Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 8




Nang lumabas kami ni Jimin mula sa kwarto ko (Oo. Kine-claim ko na yung kwarto. Akin na yun, okay?), sinalubong kami nung Jin. Hindi ko alam kung nasa labas lang siya kanina pa o kadarating lang. May hawak siyang pink na bedroom slippers. Iniabot niya yun sakin at saka ko lang napansin yung present appearance ko.



Puro putik yung suot kong pants at t-shirt. Wala na din yung simpleng slippers na gamit ko nang damputin ako ng mga Queen's Guards. "Here," nakangiting sabi ni Jin saka nilagay sa paanan ko yung slippers. "Nasira kasi yung suot mong slippers kakalakad siguro sa gubat?"



Dahan-dahan ko namang sinuot yung binigay niyang bedroom slippers kahit nagtataka ako kung bakit pink na pink yung color. "Salamat," mahina kong sabi sakanya. "Kanino to? Kay Manang... Manang Toyang?"



Namula si Jin at dali-daling umiwas ng tingin. "Ah, hindi."



Napakunot noo nalang ako. Baka may babae dito sa bahay nila? Girlfriend siguro? O ibang kaibigan? Biglang natawa si Jimin sa tabi ko pero hindi siya nagsalita. Ano naman kayang nakakatawa sa pink na bedroom slippers galing kay Jin?



"Oh, ano na? Ready na ba si Baekhyun-hyung?" May sumigaw at napatingin ako sa hallway para makita ang dalawang lalakeng nakadamit pang-boy scout. Yung brown top at pants na may malaking panyong nakasabit sa leeg nila. Meron pa silang malalaking sumbrero sa ulo at knee-high white socks. Gusto kong mapa-facepalm sa kalokohan ng dalawang to.



Tumawa si Jimin. "Ayan! Ready na pala ang mga tour guide mo, Hyung." sabi niya sabay turo kina Taehyung at Jungkook na naka-pose pa. "Oh, kayo na bahala sakanya ah." tinulak pa niya ako ng medyo mahina pero kumapit ako sa braso niya.



"Ah..." napalunok ako sa kaba. "Sigurado ko bang hindi naka-drugs yang mga yan?" bulong ko habang binibigyan ng kinakabahang tingin sina Taehyung at Jungkook. Nakangisi pa sila sakin at nag-wink. Jusko po. Bakit ganito tong mga to?



"Hindi yan, promise," paninigurado ni Jimin sabay tulak ulit sakin. "Dali na. Kaya mo yan."



Nilingon ko naman ulit ng dahan-dahan yung dalawang mongoloid at bago pa ako makapagsalita ulit, hinila ako nung Taehyung at niyakap yung braso ko habang naghu-hum ng kantang hindi ko maintindihan. Sumunod naman samin si Jungkook na parang body guard, with proper posture at seryosong mukha pa. Bumubulong pa siya ng "Left, right, left, right." habang naglalakad.



"Huwag niyo akong patayin, please," mahina kong sabi kay Taehyung at agad naman siyang napatigil sa pagha-hum para tumingin sakin. Sobrang inosente nung mukha niya na parang hindi niya kayang gumawa ng masama. Niyakap niya ng mas mahigpit yung braso ko. Para siyang tarsier oh my ghad.



Umiling siya bilang sagot. "Hindi namin kayang gawin yun, Hyung," bulong niya. "Saka ipapatapon ako sa planeta ng mga two-headed monsters kapag ginawa namin yun."



"Two-headed..." hindi makapaniwalang sabi ko. "A-ano bang sinasabi mo?"



"Sshhh..." tinakpan ni Taehyung yung bunganga ko. "Baka marinig nila tayo. Sshhh..."



Naramdaman ko naman yung pag-akbay sakin ni Jungkook. "Baekhyun-hyung, alam mo ba na ang bahay na ito ay gawa sa salamin, bakal, at semento?" seryosong tanong niya. "Alam mo din ba na meron itong tatlong floors at isang basement?"



"H-hindi." sabi ko habang umiiling.



Tumawa ng malakas si Jungkook. "Mabuti kung ganun!" masaya niyang sabi. "At least, hindi magiging pointless ang gagawin nating tour. Isipin mo nalang, Baekhyun-hyung, na nagto-tour tayo sa isang malaking museum kung saan hindi artifacts ang makikita, kundi mga gwapong nilalang. Okay ba yun?"



Oo. Gwapo nga, abnormal naman.



Bumaba kami ng hagdan at saka ko lang nalaman na nasa second floor pala yung kwartong tinulugan ko. Yung buong ground floor, puro salamin lang ang division. Kitang-kita mo yung gubat sa labas at yung driveway nilang gawa sa semento at mga maliliit na bato. May mahabang daan na magdadala sayo sa highway. Doon siguro dumadaan si Chanyeol kapag bumibisita siya dito.



Ugh. Ano ba yan? Naiisip ko ulit siya. Teka. Kelangan ko munang i-pause tong utak ko para hindi siya isipin. Kelangan kong magconcentrate sa tour nitong dalawang may sayad.



Dinala nila ako sa labas ng bahay, sa may entrance lang. "Okay, dito tayo mag-i-start, okay?" sabi ni Jungkook at hinila niya si Taehyung palayo sakin. "Hoy ikaw, dito ka lang sa tabi ko ha. Huwag kang mawawala, uupakan kita." sabi niya dito at tumango-tango naman si Taehyung bilang sagot.



Tinuro ni Jungkook yung pinto. "Ang tawag dito, glass door." sabi niya at gusto ko na talaga siyang bugbugin. Kung hindi lang to mas bata sakin, kanina pa to nasa sahig. "Ito ang nagsisilbing door. Kaso nga lang, glass siya. Hehe."



"Alam ko naman yun!" inis na sabi ko sakanya.



"Ah. Magaling, magaling." masaya niyang sabi at saka binuksan ni Taehyung yung pinto. Sabay-sabay kaming pumasok sa loob at dinala nila ako sa may living room area. Malaking space yun sa may right side ng first floor, unang mapapansin pagkapasok mo. May pabilog na red na sofa at punong-puno ng throw pillows yung sahig. Parang kwarto lang ni Amber.



At dahil nalulungkot nanaman ako, pinilit kong hindi na muna siya isipin.



"Ito yung sofa," explain naman ni Taehyung sabay higa doon. "Dito kami nag-i-stay kapag nanonood ng TV or naglalaro ng PS4. Gusto namin parati tong mabango kasi madalas umutot si Hoseok dito lalo na pag natatalo na siya sa HALO. Kaya dapat, Hyung, nag-i-spray ka dito kapag naglilinis."



Tumango naman ako agad. "Okay. Akong bahala."



"Saka kapag dito natutulog si Jimin, naiihi siya. Kaya kailangan mong mag-ingat bago umupo dito, okay? Warning yun!" dagdag pa ni Taehyung at hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Saan ba talaga ako napadpad? Parang gusto kong i-check na nasa isa akong bahay at hindi sa mental hospital.



Naglakad si Jungkook papunta sa isang sobrang laking TV. Meron ding naglalakihang speakers sa bawat gilid. May DVD player, console, video game controllers at kung anu-ano pang gadgets. Sa tabi naman nun ay isang malaking shelf na puro PS4 games at DVDs ang laman. Ang dami-dami ewan ko kung tapos na nilang laruin at panoorin ang lahat ng yun.



"Itong mga to naman, Hyung, dapat parating dust-free," nakangiting sabi ni Jungkook sabay turo sa mga yun. "Alam mo na, hindi sila pwedeng masira kasi tatadyakan talaga kami ni Namjoon. Haba kaya ng biyas nun."



Sumang-ayon naman agad si Taehyung. "Huwag mo kaming hahayaang masaktan, pretty please?" bulong niya sabay pout at beautiful eyes pa. Nang tumango ako, nagsimula siyang mag-roll-roll sa sofa habang kumakanta ng isang song sa ibang language. Noong una, akala ko language dito sa Earth pero puro, "Bam di ri doom dim di ri dam dam ajung gar taf da ri ri dum gud dung blah blah." Di ko na sure kung lengwahe pa ba ng tao yun. Nang mag-roll siya ulit, bigla siyang nahulog sa sofa at agad naman namin siyang tinulungan.



Pumunta kami sa kusina after nun. Andun naman sina Jin at Yoongi, mukhang naghahanda para sa lunch. "HELLO EVERYONE!!!" sigaw ni Jungkook pagkapasok namin at agad siyang binato ni Yoongi ng isang plastic apple mula isang vase sa gitna ng kitchen counter. "OUCH! Masakit yun ah! HOW DARE YOU?!"



"Ano ba, tama na yan." kalmadong sabi ni Jin habang naghihiwa ng karne. "Busy sila sa tour. Itigil mo nga yan, Suga."



Owwww. So pwede din palang 'Suga' ang tawag kay Yoongi. Amazing.



"Tour?" natatawang sabi ni Suga habang nagpupunas ng mga platong mukhang kahuhugas lang. "With them?! Bakit sila pa? Mas magaling ako diyan, Jin!" proud na proud na sabi niya sabay ngiti ng malaki. Huwaw. Ang bright naman ng gilagid neto.



"Hoy Suga," singit ni Taehyung sabay taas ng isang kilay. "Gusto mo bang itapon kita sa Mars? Ang ingay mo ah! Saka bat mo binato si Kookie?!"



"Hoy ka din, V," irap ni Suga. "Ikaw ang bumalik sa planeta mo, okay? Huwag mo nga akong dinadamay sa kaelyenan mo."



Tinaas ni Jin yung kutsilyong hawak niya saka tinapat sa mukha nina Suga at Taehyung. "Titigil kayo o kayo ang lulutuin ko?" mahina niyang sabi. Kalmado parin pero nakakatakot na siya tumingin at agad na napatahimik yung dalawa.



Lumapit ako sa kitchen counter at tinignan yung ginagawa nila. "Um, can I help?" tanong ko. "Anong lulutuin niyo?"



"Mamaya na," sagot naman ni Jin saka ngumiti sakin. "Tapusin niyo na muna yung tour niyo, Hyung, para alam mo na din yung pasikot-sikot dito sa bahay. Hindi man halata pero helpful yan, maniwala ka."



"Ayaw ko mang aminin pero tama si Jin," singit ni Suga. "Alam mo ba, Baekhyun-hyung, ilang oras na na-trap si Manang Toyang sa basement kasi nalimutan niya kung saan yung hagdan?"



Napasinghap naman ako sa sinabi niya. "Sa basement?" gulat na sabi ko. "Buti nahanap niyo siya."



"Oo. Saktong may kinuha kasi si Namjoon doon." natatawang sabi ni Suga. "Buti nalang talaga."



"Underground kasi yung basement." explain ni Jin. "Mas malawak kesa sa buong bahay. Marami kasing nakatago doon, mga lumang gamit, sasakyan, motor bikes, at kung anu-ano pang ginagamit namin for hiking at sports."



Tumango-tango nalang ako tutal yun palang ang dapat kong gawin ngayon. Napatingin ako sa buong kusina, hindi malaki, hindi rin naman maliit. Sakto lang para makapagluto ng maayos. Hindi rin naman nalalayo yung circular dining table na sakto lang sa pitong tao. Meron ding sobrang laking ref, oven, stove at cabinets na mukhang punong-puno ng pagkain.



Mabilis lang yung pag-iikot namin sa kusina kasi parating may nasasabi si Suga kina Taehyung at Jungkook. Pumunta kami sa guest bathroom na nasa first floor din. Pero nang buksan ito ni Jungkook, isang umaalingasaw na amoy ang sumalubong samin.



"ANO YUN?!" nasusukang sabi ko at kasunod nun ang malakas na sigaw ng isang tao mula sa loob ng CR.



"WAAAAAHHH!!! LAYAS! LAYAS! AAAAHHH!!!" pilit na sinasara ni Hoseok yung pinto at hinayaan namin siyang gawin yun. Sobrang baho! Nakakadiri talaga! Ano bang klaseng amoy yun? Kayang pumatay eh.



"ANG BABOY MO, HOSEOK!" nandidiring sigaw ni Taehyung sa CR. "Ilang araw na bang naimbak yan ha? Nakakadira ka!"



"ANG BABOY MO DIN!" sigaw naman ni Hoseok mula sa loob. "CALL OF NATURE TO, OKAY?! HUWAG KANG EPAL! INIPON KO TO!"



Binigyan namin ng masamang tingin yung pinto bago umakyat nalang sa second floor.



"Merong tatlong guest rooms sa floor na ito, Hyung. Andito din sa floor na ito ang mga kwarto nina Hoseok at Jimin." parang professional na explain ni Jungkook. "Merong isang bathroom sa bawat kwarto kaya huwag kang mag-alala sa privacy mo."



"At hindi mo na kailangang harapin ulit ang ganung klase ng amoy." dagdag pa ni Taehyung sabay turo sa first floor. Sobrang thankful naman ako sa bagay na yun at agad akong napabuntong hininga. Nakaka-relieve talaga.



Naglakad kami papunta sa unang pinto sa kanan namin. "Para sa second part ng ating tour, ipapakilala namin isa-isa ang mga kaibigan namin." sabi ni Jungkook. "Pero dapat ready ka sa mga malalaman mo ah." ngumisi siya habang tinataas-baba ang mga kilay. Creepy.



"Wow. Ngayon lang yung warning mo ah," mahina kong sabi. "Sana kanina mo pa sinabi hindi ngayong malapit na akong mabaliw dahil sa inyo."



"Awwww..." pout ni Taehyung saka yumakap nalang ulit sa braso. "It's okay, baby. It's okay. Mommy's here. Aju ju ju." pinisil niya yung pisngi ko at wala akong nagawa kundi mapabuntong hininga nalang ulit.



Binigyan ko ng tingin si Jungkook at medyo nahihiya nalang siyang ngumiti sakin. "Hehe. Sorry naman, Baekhyun-hyung."



Nakakasira sila ng bait, oo. Pero feeling ko naman, hindi sila kasing evil ni Queen Belle. Mas gugustuhin ko pang tumira dito kesa sa Royal House kung saan hindi ko kilala kung sino ba talaga yung mga kakampi ko.



"Pero bibigyan nalang kita ng overview ngayon bago tayo magsimula." sabi ni Jungkook. "Una, si Jung Hoseok. Mahilig siya sa animals at sa pagtambay sa CR. Kelangan mong masanay sa madalas niyang pag-utot at paglalakad sa gubat." hinila ni Jungkook si Taehyung papunta sa tabi niya. "UY, tulungan mo ako dito, pwede ba."



"Oki." nakangiting sabi ni Taehyung. Tumingin siya sakin at nagtaas ng isang daliri. "Si Kim Seokjin naman ang pinaka-nanay namin dito. Calm at soft spoken. Pero nakakatakot siyang magalit. Oki? Huwag mo siyang gagalitin!" Huwaw. At sakanya pa talaga galing ah.



"Si Kim Namjoon naman ang pinaka-tatay. Bossy pero mabait yun. Matalino din siya kaya mahirap talunin sa video games..." nakangising sabi naman ni Jungkook. "Mana sakin yun, maniwala ka." at nag-wink pa. Weh? Baliw lang maniniwala dito.



Kumunot noo si Taehyung. "Si Min Yoongi naman ang pinakamasamang ugali dito," nakapout na sabi niya. "Binubully niya ako eh ang cute cute ko. Huhuhu." kunwari pa siyang nagpupunas ng luha. "Galing talaga siya sa ibang planeta sabi ng mga kaibigan kong alien. Naniniwala ako sakanila. Never silang nagsinungaling sakin, Baekhyun-hyung, kahit sa panaginip ko lang sila nakikita."



Nagtinginan nalang kami ni Jungkook. Mukhang si Taehyung talaga ang pinakamalakas ang tama dito.



Umubo si Jungkook at tinignan ng masama si Taehyung. "Tinatakot mo na siya!" bulong niya dito.



"Totoo ang sinasabi ko!" giit naman ni Taehyung.



Umiling nalang si Jungkook at napa-sigh. "Okay," pagod niyang sabi at napahawak sa sentido niya. "Si Park Jimin naman ang ka-vibes namin ni Taehyung. Pero madalas siya sa kwarto niya ngayon kasi meron siyang sinimulang blog. Doon siya nagdadaldal. Pero madaldal talaga yun. Sobra."



"Okay!" masayang sabi ni Taehyung. "Ready ka na bang simulan ang room tours, Baekhyun-hyung?"



"Teka," nakakunot noong sabi ko. "Eh paano kayong dalawa? Walang overview tungkol sa inyo?"



Dahil doon, nagtinginan silang dalawa at sabay na ngumisi. Napatigil ako. Mukhang hindi ko na kailangan.

















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro