kabanata 4
"Alam mo ba, Baekhyun, sobrang naiinis ako sayo ngayon kasi hindi ka pa nagkukwento."
Kumakain kami ng lunch at tumabi sakin si Amber kahit na sa harapan ko dapat siya nakaupo. Napatingin ako sa dulo ng mahabang dining table kung saan nakaupo dapat ang reyna. Pero as usual, wala nanaman siya. Nagkukulong nanaman sa kwarto niya kasama ang bisitang matanda na kanina ko lang din nakita. Tama lahat ng description ni Amber. Mukha nga siyang witch.
"Ano bang ikukwento ko?" tanong ko sakanya habang inuubos yung mushroom soup na hinanda. Meron ding Italian spaghetti, macaroni salad, at kung anu-ano pang pagkaing nakakataba. Si Amber, prutas lang ang pinatos.
Hinila niya yung upuan niya para tabing-tabi sakin. "Ano ka ba? Yung tungkol sa inyo ni Chanyeol!" sabi niya sabay palo sa braso ko. "So? What happened? Did you kiss?"
Halos masamid naman ako sa sinabi niya. "Ano ba? Pwede bang hayaan mo akong kumain ng tahimik at maayos?" inis na sabi ko. "Kiss-kiss ka diyan."
"But in fairness, seems like I was wrong about everything I said about him," nakangisi niyang sabi. Tinaas pa niya ang dalawang paa sa dining table like a boss. "Pero seryoso, Baekhyun. Hindi talaga siya approachable sa una."
"Busy lang daw siya noon." inabot ko yung tubig saka uminom. "Park Chanyeol is a really nice person. Masaya siyang kasama. And I think we're good friends now."
"FRIENDS?!" bakas sa boses ni Amber ang disappointment. "Baekhyun, hindi yan ang gusto kong marinig mula sayo, okay?! Anong friends ka diyan?! That's unacceptable!"
"Anong 'unacceptable' ka din diyan?" irap ko naman sakanya. Inubos ko na yung soup na kinakain ko at dali-dali namang lumapit yung mga maids para iligpit yung mesa. Nang tumayo ako mula sa upuan, sumunod si Amber hanggang umabot kami sa kusina kung saan nagluluto at nagchi-chismisan pa ang ibang maids. Binati naman nila kami.
Umupo ako sa isang stool sa may kitchen counter kung saan gumagawa ng cake si Manang Beng-beng, ang head cook dito sa Royal House. Tumabi sakanya si Amber habang nakatingin ng matalim sakin. "Manang Beng-beng, pakisabi nga kay Baekhyun na panahon na para magka-love life siya. Yung real na real na parang juice sa Pinas."
Tumango-tango naman si Manang Beng-beng. "Tama ang sinasabi ng kapatid mo, Baby Bacon." Yun talaga ang tawag niya sakin simula bata ako. Huwag na kayong magtaka. "Matanda ka na. Oras na para i-enjoy ang life."
"Eh Manang Beng-beng, kakikilala ko palang doon kay Park Chanyeol kahapon. Ano namang gusto niyong gawin ko? Sunggaban ko na agad?" inirapan ko silang dalawa at napatingin sa ibang maids sa paligid namin. "Diba?!" tanong ko at tumango-tango naman silang lahat.
Napabuntong hininga si Amber. "Wala ka manlang bang na-feel? Kahit konti?"
Napakunot noo ako. "Konting ano?"
"Alam mo ba yung feeling na first time niyo palang nagkita, pero alam mo sa sarili mong may something na agad." explain ni Amber. "Yung parang 'spark' kumbaga. Yung kahit ngayon mo lang siya nakita, alam mo na magiging 'someone' siya in the future sa buhay mo."
Alam ko yung ibig sabihin ni Amber. Alam ko yung 'spark' na sinasabi niya, yung feeling na ine-explain niya sakin ngayon. Umiwas ako ng tingin saka sinubukan nalang panoorin si Manang Beng-beng at yung cake niya. Sa totoo lang, naramdaman ko yun. Alam ko na magiging 'someone' si Park Chanyeol sa buhay ko noong oras na tignan niya ako sa mata. Pero anong klaseng 'someone' ba diba? Marami kasing klase ng someone.
"Hindi ko alam." mahina kong sabi. "Ayokong mag-assume."
"Hay nako, Baek. Kung naririnig mo lang lahat ng sinasabi ng mga staff ko kahapon," nakangiting sabi ni Amber. "Sobrang cute mo daw, hindi nila ma-explain. And they're happy to finally see their future king in person."
Napa-squeal naman si Manang Beng-beng. "Oh diba, Baby Bacon! Sabi ko sayo cute ka eh. Di ka kasi naniniwala sakin." madrama pa niya akong inirapan sabay pout. Jusko si Manang. Sakanya ata ako nagmana.
Hinila ni Amber yung apron ni Manang Beng-beng habang kinikilig. "Pero alam mo ba, Manang Bengs, hindi 'cute' ang tingin sakanya ni Chanyeol!" kilig na kilig na sabi niya.
Ngumiti naman si Manang Beng-beng ng nakaka-asar. "Talaga ba? Anong tawag sakanya, Baby Gothy?" Yan nickname ni Manang kay Amber. Nakakainis diba?
"BEAUTIFUL DAW!!!" sigaw ni Amber at sabay-sabay na napa-squeal yung mga maids na nasa loob ng kusina. Kunwari nagta-trabaho, nakikichismis pala. Buti nalang sanay na sanay na ako sa mga to.
"Huy ano ba?! Itigil niyo nga yan." namumulang sabi ko. "Siguro kanina pa nabibilaukan si Chanyeol dahil sa inyo."
"So nag-aalala ka na rin sakanya ngayon?" mapang-asar na sabi ni Amber. "Ikaw ah..."
"Hindi naman sa ganon." medyo naiinis na sabi ko. "Ang gusto ko lang naman---"
"Sshh!" singit ni Amber sabay tingin sa likod ko. Hindi ko na kailangang lumingon para makita ang Mahal na Reyna. Nararamdaman ko talaga yung aura niya eh: yung mapapatahimik yung buong kusina at mapapayuko yung mga maids. Pati si Manang Beng-beng, tinigil yung ginagawa para batihin si Queen Belle.
Yumuko kami ni Amber. "Good afternoon, Your Majesty."
Hindi nagsalita si Queen Belle at dumiretso siya sa harapan ko. "Kelan ka pa natutong hindi sumunod sa utos?" mahina niyang sabi pero halata ang galit sa boses niya. Nang hindi ako sumagot agad, pinatong niya ang bagong issue ng daily newspaper sa kitchen counter. Ako ang nasa headline... at si Park Chanyeol. May picture din kami noong nakaupo kami sa bench.
"Queen Belle, magkaibigan lang kami ni Chanyeol." sabi ko.
Pero mukhang hindi doon nagagalit ang reyna. "I told you to hide your face!" nanlilisik yung mga mata niya sa galit habang nakatingin sakin. Napatahimik ang buong kusina. "Ang simple-simple ng inuutos ko sayo, hindi mo magawa?! Why did you show your face?! Why did you disobey me?!"
Napabuntong hininga ako at sinabi ang totoo: "Mainit po kasi kahapon, Mahal na Reyna."
"ANO?!" hindi makapaniwala ang reyna sa binigay kong sagot. Eh yun naman kasi yung totoo! Ano namang gusto niyang sabihin ko diba? Yun lang naman yung nagtulak sakin para tanggalin yung lecheng mask na yon.
"Mom, Baekhyun did nothing wrong." singit ni Amber at bigla siyang naglakad para tabihan ako. "Saan ba kasi nanggaling yung utos mo na yan? Ayaw mo siyang ipakita kahit kanino. That's absurd! We all know that."
"Amber, hindi ikaw ang kinakausap ko." sagot ng reyna. "Bumalik ka nalang sa kwarto mo."
"No!" inis na sagot naman ni Amber. "I'm tired of this. Pagod na pagod na akong makita yung mga old style at cheap clothes ni Baek. Pagod na din akong makita yung luma niyang face mask. Ang annoying! Ang annoying talaga, okay?"
Leche talaga tong babaeng to. Sarili parin ang iniisip sa mga pagkakataong ganito.
"I'm just protecting him." mahinang sabi ng reyna.
"You're not protecting him." sagot ni Amber. "You're hiding him."
Binigyan ulit kami ng reyna ng masamang tingin bago ako tuluyang hinila ni Amber palabas ng kusina. Siya nalang talaga yung kayang umaway-away sa nanay niya eh. Pagdating sa sagutan nilang mag-ina, parati namang nananalo si Em. Kaya madalas, all thanks to her talaga.
Mabilis kaming naglalakad papunta sa mga kwarto namin nang biglang mag-ring yung cellphone ko. Sabay kaming napahinto ni Amber. "Who's that?" tanong niya.
"Ewan." sagot ko naman habang nakatingin sa caller ID na nasa screen. "Unknown number eh. Teka, sagutin ko lang. You go ahead."
Kumunot noo si Amber. "Are you sure?"
Tumango ako. "Yeah. Thanks... for a while ago." nakangiting sabi ko sakanya.
Umirap si Amber. "Let's just play Call of Duty later. I'll wait for you." at saka siya naglakad pabalik sa kwarto niya at pumunta naman ako sa may pinakamalapit na balcony. Sinagot ko yung tawag habang nakakunot noo. Hindi ako umimik hanggang sa nagsalita yung nasa kabilang linya.
"Byun Baekhyun?"
Teka. Kilala ko tong boses na to ah.
"Is this..." napatigil ako. "Park Chanyeol?"
"Ah! I thought I got the wrong number!" natatawang sabi niya. OMG. Siya nga. Buti nalang alalang-alala ko yung boses niyang hindi talaga mabilis maalis sa isipan ng kahit sino. Halatang tuwang-tuwa siya hanggang natawa nalang din ako.
"What?" tanong ko. "Anong nakakatawa?"
"I'm just relieved." sagot niya sabay buntong hininga. "I asked your sister for your number. I hope you don't mind."
Napatingin ako sa hallway kung saan pumunta si Em. "Okay lang," sagot ko naman. "It's nice to have a new name on my contact list."
"Yeah. Me, too." sabi naman si Chanyeol. "So, how are you?"
Napakunot noo ako. "Of course, I'm fine." sagot ko naman. "Why did you ask?"
"Well, I saw the paper and... I immediately thought about you." napatigil siya. "I mean, I immediately thought about calling you."
"Oh, that." mahina kong sabi. "Nakita ko din. Kanina lang. Pinakita samin ni Queen Belle." Naalala ko na naman yung nangyari kanina at hindi ko maiwasang malungkot. Bad shot nanaman ako sa reyna, ano ba yan. "She's extremely mad at me right now."
"Really?" halata ang gulat sa boses ni Chanyeol. "Bakit? Wala ka namang ginawang masama."
"Hindi ko siya sinunod, diba? I took off my mask." sabi ko. "I was not supposed to do that."
"Baekhyun, that's not even a law or whatever." inis na sabi niya. "That's completely ridiculous."
"I know," bulong ko. "Pero utos yun ng reyna. Kahit gaano pa kawalang kwenta, kailangang sundin." Napatingin ako sa likod ko, baka kasi may nakikinig sa usapan namin pero mukhang tahimik naman ang hallways maliban sa ilang guards na nagpapatrol.
Napabuntong hininga si Chanyeol. "I really hope I could do something for you..." malungkot niyang sabi. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti. Pinilit ko ding hindi tumawa kasi baka mahalata niyang kinikilig ako.
"It was really nice talking to you, Park Chanyeol." sabi ko naman. "I hope we could do it again."
"I would appreciate daily phone calls like this." seryoso niyang sabi. "I like talking to you, Byun Baekhyun. Um, no..." napatigil siya ulit. "I love talking to you. I really do."
Kahit itanggi ko pa sa sarili ko, alam kong kahit papano, pareho kami ng nararamdaman ni Park Chanyeol para sa isa't isa. Siguro hindi pa nga kasing lalim ng salitang 'love'. Baka infatuation lang, happy crushes. Pero hindi naman siguro masamang ma-inspire sa ganitong paraan.
Masaya ako pag nakakausap o kasama ko siya. Sa tingin ko, sapat na yun sa ngayon. Sapat na para hayaan ko ang sarili kong mahulog sa unang pagkakataon.
"Ako rin," mahina kong sagot.
Hindi nagsalita si Chanyeol ng matagal kaya akala ko pinatayan na niya ako o biglang nagloko yung kabibili ko lang na cellphone. Pero nang mumurahin ko na sana yung network na gamit ko, bigla siyang nagsalita ulit.
"I really don't believe in love at first sight."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Ah..." hindi ko alam ang sasabihin. "Ako rin... Ata?"
Love at first sight. Cliche. Unrealistic. Fictional. Pero sabi nila, hindi imposible.
"I don't want to believe it even exist, Baek. I think it's fooling us right under our noses." bulong niya. "But... Baekhyun..."
Hindi ko na din alam kung saan pupunta tong usapan. "Hm?" nagtatakang tanong ko.
"I would love to see you again." sabi niya. "Can I see you again?"
Tumango ako kahit hindi niya nakikita. "Um, sure." sagot ko. "Kelan?"
Natawa siya ng ilang beses. Hala. Happy masyado?
"I'm sending invitations tomorrow for my sister's upcoming wedding." explain niya. "I'm going to the Royal House to personally give them to you guys. I really, really hope you would have time to entertain a visitor."
"Yun lang ba?" natatawa kong tanong. "Of course. I could tour you around the house if you want."
"Hm." napa-isip si Chanyeol. "I would prefer alone time with you. It'll make my visit worthwhile, I promise."
Mabilisan kong inisip yung mga gagawin ko bukas. Mukhang may ilang oras naman akong break bago simulan ang Lessons na binibigay sakin araw-araw ng matandang Royal Instructor na si Madame Chan. "Sure." sagot ko. "No problem."
"That's great." masayang sabi ni Chanyeol. "May mga tatanungin pa sana ako pero bukas nalang. I think it's better if I ask them personally, anyway."
"Oh, okay." sabi ko. "See you then, Chanyeol."
"Yes. See you, Your Highness."
Napairap ako. "Baekhyun." pagtatama ko sakanya.
"Oh." mapang-asar na sagot niya. "See you then, Baekkie." at bago pa ako maka-angal sa bago niyang nickname sakin, isang nakakainis na 'toot toot toot' nalang ang narinig ko. BAEKKIE? Saan galing yun?
Inis akong napa-eyeroll habang binubulsa yung cellphone ko. "Noon, Baby Bacon. Ngayon naman, Baekkie." bulong ko. "Ano bang tingin sakin ng mga tao? Pet?"
Babalik na sana ako sa kwarto ko nang may naramdaman akong tumabi sakin. Agad kong nilingon yung matandang babaeng kaibigan ng reyna. Tulad ng dati, nakasuot siya ng itim na hood na may mahabang kapa. May hawak din siyang tungkod na gawa sa kahoy.
"Your Highness..." bati niya sakin. Magaspang at malamig yung boses niya. Nakakakilabot.
"Hello," mahina kong bati sakanya. "May maitutulong ba ako sa inyo, Lola?"
Ngumiti siya, kitang kita ko yung mga ngipin niyang nadidilaw na dahil sa katandaan. Kulang na din sila at mukhang hirap na siyang makabigkas ng tama. "Wala naman." sagot niya. "Gusto lang kitang makita ng malapitan, Mahal na Prinsipe."
Napalingon ako. Pinapanood kami ng limang bodyguards, naghihintay na may gawin saking masama ang matanda. Dahan-dahan naman akong umiling sa direksyon nila. Mukhang harmless naman si Lola. Tong mga to, judge nang judge.
"Um, bakit po? Anong meron?"
Lumapit sakin yung matanda. Dahan-dahan lang, parang takot siya na tumakbo ako palayo. "Maaari ba kitang hawakan, Mahal na Prinsipe?" mahina niyang tanong.
Tumango naman ako. Ano namang masama diba?
Nang malapit na si Lola sakin, inabot niya yung mukha ko. Pinadaan niya ang mga magagaspang niyang daliri sa pisngi ko habang nakatingin sakin ng maigi. Hindi siya galit, hindi rin takot. Mas mukhang nahihiwagahan at nagtataka siya sa nasa harap niya.
"Totoo ang sinabi niya," bulong niya sa sarili. "Kakaiba nga..."
Napakunot noo ako. "Kakaiba? Ang ano po?"
"Ikaw." masaya niyang sabi. "Hindi lang sa panlabas, Mahal na Prinsipe." at dahan-dahan niyang pinatong ang isang kamay sa dibdib ko. "Pati dito. Kamangha-mangha. Napaka-ganda nga."
Gusto kong intindihin si Lola pero hindi kaya ng powers ko. "Lola, hindi ko po kayo maintindihan." amin ko sakanya.
"Nakakatuwa." bulong niya saka unti-unting lumayo sakin. "Gusto kong makita kung paano magtatapos ang kwentong ito."
Naguguluhan parin ako sa mga sinabi niya hanggang sa naglakad siya paalis sa balcony, iniwan akong nakakunot noo at nag-iisip. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. Hindi ko din alam kung anong kwento. Pero parang hindi naman ako na-excite sa kung ano man yun.
Nagkibit balikat nalang ako. "Creepy."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro