Chapter 3
Chapter 3
Dalawang klase ng luha
Over this mountain is a grieving story and through these woods are saddest souls.
Papaano nila nasabing patay ang kabundukang ito kung may nabubuhay na iilang mga puno rito? Kagaya ko rin ba ito na may kwento? Isa rin ba ang kabundukang ito na katulad kong hindi pinalad sa huling pahina?
Niyakap ko ang aking sarili nang makaramdam ng kakaibang kilabot sa aking katawan. Simula nang pagmasdan ko ang kabundukan ng Morte habang papalapit ako rito bigla na lamang may kung anong pumasok sa isip ko.
Naikwento na sa akin minsan ni Lola ang tungkol sa kabundukang ito at ang kakaibang dala nito sa bawat itinakdang babaeng tatapak dito.
Every forest has its own mysteries.
Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit sinasanay ang mga itinakdang babaeng mamuhay malapit sa kalikasan. Dahil higit pang misteryo ang kakaharapin namin sa sandaling tumawid na kami sa aming mga salamin.
Tipid akong ngumiti, kailangan ko nang sanayin ang sarili ko. Ang bawat bagay, paniniwala, nilalang at maging propesiya ay may mga itinagong kwento, mga kwentong ibinabaon na ng panahon pero pilit pa ring hinuhukay dahil sa matinding koneksyon nito sakasalukuyan.
In the vampire world, the past is the greatest enemy. It's too powerful that it can even surpass the present.
"Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko, Alanis?" tanong ko sa babaeng kasama ko na kasalukuyan nang inaayos sa kanyang motor.
Nasabi sa akin ng dalawang matanda na kaya nila pinatawag si Alanis dahil may ipapakiusap silang dalhin para sa ikatlong itinakdang babae sa sandaling siya'y isilang. Hindi na ako nagulat nang malaman kong isa iyong kwintas.
Isang linggo at apat na araw din ang ipinaglakbay namin bago kami makarating sa paanan ng kabundukan ng Morte. Hindi agad namin iyon nakita dahil kapwa kami hindi pamilyar ni Alanis sa lugar na dinaanan namin. Kung maaari lamang tumawag ng Hontza, ito ang tawag sa malalaking ibon mula sa mundo ng mga bampira, hindi na kami magtatagal ng ilang araw.
"What do you mean, Claret? Sa sobrang lamig dito ay wala na akong maramdaman. Patay na patay ang buong paligid."
Hindi ako nagkapagsalita sa sinabini Alanis. Bakit ito ang lugar na napili ng asul na apoy kung saan isisilang ang ikatlong itinakdang babae? She can't live in place like this.
Dapat ang bawat itinakdang babae ay lumaking napapalibutan ng init ng buhay. Hindi sa ganitong lugar.
"Let's go..."
Tumango sa akin si Alanis. Sa bawat paghakbang namin ay ang pagkapal ng puting usok na siyang nagiging dahilan ng pagbagal namin.
I can't even use my vampire eyes.
"May ideya ka ba kung saan nanggagaling ang usok na ito?" Itinapat sa akin ni Alanis ang flashlight na hawak niya, agad kong inilihis ang mukha ko rito.
"Alanis..."
"Oh, sorry. Hindi ba sinabi ng dalawang matanda sa'yo na nakakagawian na ng mga mongha sa lugar na ito na magpausok laban sa mga bampira? Para maprotektahan ang mag-ina." Kumunot ang noo ko sasinabini Alanis.
"Kaya ba bigla na lamang nanghihina ang katawan ko?"
"Yes. Masyado itong epektibo dahil maging ang katulad ko na may kaunting patak ng dugong bampira ay naapektuhan." Nagpatuloy kami sa paglalakad pero hindi rin nagtagal ay napatigil ako nang mas naintindihan ko ang sinabi sa akin ni Alanis. May hindi tama sa mga sinabi niya.
"Bakit mula sa mga bampira? Hindi ba at ikaw na ang may sabi sa akin na tungkulin n'yong mga Middelei na magsala ng mga bampirang dadaan mula sa Midel? Hindi ba ito lang ang daan sa pagitan ng dalawang mundo? Ibig sabihin ay kayo ang unang makakaalam kung ano ang mga pakaynila? Papaano pa sila nakakalusot sa inyo? Papaano pa makakarating dito ang mga bampirang maaaring gumawa ng masama sa itinakdang babae? Sino sila? Bakit hindi napahamak nang ganito ang buhay ko nang mga panahong naninirahan pa ako rito sa mundo ng mga tao bago akonaging tunay na bampira?"
Bakit pakiramdam ko ay sobrang dami ng nagbago sa loob ng isang taong pagtigil ko sa mundong ito?
"Simula nang matapos ang digmaan Claret, muling bumalik ang problema ng Midel."
"Digmaan? Anong digmaan ang sinasabi mo, Alanis?" Pansin ko na katulad ko ay nahihirapan na ring huminga si Alanis.
Naupo muna kami sa ilalim ng isang puno habang nakatitig pa rin ako sa kanya at hinihintay ang kanyang sagot.
"Sinabi mo sa akin na isang taon ka na sa mundong ito, ibig sabihin nito ay pitong taon na ang nakakalipas sa kabilang mundo. Marami nang nangyari Claret at isa na rito ang digmaan."
Ikinuwento sa akin lahatni Alanis ang kanyang nalalaman habang ako ay natulala na lamang sa aking mga naririnig. Paanong sa maiksing panahong pananatili ko rito ay ganito na agad kabigat at katindi ang sinapit ng kahariang kumupkop sa akin?
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang samahan ng Parsua sa lahat ng konseho at maging sa ibang emperyo. Mabuti silang kausap sa harapan na parang totoong nirerespeto nila si Kamahalan pero kahit kailan ay traydor ang mga ito. Gumagawa sila ng hakbang pailalim para unti-unting bumagsak ang buong Parsua." Lalo akong naguluhan sa sinasabi ni Alanis.
"At sinisimulan nila sa mga itinakdang babae?" Marahang tumango si Alanis.
"Bakit hindi na lamang hulihin ang mga bampirang ito habang nasa kabilang mundo pa kung may nalalaman na pala ang Parsua tungkol dito?"
"Alam mo kung anong malaking problema, Claret? Marami sila at kahit ilang beses silang pigilan at patayin, paulit-ulit lamang na may lalabas na bago para pabagsakin ang Parsua. Hindi matatapos ang digmaan dahil kahit kailan ay hindi mawawalan ng traydor at hayok sa kapangyarihan sa bawat panahon." Natahimik ako sa sinabi ni Alanis.
"Ang problema ni Kamahalan ay kung papaano niya malalaman kung sino ang totoo at nagpapanggap sa kanya. Tulad nga ng sinabi ko, lahat ay gumagalang sa kanya kapag nakaharap siya pero mahirap malaman kung sino ang kumikilos sa ilalim para pilayan siya."
"Isa sa mga konseho ang Lolo ko, alam kong matutulungan niya si Kamahalan."
"Isa laban sa daang konseho?" Gusto kong matawa sa sinabi ko kay Alanis. Imposibleng may magawa si Lolo tungkol sa bagay na ito.
"Napakarami mong nalalaman Alanis..."
"Because Dastan is the King, gusto kong may maraming nalalaman tungkol sa mundong minamahal at pinamumunuan niya." Napatitig ako kay Alanis habang kapwa kami nakasandal sa puno.
"It's painful to love a mated vampire, Alanis. Mahirap mahalin si Kamahalan..." Bulong ko sa kanya. Nakikita ko ang sakit at pagmamahal sa kanyang mga mata sa tuwing mababanggit niya si Dastan.
"Alam ko. Let's go, nawawala na ang usok." Pilit siyang ngumiti sa akin bago siya tumayo. Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay para alalayan ako.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at hinayaan niya akong mauna dahil mas nararamdaman ko na ang presensiya ng itinakdang babae kahit nasa sinapupunan pa lamang siya.
Dahil nauubos na ang usok, mas napabilis ang pag-akyat namin ni Alanis hanggang sa makarating na kami sa lugar na aming hinahanap. Tumambad sa amin ang isang lumang arko na gawa sa kahoy na may ilang piraso ng mga papel na nasisiguro kong mga dasal at orasyon. Sa gitna ng arko ay isang mahabang hagdanan at sa tuktok nito ay ang tahimik na templo na nababalutan ng kadiliman.
Hindi ko maintindihan kung bakit napahawak na lang ako sa aking dibdib nang makarinig ako ng kakaibang tunog mula sa itaas.
A soft noise from the slow-moving hanging drum. Panay ang mabagal na pagtambol nito kasabay ng pagtibok ng puso ko.
"What is this place? Kinikilabutanako." Pansin ko na yakap na rin ni Alanis ang kanyang sarili.
Nanatili akong nakatayo at nakatitig sa hagdanan.
"Claret, nagniningas ang mga mata mo." Saglit lang akong lumingon kay Alanis bago ako nagsimulang gumawa ng hakbang.
Tahimik lamang kaming umaakyat ni Alanis hanggang sa marating namin ang tuktok ng hagdan. Agad kaming sinalubong ng tatlong mga mongha na kapwa nakayuko sa amin at may hawak na mga lampara.
"Natutuwa kaming dumalaw ang unang itinakdang babae." Tipid lamang akong ngumiti.
"Maaari ko ba siyang makita?" Tumango ang mga mongha sa akin.
"Claret, your eyes are still glowing." Bulong sa akin ni Alanis.
"Kusa siyang nagniningas, Alanis. Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko." Bulong ko.
Sumunod kami sa tatlong mongha at pumasok kami sa isang templo na gawa sa capiz ang pintuan. Hindi kalakihan ang templo pero agad masasabing mahusay iyong naalagaan.
Nang makarating na kami sa harap ng kwarto ay huminga ako nang malalim.
Ang ikatlong itinakdang babae ay makikita ko na.
Binuksan na ng mongha ang pintuan at unang tumama ang mga mata ko sa isang napakagandang babaeng nakahiga sa isang lumang kama.
"Sa labas na lang muna ako, Claret." Tumango ako kay Alanis. Gawa rin sa capiz ang mga ilaw na nagbibigay liwanag sa buong kwarto.
"Sophia, nandito ang unang itinakdang babae." Bulong sa kanya ng isang mongha bago kami iniwan.
Mabagal akong humakbang papalapit sa babae at naupo na ako sa kama niya. Agad kumunot ang noo ko nang mas mapagmasdan ko siya. Nakagat ko na lamang ang mga labi ko, at sa nangangatal kong kamay ay hinuli ko ang kanyang mga kamay.
"Natutuwa ako at dinalaw mo ang aking anak..." Hindi ako makasagot sa kanya habang pilit kong pinipigil ang aking luha. Tipid siyang ngumiti na parang nakuha niya kung bakit hindi ko magawang makapagsalita.
"I lost my eyesight. Humihingi ako ng paumanhin, Mahal na Diyosa mula sa salamin, hindi kita magawang mapagmasdan..." Sumasakit na ang lalamunan ko.
"I-Inagaw ba ng mundo ng mga bampira ang 'yong paningin?" Mapait siyang ngumiti bago niya hinawakan ang kanyang malaking tiyan.
"Napakalupit ng mundo ng mga bampira pero malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil binigyan nila ako ng pinakamagandang regalo..." Sa halip na kamay ko ang lumapat sa kanyang tiyan, marahang lumapat ang labi ko roon at magaan iyong binigyan ng halik.
"You have a very great mother..." Bulong ko sa ikatlong itinakdang babae.
"Ano ang ginagawa ng unang itinakdang babae sa labas ng salamin?" Sa halip na sumagot sa kanya ay hinuli ko ang dalawang kamay niya at dinala ko iyon sa aking mga pisngi.
"Isasama ko kayo ng bata sa labas ng kabundukang ito. Sumama na kayo sa akin..." Umiling ang magandang babae sa akin habang hinahaplos niya ang bawatp arte ng aking mukha.
"Napakaganda mo. Isang napakagandang diyosa..."
"Hahayaan mo ba akong alagaan ka at ang bata?" Muling tanong ko sa kanya. Siyang mismo ang nagtanggal ng aking mga luha.
"Nanghihina na ako at alam kong sa sandaling mailuwal ko na ang bata ay hindi na rin ako magtatagal pa sa mundong ito." Dumiin ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay.
"Papaano ang bata? Lalaki rin siyang walang magulang katulad ko? Bakit kailangang lahat ng itinakdang babae ay ulila at walang mga magulang? Pahihintulutan mo ba akong isama siya? Palalakihin namin siya ni Lola nang punung-puno ng buhay at pagmamahal..." Muli siyang umiling sa sinabi ko.
"Kailanman ay hindi maaaring magsama nang matagal ang dalawang itinakdang babae sa mundo ng mga tao. Mawawalan ng kakayahayan ang isa sa inyo at mag-aagawan kayo ng presensiyang ibinigay ng asul na apoy."
"Sinasabi mo bang wala akong magagawa kundi iwan ang bata rito?"
"Wala kang ibang pagpipilian, Claret." Hindi na ako nagulat nang tawagin niya ang pangalan ko.
Muli ko pa sanang hahawakan ang tiyan ng babae nang mapansin ko ang ilang beses na pilit na paggalaw niya na parang may masakit siyang nararamdaman. Nanlaki ang mata ko nang mariin niyang hinawakan ang braso ko. Namamawis na ang kanyang noo at mga kamay.
"Tawagin mo na sila. Mukhang natuwa ang bata nang maramdaman ang presensiya mo..." Pilit siyang ngumiti sa akin.
Halos tumakbo ako para makalabas ng kwarto at tawagin ang atensyon ng mga mongha.
"Manganganak na siya..." Natutuwang sambit ko sa monghang nakasalubong ko na parang hindi makatayo nang maayos.
Nagimbal ang buong pagkatao ko nang sumuka siya ng dugo sa aking harapan.
"Ano ang nangyari---" Hindi ko na tuluyang nasabi ang sasabihin ko nang matumba na ang walang buhay niyang katawan.
"Claret! Pumasok ka sa loob! Napasok ang kabundukan ng mga bampira!" Sigaw sa akin ni Alanis na may hawak na dalawang baril. Pilit niyang inaalalayan ang dalawang mongha para makapasok.
Wala sa loob ko nang hinawakan ang unang dalawang mongha na nakaligtas.
"Manganganak na si Sophia, tulungan n'yo siya." Nanghihinang sabi ko. Tumango ang dalawang mongha sa akin bago sila pumasok sa kwarto.
Mabilis akong lumapit kay Alanis. "Mahina ang kapangyarihan ko sa mundong ito pero susubukan kong gumawa ng harang sa kwarto. Ikaw muna ang bahala, Alanis."
Lutang ang utak ko habang patungo ako sa kwarto na may nagliliwanag na mga kamay. Inagaw na nila ang paninginni Sophia, bakit hindi pa sila nakuntento at may balak pa silang patayin ang bata?
Umuusal ako ng mga dasal habang unti-unti kong binabalot ng harang ang kwarto. Naririnig ko na ang malakas na pagdaing ni Sophia ng sakit habang pilit niyang iniluluwal ang bata. Habang walang tigil na putok ng baril naman ang naririnig ko mula kay Alanis.
Ramdam ko ang bampirang patungo sa likuran ko at sinalubong sila ng aking nagliliwanag na kamay. Unti-unti kong tinatanggal ang sarili niyang lakas gamit ang mahika at inililipat ko iyon sa harang ng pintuan. Mabilis kong tinapos ang harang at tinulungan ko si Alanis.
Kapwa kami napamura nang makitang napapalibutan na kami ng napakaraming bampira.
"Ang unang itinakdang babae! Dalawang itinakdang babae ngayong gabi!" Natutuwang sabi ng isa sa kanila.
"Siya ang apo ni Leon na walang kwenta. Dalhin natin ang ulo sa kan--" Hindi na ito pinatapos ni Alanis dahil binaril na niya iyon sa ulo.
Kapwa na kami nawala ni Alanis sa aming mga posisyon habang abala kami sa mga bampirang walang tigil sa pagsugod sa amin. May ilang mongha na tumutulong sa amin pero agad din silang napapatay.
Akma na akong tutulong sa tatlong monghang magkakasama nang may bampirang sumampa sa likuran ko.
"Claret!" Tatlong mabibilis na putok ng baril ang narinig ko dahilan para sunud-sunod na bumagsak sa lupa ang tatlong bampirana sumugod sa akin. Ngunit tanging pag-abot lang ng aking kamay ang nagawa ko sa tatlong monghang nagawa ring mapatay ng mga bampira dahil sa higit nilang bilang.
"Makakapasok na sila, Alanis!" Lalong nagningas ang aking mga mata at marahas na lumabas ang aking mga pangil. Walang pakundagan kong pinugot ang dalawang ulo ng mga bampirang muntik nang pumasok sa templo.
"Mamamatay ang mag tatangkang pumasok!" Malakas na sigaw ko. Marami pa rin sila. Pansin ko na hindi na maigalaw ni Alanis ang kaliwang braso niya.
"Pumunta ka muna sa likuran, Alanis." Lalong nagningas ang aking mga mata nang marinig ko muli ang ingay mula sa nakasabit na tambol. Hinayaan kong kumalat ang kapangyarihan ko mula sa lupa hanggang sa unti-unti na iyong umangat.
Naalarma sila sa ginagawa ko. May pilit man gusting pumigil sa akin pero hindi sila makagalaw. Unti-unti kong pinipiga ang kanilang puso sa mabagal at masakit na paraan. Hindi lang iyon ang nararapat sa dami ng buhay na kanilang pinaslang, at ngayon ay pupunta sila sa mundo kung saan ako ipinanganak? Kasabay ng pagbalik ng itim ng aking mga mata ay ang pagbagsak nila nang walang buhay.
"Claret..." Mabilis kong pinahid ang luha sa aking mga mata at tahimik akong pumasok sa templo.
Nagmadali akong pumasok sa kwarto at nakita kong hirap na hirap si Sophia sa panganganak.
"Sophia, konti na lang..." Hinawakan ko na ang kamay niya. "Makakayanan mo ito... Ina ka ng isang itinakdang babae..." Bulong ko. Isang malakas na sigaw ang pumuno sa buong kwarto hanggang sa tuluyan na niyang mailuwal ang bata.
Nanlamig ang katawan ko nang wala akong marinig na pag-iyak.
"Patay ang bata..." Nanghihinang sabi ng isang mongha.
"H-Hindi..." Marahas akong tumayo at kinuha ko ang batang punung-puno ng dugo. Wala sa loob ko siyang ibinaliktad at ilang beses ko siyang pinalo.
"H-Hindi... buhay ka. Buhay siya, Sophia..." Nang sulyapan ko si Sophia ay lalo akong nanlambot. Nagmadaling dumalo ang dalawang mongha sa kanya at kapwa sila umiiling sa akin.
"H-Hindi... Ano ang nangyayari?!" Lumuluhang sabi ko. Wala pa rin akong tigil sa pagpalo sa bata.
"B-Buhay ka! Makikita mo pa ang mundong ito! Buhay ka..." Habang wala akong tigil sa pagpalo sa bata ay nakakarinig ang ng putok ng baril sa labas.
"Gumising ka! Nandito na ako! Ako ang sasalubong sa'yo. Sophia, buhay ang bata..." Ilang beses ko siyang niyuyogyog.
"Magmulat ka..." Wala pa rin akong pagtigil sa pagpalo.
"C-Claret..." Lahat kami ay napalingon sa pintuan. Tumambad sa amin ang isang bampira na may dugo sa kanyang bibig habang hila si Alanis gamit ang buhok nito.
Agad humarang sa amin ang dalawang mongha at walang pakundangan ang mga itong napugutan ng ulo. Gusto kong magmura, ginamit ko na ang kapangyarihan ko kanina. Walang habas niyang inihagis ang nanghihinang katawan ni Alanis.
"Ikaw na lang ang natitira.Unang itinakdang babae." Dumiin ang yakap ko sa bata. Sinubukan kong palabasin ang kapangyarihan ko pero wala nang lumalabas.
Pilit na gumalaw si Alanis at ang marahan niyang pagkuha sa malaking espada na palamuti ng kwarto. Gusto kong umiling sa kanya at patigilin na siya sa paglaban pero alam kong hindi niya ako susundin.
"A-Alanis!" Sigaw ko sa kanya.
Sumuka ng dugo sa aking harapan ang bampira dahil sa pagtagos ng malaking espada sa kanyang katawan, pero marahas niyang hinablot ang kamay ni Alanis.
Ibinaba ko na ang bata para mapigilan ang mangyayari pero huli na ako at tanging dumudugong mga kamay ko na lamang ang aking naramdaman na nakahawak sa espada.
Tuluyan nang naituhog ng bampira si Alanis sa espadang nakatusok sa kanya at kapwa sila bumagsak nang bitawan ko ang dulo ng espada.
"Alanis!" Agad ko siyang tinanggal sa pagkakatuhog sa espada habang ramdam ko ang nagsisimulang pangangatal ng katawan niya.
"Tinupad ko ang pangako ko sa kanya..." Lumuluhang sabi niya. Umiiling ako sa kanya habang pilit kong pinagliliwanag ang kamay ko para gamutin siya.
"H-huwag kang magsalita... I will heal you..." Walang ampat sa pagtulo ang luha ko habang pilit kong inilalabas ang nanghihina ko ng kapangyarihan. Higit ko na iyong nagamit kanina.
Hinawakan niya na ang kamay ko. "It's okay, Claret..."
"N-No... I-I can make you a vampire! Y-Yes... allow me..." Sinimulan ko siyang kagatin sa ilang parte ng katawan niya. Nang pilit ko nang ipinapatak ang dugo ko mula sa kamay ko patungosa kanyang mga labi, muli siyang umiling sa akin.
"K-Kailanman ay hindi namamayani ang dugo ng bampira sa k-katawan ko..." Muli siyang bumuga ng sarili niyang dugo. Nangangatal ang mga kamay niyang hinawakan ang pisngi ko.
"Tapusin mo ang misyon mo sa mundongito, Claret. Muli kang bumalik sa Parsua. Kailangan ka nila..." Nanghihinang sabi niya sa akin. Tanging pagtango na lamang ang nagawa ko.
"Sabihin mo sa kanyang mahal na mahal ko siya..." Iyon lamang ang huli niyang mga kataga bago unti-unting bumagsak ang kanyang mga kamay.
"A-Alanis..."
Kagat ko ang labi ko bago ko marahan idinikit ang noo ko sa kanya. "M-Maraming salamat..."
Ang mga kamay ko na mismo ang nagpikit sa kanyang mga mata. Tumanaw ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang bilog na buwan na saksi ng lahat ng kalupitang ibinigay sa akin ng tadhana.
Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ay ang malakas na alingawngaw ng pag- iyak ng ikatlong itinakdang babae.
At nang gabing iyon, dalawang uri ng mga luha ang naglandas sa dalawang itinakdang babae. Luha mula sa kamatayan at luha mula sa panibagong buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro