kabanata 23
"Nakakahalata na ako ah. Iniiwasan mo ba ako, Baekhyun?"
Napagitla ako mula sa pagkakaupo sa harapan ng bahay nang biglang tumabi sakin si Amber. Suot niya ang isang lumang t-shirt, baggy shorts, at medyas na mukhang nakuha niya lang sa kung saan. Naka-all-black nanaman siya at mukhang kahit saan pa siya mapunta, hindi niya iiwan yung ganung identity. Kahit maubusan pa siya ng damit.
Pero ewan ko ba. Simula nung 'hallucination' kuno na nangyari sakin noong isang araw, medyo natatakot na akong lumapit sakanya. Hindi niyo ako masisisi. Sobrang creepy talaga nung nangyari. Ni hindi maalis sa isip ko.
Dahan-dahan akong umisod palayo.
"You're doing it again." medyo inis na sabi niya. "What did I do to you? Ano to? Si Chanyeol lang gusto mo, ganon?"
"It's not that," pabulong na sabi ko habang hindi nakatingin sakanya. "It's just..." Pero wala talaga akong balak ituloy yung sasabihin ko. Kahit sakin, I sound weird. Ano yun diba? Dalawang Amber? Pwede ba yun?
Umisod palapit sakin si Amber. "Ano nga?" tanong niya. "Dali na. Sabihin mo na yung problema. I promise I won't tell anyone."
Dahil doon, dahan-dahan akong napatingin sa kapatid ko. Wala siyang suot na eyeliner at sobrang tino niyang tignan ngayon. Parang normal na tao lang. Ibang-iba sa 'Amber' na nakita ko sa may puno. "Wala." pagsisinungaling ko. "Wala naman."
Agad akong nakaramdam ng mahinang suntok sa balikat. "Now you're lying." inis na sabi ni Amber. "Una, iniiwasan mo ako. Ngayon naman, nagsisinungaling ka na. Baek! Hello? I'm your sister!"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Kapag ba sasabihin ko, maniniwala ka?"
"Hmp." nagtaas din siya ng kilay. "Try me."
Huminga ako ng malalim. Ano nga bang kinakatakot ko? Amber is my sister. Hindi dapat ako naglilihim sakanya. At mali na nagsinungaling pa ako noong una. Mali na pinag-iisipan ko pa ito ngayon.
"Noong umalis si Chanyeol..."
"Ah. So it's about him again?" singit niya.
Tinignan ko siya ng masama. "Patatapusin mo ako o patatapusin mo ako?"
Natawa si Amber. "Okay. Go on."
"So ayun nga," pagtutuloy ko. "Noong umalis si Chanyeol, feeling ko, nakita kita diyan sa may puno ng mansanas. Nakatingin ka lang sakin... tapos bigla kang ngumisi." Ayan. Tunog esperitista talaga ako. Ano ba yan. Nakakahiya.
"What?" kunot noong sabi ni Amber. "Are you sure? I was asleep when that giant left, diba?"
"I know, I know." sabi ko naman at napahawak nalang sa ulo ko. "It was so weird! Siguro naghallucinate lang ako or something... I'm not sure."
Tumango ng mabagal si Amber. "Yeah." mahina niyang sang-ayon. "That was really weird. And creepy." Sabay din kaming kinalibutan. Nang tignan ko ulit sa Amber, medyo nag-aalala din yung mukha niya habang nakatingin sakin. Ibang-iba yung aura niya ngayon kumpara doon sa Amber na nakita ko sa may puno. Oo, pareho sila ng mukha pero iba yung feeling. Ibang-iba.
"Baek," pabulong na sabi ni Em. "D-do you think...?"
Pero pinigilan ko na siyang ituloy pa yung sasabihin niya. Alam ko na. Naisip ko na yun pero... "Ayoko." sagot ko at ngumiti ng maliit. "I refuse to believe she could do that. I don't think she'll be that... evil."
Umiling si Amber at napahalukipkip. "She's my Mom and I do believe she could be that evil, Baek." Tapos ay biglang nalungkot yung boses niya, "You remember that old lady she used to spend some time with?"
Tumaas naman halos lahat ng balahibo ko sa katawan nang mabanggit niya si Lola. OMG. Di ko pa pala nasasabi sakanya yung nangyari. Pero parang isang bagay yun na kahit kelan, hindi ko masasabi kanino man. "Yeah." sagot ko. "I... I remember her. What about her?"
"Mom banned her from coming inside the Royal House." sabi ni Amber at oo nga. Nabanggit yun sakin ni Lola. Nagkaroon sila ng away ni Queen Belle dahil nga doon sa potion at sa salamin. "Matagal ko din siyang hindi nakita and..." mas lalong humina yung boses ni Amber.
Napakunot noo ako. "And what?"
Tinignan ako ni Amber ng mas matagal. "She died, Baek." bulong nito. "We were having dinner and one guard walked to her, telling her the news. And... and I saw her smile, Baek. I really did." Sa pagkakataon na yun, pareho na kaming may takot sa mga mata. Sino bang matinong tao ang matutuwa kapag may namatay diba? Si Queen Belle lang yun.
Walang nagsalita samin ng ilang minuto. Nakatingin lang kaming dalawa sa gubat kung saan kami parehong nawala para mapunta sa bahay na to at magkita ulit. Noong bago dumating si Amber dito, pakiramdam ko, sobrang normal na ulit ng buhay ko.
Pero ngayon, parang nagsisimula nanaman akong matakot kay Queen Belle at sa lahat ng pwede niyang gawin. Ni hindi ko na siya kilala. Ibang-iba na siya.
Bumuntong hininga si Amber. "But... enough of her. Baka nagoover react lang ako." pilit siyang ngumiti at saka ako pinalo. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito sa labas? Ang lamig-lamig tapos dito mo pa naisipang tumambay?"
Inirapan ko siya. "Ano sa tingin mo?" natatawang tanong ko.
"Ugh," reklamo ni Amber. "Believe me, next week pa darating yun. You don't need to wait for him like this. I'm pretty sure he's still busy spending time with his family back in Seoul."
"I know." buntong hininga ko. "Pero, wala naman akong gagawin so, dito nalang muna ako. And I want to be the first one to see him arrive, you know. It'll mean a lot to me."
"Ew." mapang-asar na reklamo niya. "At kelan pa naging clingy ang kapatid ko?"
Napa-eyeroll nalang ako. "At kelan pa naging masama ang pagiging inlove?" tanong ko naman sakanya pabalik. "You know, I've never feel like this. Ever. Kaya minsan, natatakot ako baka may mali na akong ginagawa. Baka isang araw, sasabihin niya: Baek, let's break up." At iniimagine ko palang, nasasaktan na ako. HUHUHU.
"Sus." sabi niya. "Subukan lang nun na saktan ka, nako, nako."
"Chanyeol's not like that." natatawang sabi ko. "He's a good person."
"May sinabi ba ako?" sabi naman ni Em at bumuntong hininga nalang. Maya-maya ay mahina niya akong pinalo sa binti. "Wait up. I'll fetch us some hot chocolate."
Ngumiti ako ng malaki. "Thanks, Em. You're the best."
Tumayo siya at ginulo yung buhok ko. "Yeah, right."
Walang pang tatlong minuto nang lumabas si Amber mula sa bahay. Pero ang kakaiba, wala siyang dalang dalawang mugs ng hot chocolate at hindi siya bumalik sa tabi ko. Basta dire-diretso lang siyang naglalakad.
"Em?" nagtatakang tawag ko sakanya nang magsimula siyang bumaba ng front stairs. Napatayo ako agad. "Em! San ka pupunta?"
Bigla siyang huminto at dahan-dahang lumingon sakin. Suot niya parin yung all black shorts at t-shirt pero walang reaksyon sa mukha niya, ni hindi siya ngumiti. "Help me." bulong nito at nakaramdam ako agad ng takot.
Napalunok ako. "Amber?"
Nang sabihin ko ang pangalan niya, binalik niya ang kanyang tingin sa gubat at mabilis na naglakad papunta doon. Ano bang nangyayari sakanya?
At hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ko pero tumakbo ako para habulin siya. Mabilis akong bumaba ng hagdan at sinundan siya. Nakalimutan ko lahat nang tungkol sa isa pang 'Amber'. Nalimutan ko lahat ng creepiness. Ang naisip ko lang, kailangan ako ng kapatid ko ngayon.
"Amber! Teka, Em!" sigaw ko nang unti-unti na ding bumilis yung paglakad niya hanggang sa pareho na kaming tumatakbo. "Amber, ano ba?! Saan ka pupunta?" Hindi parin siya lumilingon. Patuloy lang kami sa pagtakbo sa kung saan man. Kaliwa. Kanan. Kaliwa. Kaliwa. At kung saan-saan pa.
Maya-maya pa, nakaramdam ako ng pagod sa sobrang tagal na paghabol ko sakanya at sa patuloy na pagsigaw sa pangalan niya. Mas lalo nang lumalamig ang simoy ng hangin at dumidilim na din ang paligid. Masyado na kaming lumayo.
Nang nilingon ko yung bahay, wala na akong nakita kundi mga puno.
Agad akong napatigil nang mapansing wala na si Amber. Wala na akong hinahabol.
"Amber?" takot na tawag ko sakanya.
Nasan na ako?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro