Chapter 6
Chapter 6
Mga trono
As the snow is vanishing slowly, the white sand is flowing...
Sinubukan kong lumingon sa kanya para makita ang kanyang mukha, pero agad niyang tinabig ang aking mga paa dahilan kung bakit ako nawalan ng balanse at matumba.
Buong akala ko ay tuluyan nang babagsak sa lupa ang aking katawan nang may mga brasong sumambot sa akin. Pilit akong nagmulat pero hindi ako pinahintulutan ng mga buhangin sa aking mata.
Hindi ko siya makita at ang tanging nararamdaman ko ay ang mga braso niya sa akin.
"A-Ano ang ginawa mo sa mga mata ko?!"
Sinimulan ko nang pagliwanagin ang mga kamay ko para makalayo sa kanya, pero kusang nagsalikop ang dalawang kamay ko. May gumagapos na roon dahilan kung bakit nagtungo iyon sa ibabaw ng aking ulo.
"I-Ikaw ba ang anak ni Danna? Ano ang ginagawa mo sa akin?" Naalarma ako nang nanulay sa aking leeg ang ilan sa mga daliri niya.
"Kung ganoon ay totoo pala talaga ang kumakalat ng balita. Ang unang itinakdang babae ay may aking kagandahan na aakit sa kahit sinong bampira..." Malamig na boses niya ang mas nagpaalarma sa akin.
"Hindi matutuwa si Danna sa ginagawa mong ito. Bitawan mo ako! Tanggalin mo ang buhangin sa mata ko!" Lalo akong hindi nakapumiglas nang maging ang paa ko ay ginapos ng mga buhangin niya.
Bakit kung kailan kailangan ko ang kapangyarihan ko ay hindi iyon lumalabas?
"It won't work beautiful goddess, if your power can nullify any curse. My sands can nullify any vampire ability..." Bulong niya sa akin na nagpatindig ng mga balahibo ko. "Sa madaling salita, isa ka lamang mahinang tao sa oras na ito."
Humigpit ang hawak niya sa mga braso ko at mas kinabig niya pa ang aking katawan papalapit sa kanya.
"A-Ano ang ginagawa mo?!" Pilit akong nagpumiglas nang maramdaman ko ang tungki ng ilong niyang nanunulay sa aking leeg.
"N-No! Itigil mo iyan! H-Hindi ka maaaring uminom mula sa akin!" Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok kong tumabing sa aking mukha.
Ginawa ko ang makakaya kong pagpupumiglas sa kanya pero masyado siyang mahigpit ang gapos niya.
"Your mother will not like this! Stop, please!" Sigaw ko kasabay ng mainit niyang paghinga sa leeg ko. Mas itiningala niya pa ako para mas maidikit niya ang kanyang labi sa leeg ko.
"S-Stop! H-Hindi mo magugustuhan ang dugo ko. Ilang taon na akong puro hayop at inimbak na dugo ang iniinom. Tumigil ka na! Kausapin mo ako ng maayos! Your mother wants me to find you!"
"This won't hurt. Mukhang may alam ka na rin naman, hindi ba? I am also a Gazellian. My fangs will be similar to your beloved mate." Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
"Zen's fang is different! W-Walang kahit kaninong pangil ang papalit sa kanya! Please, stop this, Sand Prince..." Pagmamakaawa ko.
Hindi niya ako pinakinggan. Tinakpan niya ng kanyang kamay ang bibig ko at kusa nang kumuyom ang mga kamay ko nang maramdaman ang pangil niya sa leeg ko.
Hindi sa tagiliran kundi sa gitna ng aking mga leeg bumaon ang kanyang mga pangil habang nakahiga ako sa kanyang kandungan. Ramdam ko ang init ng mga labi niya habang marahan siyang umiinom ng aking dugo.
Kusa nang tumulo ang luha ko. My neck is only for the Snow Prince. Nangako ako sa sarili kong hindi ako muling magpapakagat sa kahit sinong bampira habang hinihintay ko ang aking prinsipe. Pero ano itong ginawa ko?
Ramdam ko ang aking panghihina habang panay siya sa pag-inom sa akin.
"I-Itigil mo na ito..." Bulong ko na nagpatigil sa kanya.
Nang iwan niya ang leeg ko ay kusa nang nawala ang pagkakagapos ng mga buhangin sa katawan ko. Hindi na ako makakilos dahil sa sobrang panghihina ko pero ramdam kong binuhat niya ako at inupo niya ako sa ilalim ng pinakamalapit na puno.
"Patawad ngunit kinailangan ko itong gawin. Hihintayin kita sa kabilang mundo, Claret..." Saglit na lumapat ang kanyang labi sa noo ko bago tuluyang nagawa ang presensiya niya sa kagubatan.
Ilang minuto ang hinintay ko bago bumalik ang paningin ko. Kinapa ko ang leeg kong kinagat niya. Bakit kailangan niyang gawin iyon? Bakit kailangan niya pang tumawid sa mundo ng mga tao para uminom ng dugo? Bakit kailangan ang aking dugo?
May karamdaman ba ang anak ni Danna?
Hindi ko man lang nakita ang kanyang mukha at ang tanging naalala ko ay ang malamig niyang boses. Paano niya ako agad na nakilala?
Hinintay ko lamang na makabawiako ng lakas bago ako bumalik sa aming bahay, sinalubong ni Lola at halos mamutla siya nang makita niyang may kagat ako ng bampira.
"Sino ang may kagagawan nito?"
"Ang anak ni Danna." Naupo na ako na may pagtataka sa aking isipan. Hindi niya ako sinaktan at ramdam kong marahan niya lamang akong kinagat.
Pansin ko ang pagkunot ng noo ni Lola.
"Papaano niya nalaman ang lugar na ito? Nasabi ba ito sa kanya ng kanyang ina?"
Hindi ko alam.
"He badly needs my blood. Ang dugo ko ang dahilan kung bakit siya nagtungo rito. Posible kayang may sakit ang anak ni Danna?"
Wala mula sa amin ni Lola ang nakasagot sa sarili naming mga katanungan.
***
Matapos ang ilang araw simula nang nagpakita sa akin ang anak ni Danna, bigla na lamang may kakaibang bagay na nagpakita sa loob ng aking silid.
It's a snow globe that reminds me of my beloved mate, my snow prince. Sa tuwing hinahawakan iyon ng aking kamay ay kusa iyong nagliliwanag na siyang nagpapakita ng isang punong kapareho ng punong sumisimbolo kay Zen.
Simularin ng araw na iyon, wala na muling bampira ang nagparamdam sa akin hanggang sa lumipas ang apat na taon.
Maraming nangyari sa mga taong lumipas. Muli akong nag-aral, nangibambansa at nagkatrabaho. Naranasan ko muling mabuhay bilang tao malayo sa komplikasyon ng mgasumpa, emperyo at mga kapangyarihan.
Hanggang sa muling magpakita sa akin ang asul na apoy at ang apat na Viardellon na siyang sumundo sa akin para muli akong ibalik sa mundo ng mga bampira.
Nasa harap ako ng mga matataas na bampira hindi lamang ng Parsua Sartorias kundi ng ilang mga kaharian ng Parsua. Nakangitisa akin sina Seth at Rosh na hindi ko magawang salubungin ang mga mata. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung papaano ko sila sasagutin sa sandaling magtanong sila ng tungkol sa mga babaeng itinakda sa kanila.
Pero ang lubos na nagpapakirot ng puso ko sa mga oras na ito ay ang bilang ng blangkong trono na nasa aking harapan.
"A-Ano ang nangyari sa Sartorias, K-Kamahalan?"
Tumayo si Lily sa kanyang trono at patakbo niya akong sinalubong ng kanyang mainit na yakap.
"Ilang taon na ang nakalipas, Claret. Kumusta ka?" Ngiting tanong niya sa akin.
Nagbigay ng utos si Dastan sa mga kawal na bumalik na sa kanilang mga gawin na agad nilang sinunod. Ganoon din ang ilang matataas na bampira, nagpaalam na rin sina Rosh at Seth na ang mismong paglabas ko lamang sa salamin ang hinintay.
"L-Lily..."
Nang maiwan na lamang ang mga Gazellian sa silid ay bumaba na sa kanyang trono si Dastan at inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.
"How are you, Claret?" Dinalaniya ang kanang kamay ko sa kanyang labi.
"Mabuti naman, Kamahalan..."
"Maligayang pagbabalik, Claret." Humalik din sa kamay ko si Caleb bilang pagbati.
"Napakaganda mo pa rin..." Kumento ni Casper na sobrang laki na ng ipinagbago. Malayo na sa batang paslit na sumalubong sa akin noon, para na siyang kasing edad ko.
"We missed you..." Dagdag ni Harper.
Hindi rin nagtagal na kasama namin ni Kamahalan dahil may lumapit sa kanyang kawal at may ibinulong sa kanya.
"Paumanhin, Claret. Kailangan ko munang umalis..." Paalam niya. Ganoon din ang ginawa ni Casper at sumunod sa pag-alis ng hari.
Naiwan sina Harper, Caleb at Lily. Dinala nila ako sa mas maliit na silid, naupo sa may bintana si Caleb at hinayaan niya kaming magkakatabing naupo ng mga kapatid niyang babae sa mahabang upuan.
"Nasaan sina Finn at Evan?" Kinakabahang tanong ko.
Mapait na ngumiti sina Harper at Lily.
"Maraming nangyari nang umalis ka sa mundong ito, Claret." Panimula ni Lily.
"May nakapagkwento na nito sa akin. Isa sa Middelei..."
"Who?" Nagtatakang tanong ni Lily.
"Si Alanis..."
"Oh..." Sa reaksyon nila, alam kong nakikilala nila ang babaeng sinabi ko.
"Mabuti na lamang at hinayaan ka ni Adam na manatili muna sa kaharian ng ilang araw. Hindi ko kakayaning ako ang magsabi ng lahat ng nangyari kay Claret..."
"Gusto kong malaman kung nasaan sina Finn at Evan." Ulit ko. Hindi ko na gustong makatanggap pa ng masamang balita.
"Matapos ang nangyaring digmaan, Claret, bumuo ng desisyon si Evan para matulungan niyang mapamunuan ni Dastan sa hinaharap ang mundong ito. Siya mismo ang nagpahayag sa buong kaharian ng Parsua Sartorias na papasok siya sa unibersidad ng mga konseho."
"Unibersidad ng mga konseho? Meron nito sa mundong ito?"
"Yes. Dito hinuhubog ang lahat ng mga konsehong namumuno sa mundong ito. At para maging mas matatag ang pamumuno ni Dastan, kailangan niya ng mapagkakatiwalaang konseho. Dito gusting manguna ni Evan dahil sa lahat ng mga Gazellian, siya ang may angking talino."
Sumang-ayon ako sa sinabi ni Lily. "How about Finn?"
"Ayaw ni Dastan payagan si Evan na magtungo mag-isa sa unibersidad, dahil malaki ang posibilidad na maraming may galit sa mga Gazellian hanggang doon. Kaya ibinaba niya ang utos na kailangang sumama ni Finn kay Evan." Sunod ni Harper.
"Pero ilang araw matapos nilang makarating sa unibersidad, nabalitaan namin na tumakas si Finn mula roon. Labag iyon sa batas ng unibersidad. Hanggang ngayon ay wala kaming nababalitaan tungkol sa kanya. Dalawampung taon na kaming walang balita tungkol kay Finn." Natigilan ako sa sinabi ni Lily.
"Hanggang ngayon ay sinisisi ni Kamahalan ang kanyang sarili dahil sa sapilitan niyang pagpapadala kay Finn sa unibersidad. Dalawampung taon na siyang nawawala Claret at unti-unti na kaming pinaghihinaan ng loob. Gusto nang lumabas ni Evan sa unibersidad dahil sa sunud-sunod na suliranin ng Sartorias. Pero mahigpit namin siyang pinigilan dahil masasayang ang taong iginugol niya roon. Kailangan niyang manatili roon ng isang daang taon para maging ganap siyang konseho..." Halos hindi ko agad maproseso ang mga sinasabi ng magkakapatid.
"That idiot! Dapat ako na lang ang sumama kay Evan. Hindi ba alam ni Finn na mainit ang mata ng ibang lahi sa ating mga Gazellian? Alam niyang sisisihin ni Dastan ang kanyang sarili sa ginawa niyang iyon. Alam niyang may sariling problema ngayon si Kamahalan. Hindi niya ba naiisip na napapagod din sa mga suliranin ang kapatid natin? Wala man lang akong magawang tulong kay Dastan!" Iritadong sabi ni Caleb.
"Ano na ang nangyari sa diyosa? Nasaan na siya?"
Natatandaan kong sinabi sa akin ni Alanis na natagpuan na ni Kamahalan ang babaeng itinakda sa kanya.
Muling natahimik ang mga Gazellian sa tanong ko at ilang minutong nakatitig lamang sila sa akin.
"Bakit hindi ko siya nakikita rito?" Muling tanong ko.
"Claret..." Huminga nang malalim si Lily at mapait siyang ngumiti sa akin.
"She left Dastan, Claret. She can't accept that she's mated to a vampire..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro