Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 9




Totoo pala yung sinabi nila na madalas, makikita mo ang real side ng isang tao sa itsura ng mga kwarto nila. Kung paano nila ayusin, paano alagaan. Pwede ring dipende sa mga designs or bedsheet. Sa kwarto ko noon sa Royal House, sinusubukan ko talaga yung best ko para maging super personalized yung loob. Hindi naman mahirap lalo na't kaya naming bilhin ang kahit ano dito sa Korea. Real talk to, prinsipe ako eh.



Noong pinasok namin yung kwarto ni Hoseok, sandamakmak lang naman na animal figurines and nakita namin sa loob. Mula kisame hanggang sahig, napupuno ng mga picture, estatwa, at laruan na puro hayop. Kulang nalang talaga maging kamukha niya ang lahat ng yun.



"Hindi niyo naman sinabi na may lahing Tarzan pala si Hoseok," sabi ko kina Taehyung at Jungkook nang makalabas kami. Titignan lang naman namin sa mga kwarto kung paano lilinisin yun at kung ano yung mga hindi dapat galawin.



"OA naman ng Tarzan, Hyung," bulong ni Jungkook habang naglalakad kami papunta sa kabilang kwarto. Yung kay Jimin naman ang sunod naming pupuntahan at papasok na sana kami kung hindi lang sa nakapaskil na 'KEEP OUT IF YOU GOT NO JAMS'. And laki-laki parang sign sa mga pedestrian lane.



"Jams?" umiiling na sabi ko. "Seryoso ba siya diyan sa jams na yan?!"



"Ewan ko," sagot ni Taehyung sabay hawak sa tiyan niya. "Pero di na rin kami pumapasok kasi... alam mo na. He he he."



Napa-scoff si Jungkook. "Sus. Buti naman sana kung may jams din tong ugok na to," binuksan niya yung pinto. "Dali na, 'lina kayo." At ayun, pumasok nga kami sa loob para madatnan si Jimin na nakaharap sa laptop niya habang nakahiga sa kama. Punong-puno ng posters ng fitness ang pader ng kwarto niya. Meron din siyang sariling treadmill at stationary bike sa isang gilid. So isa pala siyang fitness enthusiast.



"Anong ginagawa niyo dito?" tanong niya na para bang hindi siya bothered na andun na kami sa loob at nangingialam ng kung anu-ano.



"Tour." ako na yung sumagot. "Mabilis lang kami, promise."



Tumango-tango naman si Jimin habang hindi parin inaalis ang tingin sa laptop. Malinis yung kwarto niya, infairness. Wala siyang masyadong gamit kaya feeling ko hindi ako mahihirapang maglinis dito. Di katulad doon kay Hoseok. Juice colored talaga.



"Ah guys may tanong ako." biglang sabi ni Jimin. "May nagtanong sakin sa blog ko on how to lose all her excess fats within a month. But I guess the chubbiness is in-born. What do you think I must say?"



Napa-isip naman kaming tatlo. "Ano bang gusto mong sagot, Jimin? Yung real talk na ba talaga?" tanong ni Jungkook. "Sabihin mo, hopeless na." tapos natawa siyang mag-isa kaya binigyan namin siya ng masamang tingin. "Joke lang, okay? Joke lang."



"Demonyo neto," irap ni Taehyung kay Jungkook. "Um, eat healthy nalang kaya? More exercise? Ewan ko. Ang hirap naman niyan!"



Napatingin sakin si Jimin. "Um..." tinignan ko yung dalawang lalake sa tabi ko pero napa-shrug lang silang dalawa. Sabay pa. "What if... sabihin mo nalang yung totoo? Na kelangan niya ng double effort kung gusto niya talagang pumayat kasi nasa genes na niya?"



"I... I don't think it'll help her, Hyung." nagtatakang sabi ni Jungkook.



"It will if you tell her losing all those fat wouldn't matter." sabi ko naman. "I think real contentment or happiness is when you're happy with yourself. And I mean, everything in it. Tell her she's a package worth everything."



Hindi ko naman sinadyang magbigay ng words of wisdom pero mukhang nagawa ko nga. Ngumiti si Jimin ng malaki. "Ha. You're really the prince," at nagsimulang mag-type sa laptop niya. Ewan ko kung sinunod niya yung sinabi ko pero nag-thank you siya bago kami makalabas ng kwarto niya.



Sa third floor naman makikita yung mga kwarto ng iba naming kasama sa bahay. May sariling kwarto sina Suga, Jin, at Namjoon pero magka-share pala sina Taehyung at Jungkook. Hindi naman na ako nagtaka doon kasi mukhang super close ng dalawang yun. Baka magkapatid sila sa ibang mundo, sa ibang buhay.



Normal naman yung kwarto nina Namjoon at Suga. Yung kay Namjoon, simple lang pero sobrang manly ng dating. Marami din siyang libro at musical instruments. Matalino ata talaga siya. Sobra. Si Suga naman, ang daming beauty products sa cabinet, dinaig pa yung kapatid ko. Hindi ko na tinignan isa-isa. Masakit sa mata eh.



Bago kami pumasok sa kwarto ni Jin, pinigilan muna ako ni Jungkook. "Hyung, ready ka na bang bumalik sa childhood?" nakangising tanong niya sakin. Napatingin naman ako sa pinto ng kwarto ni Jin. Sobrang normal naman tulad ng ibang pintuan. Wala namang kakaiba.



"Ano bang gagawin natin? Time travel?" tanong ko naman sakanya. Tanong talaga yun. Tunog inis lang. Sorry naman.



Natawa si Taehyung. "Hihihi." tinakpan niya yung labi niya. "Halika na nga, Baekhyun-hyung." at nang buksan niya yung pinto, agad na bumaba yung tingin ko sa bedroom slippers na suot ko. Ngayon alam ko na... alam ko na kung kanino galing tong pink na pink na slippers na to.



Sa totoo lang, ayoko nang i-elaborate pa yung nakita ko sa kwarto ni Jin. Isipin nalang nating lahat na pumasok ako sa kwarto nina Barbie, Super Mario at ng mga Disney Princesses. Yun nalang ang isipin natin. Yun. Nalang. Talaga.



Hindi ko din naman inexpect yung kwarto nina Taehyung at Jungkook. Akala ko talaga isa sa pinaka-magulo, pinaka mahirap intindihin yung kwarto nila pero hindi naman. Maayos. Makulay. At punong-puno ng posters ng aliens ang paligid. Meron ding Star Wars collectibles sa isang shelf. Mga libro. Gadgets.



"Oh my gosh, Hyung, sana talaga nag-enjoy ka sa trip natin." masayang sabi ni Jungkook habang pababa na kami ng hagdan. "Yung trip sa basement, sa susunod na ah. Baka kasi magalit si Namjoon."



"Nako, okay lang." nakangiti ko namang sabi. "Thank you din. Ngayon, mas marami na akong alam dito sa bahay."



Nang marating namin yung first floor, nanonood ng TV yung lima at agad naman nila kaming tinawag. Mukhang tapos na si Jimin sa blog niya. Pero bago ako umupo sa sofa, tinignan ko muna kung basa yung upuan at natawa si Jungkook nang makita niyang gawin ko yun. Eh sorry naman. Ayoko namang amoy ihi buong araw no.



Tumabi ako kay Taehyung at agad naman siyang yumakap sa braso ko. "Alam mo ba, Baekhyun-hyung, may weird akong feeling ngayon." nakangiti niyang sabi.



"Weird? Parang ikaw?" tanong ko naman.



"Hindi. Mas weird pa sakin." sabi niya. Wow. Hindi na siguro weird ang tawag doon kung mas weird pa kay Taehyung. "I have the feeling na magkamukha tayo. Parang..." tinignan niya ako ng maigi. "Parang nararamdaman kong ikaw ang nanay ko."



Agad akong kinilabutan sa sinabi niya at muntik ko na siyang tinulak palayo. Juice colored. Maawa po kayo sa batang ito. Hindi niya alam ang kanyang ginagawa. "Ano?" hindi makapaniwalang bulong ko. "Paano kita magiging anak eh wala akong matres? Baliw ka ba? Saka virgin pa ako, hayop ka."



"Iiihhh." angal naman niya habang nakapout. "Lukso ito ng dugo. Nararamdan ko." pagpupumilit niya. Pag minamalas ka nga naman. ASAN BA TALAGA AKO? HUHUHU.



"Huy, natatakot na ako sayo ah." sabi ko naman habang pilit na inaalis yung pagkakayakap niya sa akin. "Baka sa susunod, ako naman yung asawa mo ah. Kinikilabutan na ako Taehyung, ayan oh!" tinuro ko pa yung braso ko as a proof. Goosebumps.



Mas lumaki yung ngiti sa labi ni Taehyung. "Kailangan mong maramdaman ang connection natin. Meron yan for sure."



"Ano ba? Ang creepy mo na----"



"You need to feel it. Do I have to start calling you, 'Eomma' or 'Umma'?"



Hindi ako makapaniwala. "ANO? Ano bang tingin mo sakin----"



"Ang cute diba? Hihihi." sabi ni Taehyung. "Hindi ko inakalang mahahanap kita."



"Wala nga akong matres." giit ko. "Imposibleng magiging anak kita----"



"But we really look alike. Baka anak mo ako in another life? Another world?" sobrang hopeful ng mukha ni Taehyung at para siyang iiyak kung ipipilit ko pang hindi ako ang... hindi ako.... ang.... ang... nanay niya. UGH. "Ang tagal kong hinintay na makita ang isang kagaya mo... Eomma."



Gusto ko talagang maiyak kung hindi lang sa tawanan ng lahat sa paligid namin. Kanina pa pala sila nakikinig sa usapan namin HINDI MANLANG AKO TINULUNGAN. Maya-maya tinawag ako ni Namjoon, may sasabihin daw siyang importante. Dahan-dahan naman na inalis ni Taehyung yung yakap niya sakin pero parang maiiyak din siya.



"I'm sorry about V, Baekhyun-hyung," nakangiting sabi ni Namjoon. Nasa labas kami ng bahay ngayon, sa may hagdan bago yung main door. Yung door pero glass nga lang, sabi ni Jungkook. At 'V' pala ang isang nickname ni Taehyung. Wow.



Umiling ako. "Okay lang..." hindi sure na sabi ko. Hindi talaga sure kasi 'EOMMA'?! Please naman guys! Huwag ganun. May dignidad pa ako oh. Saka parang hindi ko naman kaya na----



"Taehyung was adopted," biglang sabi ni Namjoon at agad na napatigil ako sa pag-iisip kung paano iwasan yung lecheng 'Eomma' na yun. "Isang mayamang businessman yung umampon sakanya because he needs an heir na siya ang magpapalaki. That businessman doesn't have a family; no wife, no children. Only his adopted son, Taehyung. Well, V grew under the strict supervision of his father kaya siguro lumaking may sayad." natawa kaming pareho sa sinabi niya pero baka totoo? Hehehe. Joke lang.



"So... Taehyung wants a mom?" tanong ko agad.



"He tried calling Jin 'Umma' but Jin punched him on the face that time," natatawang sabi ni Namjoon. "Naghahanap lang siguro siya ng motherly care and affection. I'm sorry if he took that out on you."



Nagsalita ako agad. "No. It's fine." nakangiting sabi ko. "I understand it now. Thank you for telling me, Namjoon."



"So okay na sayong tawagin ka niyang 'Eomma'?" tanong niya.



Nap-shrug nalang ako. "I'll get used to it." bulong ko at sana talaga hindi ako nagkamali doon. Mabait naman silang lahat dito, sobra. Kahit ilang oras ko palang na andito, pakiramdam ko close na close na kaming lahat. Alam niyo ba yung feeling na at home ka? Basta at home ka lang. Ganun kasimple.



"Good," masayang sabi ni Namjoon sabay tapik sa balikat ko. "But be ready because he'll be looking for an 'Appa' soon." ngumisi siya bago tuluyang pumasok sa loob at iniwan akong naka-nganga sa labas. Kung hindi pa dahil sa isang langaw, hindi ko isasara yung bibig ko.



Ano raw? 'Appa'? Jusko. Bakit may 'Appa' pa?
















Nanood kami nang TV ng mga ilang minuto lang, wala kasing magandang palabas. Nang tumayo si Jin para magluto nalang sa kusina, agad naman akong sumunod. Pero hindi pa kami nakakalayo nang lumabas yung breaking news.



"Guys look! It's Baekhyun-hyung!" sigaw ni Jimin at agad kaming bumalik sa living room.



Nang tignan ko yung TV, agad ko namang nakita yung mukha ko. Ito yung picture sa may newspaper, yung kausap ko si Chanyeol. Mukhang ayaw parin maglabas ng reyna ng mas maganda kong picture. Lechugas talaga.



"OMG. It's about your... death." hindi makapaniwalang singhap ni Jungkook. "Langya naman. Ano bang kabalbalan to eh buhay na buhay ka nga!"



"Jungkook pwede ba?!" sigaw ni Jimin sabay bato sakanya ng unan. "Ang ingay-ingay mo gusto mo ipakain ko sayo tong paa ko ha?"



Tinignan lang siya ng masama ni Jungkook pero di na nagsalita. Nag-concentrate nalang kami sa biglaang presscon na pinatawag ni Queen Belle. Yung setting ay sa loob ng study room niya. Ang daming reporters at panay ang flash ng mga camera. Sa gitna ng kwarto, andun si Queen Belle. And guess what? UMIIYAK.



"BAKIT SIYA UMIIYAK?!" sigaw ni Hoseok. "Diba siya nga yung---"



"ANO BA?!" sigaw ni Namjoon. "Tatahimik kayo o tatahimik kayo?!"



Umirap si Hoseok at tinuro yung throw pillow sa tabi niya. "Ingay mo kasi eh," bulong niya dito habang nanduduro pa.



"Your Majesty, what happened to Prince Baekhyun? What was the cause of his death?" tanong ng isang reporter at gusto ko talagang masuka.



Umiyak ng mas malakas si Queen Belle. "It's hard for me to say," hikbi niya. "We found his body inside his room and he's not breathing anymore! Sobrang hirap tanggapin... This is a really tough time for the kingdom. And my heart feels like breaking into pieces." ipinagpatuloy niya ang pag-iyak pero halatang-halata ko kung gaano niya pinipilit na maging maganda parin kahit puro uhog at sipon na siya. Leche talaga. Makakapag-mura ako dito eh.



"Where exactly did you find his body?"



"Inside the bathroom," iyak ni Queen Belle. Sinubukan kong hanapin sa kwarto na yun si Amber pero wala siya. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Okay lang kaya siya? Sinaktan kaya siya ng reyna? Nako nako. Kapag si Amber sinaktan ng hinayupak na to ah.



"Sa bathroom?" tanong ng isa nanamang reporter. "Perhaps, he slipped and banged his head?" Tong mga reporter talaga na to talaga eh, hayop maka kuha ng information.



Nagpunas ng luha ang reyna. "No. We saw blood... and a cut... on his wrist." Lahat ng tao napasinghap sa gulat. Pati ako. Pati kaming andito sa bahay at feeling ko pati ang buong mundong nanonood netong pesteng conference na ito.



"My god..." hindi makapaniwalang bulong ko. "She's nuts. She's crazy. 'Patay' na nga ako, ginagawan pa niya ako ng kasalanan. I can't believe this witch." Ang sarap na talaga niyang sabunutan jusko po.



"The prince killed himself?"



Napa-shrug si Queen Belle. "Seems like it," bulong niya. "I didn't know my stepson was suicidal. Meron pala siyang mga emotional issues, psychological problems. I regret everything now. I should have been a better mother to him and Amber."



ANO?! Psychological problems?! Ako ba yun o siya?



"Enough," sabi ni Namjoon at saka niya pinatay yung TV. "The queen is a liar. I think it's a waste of time to hear those kind of lies." Tumingin siya sakin at ngumiti nalang ako ng maliit. Waste of time. Tama siya. Sobra.



Naramdaman ko yung yakap sakin ni Taehyung. "Eomma, are you alright?" bulong niya at first time na hindi ako kinilabutan. Tumango nalang ako saka ngumiti ng maliit.



"Magluto nalang tayo, Baekhyun-hyung," tawag ni Jin sakin. "Let's forget about that stupid interview."



Maya-maya pa, tumunog yung cellphone ni Hoseok nagulat kaming lahat. Tunog kasi ng kabayo yung ringtone niya ewan ko kung paano nangyari yun. Haayy. "Sorry. Sagutin ko lang saglit." sabi niya at naglakad palabas.



Sinimulan na namin ni Jin yung pagluluto nang marating namin yung kitchen. Dahil pala pito sila dito sa bahay, iba-iba dapat ang putaheng iluluto. Kalalabas ko palang yung karne mula sa ref nang pumasok si Jimin sa kusina, medyo namumula pa. Hawak niya yung cellphone ni Hoseok.



"Hyung, I'm really sorry," explain niya habang naglalakad palapit sakin. "Please don't throw that frozen meat at me."



Napakunot noo naman ako pero binaba ko parin yung karne. "Ano? Bakit?"



"He's crying, okay? Hindi ko na kayang hindi sabihin..." at saka dahan-dahan na inabot sakin yung cellphone. Noong una, hindi ko magets. Pero base sa mukha ni Jimin, sa takot niyang mga mata, parang alam ko na yung ibig niyang sabihin.



Kinuha ko yung cellphone. "Hey..." bulong ko kahit walang nagsasalita sa kabilang linya. "I'm... I'm alive, Park Chanyeol."



"You..." umiiyak nga siya, gusto kong matawa. "You nearly killed me, Byun Baekhyun..."
















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro