Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4: Ang Agahan

***

"INAAAAAY!"

Napamulat at halos mapabalikwas sa pagbangon si Katherine nang marinig ang sigaw mula sa labas ng kuwarto. Sunod siyang nakarinig ng tilaok ng mga tandang. May ilang sasakyan ang dumaraan sa labas na siyang nakakapanibago sa kaniyang tainga.

Bumangon siya at ramdam ang pananakit ng katawan. Parang nabugbog siya, at sa totoo lang, hindi niya alam kung paano pa niya nagawang makatulog.

Nilingon-lingon ni Katherine ang paligid at nakumpirma na wala siya sa kuwarto niya, bagkus ay nasa ibang bahay, sa ibang bansa.

Madilim man ay sapat ang ilaw mula sa labas upang mapagmasdan ni Katherine ang silid. It was the same pink flower-themed room. May electric fan sa puting kisame at may puting aparador na puno ng pambabaeng damit. Sa ibaba niyon ay nakahiga ang kaniyang maleta at malaking backpack.

Muli siyang napalingon sa direksiyon ng pinto nang muling magsalita ang mga nasa labas ng silid. "Are ga namang, Inay! Hindi nga niya naiintindihan ang Tagalog, 'tapos mag-aalala pa kayong magigising ko? Ay, kainaman."

"Hoy, Mimi, Inglesera lang si Katreng pero hindi bingi. Kababae mong tao . . . yumi-yumi, e!"

Alam ni Katherine na si Marites iyon ngunit wala talaga siyang naiintindihan sa mga pinag-uusapan ng mga ito. Parang nagtatalo talaga sila ngunit ayon sa mag-ina ay normal lang ang tono ng kanilang pag-uusap.

"Isa pa kayo, 'Nay. Magigising talaga 'yon sa sobrang lakas ng mga boses ninyo."

Pinakiramdam ni Katherine ang paligid ngunit naglaho na ang malalakas na boses na hindi niya naiintindihan. Mukhang mahina na ang pag-uusap sa ibaba.

Napahilamos siya ng palad at napaisip kung ano ang gagawin niya sa araw na iyon. Ngayong alam na niyang wala sa address na iyon ang kaniyang ina, malaking bahagi ng kaniyang rason sa paglipad sa Pilipinas ay gumuho nang biglaan.

Pinilit niyang makabisita sa Pilipinas upang makita ang kaniyang ina bago ang kaniyang ika-dalawampung kaarawan ngunit mukhang hindi pa iyon mangyayari. Kung mabigo siya sa paghahanap sa kaniyang ina, mukhang bakasyon at pahinga sa unibersidad lamang ang maisasakatuparan.

Bumangon si Katherine at binuksan ang ilaw ng silid. Mas naging malinaw sa kaniyang paningin ang kuwarto. Kinuha niya ang suklay sa kaniyang bag at inayos ang sarili. Sinilip niya ang relos sa dingding at alas-sais na ng umaga! Mahimbing na mahimbing ang kaniyang tulog at hindi na nakakain pa ng hapunan.

Mabilis siyang nagbihis at saka kinuha ang tuwalya, nagbabakasakaling makapaghihilamos bago bumaba ng kuwarto ngunit bigo siya. Walang banyo sa silid.

Yakap-yakap ang kaniyang tuwalya ay lumabas na siya ng kuwarto. Pagbukas pa lamang niya ng pinto ay sinalubong ang kaniyang ilong ng mabangong mga niluto. Nakatalikod naman si Crisostomo sa kaniyang direksiyon at may hawak na tasa at lata ng kape.

"Are ga namang, Inay! Ako'y mahuhuli 'pag inubos n'yo pa ang laman ng ref!" wika ng babaeng inaayos ang hapag-kainan.

Nang masilip ni Katherine ang mukha nito ay kahawig na kahawig ni Marites, mas batang bersyon lamang. Iyon ang kaparehong babae sa larawan na naka-display sa sala nila.

"Hoy, Mimi, ikaw nga ay umayos ng upo! Kababae mong tao ay mas barako ka pa rine kay Crisostomo," asik ni Marites sa babae na lalong sumimangot. "Aba! Ay, kaaga-aga pa, Mimi, busangkot na agad 'yang mukha mo!"

"Inay naman kasi!"

Tumikhim si Katherine at napalingon ang mag-iina sa kaniyang direksiyon. Pakiramdam niya tuloy ay napaka-espesyal niya habang bumababa ng hagdan.

"O, you're awake na. Good morning!" bati ni Mirasol na nagmamadaling lumapit sa kaniya. "I'm Miranda Mirasol, but call me Ate Mimi." Inilahad ni Mirasol ang kaniyang kamay na tinanggap naman agad ni Katherine.

"Hi, I'm Katherine Jesse Smith. Nice to meet you."

"KJ?" pabirong tanong ni Mirasol sa dalaga at napangiti ang dalaga.

"I've been getting that frequently, but you can call me 'Kath'."

"Shet! Totoo nga! Grabe ang accent ni ati girl!" sabik na usal ni Mirasol. "Ganito pala ang taga-Ostrelya!"

"Gandahan mo naman ang pagbigkas, Ate. Nakakahiya ka naman," biglang singit ni Crisostomo.

"Grabe si bunso! Perfectionist ka na? E di Aws-tral-ya. Okay na?"

Natatawang napailing si Crisostomo at inirapan siya ng nakatatandang kapatid. Hinarap ng binata si Katherine. "Don't mind my sister. Did you sleep well?"

Tumango si Katherine sa kanila. "Yes, it was great. Thank you."

"We tried waking you up last night, but we failed."

"I'm sorry for the trouble," nahihiyang sagot ng dalaga. Nais na niyang magpalamon sa lupa dahil sa hiya.

"It's okay. You looked very tired yesterday, but you look much better now," dagdag ng binata.

"Uy, si Crisostomo Ibarra ay may naiirog na! Hindi na pala si Maria Clara ang hanap," biro ni Mirasol.

Muli, hindi naintindihan ni Katherine ang sinabi ni Mirasol ngunit hindi nakatakas ang pamumula ng mukha ni Crisostomo na agad iwinaksi nito.

"Naku po, Ate. Ikain mo na lang 'yan kung ayaw mong ma-late!" asik ni Crisostomo.

Mula pa pagkabata, laging inaasar ng mga nakatatandang kapatid na si 'Maria Clara' ang kaniyang makakatuluyan. Ang pinagkaiba nga lamang, kailanma'y wala pa siyang naging kasintahan.

"Let's go, Kath," tawag ni Crisostomo at nahihiyang lumapit ang dalaga sa kaniya.

"Um, Cris."

"Yes?"

"May I use your bathroom? I . . . I just need to wash up."

"Ay! Yes, yes, come. I'll take you there."

"Thank you."

Nauna si Crisostomo na maglakad kaya napagmasdan ni Katherine ang suot ng binata. Nakasuot na ito ng itim na slacks at puting polo. Kagaya kahapon, maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito.

"Here's the bathroom. I'll wait for you here."

Nabigla si Katherine sa sinabi ni Crisostomo. Nagkaroon siya ng pag-aalinlangan na pumasok dahil sa pag-iisip na baka may mangyaring hindi kanais-nais ngunit pinili niyang iwaksi iyon.

"Oh, okay."

Nagmamadaling pumasok si Katherine at isinara ang pinto. Maliit ang banyo kompara sa ginagamit niya sa kanilang bahay. Iba't ibang klase rin ng shampoo at conditioner ang nasa isang lalagyan, samantalang may mga panlinis naman ng mukha sa may lababo.

Dali-dali siyang naghilamos at tinitigan ang sarili sa salamin. Laking pasasalamat niyang maayos pa rin ang kaniyang hitsura kahit papaano.

Matapos ang kaniyang paggamit ng banyo ay dinampi dampi ni Katherine ang tuwalya sa kaniyang mukha at muling tiningnan ang repleksiyon.

"You can do this, Kath," aniya sa sarili.

Wala na talagang atrasan sa kaniyang paghahanap sa sariling ina. Sa simula pa lang, hindi niya lubos akalaing papayagan siya ng mga magulang pero suportado siya ng mga ito. Akala niya ay kokontra sina Graham at Tayla ngunit hindi nila tinanggihan ang paghahanap niya ng kaniyang buong pagkatao.

Matapos magpunas ay lumabas na siya at nakitang nakatayo roon si Crisostomo. Gaya ng sabi nito, hinintay siya ng binata. Hindi niya alam kung dahil ba gusto nitong siguraduhing maayos ang lahat o kung dahil binabantayan ng binata ang bawat kilos niya.

"Cris," mahinang tawag niya.

"Yes?"

"What work do you do?" tanong niya at halos takpan ang bibig dahil hindi pa siya nakapagmumumog.

"I'm a teacher in grade 5, what about you? What do you do?"

"Well, before coming here, I was starting my second year in Photography and Creative Media," kuwento ng dalaga.

"Oh, you like doing photography?" Tumango si Katherine.

"Yeah, but I had to take a break."

"How come?"

"Well, I wanted to take a holiday and also find my biological mother."

"Is there a reason why you want to see her?"

"Remember the contents of the letter?" Binigyan siya ni Crisostomo ng tango. "I've always wanted to see her and know why she had to give me away. I wanted to know who my father was and why they couldn't keep me. But don't get me wrong, I love my family now. I just feel there's a big gap in my life."

"It's okay. I think if I'm in your situation, I might do the same."

"Maybe. . . ."

Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hindi nakasasakal pero nakapagpapakalma ang katahimikang iyon. "Hoy, you two are taking poreber!" asik ni Mirasol. "Kath, come here na. Have 'breakfats' with us," anyaya ng dalaga.

"Breakfast, Ate. Hindi 'breakfats'," natatawang pagtatama ni Crisostomo sa kapatid nang makalapit na silang muli sa hapag-kainan.

"Bakit ga? 'Yon ang gusto ko! Epal ka."

"Ano 'yon? Pahinga ng taba?"

"Oo! Para hindi sila mag-multiply!" galit na saad ni Mirasol. "Inay, o! Areng si Crisostomo!"

"Mga batang are, katatanda n'yo na ay bangayan pa kayo! Hindi na ga kayo nahiyang sa harap ng pagkain at sa harap ng bisita pa kayo nagbabangayan? 'Pag ganire na mas matatanda pa kayo rine kay Katreng."

"Inay, Katherine nga kasi. Kath na lang kung hindi n'yo matandaan."

"Ayaw ko ng Kath, tunog pusa," sagot ni Marites.

"Katherine."

"Yes, Inay?"

"It's okay for me to call you 'Katreng', right?"

"I don't see a reason why not."

"Good. You know, easy for me to say," paliwanag ng ginang.

"Do you eat rice?" biglang tanong ni Mirasol kay Katherine. Tumango si Katherine.

"I do, but . . . never for breakfast."

"What?! You don't eat rice for breakfast?" nabiglang ani Marites. "Maybe that's why you are too skinny, Katreng! You should eat more!"

Napatawa si Katherine at tumango na lamang. Nahihiya siyang tanggihan ang mga kasama sa hapag lalo pa at siya ang dayo. The family was trying their best to accommodate her, a complete stranger. At sa isip-isip niya, wala naman silang mapapala sa pagiging mabait sa kaniya pero mabait lamang talaga sila. They didn't need to, but they did.

Umupo si Katherine katabi ni Crisostomo at kaharap naman nila sina Marites at Mirasol. Pinagmasdan ni Katherine ang nasa parihabang mesa—may kanin, isang pulang tasa na may umuusok na kape, pritong itlog, hotdog, at maliit na bowl ng corned beef na may mumunting patatas at sibuyas.

"Eat, ineng. Eat a lot," ani Marites at ngumiti na lamang si Katherine habang pinagmamasdan ang bawat isa na sumandok ng kanin.

Ibang-iba iyon sa kaniyang kinalakihan. Rice was never a staple for breakfast, so it was a brand-new experience for her.

Inabot ni Crisostomo ang kanin at maingat niyang kinuha iyon. Naglagay lamang siya ng kaunti sa pinggan at maingat na ibinalik sa mesa.

Nabigla si Katherine nang abutin ni Mirasol ang tasa ng kape at nilagyan ang kanin nito. Umuusok pa ang kanin at ang kape. Sunod si Marites na ganoon din ang ginawa, at huli si Crisostomo.

"Here." Inalok ni Crisostomo sa dalaga ang kape na nasa kalahati pa ng pulang tasa. Ngayong mas malapit na sa kaniya, mas kapansin-pansin na may kalakihan ang tasa sa normal niyang ginagamit.

"I . . . I need to pour coffee to the rice?" nag-aalinlangang tanong ni Katherine. Napalunok siya nang tumingin silang tatlo sa kaniyang direksiyon.

"What? You've never tried rice with coffee? Oh, my God! You are missing a lot, girl!" maarteng biro ni Mirasol at may kasama pang pagkumpas sa hangin.

"It seems like it," ngingiti-ngiting saad ni Katherine.

"If you can't eat rice or pour coffee on it, that's fine. Tell us what you usually eat," ani Crisostomo.

"I . . . usually eat toast with an omelette, or if I'm feeling fancy, I'll put an avo on it."

"Abo? You put abo on toast?" kunot-noong tanong ni Marites sa dalaga. Sinusuri niya ang ekspresyon ni Katherine na naguguluhan din sa kaniyang tanong. "Ineng, that's not good!"

"Sorry? I've never heard of avocados being bad for us."

"Ah, you mean 'avo' is avocado?" tanong ni Crisostomo at binigyan siya ni Katherine ng ilang tango. "Ang inay, kung maka-react! Abokado lang naman pala!" bulalas ng binata.

"Ah! I thought you put abo on toast? That's dangerous!"

"What's 'a-bo'?"

"It's . . ." Napaisip si Crisostomo bago sumagot. ". . . it's ash."

"Hoy, sure ka ba sa sagot mo?" bulong ni Mirasol sa kapatid at nagkibit-balikat ang binata sa kaniya.

Bumalik na sila sa pagkain. Maingat na nilagyan ni Katherine ng kape ang kaniyang pagkain. Sunod siyang kumuha ng corned beef na nasa munting bowl.

Habang kumakain ay may pailan-ilang tanong pa ang magkapatid kay Katherine. Naninibago man sa pagkain ng kanin sa agahan, hindi maitatanggi ng dalaga na nagustuhan niya ang paglalagay ng kape sa kaniyang kanin.

It was something she never thought would happen.

Nang matapos kumain ay nagmamadaling umalis si Mirasol. Si Marites naman ang naiwan sa kusina sa paghuhugas at nasa sala naman si Katherine, muling tinititigan ang mga larawan sa estante.

"Inay, ako ho'y aalis na!" saad ni Crisostomo nang makababa mula sa kaniyang silid.

"O, sige! Mag-iingat ka!"

"Oho!" anito at nilapitan si Katherine na abala sa pagbabasa ng mga nasa diploma nilang magkakapatid sa may estante. "Kath."

Napalingon siya kay Crisostomo na isinusuot na ang backpack nito. His hair still as combed as ever. Wala ring kagusot-gusot ang damit.

"Are you going now?"

"Yes. I only have to teach this morning. I'll be back by lunchtime, and we'll go to SM."

"SM?" takang tanong ni Katherine.

"You know, the mall I said yesterday? I'll take you there so you can buy your cellphone."

"Oh! That would be great. Thank you!" nasasabik na sagot ni Katherine.

"It's okay. For now, stay here. Inay will talk to the old barangay captain about your mother, okay?"

Ngumiti nang malawak si Katherine at tumango. "Thank you, Cris. Really."

"It's nothing. I will go now," pagpapaalam niya.

"I'll see you later then," sabi ni Katherine at kumaway sa binatang papalabas ng bahay.

"See you later."

***

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro