Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Chapter 11

I wish I could fall asleep with 'I love you' in my ears again.

Ihip ng hangin ang gumising sa akin. Ramdam ko na rin ang kaunting mga buhangin na kumakapit sa aking pisngi.

Pilit kong iminulat ang aking mga mata para makita ang kinalalagyan ko. Mukhang mahaba ang aking itinulog dahil umabot ito ng umaga. Nakakakita na ako ng liwanag.

Bahagya kong iginalaw ang sarili ko, alam kong nakasakay ako sa isa sa mga kabayo ng tatlong prinsipe. Mas pinili nilang makatulog ako nang matagal kaysa makita nila akong walang tigil na lumuluha.

Ramdam kong mas humigpit ang brasong nakapulupot sa akin nang maramdaman nito ang aking paggalaw.

Inangat ko ang aking paningin sa prinsipeng siyang aking pansalamantalng unan.

"Rosh..."

"Don't move..." Mahinang bulong niya sa akin.

Pansin ko na katulad ko ay nakasaklob din sa kanyang ulo ang talukbong ng kanyang kasuotan.

"What's wrong Rosh?" Pinilit kong ilibot ang aking paningin.

Muntik ko nang alisin ang pagkakasandal ko sa kanyang braso nang mariin akong pigilan ni Rosh kahit hindi siya nakatingin sa akin. What in the world is happening?

Why are we being surrounded by this? What are they? They are not vampires.

Hindi ako makagalaw dahil sa braso ni Rosh na nakapulupot sa akin. Kahit sina Blair at Seth ay kapwa natalukbong din na parang tinatakpan ang kanilang mga mukha.

Talaga bang totoo na wala nang lugar ang mga taga-Parsua mula sa ibang emperyo?

Kasalukuyan kaming napapalibutan ng hindi ko mapangalanang nilalang. Mga naka-anyong tao rin sila kagaya naming mga bampira, may kakaibang mga presensiya pero hindi ako pamilyar.

Kapwa sila may hawak na matatalim na bagay at nakatutok ito sa amin. Agad nabuhay ang takot sa aking dibdib nang makita kong hindi lamang mga espada, pana, palakol at iba pang mga bagay na matatalim ang natutok sa amin, maging ang kanilang mga matang nag-iinit sa suklap at matinding galit.

Ramdam ko ang tensyon sa aming lahat, pinakikiramdaman ko ang tatlong prinsipeng kasama ko. Talaga bang mapapalaban na kami nang ganitong kaaga?

Umiihip ang hangin kasabay ng napapayid nitong buhangin. Nasa loob kami ng hindi kalakihang baryo na may maliit na populasyon ng mga naninirahan. Isang tingin ko pa lamang sa lugar na ito, agad mababakas ang kahirapan. Saang emperyo na kami nakarating?

I can't see trees anywhere. All I can are sands. Are we in the desert? Anong emperyo ang nasa gitna ng disyerto?

"Kung wala kayong magandang gagawin sa bayang ito mga bampira, bibigyan namin kayo ng pagkakataong umalis." Nagsalita ang isang lalaki at nasisiguro kong pinuno ng bayan.

"What are they Rosh?" Habang nagtatagal kami sa lugar na ito ay mas nararamdaman kong higit kaming malalakas sa mga nilalang na ito.

Mukhang nagsisimula ko nang makuha ang sitwasyon, ayaw silang labanan ng tatlong prinsipeng kasama ko. Dahil kung hindi ito ang nasa kanilang isipan, malamang may mga dugong dumadanak na sa bayang ito na napupuno ng buhangin.

"Magsalita kayo!" Nagsisimula na silang lumapit sa amin.

"Maaari po ba kaming manatili ng ilang araw sa inyong lugar? Wala kaming hatid na gulo at masamang motibo, kailangan lamang ng masisilungan ng aming kapatid na may malubhang karamdaman." Pagsisinungaling ni Seth sa mga ito. Mukhang ako ang itinutukoy nilang may malubhang karamdaman.

Kaya ba ayaw akong pagalawin ni Rosh?

"Anong kasiguraduhan namin sa mga nilalang na katulad niyo? Papaano kung nakakahawa ang sakit ng babaeng kasama niyo. Umalis na kayo!" Nagsimulang magwala ang kabayo ni Rosh nang itutok dito ang espada.

"Hoo! Hoo! Hyacinth!" Ilang beses lamang itong hinaplos ni Rosh hanggang sa mapakalma niyang muli ang kanyang kabayo.

"Hindi nakakahawa ang kanyang sakit---" Hindi na pinatapos si Seth dahil patakbo nang patungo sa amin ang grupo ng mga kalalakihan para sumugod.

Kita ko ang pagningas ng mga mata ni Rosh para sa sinumang lumapit sa amin. Nasa akto nang susugod ang kanyang mga halaman sa mga ito nang makarinig kami ng isang malakas na sigaw mula sa isang matandang babae.

"Magsitigil kayong lahat!" Kusang tumigil ang mga lalaking susugod sa amin dahil sa ma-awtoridad na boses ng matandang babae.

"Ngunit pinuno! Mga bampira ang mga ito!" Angil na sabi ng nangungunang lalaki.

"Hindi nyo ba nakikilala ang isa sa kikitilin n'yo? Nagbalik ang aking apo, Blair, hijo. Akala ko ay hindi mo na dadalawin pa ang iyong abuela." Sabay sabay kaming napalingon kay Blair mula sa aming likuran.

Marahan nitong tinanggal ang kanyang talukbong. I saw the pain and guilt in his eyes.

"I'm sorry for running away, gustong gusto kong bumalik dito abuela." Kusang bumaba ang matatalim na bagay na siyang hawak ng mga kalalakihang dapat susugod sa amin.

"You can always come back nieto."

Napiga ang puso ko nang mabilis bumaba sa kanyang kabayo si Blair, halos tumakbo siya sa matanda at mariin niya itong niyakap. Natahimik kami nina Rosh at Seth sa aming nasasaksihan.

Kung ganon ang bayang ito ang nagpalaki sa pang-apat na prinsipe ng propesiya. A quiet place for a very quiet prince.

"Kamusta ang aking apong isa palang napakakisig na prinsepe?" Hindi sumagot dito si Blair at nanatili lamang itong nakayakap sa matanda.

"Bakit hindi mo muna anyayahan ang mga kaibigan mo sa ating munting tahanan?" Nagliwanag ang aking mukha sa sinabi ng matanda.

"Maraming salamat po!" Si Seth na ang unang sumagot.

May ilang kalalakihan mula sa bayan na humingi ng paumanhin sa amin at nagprisintang sila na lang muna ang mangangalaga sa aming mga kabayo sa aming pananatili dito.

Kapwa na kami nakaupo sa hindi kalakihang lamesa habang may hawak kaming tasang naglalaman ng dugo.

"Bakit hindi mo sinabing alam mo ang lugar na ito Blair?" Tanong ni Seth.

"Walang nagtatanong." Narinig kong bumuntong hininga si Rosh bago ito sumimsim ng dugo.

"Bakit ngayon ka lang dumalaw Blair, apo?"

"Maraming gawain sa palasyo abuela." Sagot nito sa matanda.

"Hindi pagdalaw ang dahilan kung bakit siya nagtungo dito." Sagot ni Rosh.

"Rosh!" Malakas na sigaw ko dito.

Hindi naapektuhan ang matanda sa sinabi ni Rosh.

"Kung ganoon ay mga maharlika din ba ang kasama mo, hijo?" Tumango si Blair dito.

"Isa itong insulto, hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang pinakamakisig na prinsipe ng Parsua." Sa pagkakataong ito, sina Seth at Blair na ang bumuntong hininga. Hindi na ito nawala kay Rosh.

"Kung ganoon ay totoo nga ang naririnig ko sa inyo mahal na prinsipe." Nakangising tumatango si Rosh. Sigurado akong magkaiba sila ng iniisip ng matanda.

"Ang balitang, siya ang nawawalang kapatid ni Narciso, hindi talaga siya Le'Vamuievos. Nasa pamilya siya ni Narciso, ang lalaking namatay dahil sobrang hinangaan ang sariling kakisigan, malapit na rin si Rosh. Hindi na aabot ng daang taon." Si Blair at ako ay sabay pang humigop ng dugo bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Seth.

Tumayo si Rosh at humahalakhak na naman itong parang baliw.

"Nadagdagan na naman ang prinsipeng hinahangad ang aking kakisigan, si Zen na hindi ako kayang talunin, pagkatapos ginagaya na ako ni Blair, ngayon ikaw naman ang naiinggit sa akin Seth?" Umiiling ito kay Seth na nakangiwi na sa kanya.

"Maiwan ko muna kayong lahat, umaga na at kailangan ko nang pahinga. Nasaan ang aking silid?"

"Ikalawang palapag, sa pangatlong pintuan mahal na prinsipe." Tumalikod na si Rosh at hindi man lang nagpasalamat.

The narcissistic Rosh is back again.

Naiwan kaming tatlo kasama ang matandang natutuwa pa rin pagmasdan ang kanyang apo. Ilang taon na bang hindi dumadalaw dito si Blair?

"Totoo bang may malubahang karamdaman ka hija?" Mariin akong umiling sa matanda.

"I am sorry for lying, ito lang ang unang pumasok sa isipan ko kanina. Wala kaming balak makipaglaban sa bayang ito." Katwiran ni Seth.

"Hindi na problema ito, bakit hindi muna kayo magpahinga? Alam kong mahaba ang inyong nilakbay. Maaari nyong sabihin sa akin ang inyong totoong pakay kapag nakabawi na kayo ng lakas." Pansin ko na nag-alangan si Seth. Alam kong hindi pa rin palagay ang loob niya sa lugar na ito.

"It's okay Seth, dito lumaki si Blair."

"Hindi namin gagawan ng masama ang mga kaibigan ng aking apo." Hinawakan ko ang kamay ni Seth.

"You need to rest katulad ni Rosh, I'll be fine. Hindi ko na kayang matulog, mahaba na ang naitulog ko."

"Alright, I'll just take a nap. Huwag ka nang lumabas dito." Tumango ako kay Seth. Sinabi ng matanda kung saan ang kwarto nito bago ito tuluyang nagpaalam sa amin ni Blair.

"What about you Blair?"

"Ayoko pang matulog."

Masayang nanunuod lamang sa amin ang matanda nang may tumawag dito mula sa labas. Nagpaalam ito sa amin na may aasikasuhin lamang kaya naiwan kaming dalawa ni Blair.

Ilang minuto kaming tahimik dalawa pero hindi ko maiwasang hindi ilang beses sumulyap sa kanya.

"May mga katanungan ka Claret." Tipid akong ngumiti sa sinabi niya.

"Papaano ka napadpad sa bayang ito? Maaari ko bang malaman?" Mas isinandal niya ang kanyang sarili sa upuan bago ito nagsimulang magsalita.

"Nakita ako ni abuela sa harap ng pintuan noong sanggol pa ako. Tipikal na kwento ng mga batang inaampon at pangalan ko lamang sa maliit na papel ang mensaheng nakita mula sa aking mga lampin."

"I am a vampire raised by Centaurs."

"Centaurs?"

"Claret, sa tuwing sasapit ang gabi nagiging kalahating tao at kabayo ang mga naninirahan sa bayang ito. Ako ang lamang ang tanging bampira nang naninirahan pa ako sa lugar na ito. I am the only different one but I never felt it, ibang iba sa palasyo." Muling kumirot ang puso ko sa sinabi niya.

Kung ang magkakapatid na Gazellian ay punong puno ng pagmamahal, mukhang kaiba ang magkakapatid na Thundillior.

"The Centaurs raised and loved me, sa kabila ng kaibahan ko sa kanilang lahi. Wala na akong hihilingin pa sa bayang ito, hindi man kasing rangya at yaman, masasarap na pagkain at magagandang kasuotan sa palasyo ang kanyang ibigay nito. Kuntento na ako sa pagmamahal nila, hindi ko kailangan ng titulo dahil may sarili na akong pamilyang tanggap ako."

"Blair..." Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa maliit na bayang ito.

"Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ko lilisanin ang tahimik at simpleng bayang ito, pero nagbago ang lahat nang ipahanap ng Hari ng Trafadore ang anak nito sa ibang babae. They found me, ayokong sumama. Masaya na ako dito pero tinakot ako ng hari na kikitilin niya ang lahat ng nabubuhay dito kung hindi ako mismo ang aalis sa bayang ito." Natigilan ako sa sinabi niya.

"That was cruel."

"Royalty is always cruel and it will never be peaceful." Gusto kong sumang-ayon sa sinabi niya.

"Umalis ako sa bayang ito na hindi nagpapaalam. Dahil alam kong hindi ko magagawang magtungo sa Parsua Trafadore kung mamaalam pa ako sa kanila. Kaya hanggang sa mga oras na ito, hindi pa rin ako makapaniwala na sa halip na sampal at sumbat ang matanggap ko mula kay abuela, sinalubong niya lamang ako ng mga yakap." Sa ilang araw na kasama namin si Blair, ngayon ko lang narinig ang pagsasalita niya nang mahaba.

"It's because you are still their Blair, prince or not." Maiksing sagot ko sa kanya.

"Thank you for bringing me to this place again Claret." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"No, it's not me. Wala akong ibang ginawa kundi matulog at umiyak sa harap n'yong tatlo. Maybe destiny brought you here again, Prince Blair." Biglang nawala si Blair sa harapan ko at natagpuan ko na lang siyang nasa upuan ni Rosh kanina na siyang katabi ko.

"It's you and your journey that brought me here. Lend me your hands, I'll show you something." Inilahad ko ang mga palad ko sa kanya.

Hindi nagtagal ay may nakikita akong nagliliwanag na pulang sinulid na pumapalibot sa aking mga daliri.

"Ito ang unang bagay na natutunan ko sa kapangyarihan ko. I can put an image using a string, think of something. Close your eyes." Nakangiti akong pumikit pero nang sandaling nagdilim ang aking paningin, imahe lang ng Prinsipe ng mga Nyebe ang aking nakita.

Ilang minutong tahimik si Blair bago ito nagsalita.

"Open your eyes..." Nakagat ko na lamang ang pang-ibabang labi ko nang makita ko ang imaheng ginawa ng pulang sinulid.

"Napakakisig mo pa rin Mahal na Prinsipe kahit hinabi ka lamang mula sa sinulid, kailan ka magpaparamdam sa akin? Kahit sa mga panaginip lang Zen."

Napansin ko na bahagya nang sumusob sa lamesa si Blair.

"I am now starting to get curious with the bond of this prophecy, Claret. Sana mahalin din ako ng babaeng itinakda sa akin gaya ng pagmamahal mo sa Prinsipe ng mga Nyebe."

Hinaplos ko ang kanyang buhok at ginamit ko ang mahikang itinuro sa akin ng aking lola. It's not as effective as what Rosh did to me, but it will help Blair to sleep well for a while.

"Don't worry Prince Blair, she will love you, she will..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro