kabanata 26
Gusto kong malaman kung sino si Park Chanyeol...
Ah. Hindi pala. Gusto ko siyang maalala.
Nakakapagtaka kasi at nakaka-frustrate rin kung bakit kahit konti, hindi ko siya matandaan. Kahit konti, wala akong maalalang pinagsamahan namin. Kung totoo man ang sinasabi nilang merong 'kami', bakit wala akong maramdaman? Bakit ni mukha niya, hindi ko maalala?
Maliwanag na nang magising ako isang umaga. Nanibago pa nga ako dahil sa sobrang lakas ng sinag ng araw at medyo napaso pa ata yung pisngi ko dahil nakalimutan kong isara yung mga kurtina kagabi. Mukhang mahangin din sa labas dahil panay ang galaw ng mga punong kahoy sa gubat.
Nakaka-freak out na noong isang linggo lang, diyan nila ako natagpuan.
Pagod akong bumangon.
Isa yan sa mga napansin kong pinagbago ng katawan ko simula nang makita nila ako sa gubat nang walang malay at mag-isa. Parati akong pagod. Parati akong mukhang walang tulog. Parating malamya, nanghihina.
Hindi ko alam, pero pakiramdam ko, unti-unting nawawalan ng buhay yung katawan ko. OA man pakinggan, yun talaga eh. Wala tayong magagawa.
Nang tignan ko ang sarili ko sa salamin, hindi na ako nagulat sa malalalim kong mga mata at walang kulay na pisngi. Pumapayat nga ako tulad ng sabi nina Amber. At kung totoo man na sobrang gwapo nga ng 'boyfriend' ko raw, ewan ko nalang kung mamahalin pa ako nun ngayon. Mukha na akong lantang gulay na ewan.
"Baek?"
Agad akong lumabas sa banyo at naglakad papunta sa pinto. Pati paglakad ko, mabagal. Ano na, bes? Paano na to? Haaay. Nang buksan ko yung pinto, napalitan agad ng simangot yung nakangiting mukha ni Amber.
"You look worse," bulong niya. Pati siya, pagod nang nakikita ako araw-araw na pasama nang pasama yung kalagayan. "How are you feeling?"
Ngumiti ako ng maliit. "Not good." sagot ko. "Ewan ko ba. Wala na atang mangyayaring mabuti sakin, Em. I'm getting worse and worse everyday." Hinila ko pa ng mas mahigpit yung malaking jacket na nakasuot sakin. Madali na rin kasi akong lamigin kahit hindi naman ganoon kalamig ang panahon.
Napatigil si Em sandali at saka medyo umiwas ng tingin. "About that..." simula niya. "Namjoon contacted some doctor from Incheon. Sabi niya, family doctor daw nila."
"What do you mean a doctor?" nagtataka kong tanong at dahan-dahang napalitan yun ng medyo pagka-inis. Ayokong magpatingin sa doktor. Nasabi ko na yun sakanila. "Akala ko ba napagusapan na natin na--"
Amber rolled her eyes. "Let's have breakfast first, pwede ba? Bago mo ako simulang awayin at pagsabihan?" Pero hindi na niya hinintay pa yung sasabihin ko at mabilis na umikot at naglakad palayo. Wala naman akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga nalang at sundan siya.
Mabilis akong tumabi sakanya sa paglalakad. Napansin kong puro itim nanaman ang suot na damit ng kapatid ko at sobrang kapal ng eyeliner sa paligid ng mga mata niya. "Amber, it's not safe."
"Then what's safe?" nagtaas siya ng kilay. "Is it safer seeing you like that? Mas safe ba na wala nalang kaming gagawin?"
"Wala akong sakit, okay?" pagdadahilan ko. "I'll know if I'm sick." Pero kasinungalingan nanaman.
Napa-scoff lang si Amber at medyo bakas sa mukha niya ang inis. Alam kong nag-aalala lang siya. Alam ko namang hindi ako okay. Pero mas nag-aalala ako sa amin at sa mga kasama namin dito. Nag-aalala ako sa lahat ng pwedeng mangyari.
"Amber, it's not safe." pag-uulit ko. "What if--"
"I made breakfast." singit bigla ni Amber at obvious ang pagtatapos niya sa usapan. "May gusto ka pa ba maliban sa vegetable salad, soup, at rice?" Tinignan niya ako at ngumiti ng maliit pero nakikita ko paring ayaw muna niyang pag-usapan yung tungkol sa doktor.
Umiling nalang ako ng mabagal at binalik yung ngiti niya. Alam kong sa aming dalawa, ako yung lalake at mas matanda pa ako sa kanya ng ilang araw. Pero minsan talaga, ayoko nalang magdisagree sa nag-iisang kapatid at pamilya na meron ako ngayon. Ayokong pati siya mawala. Ayokong pati siya magalit sakin.
Nang marating namin yung kusina, dalawang lalake lang ang nadatnan namin. Hindi ko alam kung nasan yung lima. Nakaupo sina Jungkook at Jimin sa paligid ng kitchen counter at mukhang may pinag-uusapan na medyo seryoso.
"Hyung?" gulat na sabi ni Jimin nang makita ako. "Mabuti naman gising ka na." Ngumiti siya ng malaki at alam kong higit pa sa masaya, relieved din siya.
"Why? Hindi mo ba inexpect na gigising pa ako?" pagbibiro ko na sinundan ko pa ng tawa pero silang tatlo, tinignan lang ako na para bang isang masamang joke yung sinabi ko. Siguro oo, siguro hindi.
Napahawak si Amber sa ulo niya. "Baek, why are you even..." umiling-iling siya. Stressed at hindi makapaniwala.
I rolled my eyes. "Okay. I'm sorry." sabi ko at naglakad nalang papunta sa tabi ni Jungkook. Agad naman niyang inayos yung upuan ko na para bang takot siyang hawakan ako. Pakiramdam ba niya, bigla nalang akong masisira o mawawala? Iyon kasi ang nararamdaman ko ngayon.
"Here." alok niya ng isang puting mug. "Coffee or hot chocolate?"
Hindi ko siya sinagot. "Where are the others?" tanong ko nalang. Parang wala rin kasi akong gana kumain. Pero hindi ko nalang binanggit kasi alam kong magf-freakout si Amber at sobrang magagalit na naman siya. Pero wala akong magagawa. Hindi ako gutom.
"Baek, Jin's asking you if you like coffee or hot choco." seryosong sabi ni Amber. Pero hindi yun ang pinansin ko. May ibang nakakuha ng atensyon ko sa sinabi niya.
Agad akong napatingin sa katabi ko. "Jin?"
Tinaas niya yung dalawa niyang kilay. "Yeah, why?"
Napatigil ako at agad akong nagkunot ng kilay. Jin? Siya si Jin? Teka. May mali ba sa memory ko?
"N-no..." dahan-dahan akong napa-iling. "Ikaw... Ikaw si Jungkook... diba?"
Natawa siya na para bang nagbibiro ako. "Nope." sagot niya. "Ako si Jin, Baekhyun." Nakangiti parin siya. Pero nang unti-unti niyang mapansin yung reaksyon ko, agad na nawala yun. Tinikom niya yung mga labi niya at malungkot na umiwas ng tingin.
Hindi ako nagsalita agad at gulat lang na napatingin sa paligid. Nakatingin sakin si Amber na nanlalaki ang mga mata at si Jimin... siya pa ba ito o nagkakamali nanaman ako? Naging sobrang tahimik ng buong bahay at dali-daling bumigat yung atmosphere. Nararamdaman ko yung tensyon. Nararamdaman ko yung takot nila.
Ano bang nangyayari?
Bakit hindi ko sila maalala ng maayos?
Bakit wala akong maalala?
"T-teka..." mahina kong sabi at nilipat ang tingin ko sa kitchen counter. "H-hindi ko alam..."
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. "B-baek..." Si Amber. Sobrang lungkot ng boses niya ni hindi ko siya matignan. Ayoko. Ayokong makita siyang umiyak ulit. Pakiramdam ko sobrang hina ko na para sa aming dalawa.
"It's fine, Hyung." singit ni Jimin at ngumiti ng malaki. "Siguro in-shock ka parin ngayon kaya medyo messed up ka." Pilit din siyang natawa ng mahina para pagaanin yung loob ko. Pero sinong niloloko ko? Ni siya nga, hindi ko sigurado ang pangalan. Sobrang dami kong tanong ngayon, hindi ko alam kung saan magsisimula.
Humigpit ang hawak ni Amber sa kamay ko. "It'll be fine, Baek." bulong niya at ngumiti na rin. "Jimin's right. Baka in-shock ka palang ngayon. I'm sure malalampasan mo rin yan." So tama ako. Si Jimin ang isa naming kausap. At least yun, naaalala ko parin diba?
"Tama." tumango si Jimin. "Kaya nga kumuha ng doktor diba? Sigurado akong malalaman niya kung may mali man sayo o ano." Nakangiti parin siya ng malaki, hinihintay na ibalik ko rin yun.
"Tungkol diyan..." simula ko pero hindi na ako pinatapos ni Amber.
"You're. Seeing. A. Doctor." mariin na sabi niya at tinignan ako ng matalim. Hindi ko siya masisisi. Nakalimutan ko si Jin at hindi pa ako sigurado kanina kung si Jimin nga ba ang kausap namin. Nakatingin lang sakin si Amber hanggang sa dahan-dahan akong tumango at binalik nalang ang tingin sa walang lamang mug sa harapan ko. Napahawak ako dito ng mahigpit.
In-shock? In-shock nga lang ba ako?
Ano ba talagang nangyari sakin sa gubat nung araw na yun?
"You need to eat." singit ni Amber sa pag-iisip ko at agad akong napatingin sa mga pagkain. Mainit pa ang mga ito at mukhang masarap. Pero kahit na wala akong maramdamang gutom, kumuha ako ng konting soup na mabilis itong inubos.
Hindi na ako nagsalita habang kumakain. Pinapakinggan ko nalang yung mga kuwentuhan nila tungkol sa isang movie na napanood nila noong isang gabi. Hindi na rin nila ako kinausap. Siguro para makapag-isip ako? O para hindi ko maramdaman na nag-aalala na rin sila ng sobra?
Dumiretso ako sa labas ng bahay matapos kumain. Umupo ako sa may hagdan sa tapat ng front doors kung saan nakikita ko yung gubat at yung daan papunta sa main road. Hindi ko alam pero madalas ako doon. Pakiramdam ko kasi, may hinihintay ako na hindi ko alam. Simula nang magising ako, dito na ako madalas mag-isip.
Pinatong ko yung ulo ko sa aking mga tuhod. Sa mga pagkakataong ganito, napapabuntong hininga nalang ako.
Paano nga ba ako mag-iisip kung sa tuwing pilit kong inaalala yung nakaraan, wala naman akong nahahagilap?
Blangko. Sobrang blangko lang ng utak ko.
Maya-maya pa, may naririnig na ako parating na sasakyan. Agad akong napa-upo ng maayos at napatingin sa daanan. Andito na siguro yung apat. Kasama na kaya nila yung doktor?
Isang itim na kotse ang mabilis na paparating. Nang mag-preno ito, napatayo pa ako kasi sobrang lakas at sobrang ingay. Ano to? Nagmamadali ba sila?
Nang tumigil yung kotse sa mismong harapan ng bahay, nanlalaki yung mga mata kong pinanood ang isang lalakeng bumaba mula rito. Sobrang tangkad niya at sobrang puti. Gwapo, oo at mukhang nakakatakot. Nakasuot siya ng isang simpleng button-down long sleeve na kulay puti at shorts. Napakunot noo ako kasi hindi ko siya kilala.
Pinilit ko siyang alalahanin.
"Baek." mabilis niyang tawag sa pangalan ko at mabilis din siyang umakyat sa hagdan papunta sa akin. Sobrang lalim nung boses niya. Pamilyar. Pero hindi ko alam kung saan ko siya unang narinig.
Napaatras ako nang masyado na siyang malapit.
"I heard..." mahina niyang sabi. "They told me..."
"S-sino ka?" hindi ko mapigilang itanong.
Pero hindi niya sinagot yun. Ang tanging ginawa lang niya ay ang hawakan ako sa braso at hilain papunta sakanya. Nang yakapin niya ako, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang lumayo. Ngayong mas malapit na ako sakanya, mas nagiging pamilyar siya sa pakiramdam ko.
Pamilyar. Sobra.
Itong lalakeng to...
"Park Chanyeol?" hindi ko siguradong tanong.
Humigpit yung yakap niya sa akin. "I'm sorry," bulong niya. "I'm sorry, Byun Baekhyun."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro