Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C H A P T E R 6: Deal 😎

Hi guys! Ito na nag chapter 6 this chapter is dedicated to my beloved supports and friends hope you can support their stories too. Shawniceee reyanicayan ms_kathe peyerspatches Kimineah_YoonAh NsyncCrow Danlans landeltumbaga Eecia_Ngoya lilfurpsych Thank you. ♥💕

Specially to Agua_StormK3U
-------------------

LANCELOT'S POV

"PUNYETA KA TALAGA LANCE PAGOD NA AKO!" Sigaw ni Allane na nasa ibabang bahagi ng burol. Umaakyat kami sa burol dito sa Bicol.

Halos 3 linggo rin kami nag hanap at nag hire ng iba't ibang private investigator para lang mahanap yung babaeng usok.

Pero walang ni isang makapagturo saamin bukod kay Serena. Habang hinahabol namin nila Rustine at Allane yung babae sa Open field nung nakaraang araw ang walang hiyang si Jake at tiningnan lang kami at kinuhaan ng litrato.

Mabuti nalang at nahagip ang mukha nung babae kaya ng pinakita namin sa ibang investigator ay nakahanap sila ng matandang babaeng makakapagturo sa kinururuonan nung babaeng usok.

Nabanggit ng private investigator na nasa Bicol ito at naka tira sa tuktok ng isang burol. Kaya naman agad akong nag book ng flight papuntang bicol pero dahil nga isa't kalahating mga gago ang kaibigan ko ay sumama sila.

"Gago! Sinabi ko bang sumama ka?" Sabi ko sakanya habang hinihulugan sya ng bato sa baba.

"LANCE! Ako natatamaan mong hayop ka! Tumigil ka" Gigil na sigaw ni Rustine habang umiiwas sa mga batong hinuhulog ko.

"Hahahaha" tawang tawa naman ang gagong si Allane.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala talaga akong balak na isama ang mga hayop na to! Lalo na ang dalawang abnormal nayan.

Pero ng makarating ako sa Airport ay nandun na ang dalawang ugok nauna pa saakin. Buti sana kung si Jacob at Jake ang sumama eh sa kamalas malasin yung dalawang abnormal na mukhang fetus pa ang sumama.

"Bilisan nyo na ang kukupad nyo! Dapat talaga hindi na kayo sumama" sigaw ko sakanila. Nauuna kasi ako sa kanilang dalawa. Pareha silang nasa ibaba at pareha silang abnormal.

Kamalas malasin kasi yung dalawang abnormal ang sumama si Jacob kasi ewan ko ba kung anong nangyayare dun ilang araw nang aligaga sarap batukan ng matauhan. Si Jake naman ayun hindi daw sya makaka sama dahil may asungot daw na ayaw syang tantanan.

(A/N: Yung asungot na sinasabi ni Jake ay si Guardian Angel nya. Pag natapos ko na ang Billionaire's Mermaid tyaka ko ilalabas ang unang chapter ng Billionaire's Guardian Angel. Sana supportahan nyo hihi)

"Andito na tayo" hingal na sabi ko. Matapos ang halos dalwang oras na pag akyat sa burol na ay nakarating din kami sa wakas naman.

"Malamang nakikita ko" masungit na sabi ni Rustine kaya napatongin kami ni Allane.

"May dalaw kaba Rustine?" Tanong ko sakanya na ikinahalakhak naman ni Allane.

"Mga tarantado! Tigilan nyo ko nagugutom na ako" nagmamaktol na sabi ni Rustine. Hahaha ayun pala gutom na ang walang hiya.

"Hahahah" tawang tawa kami ni Allane. Parang tangang nagmamaktol si Rustine gutom na daw. Habang tunatawa kami ni Allane ay pinag bababato kami ng sanga ng puno ni Rustine.

"Sino kayo?" Lahat kami na napatigil sa ginagawa namin nang may babaeng magsalita. Agad kaming napa lingon sa narinug naming Boses.

Sya yung babaeng usok! Ang ganda nya kaso mukhang masungit.

"Mga bingi ba kayo?" Mataray na sabi nya habang naka pa meywangan pa.

"Hindi kami bingi" sabay sabay naming sabi ni Allane at Rustine.

"Oh tapos? Sino ba kayo?" Mataray ulit nyang sabi habang naka pameywangan parin.

"Dont tell me isa nanaman kayo sa susugod dito at maminintang ng kung ano ano? Isa ba kayo sa Haters at bashers ko?" Masungit at mataray nyang sabi habang tinuturo kami isa isa.

Ano daw? Haters at Bashers?

"Pfft" sabay sabay kaming nagpigil ng tawa.

Tumaas sya ng kilay.

"Pinag tatawanan nyo ba ako?" Mataray na tanong nya habang pinandidilatan kami ng mata.

"NO!" Mabilis na sagot ko sakanya mamaya umalis nanaman to edi ilang linggo nanaman kaming mag hahanapan.

"Sino ba talaga kayo?" Galit at mataray na sabi ni ulit ng usok na babae.

"Im Single" Malanding sabi ni Allane.

"I'm Available" dugtong naman ni Rustine. Gagong to ah parang kanina lang nag mamaktol sya na gutom na sya. Tapos ngayon nakuha pang magnilandi.

"And I'm your Destiny- Este Lance Punyetang mga to mag si ayos nga kayo nadadamay ako sa kalandian nyo" Sabi ko habang sinisinghalan yung dalawa.

"Palusot kapa ei lumalandi kadin naman. Kidding aside Miss Usok I'am Allane Ang pinaka gwapo sa aming tatlo" sabi Allane.

"Miss Usok?" Nagtatakang tanong ni miss usok habang naka taas nanaman ang kilay. Ang taray talaga ng babaeng to.

"Rustine is the name. Miss usok kasi nung hinahabol ka namin 3 weeks ago naging usok ka bigla at biglang naglaho. I mean wow pano mo nagawa yun" manghang sabi ni Rustine.

Ang totoo kinikilabutan talaga kami sa babaeng to ikaw banaman dalawang beses maglaho sa harapan mo di ka kaya kilabutan? Pero malakas ang pakiramdam ko na sya ang makakatulong saakin para makuha si Jilliane.

"Ano bang kailangan nyo?" Tanong ulit nung babae habang naka taas nanaman yung kilay.

"Kailangan namin ng Gayuma" seryusong sabi ko habang tinitingnan sya ng seryuso.

===================

MITCHY'S POV

"Kailangan namin ng Gayuma" seryusong sabi nung lalaking singkit na medyo moreno habang tinitingnan ako ng seryuso.

"At sino namang may sabing gumagawa ako ng gayuma?" Mataray kong tanong sa kanila. Oo tumutulong ako na gumagawa ng Mageia pero epektibo lang ang mageia sa Serena at sa nagugustuhan ng serena. Hindi tumatalab ang Mageia sa tao at kapwa tao dahil ang boses ng serena ay may kakayahang mang akit hindi tulad ng tao.

Mas mahirap gumawa ng gayuma na para sa tao na walang konekto sa serena. Mas maraming kailangan at dapat gawin.

"Sinabi nung matandang nainbestigahan ng private investigator namin na isa kang mangkukulam at kaya mong gumawa ng gayuma" seryusong sabi naman nung mestisong nakangiti na sa pag kakaalala ko ay Rustine ang pangalan.

Matandang babae?

Hindi kaya si.

Ano nanamang pinaplano ng matandang yun.

"Kahit marunong akong gumawa hindi ko kayo gagawan" mataray kong sabi saka ko sila tinalikuran at nag lakad papasok ng bahay ko.

"Wait! Babayadan ka namin" Seryusong sabi nung Lance kaya napalingon ako at nginisihan sya.

"Hindi ko kailangan ng pera" nakangisi kong sabi bago sila talikuran ulit.

"Hindi mo kailangan ng pera pero. Gusto mong mag tayo ng Nursery school hindi ba?" Dahan dahan akong napalingon sa sinabi nung nag pakilalang Allane naka ngisi sya ngayon at gustong gusto ko syang gawing butiki dahil sa ngising yan.

"Pa-paanong" nag tatakang sabi ko at nung dalawa pang lalaki na sa pag kakatanda ko ay sina Rustine at Lance.

"Well, syempre alam kong hindi ka gagawa ng walang kapalit at nabanggit ng matanda sa Private investigator namin na matagal mo nang pangarap na mag tayo ng nursery school pero hindi ka pinapayagan dahil sa background mo" explain nung nagpakilalang Allane.

"Allane I love you na" sabi nung Rustine at niyakap yung Allane.

"Pakiss nga Baby Allane ko" sabi naman ni Lance at tinalon na yung dalawang lalaki.

"Eww! Mga hayop na to bitaw!" Sabi naman ni Allane habang tinutulak yung dalawa nyang kaibigang parang linta na yumayakap sakanya.

Napailing nalang ako sa pinag gagagawa nila. Naalala ko na sila yung mga lalaking nag iinumam madaling araw palang sila din yung mga mukhang adik at takas sa mental sa Open field na mga gagong humabol saakin.

"So ano Miss. Tutulungan mo kaming gumawa ng Gayuma. At tutulungan ka naming tumayo ng Nursery school" Seryusong tanong ni Lance.

Napatingin ako. Kahit ganto ako ay mahilig ako sa bata. Mga baby at mga chikiting ang happy fills ko. Noon pa man ay gusto ko nang mag tayo ng nursery school pero parating rejected ang request ko dahil hindi naman ako nag aral sa pag ordinaryong paaralan ng tao nag aral ako sa University ng mg wiccan kaya sa batas ng tao wala akong pinag aralan at kakayahang magturo.

"Paano nyo ako matutulungan mag tayo ng nursery school eh parating rejected ang request ko" mataray kong tanong.

"I own different universities inside and outside of the Philippines. Kaya kung gagawin naming sister company ang nursery school na itatayo mo walang kahirap hirap yun" Nakangising sagot ni Lance habang yung dalawa ay tumatango tango lang.

"So ano deal?" Sani ni Lance habang inilalahad ang kanyang kamay.

Nag aalangan ako nung una pero tinanggap ko rin. Sa wakas makakatayo na ako ng Nursery school.

"DEAL"

======

CHAPTER 6 DONE! HAHAHA So ayan na may deal na na naganap ano kayang mangyayare.

Paalalang muli FIRST DRAFT po ito. Asahan ang napakaraming errors.

Feel free to Vote and Comments

NO TO PLAGIARISM

-ChiMoBby. 👑💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro