Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3: Ang Tahanan

***

"INAY, are ho si Katherine. Ka—"

"Kasintahan mo? Ay, magaling naman at naisipan mong mag-gerlprend na. Akala ko'y tatanda na akong ika'y wala pang nadyo-jowa," walang prenong saad ni Marites sa bunsong anak.

Sinuri ni Katherine ang matandang nakasuot ng bulaklaking daster na magkahalong dilaw at kahel.

"Ang inay ga! Hindi ko ho are girlfriend. Nakita ko ho sa palengke ay galing ibang bansa at hinahanap ang kaniyang nanay."

"O? Ay, bakit ikaw ang kasama? Sa iyo hinahanap? Kinidnap mo naman yata are."

"Ang inay ga naman. Ako ga'y mukhang kidnapper sa guwapo kong are? Saka ang hitsura ga nare ay mukhang na-kidnap? May dala pang maleta at bag?"

"Ay, ano nga?"

"Ayun nga ho, 'Nay. 'Yong address ho na ipinakita niya kasi ay itong bahay natin."

"Dito?" gulat na tanong ni Marites. "Bakit naman dine? Are ga ay taga-saan?"

"Sa ibang bansa."

"Saang bansa? Ika'y masasapok ko," anito at umaktong manghahampas ng abanikong nakuha sa katabing mesa.

"Ay, nakalimutan ko ho itanong."

"'Ta mo areng batang are! Hindi man laang itinanong ay dinala mo pa rito sa bahay. Baka are ay sindikato pala," 'di makapaniwalang anito.

"Ang inay ga naman!" Napakamot na lamang ng ulo si Crisostomo sa mga sinasabi ng kaniyang ina. "Ang hitsura ga nare ay sindikato? Ay, kulang na lang ay umiyak doon sa palengke kanina at maloloko pa sa sakayan."

"Uhm, excuse me."

Magkasabay na lumingon ang mag-ina kay Katherine na nakatitig lamang sa kanila.

"What is it?" tanong ni Marites sa dalaga nang medyo mataas ang tono.

"Are you guys . . . fighting?"

Nagkatinginan ang mag-ina at natawa. "No, we are not payting. This is our normal talk," saad ni Marites.

"Really?" Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala ni Katherine. Dahil hindi niya naiintindihan ang pinag-uusapan ng mag-ina, mukhang nag-aaway ang mga ito dahil sa kanilang tono at mga punto.

"Yes, really. My son said you are looking for your mother?"

Nag-aalinlangang tumango si Katherine kay Marites bago sumagot, "Yes. Do you know Pia Cantos? The address I had said she lived here."

"Pia?" pag-uulit ni Marites at malalim na napaisip. "I don't know anyone named Pia Cantos. Are you sure it's Cantos? Not Santos? Or something different?"

"Well. . . ." Napakuyom ang mga kamao ni Katherine sa tanong ni Marites. All she had was the letter and her mother's name—Pia Cantos—nothing more.

"Cantos ang nakalagay roon sa sulat na ipinakita sa 'kin kanina, Inay. Iniisip ko nga rin kanina kung may malapit dito at baka maling address laang pala ang ibinigay ay hindi naman," dagdag ni Crisostomo.

Napaisip nang malalim si Marites bago muling hinarap ang kaniyang anak. "Ganire, aking itatanong sa Kaka Tiago mo kung may kilala siya. 'Di ga naging kapitan 'yon."

"Pero, Inay, 'di ga nakapagtataka naman na ang address natin ang ibinigay n'ong nanay nare?"

"Aba, ay malay ko," anito sabay irap upang kausapin si Katherine. "I will talk to Tiago tomorrow. He is the old barangay captain here. Maybe he knows your mother, is that okay?"

Parang nabuhayan ng loob at nabunutan ng tinik si Katherine at tumango nang dere-deretso sa ginang. She could sense a glimmer of hope shinning from the woman. "That . . . would really be great. Thank you."

"You are welcome, ineng. You go rest today, and I talk to Tiago tomorrow."

"Ahm, with that, I do have a question."

"What is it?" tanong ni Crisostomo.

"Is Sunkist Resort close by?"

Nagkatinginan ang mag-ina na dahil hindi naintindihan ang sinabi ng dalaga. Her Australian accent was really evident that her words seemed to be playing in their heads.

"What? What resort?" kunot-noong tanong ni Crisostomo. Agad na kinuha ni Katherine ang kaniyang bag upang kunin ang isang itim na notebook na siyang pinagsipitan din ng liham na ipinakita niya kay Crisostomo sa palengke. Mula sa gitna ng notebook, kinuha niya roon ang nakatuping papel. "This apartment? This should be close by," saad ni Katherine sabay ang pag-aabot ng papel sa mag-ina. Si Marites ang kumuha ng papel at binasa ang nakasulat doon. Naroon ang imahen ng kalsada at pangalan ng resort.

"Sunkist Resort?" usal ni Marites at tumango-tango si Katherine nang tanggaping muli ang papel. "Sunkist is juice, ineng. No Sunkist Resort here."

"B-but . . . someone confirmed to me that my accommodation has been sorted. I . . . I have those documents as proof," giit ni Katherine.

Kinuha ni Crisostomo ang papel ngunit inagaw iyon ni Marites mula sa kaniya.

"Naku po ang inay. Akala mo nama'y aagawin ko, e!"

"Manahimik ka, Crisostomo," saad ni Marites. Muli niyang binasa ang papel ngunit nasisigurado niyang walang ganoong resort sa lugar. "This is peyk, ineng. Nothing on this address. Only betstabol garden and chickens, no resort."

"Are you sure?"

"Yes. I'm sure. This is peyk. My place is the correct place you can stay."

"W-what?" Nanginig ang katawan ni Katherine. "I . . . I can look for another place. I don't want to impose."

"No, ineng. Do not worry. Some people will take advantage of you if they find you got scammed."

"T-that's . . . that's true."

Katherine felt lost again. Mula nang umalis siya sa Australia, pulos miserableng mga bagay ang na nangyayari sa kaniya. Mula sa phone niyang nabasag at wala pang pamalit, hanggang sa muntik nang scam sa sakayan ng dyip, at ngayon, sa dapat sana ay matutuluyan niya.

"If it's okay, I'd like to take your offer. Don't worry. I'll pay you whatever I consume here. I'll look for another place tomorrow, so I won't be a nuisance to your family."

"No, no, no, ineng. It's okay. We have a spare room you can use, and I won't charge you. It's better than getting . . . ano . . . ano'ng tawag d'on?" ani Marites at pumitik-pitik pa sa ere.

"Kaya pa, 'Nay?" natatawang saad ni Crisostomo habang nakikinig sa pag-uusap ng kaniyang ina at ng banyaga. "Baka gusto mong masampilong 'pag ganire na ako'y hirap na? At isa pa, Crisostomo, ikaw ga ay nagsaing na? Ay, maya-maya'y nandiyan na ang Ate Mimi mo," usal ni Marites sa anak. "Ang inay ga naman. Are na nga ho, magbibihis na ako't magsasaing," pagmamaktol ni Crisostomo at saka umakyat sa silid niya, bitbit ang kaniyang bag.

Napakagat ng labi si Katherine nang biglang umalis si Crisostomo na hindi man lamang ipinaliliwanag ang nangyayari. Nahihiya siya kay Marites na tutulungan at patutuluyin pa siya sa bahay ng mga ito.

"As I was saying, you can stay here. No problem. It's better than getting scammed by other people and paying too much! Oh, my God, hotels are too expensive!" usal ni Marites.

"Thank you so much."

"By the way, how old are you, Kath?" biglang tanong ni Marites. "You look very young to be travelling alone."

"I'm twenty."

Nanlaki ang mga mata ni Marites at tumingin sa inakyatang direksiyon ni Crisostomo.

"Hoy, Crisostomo Ibarra-Flores!" Halos mapatalon si Katherine nang sumigaw si Marites sa kaniyang harapan. "Ikaw ay bumaba rine!"

Mabilis pa sa kidlat at kulog na lumabas si Crisostomo ng kaniyang kuwarto. Ibinababa pa lang nito ang sandong puti at may maliit na logo ng Nike.

"Ano ga naman, Inay? Kung makasigaw ay talo pa ang may sunog sa kapitbahay, e!" humahangos na sambit ng binata.

"Are gang batang are ay hindi mo nga itinanan?" nagdududang tanong ni Marites sa bunso, mahigpit pa rin ang hawak sa kaniyang abaniko. Maigi niyang sinusuri ang ekspresyon ng anak na nalilito na.

"Sino ga'ng bata naman, Inay?"

"Areng si Katreng," sagot ng ginang sabay turo kay Katherine.

"Inay, Katherine ho," pagtatama ni Crisostomo at huminto sa harapan ng ina.

"Katreng, Katarina, Katherine, pare-pareho lang naman," saad ni Marites na nakapamaywang na sa anak. "Kapag nalaman ko lang talaga na are ay itinanan mo, masusumbi kita!"

"Hindi nga, Inay! Ngayon ko nga lang siya nakilala. Kung ano-ano na agad 'yang naiisip n'yo. Pambihira!" aniya at napakamot ng ulo. "Ako'y magsasaing na nga!"

"At saka nga pala, Crisostomo," pagpigil ni Marites sa anak.

"Ano ho 'yon, 'Nay?"

"I-check mo kung ayos 'yung isang kuwarto at ipapagamit natin dine. Aba'y kaawa-awa naman, e! Pagkagandang dalaga ay naloko pa ng kung sino. Gusto lang namang makita ang kaniyang ina."

Hindi na nagulat pa si Crisostomo sa pagpapatuloy ng kaniyang ina kay Katherine. Malambot man ang puso ng kaniyang ina, bihasa ito sa pagbabasa ng katauhan ng isang tao. Kahit na hindi nila lubusang kilala ang banyaga, kampante si Marites na walang masamang pakay ang dalaga.

Crisostomo believes his mother has a knack for discerning whether a person had ill intentions or are angels—and he thinks that she has grouped Katherine as an angel the moment she saw her.

"Sige, 'Nay. Aayusin ko ho," sagot ni Crisostomo at nginitian si Katherine na mukhang naliligaw pa rin ang ekspresyon. "Kayo na ang magpaliwanag sa kaniya, Inay. Mukhang marami pa siyang tanong sa inyo," dagdag ng binata at nagmamadaling nilisan ang sala.

"Ang batang 'yon talaga!" napaiiling na bulong ni Marites sa sarili at muling bumaling sa dalaga. "Let me grab a paper so I can list your details, okay?" Maingat na tumayo ang matanda at inabot ang papel na nakapatong sa isang aparador na may mga larawan ng kanilang pamilya.

Nang makakuha ng papel at bolpen ay bumalik siya sa harapan ni Katherine. "What is your full name?"

"My full name is Katherine Jesse Smith," magalang na sagot ng dalaga at nagsimulang magsulat si Marites.

"Okay. Katherine Je-Jesse?" Tumango si Katherine. "Okay, Katherine Jesse. So, KJ?"

Napangisi si Katherine sa tanong ng matanda. "Yeah, not really the greatest initials to have."

"I don't think you're KJ, right?"

Umiling si Katherine. "No, Ma'am. I'm not a killjoy person. My friends can attest to that. So I will go with Kath."

"That's good." Tumingin si Marites sa bunsong anak na tahimik na nakasilip habang sila ay nag-uusap ng dalaga. "Utoy, magaling pa ay ihatid mo na areng si Katherine r'on sa kuwarto para makapagpahinga na. Mukhang are ay wala pang pahinga. Sayang ang ganda."

Hindi napigilan ni Crisostomo na matawa at muling mapakamot ng ulo. Bistado na naman siyang muli.

"Sige, 'Nay."

Bumaling muli si Marites kay Katherine na nakikiramdam sa kanila. "My son will take you to your room so you can rest. Then tomorrow, I will ask if they know your mother, okay?"

"Thank you, Ma'am."

"Stop with the 'Ma'am'. Call me 'Inay'."

"What does that mean?"

"It's mother or an older woman," sagot ni Marites.

"Oh, I see. Thank you, Inay," slang niyang wika.

Nang makalapit si Crisostomo sa kanila ay kinuha nito ang maleta ni Katherine na bitbit din ng binata kanina. "I'll take you upstairs."

Tahimik na tinahak nila ang hagdan hanggang sa maabot ang silid. Lumampas pa sila sa ilang kuwartong pulos nakasarado ang pinto.

"So, this will be your room," saad ni Crisostomo nang ibaba ang bagahe ni Katherine sa loob ng isang simpleng silid. May single bed na may kulay rosas na kubrekama. May dalawang unan din na may kaparehong sapin.

"Is no one using this room?" nababahalang tanong ni Katherine.

Natatakot siyang baka isang scam na naman ang mangyari—but she could also be wrong—at gusto na lamang niyang makasiguro.

"No one. My older sister, Maria, uses this when she returns from Canada. She won't be back until Christmas, but my mother always cleans this room," paliwanag ni Crisostomo.

"I see. I'll be cautious. Thank you, Cris."

"It's okay, Kath. Feel at home." Malawak ang naging ngiti ni Crisostomo sa dalagang nasa harapan niya. On that moment, Katherine felt a thug in her chest. A very weird feeling cascaded inside her.

"I . . . I will. Thank you, Cris," nahihiyang usal ni Katherine. "Uhm, Cris?"

"Yes, Kath?"

Gumuhit ang munting ngiti sa labi ni Katherine. "Thank you . . . so much."

"Stop with all the 'thank you.' It's okay."

"No, I mean it, Cris. If it wasn't for you popping out from nowhere back at the market, I might not have made it here in one piece," aniya. "I probably would be lost somewhere, hopeless and filled with regrets."

Napangiti na rin si Crisostomo dahil sa sinseridad mula sa mga salita ni Katherine.

"You are welcome, Kath. Go rest na. I will call you when it's time for dinner, okay?"

"Okay. Thank you, Cris."

Napangiting muli si Crisostomo habang nakatitig sa dalaga. Simple man ang pananamit niya ay malakas ang dating. At marahil, iyon ang simula ng pagkakaibigan nilang dalawa.

Mas matanda man siya kay Katherine, hindi ibig sabihin ay hindi na sila maaaring maging magkaibigan. Ang gusto lamang niyang masigurado ay hindi siya magno-nosebleed habang magkausap silang dalawa.

"You're welcome, Kath," aniya at saka nilisan ang silid ni Katherine.

***

P R I N C E S S T H I R T E E N 0 0

JO ELLE

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro