kabanata 31
Tumama ang huling putok ng baril sa kanang side mirror ng sasakyan ni Park Chanyeol, naging dahilan para mapasigaw ako mula sa kinauupuan ko. Mababa parin akong nakayuko at nang takot kong tinignan si Chanyeol, masama parin ang tingin niya sa daan at paulit-ulit na tumitingin sa rearview mirror. Mas bumilis pa yung takbo ng sasakyan pero maya-maya lang, tahimik na ulit yung paligid.
Tuluyan nang dumilim yung paligid, kasabay ng pagbuntong hininga ni Chanyeol sa tabi ko. Napansin kong medyo nag-relax yung katawan niya at dahan-dahang inalis ang kamay mula sa likod ko. "A-Anong---?", pero napatigil ako nang biglang mag-ring yung cellphone niyang nasa pagitan namin. Mabilis niya itong tinignan bago may pinindot sa dashboard ng sasakyan.
Kalmado si Chanyeol nang magsalita siya ulit, "Situation?"
"I think we've lost them." galing yung boses sa speakers ng sasakyan at pamilyar ito. "Tatlong sasakyan lang ang sumunod and they retreated immediately. Seems like they don't want to cause much of a commotion."
Dahan-dahan akong umayos ng upo at mabilis na tumingin sa paligid. Wala nang mga sasakyan ang nakasunod samin at nasa isang highway na ulit kami. Maraming buildings. Maraming tao. Isang itim na sasakyan ang biglang nag-overtake at mabilis akong napasandal sa upuan dahil sa takot. Agad naman na tumingin sakin si Chanyeol, puno ng pag-aalala yung mga mata.
"It's fine, Baek," mahina niyang sabi bago inabot ulit yung kamay ko. "Everything's going to be fine." He even smiled for my benefit. Pero sobrang doubtful ko parin, kahit sa mga kotseng nagsisilbing guards namin.
"Baekhyun-hyung?" tawag ng lalake mula sa kabilang linya. "Baekhyun-hyung are you okay?"
Napakunot noo ako habang pilit na inaalala kung kanino yung boses. Dahil sa mga memory lapses ko nung nakaraan, may mga bagay na akong hindi masyado sigurado. "J-Jimin?" hindi makapaniwala kong tanong. Gulat din akong napatingin kay Chanyeol pero binigyan lang niya ako ng isang tipid na ngiti.
"Hey! You can remember my voice!" bakas sa boses ni Jimin ang tuwa. "Don't worry, Hyung. We're right behind you. We'll protect you, we promise."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit parang alam ko na yung sagot. "What do you mean by that? Jimin, don't get yourself into any trouble." Muli akong napatingin sa mahigit isang dosenang kotseng sumusunod sa amin. Ibig bang sabihin ni Jimin, nandiyan lang silang pito. Are they really risking their lives for me? Bakit? What did I do to deserve this?
There was a pause. "Um. Ang ibig kong sabihin, Hyung, mga guards mo kami for tonight kaya be grateful." mapagbiro niyang sabi. "Don't worry. Ilang taon na rin kaming naghihintay ng ganitong klase ng action."
"But..." dahan-dahan akong napa-iling. "You don't have to do this..."
"We want to." sagot ni Jimin. "If it'll make you feel better, isipin mo nalang na ginagawa lang namin ito for Chanyeol-hyung." Wala nang natitirang pagbibiro sa boses niya at naging dahilan yun para hindi na ako makapagsalita ulit. I pursed my lips and looked down. Tama ba ang nangyayari? Tama bang nangyayari itong lahat? I don't deserve this.
"No, Jimin---"
"Baekhyun." pagpipigil ni Chanyeol sa sasabihin ko. "They wouldn't be doing this if not for a reason. Those guys... They aren't stupid. Tinulungan mo sila sa mga panahon na kinailangan nila. You need their help now. And they're willing to give that."
Pinilit kong alalahanin yung mga araw ko sa rest house ng pitong lalakeng yun. Paano ako napadpad dun? Paano ang naging buhay ko kasama sila? Masaya ba? O puno rin ba ang problema? Magulo? Malungkot? Naramdaman ko yung pagpatak ng luha ko dahil tulad ng dati, wala akong maalala. Yung mga mahahalagang parte ng ala-ala ko, nawawala. At kahit anong gawin ko, hindi ko na maibalik.
"Jimin," hikbi ko habang nakakuyom ang palad. "Take care. Please..."
Natawa si Jimin, pero hindi sa nakakainis na paraan. "Hyung! You don't have to worry about any of us right now. Outnumbered ang mga alipores ng reyna." napatigil siya para tumawa ulit. "And by the way, I am so proud of Chanyeol-hyung. Despite his father's total protest---"
"Jimin!" Chanyeol hissed at agad akong gulat na napatingin sakanya. Nanlalaki yung mga mata kong pinanood siyang i-disconnect yung tawag bago huminga ng malalim. Hindi ko na kailangang magtanong bago siya magsalita. "Look, Baekhyun. We could talk about this after you're all well and rested. You don't have to bother yourself---"
Napalunok ako. "D-Does your father know...?"
"No. I can't tell him you're alive." sagot niya saka umiling. Diretso lang ang tingin niya habang nagmamaneho at maya-maya pa, pumasok kami sa isang exit at agad na napalibutan ng malalaking puno yung paligid. May mga maliliit na bahay akong nakikita, may mga tao rin na nagtatakang pinapanood ang pagdaan ng sunod-sunod na mga kotse, sementado rin naman yung kalsada at mukhang hindi malayo sa kabihasnan pero agad na may inabot si Chanyeol mula sa ilalim ng upuan niya. Isang baril.
"Chan---"
"I won't use it if not needed. It's just that... The darkness is creeping me out." sagot niya saka binigyan ako ng mapagbirong ngiti. Pinatong ni Chanyeol yung baril sa dashboard ng sasakyan at dahan-dahang inabot yung mukha ko. Pinunasan niya yung mga luha ko gamit ang mga daliri niya. "The world still thinks you're dead, Byun Baekhyun, it's what the queen announced and she can't take that back. Kaya konti lang ang pinadala ng reyna para sundan tayo because she doesn't want to make a big mess and accidentally reveal the truth. But I... I don't know what she's going to do next and that scares me, Baekhyun. That fcking scares me to death."
In that moment, I could finally see the cracks the queen's deeds left on Park Chanyeol. All this time, pinipilit niyang maging matapang para sa akin. Para wala na akong isipin. Para hindi na ako mamproblema. He even disobeyed his father for me. He went against the queen for me. He took all these troubles for someone... For someone who can't even remember him completely.
"Park Chanyeol..." mahina kong simula habang nakatingin sakanya. "I'm sorry if I can't remember you. I-- I never wanted that. I'm sorry... I'm really sorry." Marahan kong inabot yung kamay niya kahit hindi ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko. Hindi ko ba siya naaabala? Ito ba ang tamang paraan para i-comfort siya? Pero nang hawakan pabalik ni Chanyeol yung kamay ko, agad nawala lahat ng mga tanong na yun.
"Hindi ko alam kung gaano ka nasasaktan ngayon and that pains me, too, Chanyeol. Masakit para sakin na nakikita kang ganito. Masakit na nakikita kang nahihirapan dahil sa mga ginagawa ng reyna." pagtutuloy ko habang naluluha. "Mahal kita, Park Chanyeol. Oo, hindi ko na matandaan pero nararamdaman ko. Nararamdaman ko parin hanggang ngayon. My heart was screaming for you that day and it still does. And I... I don't want it to stop."
Tumingin ulit sakin si Park Chanyeol at mabilis kong pinunasan yung luha niya. "Byun Baekhyun..." he whispered, holding my hand tightly. "You'll be fine, okay? You will. Believe me."
"I do." tumango ako at ngumiti para sakanya naman ngayon. "I will be fine. And when that day comes, let's do all the things you want. I will marry you. And let's have kids together." Natawa siya at ganun din ang ginawa ko. Pero mas totoo na yung ngiti sa labi niya ngayon. Kahit papano, nakikita kong nabawasan yung takot at lungkot na nararamdaman niya kanina at ng mga nagdaang araw.
Nakakapagod rin siguro ang pilitin ang sariling maging matatag. Nakakapagod na maging malakas para sa isang taong konti nalang, malapit nang sumuko. Ayokong gawin yun kay Park Chanyeol. Ayokong sukuan kung ano man yung naghihintay para sa aming dalawa. Ayokong hayaan siyang naghihirap dahil lang sakin. He needs me to be strong. At yun ang gagawin ko. Kahit para sakanya nalang at sa mga taong naniniwala parin na gagaling ako. For him. For my sister. For my friends.
My body wants me to be weak. But my heart needs to be stronger than this.
Narating namin ang isang malawak na paliparan maya-maya lang, kung kelan sobrang lalim na ng gabi at mataas na ang buwan sa langit. Hindi ko naintindihan yung daan papunta dito sa private runway ng mga Park, na para bang naka-build talaga para hindi mabilis mahanap. Tumigil si Chanyeol malapit sa isang building kung saan maraming lalakeng naka-all black uniform at bulletproof vests ang naghihintay. Lahat sila ay may hawak na baril at mukhang naghihintay sa pagdating namin.
"Don't go out yet." sabi ni Chanyeol bago binitiwan yung kamay ko at mabilis na kinuha yung baril sa dashboard. "I'll come for you when everything's ready."
Tumango ako at nagbigay ng maliit na ngiti. "Okay." mahina kong sabi. "Take care out there."
"Of course, baby." sagot ni Chanyeol at natawa ng mahina. Mabilis siyang lumapit para halikan ako sa noo bago lumabas ng kotse. Iniwan niyang umaandar ang sasakyan at pinanood ko siyang naglakad papunta sa dalawang lalakeng, base sa mga damit nila, mukhang magiging mga pilot ng sasakyan naming eroplano. Ginala ko ang tingin ko sa paligid at mabilis na nahanap ang isang malaking puting airplane hindi malayo mula sa amin. Gumagawa na ito ng ingay at maraming guards ang pumapasok-lumalabas sa pintuan nito habang may dalang mga bagahe.
Dumating na rin yung mga itim na kotseng nakasunod sa amin kanina. Mabilis ko silang binilang gamit ang daliri ko. Twenty. Dalawampung kotse ang nagbantay at sumunod sa amin kanina. Hindi ba parang sobrang dami naman ata nun? Nang makapagpark ang mga kotse sa paligid namin, agad naman na lumabas yung iba pang mga guards mula sa mga sasakyan na yun. Lahat sila naka-black long sleeves at pants. Lahat din sila may mga baril at transceivers.
Binalik ko ang tingin ko kay Chanyeol at mukhang seryoso silang nag-uusap ng mga piloto. Nakakunot noo siya nang tawagin ang isang guard gamit ang kamay at pinahawak yung baril na dala niya. Binigyan naman siya nung guard ng isang leather jacket at mabilis niya itong sinuot. Kinuha niya ulit yung baril at tinago sa inside pocket ng jacket.
Nang may kumatok sa bintana ng sasakyan ni Chanyeol, napasinghap ako sa gulat. "Taehyung?" hindi makapaniwala kong bulong bago mabilis na binaba yung bintana. "Taehyung! Andito ka." Hindi parin ako makapaniwala at halata siguro yun sa boses ko dahil natawa siya. Nakasuot rin siya ng leather jacket at kahit ayaw kong mapansin, nakita ko ang isang baril sa may bewang niya.
"Eomma," nakangiti niyang sabi. "Ready for our trip?"
Nanlaki yung mga mata ko. "Sasama kayo?" mahina kong tanong. "Taehyung, you know you don't have to. Marami pa kayong kailangang gawin dito sa Korea, hindi ba? How about your studies? Your family..." But my voice trailed off when Taehyung looked away. Napatigil ako at mabilis na binasa yung mukha niya. May problema ba?
"We can't stay here any longer. Not yet." sagot niya at tumingin kay Chanyeol. "He said the queen might also come looking for us. Alam kong ikaw ang habol niya pero may point si Appa, Eomma. Kaya pumayag kaming sumama sa inyo. Besides, we need to stay together, right?"
I bit my lip. "Taehyung..." I sobbed, gripping his hand. "I-I'm sorry... Dahil sakin, nangyayari to. I'm, sorry--"
"Eomma!" panicked na sigaw ni Taehyung at mabilis akong hinawakan sa magkabilang balikat matapos punasan yung mga luha ko. "Calm down, okay? Calm down. W-We-- We also want to do this. We want to help you. That queen is evil and we'll help you escape her."
Umiling ako habang nag-aalala paring nakatingin sakanya. "Pero kayo... Kayo ang iniisip ko, Taehyung." mahina kong sabi. "Your lives are here. You need to be here."
"Our lives will never be the same again if you die, Eomma." mariin niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. "We want you to be well. We need you to be well. So please. Do this for us, too. Hayaan mo kaming tulungan ka, Eomma. Please. I'm begging you. Give us this one chance to help you and Appa."
"Taehyung..." hikbi ko habang umiiling. Tama si Chanyeol. Malamang ay hahanapin din sila ng reyna ngayon. Those seven are in danger, too. Ano bang ginawa ko? Bakit ko ba sila nadala sa ganitong gulo? Pero bago pa ako makapagsalita ulit, mabilis na naglakad papunta sa amin si Chanyeol, naging dahilan para dahan-dahang bitiwan ako ni Taehyung. Malamang ay relieved siya dahil hindi ko na siya mapapaulanan ng apologies.
Tinuro ni Taehyung yung eroplano. "I'll go fix Eomma's place." sabi niya bago nagbigay ng tango kay Chanyeol at ngumiti ng malaki sakin. Nang mapabuntong hininga nalang ako at ngumiti rin pabalik, tumakbo na rin siya paalis. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Did I just destroy their lives here?
Pero hindi. Hindi pwedeng matapos nalang dito. They are helping me. Kailangan ko ring tulungan yung sarili ko.
Binuksan ni Chanyeol yung pintuan ng sasakyan at inilahad yung kamay niya sakin. "Come on, Baek. We're leaving for New York."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro