Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12

Chapter 12

I hope you did leave me footprints in your snow, but why is it that all I can see are trails of footprints from the sand?

Nagising na sina Rosh, Seth at Blair mula sa kanilang pagkakatulog. Handa na kaming lahat kausapin ang matanda at sabihin dito ang totoong pakay namin sa kanilang lugar.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung nasaan kaming emperyo.

"Lola, may nababalitaan ba kayo sa lalaking kayang manipulahin ang oras?" Tanong ni Blair.

"Oras?" Sabay-sabay kaming tumango sa matanda.

"Nitong mga nakaraang buwan, napapadalas sa bayang ito at sa dalawa pang kasunod na bayan ang sinasabi n'yong bampira." Kumuyom ang mga kamay ko sa narinig mula sa matanda.

"May nalalaman po ba kayo kung bakit nagagawi dito ang bampirang hinahanap namin?" Mahinang tanong ko sa matanda.

"Ito ang malaking katanungan, pero minsan ko nang nakita ang karwahe ng reyna ng Parsua Sartorias na dumaan dito, marami akong narinig na nagtungo ito sa kabilang bayan para kausapin ang bampirang hinahanap n'yo." Hindi na ako nagulat dito dahil nasabi na ito sa akin ng reyna.

Hindi nagsalita ang mga prinsipeng kasama ko at hinayaan nila akong makipag-usap sa matanda.

"May isa pa po akong katanungan, may kakayahan din po ba itong manipulahin ang buhangin?"

Hanggang ngayon ay katanungan pa rin sa akin kung sino ang lalaking nagpunta sa mundo ng mga tao para kagatin ako, at ang bampirang nakausap ng reyna.

Pumapasok man sa isip ko na posibleng dalawang bampira sila at hindi iisa, ibig sabihin lamang nito hindi lang iisang Gazellian ang nawawala, kundi dalawang Gazellian. Ngunit kaninong babae ang isa? Walang sinabi sa akin si Danna na dalawa ang naging anak nila ng hari.

Sumasakit na naman ang ulo ko sa pag-iisip ng katauhan ng bampirang hinahanap ko.

"Buhangin? Hindi ko alam na may kakayahin din itong gumamit ng buhangin." Pansin ko na tinatapik tapik na ni Rosh ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng lamesa at mariin siyang nakikinig sa pinag uusapan namin.

"Narinig namin ang usapan n'yo ng reyna, Claret. Maaaring tama ang sinabi mo. Hindi kaya dalawa silang magkaibang bampira?" Seryosong sabi ni Rosh.

"Habang nakikinig ako sa inyong usapan, ito rin ang pumasok sa aking isipan. Kung ganoon, hindi na natin kailangang hanapin ang lalaking may kapangyarihan sa buhangin. Dahil ang bampirang hawak ang oras ang siyang kailangan natin." Gusto kong mag protesta sa sinabi ni Seth.

May bagay na pilit nagtutulak sa akin na hanapin ang bampirang kumagat sa akin. Gusto kong makita ang mukha ng lalaking nagparamdam sa akin ng mga buhangin.

"Pero bakit niya pa kailangang tumawid sa mundo ng mga tao para lamang kagatin ako? Hindi kaya kailanganin din natin ang kanyang abilidad?" Tanong ko sa tatlong prinsipe na nakakunot ang noo sa akin.

"Anong abilidad ang kailangan natin sa bampirang tinanggalan ka ng paningin para lamang malaya ka niyang makagat? Why are you so interested in him, Claret?" Malamig na tanong ni Rosh sa akin.

Huminga ako nang malalim bago ako sumagot sa kanya, hindi ko gusto ang tono ng pagtatanong sa akin ni Rosh.

"I am not interested in him, Rosh. Sinabi niya sa akin na anak siya ni Danna. Hindi ko man natupad ang pangako ko sa kanyang ina na tuluyang linisin ang kanyang pangalan bago ito pumanaw, sa pagkakataong ito gusto ko man may gawing tama. Kailangan niyang makilala bilang isang Gazellian, ramdam ko nang kagatin niya ako. There's something with him, and his fangs are familiar with me. There is something with this vampire who can manipulate the sand. We need to find him." Halos ipagdiinan ko ito sa tatlong prinsipeng kasama ko.

"Kung ganoon, ang lalaking may kapangyarihang buhangin ang paniniwalaan mo kaysa sa reyna, Claret? Sinabi niya nang ang totoong anak ni Danna ay ang bampirang kayang manipulahin ang oras, paano kung nagsisinungaling lang sa'yo ang bampirang buhanging kumagat sa 'yo?" Tanong sa akin ni Rosh.

"The Queen and your story are conflicting, Claret, pareho kayong nagsasabing nakita niyo na ang anak ni Danna pero kapag ipinaliwanag n'yo kung anong katangian ng bampirang nakaharap n'yo, magkaiba ang mga ito. Ilan lang ang katanungan dito, sino ang nagsasabi ng totoo sa dalawang bampirang nakilala n'yo? Sino sa inyong dalawa ng reyna ang nagsasabi ng totoo?" Umawang ang mga labi ko sa sinabi ni Blair.

"Sinasabi mo ba sa akin Blair na isa sa amin ng reyna ay nagsisinungaling? Hindi magsisinungaling sa akin ang reyna at lalong hindi ko ito gagawin." Lalo nang tumitindi ang pagsakit ng ulo.

"Posibleng, iisang bampira lang sila. Sand and time, pero kahit sinong pagtanungan natin sinasabi nilang iisa lamang ang kakayahan ng bampirang may kakayahang manipulahin ang oras. Oras lang ito at hindi buhangin." Halos sabunutan na ni Seth ang kanyang sarili.

"Let's stop this conversation. Ang bampirang kayang manipulahin ang oras ang siyang hahanapin natin." Iritadong sabi ni Rosh.

"No. Kailangan din natin siyang hanapin Rosh."

"What? Claret, oras ang kailangan natin hindi buhangin! That's final, ako ang namumuno ng paglalakbay na ito." Madiing sabi ni Rosh.

"Kailan pa Rosh? Ako ang masusunod sa paglalakbay na ito. We are finding my mate. You need to follow my every decision." Matigas na sagot ko dito. Nag-igting ang bagang ni Rosh sa sinabi ko.

"You are not finding Zen, Claret! You are chasing the sand, and not the snow." Natigilan ako sa sinabi ni Rosh.

"Akala mo ba ay hindi namin napapansin sa usapan n'yo ng reyna? You keep insisting that sand vampire, can't you notice, Claret? He could be one of the dogs of those witches who are trying to confuse you. At maaaring nilagyan nila ng mahika ang presensiya ng bampira para maging pamilyar sa'yo, dapat ikaw ang may higit na nakakaalam tungkol dito."

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni Rosh, nanatili lamang tahimik sa amin ang matanda samantalang nakatitig sa akin si Blair at Seth.

"Don't be deceived, Claret. Alam namin na nangungulila ka kay Zen pero huwag na huwag mo siyang pagkakamalian sa ibang lalaki. Hindi ito magugustuhan ni Zen, maniwala ka sa aming tatlo dahil kami ang higit na makakaalam ng mararamdaman niya sa sandaling malaman niya ito." Mahabang sabi sa akin ni Seth.

"Muli siyang mawawala Claret, at sa pagkakataong ito baka mamatay siya dahil sa matinding selos. Ikaw ang may lubos na may kilala sa kanya." Matabang na sabi ni Rosh.

"At dahil hinayaan ka namin Claret na habulin ang lalaking kayang manipulahin ang buhangin, wala pang ilang buwan ng kanyang pagbabalik nagni-nyebe na kaming tatlo." Natatawang sabi ni Seth.

"Ganito katindi ang kahangalan ng bampirang itinakda sa'yo Claret. So please, stop chasing that sand vampire, he's just a useless shit." Matabang na sabi ni Rosh.

"Snow is different from sand, Claret." Tipid na sabi ni Blair.

"Isa pa, tandaan mo, Claret. Hindi magandang pagselosin ang mga itinakdang prinsipeng katulad namin." Kumindat sa akin si Seth.

"Alam ko..." Maiksing sagot ko. Napakalaking sakit sa ulo kapag nagseselos si Zen noon, lahat na lang pinagseselosan niya.

"Kung ganoon ay hindi na kayo magtatagal sa bayang ito Blair, apo?" Tumango ito sa kanyang lola.

"Maaari ko bang malaman kung anong emperyo ang sumasakop sa bayang ito?" Tanong ko.

"Nasa emperyo tayo ng Interalias at maliit na bayang ito ay nasasakupan ng kaharian ng Interalias Ardan." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Blair. Bakit hindi ako pamilyar sa lugar na ito?

"Hindi niya kayo maiintindihan, hindi pa pamilyar si Claret sa lugar na mundong ito. Tanging ang Parsua at Halla lamang ang narating niya." Paliwanag ni Seth.

"Ang Parsua lang ang emperyong kabisado ko ang mga kaharian." Maiksing sabi ko.

"Lima ang emperyo sa mundong ito Claret, Parsua na nabubuo ng apat na kaharian alam mo na naman siguro ito. Halla, na kinasusuklaman ang ating emperyo, may labing apat itong kaharian. Lodoss na may pitong kaharian, Interalias na may dalawampu't isang kaharian at Mudelior na may siyam na kaharian." Napasinghap ako sa paliwanag ni Rosh.

"Then are you telling me that these empires were against you during that war?" Sabay sabay tumango ang tatlong prinsipe sa tanong ko.

Umawang muli ang mga labi ko sa sagot nilang tatlo. Saan kumuha ng lakas ng loob ang buog Parsua na labanan ang dami ng emperyong ito? Sa Halla pa lamang ay maaari na silang maubos.

"Bakit ang lakas ng loob n'yong mga taga-Parsua?!" Napakalakas na ang boses ko.

"Well, that's us. Ipinaglalaban namin ang alam naming tama." Tipid na sagot ni Seth.

"Anyway, that was from the past." Alam kong ayaw na itong pag-usapan pa ni Rosh.

"So, is it now settled?" tanong ni Blair.

"It is settled, we're going to find the vampire who can manipulate the time." Muling ulit ni Rosh.

Kahit may malaking parte pa rin sa pagkatao ko na gustong hanapin ang lalaking may buhangin, kailangan ko pa rin paniwalaan ang mga salita ng tatlong itinakdang prinsipe. Maaaring tama sila sa kanilang mga sinabi at lubos lamang akong nangungulila kay Zen.

"Mas mabuting ngayong gabi na tayo umalis para agad na tayong makarating sa susunod na bayan." Sabi ni Seth.

"Anong pangalan ng bayan na pupuntahan natin?"

"Sa bayan ng Essos, may lupa at halaman na sa bayang pupuntahan n'yo." Sagot sa akin ng matanda. Pansin ko na hindi ito nagpapalit ng anyo katulad ng ibang nilalang na nakatira sa bayang ito.

"Ano po ang meron sa bayang ito?" Tanong ni Seth sa matanda.

"Kung tahimik at walang gulo ang bayang ito, kabaliktaran ito ng Essos. Punong puno ito ng kaguluhan at hindi pagkakaunawaan. Isa pa, hindi lang iisang nilalang ang namamayani sa bayang ito. Naghahalo halo na sila kaya walang katahimikan." Hindi nagsalita ang tatlong prinsipe sa sinabi ng matanda.

"Kailangan n'yo ng matinding pag-iingat sa susunod na bayan." Sabay sabay kaming tumango dito.

"Lalabas lang ako, kailangan kong tingnan ang aking kabayo." Pamamaalam ni Rosh.

Tahimik lamang itong tumalikod at lumayo sa amin, bigla na lamang pumasok sa isip ko ang iba't ibang imahe ni Astrid sa kanyang mga litrato habang habol ko ng tanaw ni Rosh.

Dapat ko na ba itong sabihin sa kanya? Hahayaan ko ba na wala siyang nalalaman sa babaeng hinihintay niya?

"Paumanhin, may kailangan lamang akong sabihin kay Rosh." Nagmadali akong tumayo sa aking upuan at lakad takbo akong lumabas.

"Rosh!"

Nakita kong malayo na siya, akma na sana akong hahakbang nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Shit!" Dahil lumaki akong tao, hindi nawala sa akin ang paglalagay ng aking mga kamay sa ibabaw ng aking ulo para hindi ako mabasa. Lakad takbo ako para mahabol si Rosh.

"Rosh, wait!" Sigaw ko dito. Pansin ko na natigilan siya sa paglalakad at akma na sana siyang lilingon sa akin nang bigla akong kilabutan nang hindi ko maipaliwanag. Ramdam kong may mga matang nakamasid sa akin.

Nangatal ang mga tuhod ko at natulala na lamang ako sa mga kristal na tubig ulan na nakatigil sa ere.

The raindrops are not moving. Maging si Rosh ay hindi na gumalaw sa kanyang kinatatayuan. It couldn't be...

Maagap kong inikot ang paningin ko sa paligid. At lumingon ako sa kung saan saang direksyon. Pansin ko na nakatigil ang mga Centauro sa paligid. Nasaan siya? Nasaan ang nagmamay-ari ng mga matang mariing nakatitig sa akin sa mga oras na ito?

Nagsimula na akong makarinig ng tunog ng orasan, at habang tumatagal ay lumalakas ang ingay nito sa aking tenga. Nagsimula nang magtatambol ang aking dibdib.

Ano itong nararamdaman ko? Biglang namanhid ang buo kong katawan, hindi na naman ako makagalaw. Kahit ang sarili kong kapangyarihan ay hindi sumunod sa aking ipinag-uutos.

Nakakakita na ako ng pigura nang isang lalaking papalapit sa akin at kagaya namin ay may nakasaklob ditong talukbong. I can't see his face. Gusto kong magsalita pero kahit maliit na boses ay ayaw kumawala mula sa akin.

Bigla siyang nawala sa aking harapan, tumigil ang malakas na tunog ng orasan. At narinig ko ang napakalamig niyang boses mula sa aking likuran.

"I heard you're looking for me..." Hinawi nito ang aking buhok at iniligay niya ito sa aking kaliwang balikat.

"But I'm afraid there is nothing free in this world, my deity. Mahal ang serbisyo ko." Bulong nito sa akin habang naglalaro ang mga daliri niya sa aking leeg.

Gusto kong sumigaw sa kanya at sabihing may kayamanan ang lolo ko at kaya kong bayaran ang kahit anong halagang hingin niya sa akin. Pero kahit ang boses ko ay bigla na lamang mawala.

"Hindi ginto at mga bato magandang dyosa. Katawan mo ang kailangan ko..." Bulong nito sa akin. Pakinig ko ang unti unting pagkapunit ng kasuotan ko sa parte ng aking balikat.

"Madali akong kausap, hindi ito makakarating sa Prinsipe ng mga Nyebe dahil sa pagitan lang natin itong dalawa." Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa aking leeg.

Nagtataasan ang mga balahibo ko habang pilit kong binubuhay ang kapangyarihan ko. Ayoko nang makagat pa ng panibagong bampira, ayoko na. Magkaiba ang presensiya nilang dalawa ng bampirang may buhangin.

Tumulo ang luha ko nang maramdaman ko ang dulo ng pangil niya sa leeg ko. Akala ko ay kakagatin na niya ako pero mapaglaro niya lamang ipinadama sa leeg pababa sa aking balikat ang dulo ng kanyang mga pangil.

"I'll bite you, and you'll beg for that, Cordelia Amor." Huling bulong niya sa akin.

Naiwan akong tulala sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.  

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro