Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Prologue

All I ever wanted was his kisses under the falling snow. But it was just the snow, my falling tears, and my tearing heart.

They say that snow beautifies everything, but I wonder how I look like every time it falls from the sky?

I hate myself for still hoping, hurting, crying endlessly.

I just want to walk in the middle of the snowstorm, hoping that you'll be there waiting for me.

I love you so much, Zen, and it's killing me.

Pinahid ko ang takas na luha sa aking mga mata. How I wished to wipe the pain in my heart just like the tears from my eyes...

Limang taon na ang nakalipas nang muli akong nagbalik sa mundo ng mga tao. Sinubukan kong mamuhay katulad ng dati, pero sa tuwing mag-iisa ako, tanging siya lamang ang tumatakbo sa puso at isipan ko.

Ang prinsipeng aking pinakamamahal na naglaho sa mismong harapan ko.

Totoo nga palang hindi marunong makalimot ang mga bampira, dahil hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang lahat. Ang sakit at hapdi ng nakaraan.

Patuloy pa rin akong nanaginip na kasama ko siya, saglit na ngumingiti sa tuwing nag-aakalang boses niya ang naririnig, tinitiis ang lamig na umaasang may mga brasong muling yayakap sa akin at patuloy na naghihintay sa mga kamay na muling maglalandas sa aking mga balat.

Maraming nangyari sa nakalipas ng limang taon. Isa na roon ay pagkatapos ko sa pag-aaral. Nagkatrabaho at pinilit mabuhay sa kabila ng sakit na kailanman ay hindi ako iniwan.

Ginawa ko ang lahat, lumayo kami sa lugar na siyang nagpapaalala sa akin ng mundong aking tinakbuhan. Iniwan ko ang salamin at hinayaan iyong mag-isa sa kabundukan kung saan nagsimula ang lahat. Pinili namin mamuhay ni Lola sa ibang bansa para lamang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Pero isa iyong napakamaling pagkakamali dahil sa tuwing pumapatak ang mga nyebe mula sa kalangitaan, para na akong nawawala sa sarili kong katinuan.

Ilang beses kong tinangkang tumakbo pero bumabalik pa rin ako sa bagay na gusto kong takbuhan.

Habang hinihintay ko ang pagtigil ng ulan ay inilabas ko ang bagay na hanggang ngayon ay misteryo pa rin ang pinagmulan.

A beautiful snow globe. Sa loob nito ay may maliit na puno na kapareho ng punong sumisimbolo sa aking prinsipe. Tuwing hinahawakan ko iyon ay kusa iyong nagliliwanag na tila nakikilala ang mga kamay ko.

"Claret!"

Nawala ako sa pagkakatulala nang may yumakap mula sa likuran ko. Ngumuso ako at bahagya ko siyang sinilip habang nanatili siyang nakayakap sa akin.

"Escarnel, I told you. Hindi ko gusto na ginugulat ako..." Kaklase ko siya noong college at siya rin ang may-ari nitong fitness gym na madalas kong puntahan.

She chuckled. "Sorry. Nakalimutan ko." Sumulyap siya sa hawak ko.

"That snow globe again? Kanino ba talaga nanggaling 'yan?"

Hindi ko magawang sagutin iyon. Tumingin na lamang ako muli sa labas. "Ang tagal tumila ng ulan..."

She rolled her eyes before she gave me the keys. "Hindi mo sinagot ang tanong ko. Ikaw na ang magsarado ng gym, Claret. Susunduin ako ng boyfriend ko. Hindi ka naman sasabay kahit yayain kita, 'di ba?" Umiling ako sa kanya.

"I am fine. Dito na rin pala ako maliligo. Mukhang mamaya pa titigil ang ulan."

"Alright. See you, Claret..."

Ngumiti siya sa akin bago niya ako iniwan. Ilang minuto na siyang nakalabas nang mapansin ko na naiwan niya iyong jacket niya. Nang ihabol ko iyon at makalabas ako, malayo na ang sasakyan niya.

Napabuntong hininga ako at bumalik na ako sa loob ng gym. Dumiretso na ako sa shower room at unti-unting hinubad ang mga damit ko. Halos makita ko ang buong repleksyon ko sa bawat paglingon ko dahil napupuno iyon ng salamin.

Hindi ko maiwasang hawakan ang mahaba kong buhok na kahit anong gawin kong pagputol ay pilit pa rin bumabalik sa dati.

Nang sandaling buksan ko na ang tubig, kusa nang pumikit ang mga mata ko habang dama ang unti-unting paglandas niyon sa buong katawan ko.

Ang lagaslas ng tubig ang siyang tanging naririnig na sinabayan ng biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ilang beses akong lumingon sa iba't ibang direksyon sa ilalim ng tubig pero wala naman akong nakita.

Ipagpapatuloy ko pa sana ang aking panliligo nang biglang namatay ang ilaw at maging ang pag-agos ng tubig ay kusa rin tumigil.

"Claret..."

Agad akong naalarma at naghanap ng makikita ang mga mata ko. "W-Who's there?"

"Claret..." Ulit ng boses ng babae.

Sinikap kong gamitin ang mata ko bilang isang bampira pero hindi ko pa rin siya makita.

Tuluyan na akong nawalan ang panimbang. Napasalampak ako sa sahig at mas lalo akong ginapangan ng takot nang maramdaman ko ang pamilyar na likidong umaagos sa mga hita ko.

"A-Ano ang nangyayari?"

Nang sinusubukan ko nang tumayo biglang nagliwanag at napasigaw na ako nang tumama ang hinala.

Hindi tubig kundi dugo ang kasalukuyang umaagos sa kabuuan ng banyo, nagmumula iyon sa mga salamin. Bigla muling namatay ang ilaw at nasundan iyon ng sunud-sunod na pagsindi ng maliliit na asul na apoy sa bawat repleksyon ng mga salamin.

Paano nakatawid ang asul na apoy sa mundo ng mga tao?

Natatakot ako sa dahilan ng pagpunta niya rito, ngunit higit akong natakot nang makakita ako ng pigura ng babae mula sa gitna ng asul na apoy.

Nagtuluan na ang mga luha ko nang mas naglinaw ang imahe ng babae, punung-puno ang mga mata niya ng lungkot, hinagpis at sakit.

Habang pinagmamasdan ko siya, tila sarili kong replesyon ang siyang aking nakikita. Bakit kamukha ko siya? Ito ba ang totoong anyo ng asul na apoy?

Nang unti-unti siyang humawak sa salamin habang ang mga mata'y nasa akin, pinilit kong umatras at gumawa ng distansya sa kanya. Nagkakaroon na ng lamat ang salamin na parang anumang oras ay lalabas doon ang babae.

Sa kabila ng takot, gulat, pagtataka at matinding pagkalito sinubukan kong makatayo. Halos gumapang ako para makalayo sa mga salamin.

Nang sandaling makalabas ako at makatakbo, bigla akong nadulas at napadaing sa sakit dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko. Nagsisi ako nang lumingon ako pabalik sa pinanggalingan ko, nilalamon na ng asul na apoy ang banyo at nagsisimula na iyong kumalat.

Kinuha ko iyong jacket na naiwan ni Escarnel at ibinalot iyon sa sarili ko habang lakad takbo ako para makarating sa pintuan na bigla na lamang nagsara. Ilang beses ko iyong hinila at sinipa gamit ang lakas ko biglang bampira pero ramdam ko na tila mas nanghihina ako.

Inatake na ako ng ubo nang nagsimulang kumapal ang usok. Habang pilit kong sinisira ang pintuan ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Nangangatal na ang tuhod ko at anumang oras ay bibigay na ako.

"Claret..."

"T-Tigilan mo 'ko!"

Napasandal na ako sa pintuan habang pinagmamasdan ang apoy na papalapit na sa akin. "N-No... Huwag mo muna akong singilin..."

Nanlalabo na ang mga mata ko habang nararamdaman ko ang papalapit na asul na apoy sa akin.

"Z-Zen..." Ilang beses kong tinawag ang pangalan niya hanggang sa tuluyan nang bumigay ang katawan ko at lamunin ako ng kadiliman.

***

"I got her..." Boses ng lalaki. Kahit nanghihina ako, ramdam ko na may bumuhat sa akin.

"Siya ba iyong isa sa apat na babae? I mean five... too bad she's already destined to someone else."

"Shut up, Tres."

Narinig kong may tumawa. "Chill, brother."

"Ganito pala sa mundo ng mga tao. Why do we need to dress up like this?" Dagdag ng panibagong boses.

Hindi ko man sila nakikita alam kong mga bampira rin sila. Who are these vampires?

Nang magmulat ako sinalubong ako ng mga nakadungaw na bampirang kapwa nakatitig sa akin. Awtomatiko kong iniyakap ang mga braso ko sa sarili ko. Napahinga ako nang maluwag ng makapa ang malaking jacket na naiwan ni Escarnel.

"Ibaba mo na ako..."

Sumunod sa akin ang lalaking may buhat sa akin. Nang sandaling makababa na ako sumagi sa sulok ng aking mga mata ang gym na pinanggalingan ko. Kasalukuyan na iyong natutupok ng asul na apoy na sinusubukang patayin ng mga bumbero.

"Hindi nila nakikita, hindi ba?"

Tumango sila. "Tayo lamang ang nakakakita na asul ang apoy. Normal na apoy ang nakikita ng mga tao..."

"S-Sino kayo?" Tanong ko sa apat na bampira. Kumunot ang noo ko sa mga suot nilang damit.

Hindi ba mas panghihinalaan sila kung magsasama-sama sa ganitong oras ng gabi ang mga naka-unipormeng doktor, sundalo, flight attendant at chef?

Sabay-sabay silang pormal na yumuko sa akin. Paraan ng pagbati ng mga prinsipe ng Parsua.

"Mula kami sa Parsua Avalon." Sagot ng nasa gitna.

"Naghihintay na sa harap ng salamin ang natitirang itinakdang prinsipe para salubungin ka. Kami ang naatasang sumundo sa 'yo, Claret." Dagdag ng nasa kaliwa.

"Viardellon..." Muli silang tumango sa akin.

Kung hindi ako nagkakamali ay mga kapatid sila ni Seth. Ang itinakdang prinsipe sa Parsua Avalon.

"Paumanhin... ngunit hindi ko na nais bumalik..." Halos bulong na sabi ko.

"Iyon ang hindi namin mapagbibigyan... paumanhin..." Nang sandaling nagningas ang mata ng lalaking nasa gitna bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.

Saglit lamang iyon at nang sandaling ikurap ko ang aking mga mata, nasa harap na ako ng pamilyar na salamin. Apat na kamay na tumulak sa aking likuran at sandaling iyon, alam kong anumang oras ay babalik na ako sa mundong ilang beses kong pilit tinakbuhan.

Nangangatal ang mga paa ko nang itapak ko iyon sa paglabas mula sa salamin.

"Maliwagayang pagbabalik, Claret..." Salubong sa akin ni Rosh na nakalahad ang kamay.

"Kumusta?" Ganoon din si Seth na nakangiti sa akin.

Ngunit sa halip na abutin ang kanilang mga kamay, mas dumako ang mga mata ko sa hindi lang iisang blangkong upuan sa tronong siyang sumalubong sa akin noon. Parang piniga ang puso ko nang makitang pilit na ngumiti sa akin ang mga Gazellian bilang pagsalubong.

Nanghihina kong sinalubong ang mga mata ni Dastan.

"A-Ano ang nangyari sa Sartorias, K-Kamahalan?"



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro