dagdag pa nito.

Lalong napangiti si Katherine. Sa ibang makaririnig, parang nirereto ni Marites ang bunsong anak nito sa dalaga. But for Katherine, it wasn't her purpose of coming to the Philippines. It was not even on her list to begin with.

Sakto namang dating ni Crisostomo na nakakunot ang noo sa ina at dalaga. "Tawag n'yo ho ako, 'Nay?"

"Aba, ay nariyan ka na pala."

"Oho, Inay," anito sabay mano kay Marites. "Tapos kung ano-ano pa ang sinasabi n'yo tungkol sa akin?"

"Ala e, hindi. Nagkukuwentuhan lang kami rine ni Katreng." Napakamot ng ulo si Crisostomo. Pakiwari niya ay tinawag talaga siya ng ina. Dahil malakas ang boses ng kaniyang ina ay dinig na dinig niya sa labas lalo pa't bukas ang pinto sa labas. "Ang inay ga naman."

"Ala, ay kayo ay lumuwas na para kayo ay hindi gabihin sa biyahe!" utos ng matanda.

"Are namang, Inay. Hindi man lang ako pinapagbihis. Antay naman."

"Aba, ay para kayo'y makauwi nang maaga."

"Inay, hindi pa ho kami naalis ay pauwi na agad ang nasa isip?"

"Ay, siyempre! 'Pag gar'ne na may bisita tayo—" Naputol ang kanilang pag-uusap nang tumikhim si Katherine at sabay pang napatingin sa dalaga. Maayos ang pagkakaupo ni Katherine sa tapat ng mag-ina at mukhang taimtim na nakikinig kahit hindi naiintindihan ang nangyayari.

"Hi, Kath," bati ni Crisostomo.

"Hey."

"Aba, may nagbibinata," mahinang usal ni Marites at napailing si Crisostomo. Ngayon lang ulit siyang inasar ng kaniyang ina sa iba. Marahil ay dahil hindi sila naiintindihan ng dalaga kaya kampante siya sa pang-aasar sa kaniya.

Hind na niya pinatulan pa ang pagbibiro ni Marites at lumapit kay Katherine.

"Kath," pagtawag muli ni Crisostomo.

"Yes?"

"Ano—get dressed so we can go to SM now."

Nangunot ang noo ni Katherine. Kadarating pa lamang ni Crisostomo sa bahay at aalis na sila agad?

"Now?"

"Yes. It's not too busy right now, so you can buy your phone."

"Ah! Okay!"

Nagmamadaling tumayo si Katherine at nagtungo sa kaniyang silid na tinutuluyan. Isinara niya ang pinto at agad lumuhod sa harap ng kaniyang maleta. Kinuha niya ang isang bestidang asul na hanggang hita niya at ang pares ng Converse niyang puti. Kinuha niya rin ang puting blouse na siyang ibinuhol niya sa harap.

Nag-ayos kaagad si Katherine at paglabas niya ay saktong kabubukas lang din ni Crisostomo ng pinto. Naka-asul itong polo at cargo shorts.

"Kath—"

"Cris—"

Sabay silang natawa sa sabay nilang pagbati sa isa't isa. "You look . . . great," ani Crisostomo.

"You, too," nahihiyang sambit ni Katherine. "And we're both wearing the same shade of blue," puna niya.

"Ah, yes. Buy I change quickly if—"

"No, no! It's absolutely fine. It's okay, Cris," pagpigil ni Katherine na may munting ngiti sa mukha.

"You sure?"

Tumango si Katherine bago sumagot, "Absolutely." Natigilan si Crisostomo dahil sa ngiti ni Katherine. Iba talaga ang angking kagandahan ni Katherine. Simple lamang ang dalaga pero kapansin-pansin ang kakaibang pagdadala nito sa sarili. She barely had makeup on, yet she looked dazzling. "Cris, you okay?"

"Y-yes." Halos mamula ang kaniyang leeg dahil sa napatitig talaga siya kay Katherine.

"Ipapasyal mo o may date kayo?" biro ni Marites bago umalis ang dalawa. Hindi na iyon pinansin pa ni Crisostomo ngunit naisip niya rin iyon. Parang may date sila ni Katherine.

Bumalot ang katahimikan kaya niyaya na niya si Katherine na umalis na. Gaya ng sabi ni Marites, ang sasakyan ni Mirasol ang kanilang ginamit sa biyahe. Napatunayan din ni Katherine na maayos magmaneho si Crisostomo kung ikokompara sa ibang mga transportasyong nasakyan na niya.

"Cris."

"Yes?"

"I was just wondering . . . but I don't want to offend you . . ."

"What is it?" takang tanong ni Crisostomo. A crease was formed on his forehead.

"How come you don't have a car, but your sister has this?" pagtukoy ni Katherine sa kanilang sinasakyan.

"What do you mean?"

"I mean . . . you're a great driver, but you do public transport?"

"Why not?"

"Isn't it more convenient?"

"Well—" Tumingin si Crisostomo sa kalsada at lumiko. "The world has too much pollution already, plus gas is too expensive. It's cheaper for me to ride in a jeep."

"Ah, I see."

Lumingon si Katherine sa kalsada at nanibago sa bawat nadaraanang gusali at mga bahay. There were no spaces in between houses, no sidewalks, no trees or plants separating the traffic.

Pagdating sa SM Batangas, ipinarada ni Crisostomo ang sasakyan na may kalayuan sa entrada ng mall dahil puno na ang malalapit na paradahan.

At kahit may klase, marami pa ring mga tao sa paligid. Papasok pa lamang sa entrada ng mall ay nagulat na si Katherine na may dalawang security guard na may maliit na patpat na pinangkakapa sa loob ng mga gamit, partikular sa mga bag. It was her first time seeing them in a mall.

Tumulad si Katherine sa mga nasa paligid. Hiwalay rin kasi ang munting pila ng babae at lalaki kaya nagkahiwalay sila ni Crisostomo na mabilis lamang sa pila.

Nang tuluyang makapasok, sinalubong siya kaagad ng lamig ng mall at maging ang tugtog sa department store. "—At SM! It's all at SM! Here at SM! We got it all for you!" "That's one catchy chant," nakangiting usal ni Katherine sa sarili habang pinakikinggan ang musika sa department store. Agad na tinungo nila ang bilihan ng phone. Hindi nakatakas kay Crisostomo ang mapanuring mga mata na nakamasid sa kanilang direksiyon, lalo na kay Katherine.

She didn't even need to say a word, but her appearance and aura were different. The way she walked was just . . . regal. Nang makarating sa bilihan ng phone ay agad naman silang inasikaso. Nabigla si Crisostomo na isang mamahaling phone ang binili ng dalaga. Ilang buwang sahod din iyon ni Crisostomo. "What else do you need?" tanong ni Crisostomo at sinilip ang relos. "We have some time for lunch."

"Hm . . . I need to buy new runners," aniya.

"Runners?"

"Yeah, runners," pag-uulit ni Katherine sabay turo sa kaniyang paa. Sumunod ang tingin ni Crisostomo sa paanan ng dalaga.

"Ah! Rubber shoes!"

"No. They're runners."

"No, they're called rubber shoes," paglilinaw ni Crisostomo.

"No, it's not made of rubber. They're runners," gigil na sagot ni Katherine.

"No! We also call them sneakers but not runners."

"I beg to disagree. They're runners. You run with them."

"No! Those are sneakers. You sneak with them!" panggagaya ni Crisostomo.

"Wait, what?"

"Ha?" Napaisip si Crisostomo sa kaniyang sinabi bago napakamot. "That was a joke. We can buy shoes after eating. Ano . . . where do you want to eat?" tanong ni Crisostomo kay Katherine, hinihiling na hindi sa mamahaling kainan magyayaya ang dalaga.

Sa sobrang bilis ni Katherine na maglabas ng pera para makabili ng bagong phone at sapatos, hindi mapigilan ni Crisostomo na maisip na sa mamahalin ito magyayang kumain.

"Hmm . . . I want to eat at Maccas. I want to know the difference between the Maccas here and back home." Napahinto si Crisostomo at gusot na gusot ang ekspresyon sa dalaga.

"Maccas?" kunot-noong tanong ng binata, nalilito sa sagot sa kaniya.

"Yeah, Maccas. We passed by one earlier," aniya sabay turo sa pinagmulan nilang direksiyon.

Napaisip si Crisostomo at tumingin sa kanilang mga dinaanan kanina. Maraming tindahan ng damit at bilang ang nadaanan nilang kainan—Jollibee, Chowking, at . . . "Ah! Do you mean McDo?"

"Yeah, McDonald's. Maccas," sagot ni Katherine na nalilito sa tanong ni Crisostomo sa kaniyang. Her response sounded like it was the most obvious answer in the world.

"Suskupô, Rudeh! Kanina ay runners, ngayon ay Maccas. Ano ga'ng hirap ng buhay na are. Sa McDo lang pala. Maccas, Maccas!" hindi makapaniwalang bulong ni Crisostomo sa sarili at saka nilingon ang dalaga. "Come, let's go to McDo," paglilinaw niya.

"It's Maccas."

"No, McDo."

Natawa na lamang ang dalawa sa panggigigil nila sa mga salita. Nang makarating sila roon ay sakto namang hindi na busy ang kainan dahil lampas na rin sa oras ng tanghalian.

Pumila sila sa maikling pila sa may counter at tinitigan ni Katherine ang mga pagpipilian.

"Hey, Cris."

"Yes?"

Parang pinagpawisan nang malamig ang binata dahil sa posibleng itanong ni Katherine sa kaniya. Medyo nahihirapan siya sa malalim at ibang pagbigkas ni Katherine.

"Is rice really that normal to eat here?"

***

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro