kabanata 19
"Good morning, love.
Some of the guys and I went to buy some goods for the camping.
See you in a while. I love you."
Napangiti naman ako nang mabasa yung note ni Chanyeol na nakapatong sa bedside table ng kwarto niya. Oo. Kwarto niya parin to. Hindi ko pa inaangkin. Nang bumangon ako, inayos ko na muna yung hinigaan namin bago lumabas.
"V!" tawag ko kay Taehyung na nakahiga sa may sofa at naglalaro sa hawak niyang Nintendo DS. Tanaw ko kasi siya mula sa second floor.
"Oh, Eomma!" masayang tawag niya. "Good morning!"
"Good morning," bati ko din naman. "Sinong naiwan dito? Sabi ni Yeol, umalis sila nung iba."
Tumango-tango si Taehyung habang hindi tinatanggal ang tingin sa Nintendo. "Tayo nina Kookie, Jin at Suga. Nasa basement sila, hinahanap yung mga gagamitin sa camping." sagot niya. "Malapit na kasi! Nakaka-excite!" Masaya pa niyang dagdag. Pero napabuntong hininga lang naman ako.
Eh hindi naman ako excited diyan sa camping week na yan. Ano yun? Matutulog kami sa loob ng mga maninipis na tent? Paano kung may werewolves? Or aswang? Or tikbalang? Or grizzly bears? Buti naman sana kung maitataboy ng katol yung mga yun no.
Kinilabutan naman ako sa mga naisip ko. "Um, may kailangan ka ba? Kumain ka na?" tanong ko nalang.
Umiling si V. "Nagluto na si Jin kanina, Eomma." sagot niya. "Maligo ka na muna kung gusto mo lang naman." Nag-wink pa siya na parang bright idea yung sinabi niya.
"Tama." tango ko. "Maliligo nalang ako."
Naglakad na ako papunta sa kwarto ko at napagdesisyunan na tagalan nalang ang pagligo para mabango parin ako buong araw matapos kong maglinis at maglaba. At kung hindi mag-wo-work yun, maliligo nalang ako ulit.
Nakita ko naman si Lola sa may paanan ng kama ko. "Oh, Lola," masaya kong bati saka sinara yung pinto. "Hindi niyo naman po sinabi na--- LOLA, ANONG GINAGAWA NIYO DITO?! PAANO KAYO NAKAPASOK?! ANO TO?! ANONG IBIG SABIHIN NITO, LOLA?! SABIHIN NIYO!"
Napahawak ako sa dibdib ko habang takot na nakatingin kay Lola. Siya yung matandang nakilala ko nang nakatayo ako sa may balcony ng palasyo. Siya yung nakita ni Amber na lumabas mula sa kwarto ni Queen Belle isang araw.
Ngumiti si Lola. "Magandang umaga, Mahal na Prinsipe." Tapos ay nag-bow pa siya. Suot niya parin yung itim na cloak at may hawak parin siyang tungkod na gawa sa kahoy. "Masaya akong makitang... buhay ka pa."
"P-pero--" Napatigil ako nang may kumatok sa pinto.
"Eomma?" si Taehyung. "Okay ka lang? Parang narinig kitang sumigaw kanina ah."
Tumingin ako kay Lola at nakangiti parin siya. Tumango siya sa gawi ng pinto.
"A-ah... Okay lang ako," sagot ko naman. "M-may... may butiki kasi kanina. Nahulog sa mukha ko. Nagulat lang ako. Hehehe."
"Oh. Okay." sagot naman ni V. "Just call me if you need anything. Maghilamos ka ah."
Tumango ako habang nakatingin parin kay Lola. "Oo naman. Thanks." mahina kong sagot at agad kong narinig yung pag-alis ni Taehyung. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang naglakad papunta sa kama ko. Umupo ako doon habang pinapanood lang ako ni Lola.
"Walang nagbago sayo, Mahal na Prinsipe." nakangiting sabi ni Lola. "Tulad ka parin ng dati."
Napasimangot naman ako. "Eh Lola, huwag niyo na po akong tawaging 'Mahal na Prinsipe'." sabi ko naman. "Hindi na po ako prinsipe. Retired na ako diyan. Patay na nga daw ako diba?"
Tinaas ni Lola yung dalawa niyang kilay. "Talaga ba? Kelan pa?"
"Sus, si Lola. As if naman hindi updated sa mga nangyayari," irap ko naman. "Eh alam niyo nga kung paano pumasok dito? Yung balita pa kaya?"
"Kung sabagay," nagkibit-balikat siya. "Marami ngang nabanggit na kasinungalingan ang Mahal na Reyna sa mga interviews niya sa TV." Tapos ay ngumisi siya bago dahan-dahang naglakad papunta sa isang couch sa gilid ng kwarto. Umupo siya dito habang nakaharap parin sakin.
Agad naman akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Pero bago ang lahat, gusto ko talagang malaman ang isang bagay. Kanina pa ito bumabagabag sakin simula nang makita ko si Lola sa loob ng kwarto ko.
"Pero Lola, paano ba talaga kayo nakapasok dito?" tanong ko. "Ang creepy ah."
"Madali lang," sagot naman ni Lola. "Pero hindi ko sasabihin sayo, syempre. Secret yun. Sikretong malupit."
Inirapan ko naman siya. "Damot naman neto." bulong ko pa kahit alam kong narinig naman niya. Eh paano ba kasi siya nakapasok? Grr. Hindi ako makakatulog neto.
"Baekhyun," tawag ni Lola kaya napatingin ako ulit sakanya. "Alam na ng reyna na buhay ka. Pero siguro naman, alam mo na yung bagay na yan?"
Nang sabihin niya yun, agad kong naalala yung panaginip ko. "Lola, nanaginip ako kagabi," mahina kong sabi. "Nakita ko si Queen Belle, may kausap na salamin. Tapos doon sa salamin, may babae. Marami pa akong nakita pero hindi kumpleto. Parang... walang sense."
"Tama," tango ni Lola. "Ako ang nagpakita sayo nun. Parte yun ng aking memorya."
Nanlaki yung mga mata ko. "OMG Lola, totoo ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. "So ibig mong sabihin, may powers ka? A-ano ka ba talaga? Magician? Aswang? Witch?"
Napabuntong hininga si Lola. "Baekhyun, maraming tinago sayo ang reyna. Marami siyang hindi sinabi." mahina niyang tugon. "Alam mo ba ang nakaraan niya? Kung saan siya nanggaling? Kung bakit siya galit na galit sayo?"
Nang tanungin yun ni Lola, narealize ko kung gaano siya ka-tama. Oo nga. Halos wala kaming alam tungkol kay Queen Belle. Ang alam ko lang, nakilala siya ni Papa sa ibang bansa. Umuwi siya sa SoKor kasama sina Queen Belle at Amber. Mula noon, si Queen Bella na ang naging stepmother ko. Ganun lang.
"Hindi siya maganda, Byun Baekhyun," biglang sabi ni Lola at kasabay nun, tinaas niya yung hawak niyang tungkod. Gamit yun, tinuro niya ang malaking salamin na nakasabit sa pader sa tabi ng pintuan.
Wala naman yun cliche colored sparks na nakikita sa mga movies. Wala namang lumabas na 'powers' mula sa tungkod ni Lola pero yung salamin, hindi nalang basta salamin ngayon.
May babae sa salamin. Punong-puno ng pimples yung mukha niya. Sobrang kapal nung ibabang labi niya. Makakapal din yung kilay niya at halos magdikit na sila sa itaas ng pango niyang ilong. Sobrang taba din niya. Yung hindi normal na taba. Yung nakakamatay na katabaan.
"O-okay..." bulong ko. "Lola, h-huwag mong sabihing..."
"Siya nga," sagot ni Lola. "Siya si Queen Belle bago pa ang plastic surgery, Baekhyun."
Nang sabihin niya yun, nawala na yung image sa salamin. Teka lang. Teka lang. Si Queen Belle yun? Pero walang kahit na anong nag-uugnay sakanila. Sobrang... ibang-iba na si Queen Belle ngayon. Ang hirap isipin na ganun ang itsura niya dati. Sobrang hirap isipin at i-imagine.
Ang alam ko pa, sobrang sakit ng plastic surgery. Hindi ko nalang maisip yung pinagdaanan ni Queen Belle para lang makuha yung itsurang gusto niya.
"Si Amber," mahina kong sabi. "Anak siya ni Queen Belle diba? Pero... hindi naman siya... ganun."
"Sabihin nalang nating... matapos ang plastic surgery, sobrang gwapo ng naging asawa ni Queen Belle at sakanya nagmana si Amber." sagot ni Lola. "Pero Baekhyun, hindi yun yung point. Ang point ko dito, matapos ng plastic surgery, naging sobrang obsessed na ang reyna sa ganda niya. Naniwala siyang, siya na ang pinakamaganda sa mundo."
"Teka lang, teka lang," singit ko naman. "Yan ba ang dahilan kung bakit hindi niya matanggap na may mas 'maganda' sakanya? Pero Lola, hindi na normal yung ginagawa niya ngayon! May something wrong na talaga sa isip niya."
Napabuntong hininga si Lola. "Baekhyun, hindi madali ang pinagdaanan ni Ysabelle." mahina niyang sabi. "Hindi madali na buong buhay mo, tinutukso ka dahil nga hindi katanggap-tanggap ang itsura mo. Nang makamit niya ang kagandahan, ayaw na niyang pakawalan ito. Nagkaroon siya ng obsession sa sarili niyang itsura hanggang sa kainin nito ang pagkatao niya."
Napakunot noo ako. "Si Amber," bulong ko. "May sinabi siya sakin tungkol sa pag-ganda pa lalo ni Queen Belle. At ikaw," tinuro ko si Lola. "Ikaw yung tumulong sakanya. Simula nang makita ka ni Amber na dumadalaw, nagsimula na ang pagbata ng itsura ni Queen Belle."
"Ah, oo. Ako nga." tumango-tango si Lola pero malungkot ang expression niya. "Binigyan ko siya ng potion. Tinawag ko itong Potion of Youth. Isang patak lang, hindi ka tatanda sa loob ng sampung taon."
Napabuntong hininga naman ako. "Kayo kasi Lola eh. Bakit niyo kasi siya binigyan nun?"
"Eh hindi ko naman alam na ganun pala ang gagawin niya matapos ko siyang regaluhan!" inis na sabi ni Lola. "Ninakaw niya ang aking Book of Potions! Pati na din ang aking Mahiwagang Salamin! Ilang beses akong pabalik-balik sa bahay niyo pero... ayaw niyang ibalik ang lahat ng yun."
Tumango-tango ako. "Kaya pala madalas kayo sa Royal House." puna ko naman. "Akala namin ikaw na ang bago niyang bff."
"BFF?" hindi makapaniwala si Lola. "Hindi ko magiging kaibigan yung magnanakaw na yun!"
"Okay, Lola. Relax." sabi ko naman. "Pero Lola, hindi niyo parin sinasabi sakin kung ano ba talaga yung ginagawa niyo dito. Gusto niyo lang akong kwentuhan? Bigyan ng lecture?"
Huminga ng malalim si Lola. "Hindi titigil si Queen Bella hanggang hindi ka napapatay. Hangga't hindi niya nakukuha ang lahat-lahat sayo, Byun Baekhyun." nakakatakot niyang sabi. "Ang trono, ang tiwala ng lahat ng tao, ang minamahal mo... ang buhay mo."
"L-Lola... Anong ibig niyong sabihin?"
"Sa ngayon, Byun Baekhyun, hindi ko pa talaga alam kung anong balak ng reyna ngunit, pinapayo kong parati mong bantayan ang anak ng duke." sabi niya. "Maaaring pati siya, kunin ng reyna."
Napalunok naman ako. "S-si Chanyeol?" bulong ko. "Pero... pedophilia na yun, Lola! Hindi na fair yun! Saka kadiri na din!"
"Sa tingin mo ba may pakialam si Queen Belle kung fair or hindi ang laban niyo?"
Napa-irap ako. Walang hiya naman Queen Belle. Bat di mo nalang kami hayaang maging masaya? Nakaka-GG ka ah. Saka di ka type ni Chanyeol. Pa-sex change ka muna.
"Lola, ano pa bang alam mo sa mga plano ni Queen Belle? Saka paano mo napakita sakin yung mga nangyari sa loob ng palasyo?"
"Tumakas lang ako kaya ako nakapasok sa kwarto ni Queen Belle." sagot ni Lola. "May kakayahan akong ipasa sa isang tao ang mga nakita ko. Yun nga lang, matanda na ako, Baekhyun. Hindi na ako ganun kalakas."
Tumango-tango naman ako. "Ano bang next step niya Lola? Pupunta ba siya dito para patayin ako?"
"Ang totoo niyan," simula ni Lola saka napabuntong hininga. "Wala na akong alam. Hindi naman ako CCTV expert para mag-install ng cameras sa kwarto niya diba? Saka pinagbabawalan na din akong makapasok sa Royal House."
"Ang tragic naman," bulong ko habang umiiling-iling. "Hindi ako makaka-alis ng bansa... at saka wala na akong mapupuntahan, Lola. Anong gagawin ko?"
Dahan-dahan na lumapit sakin si Lola. Umupo siya sa kama at inabot yung kamay ko. Hinawakan niya ito ng mahigpit. "Mag-ingat ka nalang, Mahal na Prinsipe." mahina niyang sabi. "Ingatan mo din ang lahat ng tao sa paligid mo. Siguro nga, hawak ni Queen Belle ang buong bansa. Pero hindi ang puso ng lahat ng taong nagmamahal sayo. Sila. Sila ang pumoprotekta sayo hanggang ngayon."
Tumango ako at ngumiti sakanya ng maliit.
Pero sa isang iglap, bigla nalang siyang nawala.
Minadali ko na ang pagligo dahil medyo creepy na yung atmosphere sa kwarto ko. Pagkalabas ko ng banyo, agad akong nagbihis at tumingin sa salamin bago lumabas. Hindi parin nawawala sa isip ko yung itsura ni Queen Belle bago ko pa siya nakilala.
Parang panaginip lang yung naging pagbisita ni Lola. Parang hindi totoo. Parang joke lang yung past ng Mahal na Reyna. Sobrang heavy ng facts and trivias ang hirap i-contain. Ang hirap isipin.
Pero nakakatakot. Nakakatakot na pwedeng mawala ang lahat sakin.
Nang makalabas ako ng kwarto, nagulat ako nang makita si Chanyeol na papasok sa kwarto niya. Mukhang pagod pa siya at inaantok. Maaga ata silang umalis kanina.
"Yeol?" mabilis kong tawag bago pa niya mabuksan yung pinto. Agad akong naglakad papunta sakanya.
"Hey," nakangiti niyang sabi. "Babe, did you see my..."
Pero napatigil siya nang bigla ko siyang yakapin ng mahigpit.
Osige. Kay Queen Belle na yung itsura ko. Siya na ang pinakamaganda sa mundo. Siya na ang pinaka-sexy, pinakamakapangyarihan, pinaka-kaakit-akit. Siya na lahat.
Huwag lang to. Huwag lang si Chanyeol.
Naramdaman ko naman yung pagyakap niya sakin pabalik. "Oh. Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. "And wow. You smell nice." Dagdag pa niya na nagpatawa sakin.
Dahan-dahan naman akong humiwalay mula sa pagkakayakap at hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi. Sobrang swerte ko talaga dito sa lalakeng to. "I'm just so glad you're back." mahina kong sabi. "Huwag ka nang aalis."
Kumunot noo siya. "We just went to buy some--"
"I know. I love you." Hinalikan ko siya sa labi. "I love you."
Medyo nagtataka talaga yung mukha ni Chanyeol pero ngumiti siya. "I love you, too." sagot niya. "I really, really love you, too."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro