Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Kabanata 2

Little by little, I got accustomed to the elite lifestyle of the Reverios. At kahit papaano ay nalaman ko rin ang kahinaan ni Dayanara. She can only abuse those who are lower than her. The helpless, powerless and naivé me was her unfortunate victim. Subalit hindi naman ako pinalaki ni Mama na inaapi-api lang.

At hindi rin ako papayag na tatagal ang pangaabuso sa akin. I may be young but I'm not stupid.

"Solstice!" hinihingal na sigaw ni Etienne habang sinusundan ako sa hardin ng mga Soteiro.

"Ayoko nga no'n!" umismid ako sa kan'ya. Kahit na sanay na tawagin sa pangalan na 'yon. Ayoko na gano'n ang tawag sa akin ni Etienne.

He's. . . The only friend that I have.

At hindi ako si Solstice.

"Eh? Ano nga ulit tatawag ko sa 'yo?" Etienne asked in a low voice. Nilingon ko siya at humagikhik. Para talaga siyang kuneho, he's an innocent little bunny.

"Lavy!"

"Parang lovey naman 'yon!" Etienne blushed. "B-baka isipin nila na ano. . ."

"Na?"

"Crush kita!" Etienne pursed his lips and even gestured his hands in a hesitant way, in an upward and downward motion. Natawa naman ako sa reaksyon n'yo. Parang hiyang-hiya siya, he even hides his face using his palms.

Hinawakan ko ang mga halaman na nilalampasan namin. Mga bagong dilig ang nga ito kaya medyo basa ang kanilang mga dahon. We're currently in the garden, playing tea time. Madalas ako sa nga Soteiro dahil hindi ako kayang saktan ni Dayanara rito. I learned to survive the beatings and avoid getting into her nerves. Subalit alam ko na hindi 'to magtatagal.

"Ayoko ng Lavy!" pagpupumilit ni Etienne.

"Don't you want to be the only one to call me in that name? No one calls me Lavy, ikaw lang. . ." I coaxed Etienne. I even smiled at him. Agad naman natigilan si Etienne at tumingin pa sa kan'yang itaas na para bang nagi-isip.

"Is that true?" manghang tanong ni Etienne. Kumikinang ang mga mata.

"Yup!" I nodded eagerly. Si Mama lang talaga tumatawag no'n ngunit wala siya ngayon sa tabi ko kaya naman kahit si Etienne na lang sana ang tumawag sa akin ng ngalan na 'yon.

"Okay! Lavy!" Etienne beamed innocently. His grey eyes glistened with joy.

Etienne is my only ally. I don't mind him being childish and clingy, bata pa naman talaga kami. I just had to be more mature at a young age.

I hope no one else had to face the harsh reality in such a tender age. Hindi naman porke't naranasan ko ang sakit, dapat ay maranasan na rin ng iba.

I have to get out of this family sooner or later. Hindi bale na hindi marangya basta ba tahimik na buhay. Alam kong walang kapayapaan dito.

Hahanapin ko rin si Mama. Pero sa ngayon, magi-ipon muna ako. Marami akong nakukuhang pera kay Papa Alfos dahil binibigay n'ya ang mga luho ko. He treats me like his real daughter. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi n'ya ito magawa kay Kuya Adren.

Hindi ko sinasadyang tingnan ang larawan ni Solstice. I immediately flinched and veered my sight away from the painting. Nagmamadali akong umalis habang hawak-hawak ang dibdib.

Solstice was the sister that I never met. Sa pagkakaintindi ko sa mga panunuya ni Tita Anais kay Dayanara, Solstice and I are sisters from Mama Lucilla. Mama Lucilla and Dayanara are twins too, that's why they have similar features. Subalit si Mama Lucilla ang tunay naming ina ni Solstice. I never got to meet her. Nanatiling isang katauhan si Solstice para sa akin. Sa mga larawang kupas at mga nakasabit na paintings ko na lamang siya nakikita.

It was quite dreadful to see your own face knowing that it's a different person. Kaya kadalasan ay umiiwas ako sa mga larawan n'ya o kahit anong imahe na mayroon siya sa mansyon ng mga Reverio.

Lumipas ang dalawang taon at tuluyan akong nakalayo kay Dayanara dahil nagkaroon siya ng anak muli. Mareena, the youngest Reverio, is still a female. Hindi pa rin tanggap ni Lolo.

Lolo and I are not close. Halata naman na ayaw n'ya sa akin. Edi ayaw ko rin sa kan'ya. Quits lang. I don't always have to prove myself to others, it's tiring to explain yourself when they have already established a version of you in their heads. Nakakatamad lang. Pagod ka na nga, masama ka pa sa mata nila.

We're currently in grade seven, enrolled in a prestigious school together. Magkaklase kami ni Etienne at habang hinihintay ang sunod na subject teacher ay tinuturuan n'ya ako sa mathematics. Napanguso ako nang mapagtantuan na hindi ko talaga gusto ang mga numero. I really prefer science over this kind of numbers.

Napalingon kami sa mga lalaking kapapasok lang. Kanina pa tapos ang break time pero ngayon lang sila dumating. They were laughing but immediately stopped and took a glimpse at Etienne who tilted his head in confusion.

"Hindi naman lalaki 'yan si Etienne! Kita mo? Puro babae ang kaibigan!" Kiko taunted Etienne who immediately broadened his innocent eyes.

"Hindi nga 'yata 'yan marunong mag-ano e, lalaki rin 'yata ang gusto." sambit ng kaibigan ni Kiko. Tumawa pa ito para dagdagan ang insulto.

Kiko and his friend started throwing insults towards Etienne. Nagsimula ito dahil ayaw ni Etienne sumama sa kanila. He doesn't want to be associated with them, kaya naman naghihimutok ang mga mukhang unggoy na mga ito.

"Bakla! Etienne! Bading!" Kiko sneered which made my head boiled and I immediately threw my book on his face. Agad namang natigilan ang tawanan ng mga kaibigan ni Kiko nang tamaan ang kaibigan nila sa mukha.

"Lavy. . ." Etienne glanced at me with fear in his eyes. "I'm okay. It's fine. Hindi naman ako na-insulto. . ."

"Dapat lang! Because bakla and bading aren't meant to be use pejoratively! Mga bobo lang gumagawa no'n!" I glared at Kiko, . How dare he?! Sabagay wala siyang utak, iniwan 'yata n'ya sa bahay nila at nagkakape!

I heaved a breathe to calm myself.

Yet, I know that in fact people use those terms to degrade someone; to make them feel less of a person. As if those words are really use to add negative connotation, that being called gay or feminine for a man is taboo.

"Huh? Totoo naman?! Sobrang lamya n'yan ni Etienne! Wala nga 'yata 'yang kaibigan na lalaki!" nanggigigil na saad ni Kiko. Halos labasan ng usok sa ilong at tenga. Binato n'ya pabalik 'yong libro at sinalo ko ito.

"It's his choice! It doesn't make him less than a man!"

"Sabihin mo na lang na isa siyang barbie!" Kiko threw another insult. Walang palya ay sinugod ko siya sa kan'yang pwesto.

"Ano, ha? Lalaban ka?! Ano'ng gagawin mo? Sasampalin ako? Sasabubutan? Sapakin kaya kita, ha!" akmang sasapakin ako ni Kiko. Tinaas n'ya ang kamay n'ya upang ilapit ang kamao n'ya sa mukha. I did not blink or took my sight away.

Tumawa si Kiko habang paulit-ulit itong ginawa. Puro akmang sapak ang ginagawa na tila ba tinatakot ako. I didn't give him the satisfaction of seeing my hesitation.

Sinapak ko siya.

Agad na nagtama ang dalawa n'yang paningin dahil sa biglaang sapak na binigay ko sa kan'ya. Unti-unti siyang natumba at ako naman ay napatingin sa kamao ko na ngayon ay may dugo mula sa ilong ni Kiko. Nalaglag ang mga panga ng mga nakapaligid sa amin. Even Etienne immediately went towards me after seeing the scene.

"L-lavy, okay ka lang ba?" Etienne took my hand to check it. Not minding Kiko who was currently knock out.

Ah, nalakasan ko 'yata.

I was too violent. Agad na pinatawag ang mga magulang namin dahil sa aksidente na 'yon. Of course, the Reverios covered it up for me. Hindi pwedeng masira ang pangalan namin dahil sa away na ito. I took a quick beating from Lolo. Sinturon lang naman. Hindi rin ako pinapansin ni Papa Alfos dahil si Mareena na ang kan'yang paborito. And Dayanara took this as her victory. Pake ko sa kan'ya?

"Lavy, please don't fight in my behalf. . ." Etienne said, gently helping me with my wounds. Alagang-alaga n'ya ang kamay ko.

"Pero inaaway ka nila!"

"Hindi naman ako nasasaktan, Lavy. I don't want you to get hurt. . ." his eyes expressed his loneliness. I don't know if it's because it's grey, that's why his feelings seems to be always transparent.

Etienne is too soft. He isn't a heathen, like most boys at our age. Pinalaki siya ni Tita Ellise sa ganoong paraan, hindi rin talaga siya mahilig makihalubilo dahil mahiyain siya. Hindi naman dahil sa ayaw n'yang makisama sa kanila, he's just really shy and timid. Mabait naman si Etienne. He didn't have any toxic masculinity in him, kaya kadalasan ay kinukutya siya ng mga kaklase naming lalaki na tila ba isang bragging right ang pagiging gago.

Hindi natapos doon ang away namin ni Kiko. Inabangan nila ako upang pagtulungan ng mga kaibigan n'ya. They had to carry me because I didn't let them take me without a fight. Lahat sila ay kinalmot ko! Of course, I was outnumbered! Ang dami nila e!

"Bitawan n'yo ako! Mga pangit!" I hissed when they cornered me. Hawak ako ng dalawa n'yang kamay sa magkabilaang kamay kahit nagpupumiglas ako. Mahigpit ang hawak nila at para bang pipilayan pa ako.

"Makakaganti na rin ako sa 'yo!" Halakhak ni Kiko na tila ba isang kontrabida. I sneered at him.

"Palibhasa kasi lahat ng crush n'yo ay si Etienne ang gusto! Mga inggit! Mga pangit!" I spat out, aggressively.

Lalo lamang uminit ang ulo nila sa akin dahil mas nasaktan ako sa kanilang hawak sa aking mga braso, parang pinipiga na nila ito. I couldn't careless, it's the truth! Totoo naman na maraming nagkakagusto kay Etienne. He's way too kind for his own good and girls in our age likes him for it.

You don't always have to be dominant, tough and cruel just to be called as a man.

"Ah, gano'n?! Gusto mo talagang masaktan e!" Kiko took a large stone. Nanglaki ang mga mata ko sa ginawa n'ya. Agad siyang ngumisi at akmang ibabato ito sa akin nang makarinig ako ng tikhim.

It was a dominating presence. Agad na napabitaw ang mga kaibigan ni Kiko sa akin. Even Kiko himself glanced at the person's direction.

Bumungad sa amin ang isang lalaki na nakahalukipkip. An aggrieved expression written all over his face as he slowly went towards our direction.

His hair was easily swayed by the wind, marahil ay malambot ito. His lips parted upon seeing my state. Umirap ako sa kan'ya dahil ano bang malay ko kung sino siya? Baka kasama nina Kiko!

Pero walang gwapo sa mga kaibigan ni Kiko. Kaya nga malakas ang loob ko na tawagin silang pangit dahil sa ugali nila 'yon at talaga namang wala silang binatbat kay Etienne.

This guy, however, is another story. Matangkad siya, he's probably a foreigner since his features were caucasian. His dark auburn hair made look regal.

Napalunok ako.

I never really took interest in a guy's profile. But this one. . .

"CL," Kiko stammered, muntik na siya madapa habang papalapit doon sa lalaki. "W-wala ito. Naglalaro lang kami."

Sinilip ako ni CL, his forehead knitted in confusion. Even his eyebrows are attractive.

"Now, isn't that completely tosh?" CL uttered with an accent. Namula naman ako dahil dito. Kahit 'yata ang pananalita n'ya ay iba rin!

"I won't hesitate to report this incident, please go to your respective classes or else. . ." CL smiled, without a hint of humor. "Your sanctions will be piled up."

Agad naman na tumango si Kiko at nagkukumahog na umalis na para bang napakalaking tao ni CL. He's tall, alright. Subalit tulad nga ng sinabi ko, marami sina Kiko. Even his friends hurriedly left with him. Ako na lang at si CL ang natira. I rolled my eyes at him. Pinagpag ko ang palda ko.

"Hindi mo sila isusumbong 'no? Because this is just a small matter," I mocked him. Agad naman lumingon sa akin si CL.

"Oh no, I'll definitely send an incident report to the disiplinary office for events like this to not happen again. I deeply apologized for the inconvenience, miss." CL answered, formally. Even bowing his head a bit to show his sincerity.

"I'm also sorry that it took a man for them to stop harassing you."

Natigilan naman ako sa sinabi n'ya. That's true, a man will only be scared of his fellow man because he thinks a girl is a weaker being than him. Gano'n ang kadalasang logic ng iba kung kaya't kinakaya-kaya lang nila ang mga babae.

He acknowledge that?

Hindi ko mapigilan ang kabahan sa kan'ya. My cheeks flushed in bright red, umiwas ako ng tingin.

I gulped. "I'm Lavy. . ."

Nahihiya akong naglahad ng kamay. CL only smiled for a bit before accepting my hand. His hands were warm and big. I experience a bolt of electricity from his hand. Agad ko itong binawi.

"CL," maikling tugon n'ya. Agad akong tumalikod at napangiti.

Hindi ko mapagilan ang tumili habang papunta sa classroom. Hindi ko na muling tiningnan si CL dahil kinakain na ako ng mga paru-paro sa aking tiyan. It affected me holistically.

"Etienne!" I called him on my way back to our classroom. Nakakunot ang noo n'ya. Agad n'yang hinawakan ang pisngi ko.

"Are you okay?" Etienne asked out of concern. Kinapkap ang aking mukha, inspecting my nose, cheeks and even the side of my eyes. Mahina kong hinawi ang kan'yang kamay.

"Yup! May kilala ka bang CL?" I beamed at me. Tumango naman si Etienne, mukhang naguguluhan dahil kunot ang noo at magkasalubong ang kilay.

"Si Kuya Caer Luxeuil ba?"

"Caer Luxeuil!" I repeated dreamily which made Etienne frowned.

"Bakit, Lavy? Ano mayroon kay Kuya CL?"

"Kuya?"

"He's a year older than us, Lavy. Lumaki lang siya sa London kaya hindi mo madalas makita sa bahay." Etienne explained, still confusion was plastered on his face.

"Close kayo?" I asked, curiously.

"Uh, not really. . ." Etienne started to fidget his fingers. "He's the outstanding son of the Soteiros, kaya madalas ang matatanda ang kausap n'ya. He's the pride of the Soteiro so. . ."

"Huh? E, ikaw ba?"

"They don't notice me that much. . .But it's okay! I have you, Lavy! I don't need anyone else." Etienne looked at me with such warmth. Ngumiti siya sa akin. Kaya naman napangiti ako pabalik.

In the back of my mind, I was thinking of ways to reconnect with him. I can't wait to meet CL again.

❛ ━━━━━━・❪♀❫ ・━━━━━━ ❜

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro