Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9

Pamamaalam

I am in a world built with sacrifices, a world of unforgotten pain, a world of unspoken words, and a world full of unfinished stories.

Nabalot ng katahimikan ang buong silid-aklatan habang nakatitig kami ng reyna sa tatlong prinsipe.

Hindi ko akalain na sabay silang magtutungo ritong tatlo para lamang tulungan ako. Kailanman ay hindi naging maganda ang ugnayan nila kay Zen pero ito at kasalukuyang nagtitindigan ang mga balahibo ko habang nakikita ang sinseridad sa kanilang nagniningas na mga mata.

My heart is pounding so fast, Zen... The blue fire didn't fail to choose. I am seeing three of the best vampire princes in this world, your brothers from the prophecy. They are all willing to risk their lives to bring your back.

"Mapapahintulutan mo ba kami, Mahal na Reyna?" Tanong ni Seth. Kapwa kami nakatingin ngayon sa reyna at maging siya ay may mga matang humahanga sa tatlong prinsipe.

"Anong karapatan kong tutulan ang desisyon ng tatlong itinakdang prinsipe?" nakapagat ko ang pang-ibabang labi ko. Gusto kong lapitan ang tatlo at paulanan sila ng yakap.

Magsisimula na ang panibagong yugto ng aking buhay.

"Go on, sons. Walang kahit sinong reyna ang may kakayahang tanggihan ang sinseridad na mayroon kayo. Hindi ko hahadlangan ang inyong desisyon." Nang tumayo ang reyna, mas lalong yumuko ang tatlong prinsipe.

"Lumps, ang espada..."

Tumalon ang kuneho sa kanyang upuan at nagmadali siyang lumapit sa pader kung saan may nakasabit na gintong espada. Ilang beses pang natalisod ang kuneho bago niya nailahad sa reyna ang espada.

"Hayaan n'yo akong basbasan kayo." Hawak na ng reyna ang gintong espada at marahan niya na iyong itinapat sa balikat ni Seth.

"Bilang reyna ng kaharian ng Parsua Sartorias, ang reyna ng unang itinakdang babae mula sa salamin, pinahihintulutan ko kayong patnubayan at samahan ang kanyang paglalakbay."

Tinapik ni Reyna Talisha ang magkabilang balikat nina Seth, Blair at Seth gamit ang espada.

"Binabasbasan ko ang inyong mahabang paglalakbay. Manatili kayong ligtas at malayo sa kapahamakan..." Sabay tumango ang tatlong prinsipe. "Nakikiusap ako sa inyo mga itinakdang prinsipe, hindi bilang reyna kundi bilang isang nangungulilang ina. Hihintayin ko ang inyong pagbabalik kasama ang Prinsipe ng mga Nyebe."

"Pangako, Mahal na Reyna..."

Lumukso ang dibdib ko nang makita ang luha sa mga mata ng nakangiting reyna.

Nang sandaling maibigay na ng reyna ang basbas ay mabilis nawala sa aming harapan ang mga prinsipe.

"Maghanda ka na, Claret. Ngayong araw ang pag-alis mo sa Parsua." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at itinapon ko na ang aking sarili sa reyna at niyakap siya nang mahigpit.

"Maraming salamat, Mahal na Reyna..."

"Salamat din sa pagbabalik sa kahariang ito, Claret."

Nauna nang lumabas ng silid aklatan ang reyna kasama ang kanyang kuneho. Madali kong hinanap si Kamahalan na siyang gusto kong makausap bago ako umalis ng palasyo.

Pero nang sandaling nasa harapan na ako ng kanyang paboritong silid aklatan ay nakasalubong ko si Lily.

"Maaari ba kitang makausap?"

Sinabi niyang sumunod ako sa kanya, ngunit habang patuloy ako sa paglalakad napapansin ko na patungo na kami sa kagubatan ng Parsua Sartorias.

"Lily, bakit tayo patungo sa kagubatan?"

"May kailangan kang malaman. Nakiusap sa akin si Rosh na ako ang magsabi sa'yo nito, dahil hanggang ngayon ay sinisisi niya pa rin ang kanyang sarili."

Gusto ko pa sanang magtanong pero mas bumilis na ang paglalakad ni Lily hanggang sa kapwa na kami tumatakbo. Nakarating kami sa pusod ng kagubatan kung saan doon inilalagay ang mga alaala ng mga yumaong matataas na bampira.

Nang kapwa na kami tumigil ni Lily ay biglang napako ang mga mata ko sa magandang larawan ni Serena, katabi niyon ay isang piraso ng kanyang nabasag na salamin.

"N-No..." napaluhod na ako habang sapo ang aking mga bibig.

"H-Hindi ito totoo, Lily, hindi ba?"

"Sobrang laki ng pinsalang dulot ng digmaan at isa si Serena sa lubos na naapektuhan. Tatlo silang nagsakripisyo ..." Lumuluha na rin si Lily.

"I don't understand. Si Serena ang pinakamalakas sa itinakdang babae noon. Paano ito nangyari?"

"She sacrificed herself just to save me. I'm so sorry, Claret. You've lost a friend because of me..."

Lalo akong naguluhan nang biglang dumating si Rosh.

"Claret, alam na ni Rosh na si Serena ang dahilan kung bakit hindi nakatawid ang kanyang diyosa sa salamin. Muntik nang mamatay si Rosh sa digmaan. Dinala ni Serena ang lahat, sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit nagulo ang paglabas ng mga itinakdang babae mula sa salamin, ginawa niya ang alam niyang makapagpapatuwid sa kanyang pagkakamali..."

"But she was possessed that time! Walang kasalanan si Serena. Ang mga mangkukulam ang may kasalanan ng lahat! How about her mate? How's Lorcan?" Sabay umiling sina Rosh at Lily.

"Bigla na lamang siyang nawala na parang bula, wala nang kahit sinong bampira ang nakakaalam kung nasaan siya. Posibleng..." Hindi na magawang ituloy ni Rosh ang sasabihin niya.

"Karapatan mong malaman ito, Claret, bago kayo umalis sa inyong paglalakbay. Pinapaalala ko sa inyong higit ang galit ng Halla Eberron sa buong Parsua dahil dalawa sa anak ng hari ang namatay dahil sa digmaan."

"D-Dalawa?"

"Si Clifford, Claret. Hindi mo siya kilala, pero kapatid siya ni Serena sa ama." Ang tangi ko lamang natatandaan noon ay ang triplets niyang mga kapatid.

"How about this? Who is this?"

Sa malaking bato ay may maliit na dahon na hindi magawang malipad ng hangin kahit gaano kalakas iyon.

Mapait na ngumiti si Lily. "My first love..."

Hindi na nagawang magpaalam sa amin ni Rosh dahil bigla na siyang nawala sa tabi namin ni Lily.

"Hindi niya kayang tumagal sa lugar na ito, Claret. Mabigat pa rin ang pakiramdam ni Rosh dito. Pero pinilit niya pa rin na siya ang magsabi sa'yo ng katotohanan." Tumitig na lamang ako sa piraso ng salamin ni Serena na kasalukuyang natatamaan ng sinag ng buwan.

"Bakit umalis ang diyosa? Wala ba siyang sinabi?" Wala sa loob na tanong ko kay Lily. Kung nandito kaya siya, magagawa niyang buhayin ang mga bampirang nawala?

"Hindi ko alam. Basta na lamang siyang umalis na parang hindi niya matanggap si Dastan. Kung higit lamang akong makapangyarihan baka nasaktan ko na siya, gusto ko siyang kitilin, pahirapan at sigawan. Wala siyang kapatawarang saktan ang tinitingalang hari ko, wala siyang karapatang saktan ang kapatid ko. Durog na durog na si Kamahalan, Claret. Durog na durog na siya, at wala man lang kaming magawa." Bigla kong naalala ang galit sa akin ni Lily noon sa tuwing nasasaktan ko si Zen.

"May dahilan ang mga pangyayari, Lily. Mahirap man tanggapin, wala tayong magagawa kundi sumabay sa agos kahit masakit man ito." Inabot ko ang maliit na piraso ng salamin ni Serena at marahan ko iyong hinalikan.

"Maraming salamat sa lahat, Serena. Gabayan mo ako sa aking paglalakbay. Nangangako akong itutuloy ko ang naudlot n'yong misyon at ipinapangako kong sa pagkakataong ito, magtatagumpay ang mga diyosa mula sa salamin." Muling umihip ang malakas na hangin dahilan kung bakit ko pinagsalipot ang aking mahabang buhok.

Nang bumalik na kami sa palasyo, nakahanda na ang apat na kabayong siyang sasakyan namin. Pinasya kong huwag munang kausapin si Dastan, marami pa siyang iniisip at alam kong makakadagdag sa pagbigat ng nararamdaman niya ang sasabihin ko.

I am sorry, Alanis. Alam kong maiintindihan mo kung bakit hindi ko agad nasabi kay Kamahalan ang iyong mensahe.

Nasa labas na ng palasyo ang mga Gazellian na siyang lagi nilang ginagawa sa tuwing may maglalakbay. Si Kamahalan lang ang wala sa kanila na nasisiguro kong abala sa kanyang gawain.

Abala na sa pag-aayos ng kanilang mga kabayo ang tatlong prinsepe at hinihintay na lamang nila ako.

Unang lumapit sa akin si Harper at mahigpit niya akong niyakap.

"Mag-ingat kayo. Masaya akong binalikan mo ang mundong ito." May isinuot siyang kwintas sa akin.

"This necklace..." Ngumisi siya sa akin. Ito ang kwintas na isinuot nila sa akin ni Lily nang minsan akong nagpanggap na masahista ng Prinsipe ng mga nyebe.

"Sa pagkakataong ito, may bisa na ang kwintas na 'yan. Alam kong higit ka nang sanay sa mahika at kaya mo nang protektahan ang sarili mo pero sana ay matulungan ka ng kwintas na 'yan sa takdang oras. Ito ang huling kwintas na ginawa ng matatandang babaylan bago sila pumanaw dahil sa digmaan."

"Salamat, Harper..."

Niyakap din ako ni Lily, tumango sa akin si Casper at lumapit sa akin si Caleb para halikan ang kamay ko.

"Gusto kong sumama katulad ng dati Claret, kami nina Evan at Finn ang kasama mo noon pero higit akong kailangan ng kaharian ngayon. Patawad, magandang diyosa mula salamin." Umiling ako sa sinabi niya.

"Alam kong gusto mong tumulong pero huwag ka nang mag-alala, Caleb. Hindi ako pababayaan ng tatlong prinsepeng kasama ko." Tipid siyang ngumiti sa sinabi ko.

Nakatayo lamang ang reyna habang pinagmamasdan kami.

"Claret?" Narinig kong tumawag na si Seth. "Let's go..."

Kapwa na sila nakasakay sa kanilang may kabayo.

Muli kong sinulyapan ang mga bampirang nasa labas ng palasyo. Gusto kong makita si Kamahalan, ang haring pinakamamahal ng aking prinsepe, ang haring tinitingala ng lalaking mahal ko.

"Nasaan si Kamahalan?"

"Claret, hindi magandang abutan tayo ng bilog na buwan." Tawag sa akin ni Blair.

Tatalikod na sana ako nang makita kong lumabas na si Kamahalan sa palasyo. Hindi ko gustong umalis sa Parsua Sartorias na hindi nakakapagpaalam sa haring hinahangaan ko.

"Kamahalan..." Nahawi ang mga bampirang nasa harapan ko nang maglakad roon ang hari. Hinuli niya ang kamay ko at dinala niya sa kanyang mga labi.

"Mag-ingat kayo sa paglalakbay. Please don't die. Bumalik kayo ng kapatid ko. Maghihintay ang buong kaharian, maghihintay ako hindi bilang hari kundi isang kapatid. Ipinapangako kong ako mismo ang magkakasal sa inyo." Tila hinaplos ang puso ko sa sinabi ng hari.

"Maraming salamat, Kamahalan." Sumakay na ako sa aking kabayo.

Pormal na tumango sa akin ang Hari ng Sartorias. "Hanggang sa muli nating pagkikita, magandang diyosa mula sa salamin."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro