Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

kabanata 3





Nang naka-alis na si Amber papunta sa isang maliit na stage, dahan-dahan akong lumayo kay Chanyeol saka sa nakalapat niyang kamay sa likod ko. Agad naman niyang napansin yun kaya ibinalik niya ang kamay sa bulsa.



"I'm sorry," mahina niyang sabi habang nakatingin ng maigi sakin. "I'm just used to guiding people that way. I didn't mean to make you uncomfortable."



Ngumiti naman ako. "No. It's fine." sabi ko. "Hindi lang siguro ako sanay na may humahawak sakin." Totoo naman yun lalo na pag hindi ko ka-close. Madalas, nasa bahay lang ako kasama sina Amber at Manang Beng-beng. Simula nga kasi nung 15 years old ako, hindi na ako pinapayagang lumabas ng bahay. Sinabi ko na to sa kabanata 1. Ano ba yan inuulit ko ulit. Ugh.



"Yeah, I heard." sabi ni Chanyeol. Nakangiti na siya ngayon. Sobrang pogi talaga neto. "It's weird, though, na lumalabas ka na ngayon."



Napakunot noo ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"



"The last time I saw your face printed on paper, mga eight years ago pa." explain niya. "They said you started wearing a mask like that one. Ayaw mong nakikita ka in public. May I know why?" Yung pagkakatanong ni Chanyeol, hindi galawang-chismoso, okay? Parang curious lang talaga siya.



"Actually, okay lang naman sakin na lumalabas sa public," sabi ko naman. "It's the queen who forbids me to show myself to anyone. Kailangan ko daw mag-ingat."



Natawa si Chanyeol. "You have hundreds of body guards." nakangiting sabi niya. "I can't see the point."



Tumango naman ako agad. "Pero kailangan ko siyang sundin, diba? Saka, okay lang ako. Mainit nga lang." at para bang nakaramdam yung mga sweat glands ko, nagsimula na nga akong pawisan. Ang init talaga ng naka face mask with matching beanie hat pa.



Maya-maya ay biglang lumapit sakin si Chanyeol para bumulong. "Look. She's watching us." mahina niyang sabi at nang umatras siya, nakangisi siya habang umiiwas ng tingin. Sinubukan ko namang hanapin si Queen Belle at ayun nga, nakaupo siya malapit sa stage habang may inis na inis na reaksyon sa mukha. Hindi ko talaga alam, hindi ko talaga magets kung anong problema niya kaya hindi ko nalang pinansin.



"Never mind her." mahina kong sabi kay Chanyeol. "Ayaw lang niyang may nakakausap akong ibang tao. Weird ba? Oo. Weird. Huwag ka nang sumagot."



Natawa ulit si Chanyeol. "Well that's really controlling of her."



Niliitan ko ng mga mata tong taong kausap ko. Hindi ko talaga inexpect na madali pala siyang kausap. "Sabi ni Amber... tahimik ka daw?" tanong ko at kahit medyo nang-aakusa pa yung boses ko, hindi naman napansin ni Chanyeol. O di lang talaga niya pinansin.



"I am." sabi naman niya. "I just find it nice to share a conversation with you."



"Mysterious ka daw?" tanong ko ulit.



Mas napangiti siya. "I don't think so. I'm an open book." sagot niya. "Siguro medyo busy lang ako these past few days since I'm preparing for a wedding."



Teka. Ano daw? Wedding? Kasal? ANO?



Nanlaki yung mga mata ko. "Ikaw? Ikakasal na?"



"No!" mabilis na sagot ni Chanyeol at parang medyo gulat pa siya sa tanong ko. "I'm too young for that. It's my sister. I'm helping her groom prepare just about everything. He's been texting and calling and it's so stressing so... yeah. I've been really quiet because I have so many things in mind right now. I also want my sister's wedding to be the perfect one, the kind of wedding she's been dreaming of. I really, really want that so I have to help." napatigil siya nang mapansing hindi na ako makasabat. "I'm sorry. I didn't mean to rant."



Natawa ako: half-natatawa talaga at half-relieved. Oh my god. Akala ko talaga engaged na tong lalakeng to. Another failure nanaman sana. "Ano ka ba? Okay lang." sabi ko naman. "I understand." At mabuti pa pala siyang kapatid. Wow naman.



"Oh, I almost forgot," biglang sabi ni Chanyeol. "I'm supposed to lead you to your table." inilahad niya yung isa niyang kamay pero hindi na niya ako hinawakan ulit. "This way."
















Nagsimula na yung opening program matapos nun. Katabi ko si Park Chanyeol habang nagsasalita ang kung sinu-sinong tao sa stage. Marami siyang kwento, malayong-malayo din siya sa description ni Amber sakin. Sa lahat ng nabanggit niyang lalake noong araw na yun, kay Chanyeol lang siya nagkamali ng pagkakakilala. Mahilig din pala siyang tumawa at mag-joke. Oh diba. Close na kami. Pwede ko na siyang irapan soon.



Pagkatapos ng program, pumunta samin si Amber, pagod pero mukhang fulfilled naman. "Do you want to serve the kids?" tanong niya sakin at kay Chanyeol. "And Baek, you could actually remove your mask now. Umalis na si Mommy. Kanina pa."



"Oh talaga? Hindi ko napansin ah." sabi ko naman sabay tingin sa paligid. Malay mo nagkakamali lang si Amber, natakpan ng eyeliner yung mata niya. Tinanggal ko yung suot kong beanie hat. Hala. Pati buhok ko basa na ng pawis.



"Yeah. She's gone." sabi ni Amber. "I'll just check the foods. Bahala na kayo diyan." Hindi na niya hinintay yung sagot ko at daliang pumunta sa isang mahabang table kung saan nakapila yung mga bata para kumuha ng pagkain. Lahat sila, mukhang excited. Aww. Nakaka-touch naman. Iba talaga sa feeling yung alam mong may natutulungan ka.



"I could keep your mask and your hat." sabi ni Chanyeol sabay abot ng kamay niya. "May dala ka bang bag?"



Umiling ako habang inaalis yung pagkakasabit ng mask sa tenga ko. "No, it's fine. May bag ata si Amber."



"Are you sure? I don't think your pocket is..." napatigil si Chanyeol nang binubulsa ko na yung mask. Iniabot ko sakanya yung beanie hat pero nakatingin lang siya sakin, nanlalaki yung mga mata at medyo nakabukas pa yung bibig. Hala. Anong nangyari dito?



"Eto nalang itago mo." sabi ko habang winawagayway sa mukha niya yung beanie. "Huy, Park Chanyeol. Okay ka lang?" Hindi parin siya sumasagot. Nakatitig lang siya sakin. Ano bang problema neto? "HOY!" sigaw ko saka pinalo yung beanie hat sa mukha niya. Ayun. Natauhan din sa wakas.



"Ow." mahina niyang sabi. "Why did you hit me?"



"Eh paano para kang tanga diyan." inirapan ko siya saka iniabot yung beanie. "Here. Itago mo ah. Nagtitiwala ako sayo at sa bulsa ng pants mo, okay? Huwag mo akong bibiguin."



Kinuha ni Chanyeol yung beanie hat saka tumingin ulit sakin. "Now, I know..." sabi niya at napangiti siya ng dahan-dahan habang umiiling-iling. "Now I know why the queen's been keeping you." Nang sabihin ni Chanyeol yun, para bang nag-iba yung tingin niya sakin. Mas nanlambot yung mga mata niya at hindi ko alam pero hindi ko maalis yung tingin ko sa sakanya.



Oo. Weird na tinatago ako ng reyna.



Pero mas weird tong nagsisimula kong maramdaman.



Napahawak ako sa pisngi ko. "Bat parang ang init ulit?" bulong ko nang mapansing nag-iinit nga yung mukha ko. Tumingin ako sa paligid para maghanap ng electric fan o aircon pero mas napansin ko yung mga taong napapatingin sa gawi namin. Yung iba napapatitig nalang. Yung ibang asawa ng mga dukes, nagsimulang magbulungan habang nakatingin ng masama sakin.



"I think I prefer the mask." biglang sabi ni Chanyeol. "Isuot mo nalang kaya ulit?"



Gulat akong napatingin sakanya. "Ano? Bakit? Ang init-init. AYOKO." tumalikod ako sakanya at maglalakad na sana papunta sa mga batang busy na habang kumakain nang higitin niya yung kamay ko pabalik.



"Baekhyun, wait."



Nilingon ko siya. "Ano ba? Kung pipilitin mo lang akong mag-mask ulit, ayoko na." inis na sabi ko. "Mainit, Chanyeol. MAINIT. Wala akong pakialam kung masyado ka nang nandidiri sa mukha ko, okay? Bahala ka diyan."



"What?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Nandidiri? Sa mukha mo?" natawa siya. "Are you serious?"



"Bakit? Hindi ba?" mas naiinis na sabi ko. "Hindi ba ito yung dahilan kung bakit ako tinatago ng reyna?" Siguro nga yung mukha ko talaga ang dahilan kung bat ako tinatago ni Queen Belle mula sa ibang tao. Ayaw siguro niyang mapahiya ang buong South Korea. Huwaw talaga.



"And you actually believe that?" tanong ni Chanyeol.



"Oo!" mabilis at mataray kong sagot. "That's why you were left dumbfounded when you saw my face. You can't believe your prince looks like trash."



Mas nanlaki yung mga mata ni Chanyeol sa gulat. "What are you saying?" mahina niyang tanong saka dahan-dahan na lumapit sakin. Tumigil siya nang mga ilang inches nalang yung pagitan ng mga paa namin, hanngang napapaatras na ako dahil masyado na siyang malapit. "Baekhyun, you're the most beautiful person I've ever seen." bulong niya at napasinghap ako. "And you're not just beautiful. I... I don't even have a word for how gorgeous you are, Your Highness."



Madalas akong tawagin ni Manang Beng-beng na 'cute'. Si Amber naman 'you look good' lang ang sinasabi sakin. Si Papa, maagang nawala kaya wala akong matandaang compliment na binigay niya sakin. Ang Mahal na Reyna naman, never kang tatawaging maganda lalo na't naniniwala siyang siya ang pinakamaganda sa buong mundo.



Ngayon lang may pumuri sakin ng ganito. At naiinis ako dahil hindi ko maramdaman na nagsisinungaling siya, o iniinis lang niya ako. Naiinis ako kasi gusto kong maniwala. Gusto kong maniwala na ganito ako kaaya-aya sa mga mata ni Park Chanyeol.



Ang weird talaga. Weird kasi ngayon lang ako naghangad na mapansin ng isang lalake sa ganitong paraan. Weird kasi natutuwa akong galing sakanya yung mga salitang yun. Weird kasi pakiramdam ko sobrang gaan ng loob ko sakanya.



Weird. Kakaiba. Pero hindi ko parin maintindihan.



Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko yung mas pag-init ng mukha ko. "Um," hindi ko alam ang sasabihin kaya isang nakakatangang, "Okay. Thanks." lang ang nasagot ko. Sobrang witty talaga. Ang sarap iuntog ng ulo ko sa pader.



Napabuntong hininga si Chanyeol. "You don't believe me, do you?" tanong niya at parang nainsulto ko pa siya.



"Um," mabilis ko siyang tignan. "This is the first..." Ano ba yan, bat ako nahihiya?



"Hm? First what?" tanong niya.



Mas lalo akong namula. Jusko. Nasa mukha ko na ata lahat ng dugo ko sa katawan. "This is the first time someone called me beautiful." medyo foreign pa yung word sa bibig ko. Hindi ako sanay na binibigkas yun.



Isang mahinang tawa ang sinagot sakin ni Chanyeol. "Well, you must start to get used to it, though." sabi niya. "Because you really are, Byun Baekhyun. You're beautiful. Believe me."






















Hindi bumitaw sa usapan nila ni Amber si Park Chanyeol. Buong araw, hindi niya ako iniwan. Siya ang sumasagot sa lahat ng tanong ko kung meron man. Minsan nga para ko na din siyang body guard dahil panay ang iwas niya sakin sa mga lalakeng nakilala ko kanina lalo na kay Kim Jongin. Baka daw kung saan ako idala. Marami din siyang tinuro sakin tulad ng mga trabaho nila bilang anak ng mga dukes.



"We are given not much work," sagot niya. Nakaupo kami ngayon sa isang bench sa labas ng hall kung saan pinapanood namin yung mga batang nagtatakbuhan. "Pero required kaming dumalo sa mga ganitong events. To support our fathers, of course."



"Pero anong ginagawa mo kung wala ka dito?" tanong ko.



"I like hiking and camping a lot." sagot ni Chanyeol habang nakangiti. "It's nice going into the wilderness once in a while and be with nature. Relaxing din."



"Takot ako sa gubat." mabilis na pag-amin ko. "Feeling ko kasi may bigla nalang kukuha sayo sa dilim. Hindi mo ba naiisip yung mga ganun? Ang creepy kaya." kinilabutan naman ako agad. Iniisip ko palang yung gubat, umuurong na ang pagkatao ko.



Ngumisi si Chanyeol sa direksyon ko. "Only princes and princesses get kidnapped," mahina niyang sabi. "Especially good-looking ones like you."



Inirapan ko siya. "Sshh. Tama na. Baka aayawan ko na ang pagtapak sa gubat kahit kelan. Gusto ko pa manding i-experience yang 'be with nature' mo na yan."



Tumawa si Chanyeol. "Eh ikaw, what do you do when you're not that busy?"



"Parang parati naman akong busy," mahina kong sabi. "Lessons. Readings. Trainings. Social life. Family bondings. Brother and sister night out. Kailangan kong pagsabay-sabayin para hindi ako mamatay sa lungkot."



"Hm. I don't think I heard a 'love life'." pagbibiro niya. Pero biro nga ba? LOL. Joke. Okay. Biro lang talaga niya yon, okay?! Huwag na tayong umasa.



"Wala nga." natatawa kong sagot. "I don't think I would have time for that..." tinignan ko siya ng matagal. "...yet."



Tumango siya. "Soon enough, you'll have to marry your queen." umiwas siya ng tingin at dahan-dahan na nawala yung ngiti sa labi niya. Pero teka. Ano daw? Queen? Nagjo-joke ba to?



"Queen?" pag-uulit ko. "I'm not into girls."



Gulat na napatingin ulit sakin si Park Chanyeol. "What? You're not into girls?"



Tinignan ko siya ng masama. "I thought it was obvious."



"Yeah." sabi niya at sa pagkakataon na yun, natawa siya nung parang tawa ko kanina: half-natatawa talaga at half-relieved. "I just want to confirm." mahina niyang sabi. "Wow."



Napakunot noo ako. "Anong 'wow' dun?" tanong ko agad. Wow na gay ang future king? Wow ba yun?



"You know, Baekhyun, kaninang umaga, I hesitated on attending this program ." sabi niya habang nakatingin ng maigi sa mga mata ko. "I thought it'll be just as boring as all the other activities I attended before."



"Okay..." tumango-tango ako. "And?"



"But something in me, a very small part of my brain, told me I have to go." tapos ay natawa siya. "Ngayon alam ko na. Everything does happen for a reason."



Noong una, hindi ko siya maintindihan. Parang: Ano bang sinasabi ng mokong na to? Ine-echos ba ako neto? Pero nang tignan niya ako sa mga mata na para bang ako lang yung nakikita niya noong oras na yun, gusto kong maniwala na ako yung rason kung bat siya andun. Tinitignan ako ngayon ni Park Chanyeol sa paraan na hindi ko pa kilala. Weird ulit kasi gusto kong ganito niya ako tignan. Yung parang sobrang importante ko para sakanya.



Napangiti ako saka umiwas ng tingin. "Hm," mahina kong sabi. "Interesting."



"I know." sabi niya. "And I'm more than willing to know more about that certain reason. If only he'll let me, of course."



Gusto kong matawa sa tuwa. O kilig. Pero pinigilan ko yung sarili ko. Baka isipin ni Chanyeol nababaliw na ako bigla. Mahirap na.



Nginitian ko siya. "I can't see any reason not to."


















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro