C H A P T E R 9: The Deal 💔
Kim Ji Won a.k.a Serena Deep. Hahaha lodi na lodi ko kasi siya. Haha simula sa The Heirs at Bilang Aera sa Fight for my way. Lovelove. ❤
This chapter is dedicated to my lovely friend "weiwei" NushenWeiwei and to sharithewriter who is always supporting my story. Thank you so much to the both if you. ♥❤😘
============
Serena's POV
Matapos ng pangyayare kaninang umaga ay back to normal na ang mga tao dito sa bahay. Natutuwa sila na nawala na ang balat sa mukha ko pero naroon parin ang pag tataka.
Panaybparin ang irap saakin ni Rita na ikinatatawa ko nalang.
Habang si Baby loves namab ay nahuhuli kong nakatingin saakin. Kapag nahuhuli ko sya ay nginingitian ko sya ng sobrang lapad na dahilan para tumingin nalang sya sa malayo.
Kaya sobrang kaba nalang ng nararamdaman ko sa tuwing magtatanong sila kung papaanong nawala ng biglaan ang napakalaking balat saaking kaliwang mata.
"Nakakapag taka talaga kung paanong nawala ang napakalaking balat mo sa kaliwang bahagi ng mukha mo. Nawala ito ng tila isang magic! Ang galing. Napakaganda mo Serena" nakangiting sabi ni Tessa saakin na hanggang ngayon ay malapad paring nakangiti saakin
"A-ah ehem, Oo nga parang magic" ulit ko sa mga katagang sinabi nya. At binigyan sya ng isang pekeng ngiti.
"Napakaganda mo Serena! Nakakatuwang tingnan ang mukha mo" natutuwang sabi ni Tessa at kahit saang anggulo ay tinitingnan ang mukha ko.
"Hahaha ano kaba naman Tessa baka mabali na leeg ko kakapihit mo" natatawang sabi ko sakanya na dahilan para mapahinto sya sa ginagawa nyang pag pihit sa mukha ko.
"Haha sorry naman nakakatuwa kasi na nawala na yung balat sa mukh mo. Pero bakit kaya biglaang nawala?" Nagtatakang tanong nya. At seryusong inilagay ang kapay sa kanyang baba na tila nag iisip kung paano nawala ang birthmark sa mukha ko.
"H-hindi ko din alam ei" nauutal na sabi ko. Ano bayan. Kinakabahan talaga ako.
"Sabagay hayaan mo na ayus nga ei. O sya serena kukuha muna ako ng pataba sa bodega maiwan na kita hah?" Magalang na sabi ni Tessa.
Tumango lang ako at agad naman syang umalis.
Kung alam molang tessa kung paano at ang dahilan kung bakit nawala ang balat sa mukha ko.
Napabuntong hininga ako.
Mag didilim na rin pala.
Bigla akong napatingin sa langin na pinaghalong kulay itim, asul at lila. May paunti unti ring kulay kahel sa langit.
Habang tinitingnan ang langit ay biglang nalungkot ang puso ko ng mag flashback kung bakit nga ba ako narito sa lupa.
**FLASHBACK**
(A/N: Ito yung kasunduan ni Serena at ama nya kung paano sya pinayagan ng kanyang amang tumuntong sa lupa)
"Ama, bakit ba ayaw mo akong pumunta sa lupa!" Halos padabog kong sabi. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nya akong papuntahin sa lupa. Gayong nasalupa ang Pepromeno(mate) ko!
Mahalaga saaming serena na makasama ang pepromeno namin. Sila ang mag sisilbing lakas at saya namin pero bakit ayaw ni ama?
"Serena. Walang kasiguradduhan na mamahalin ka pabalik ng taong yun. Isa syang tao wala syang idea sa pepromeno!" Asik saakin ni ama. Lumalabas ang mga ugat nito sa ulo na senyales na galit sya.
"Magugustuhan nya ako ama. Mararamdaman nya ang hila sa pagitan naming dalawa" determinado kong sabi.
"Walang kasiguraduhan yun Serena! Ibang iba ang mga tao saating mga serena. Hindi madali. Mahirap intindihin ang mga tao at lahat ng bagay na patungo o may kaugnayan sa tao ay komplikado at kapahamakan" Sabad ni ama habang hinihilot ang sintido nya na tila ay sumasakit ang ulo.
"Paanong naiba ama?" Tanong ni Ate Siren. Tulad ng pangako nya ay sinamahan nya ako kay ama at tulungang kumbinsihin ito na payagan akong pumunta sa lupa.
"Ang mga mermaids at merman na kagaya natin ay malakas ang paniniwala at nakukuntento sa kung ano ang meron tayo at binigay saatin. Ang mga tao ang tinaguriang mga mapanghangad at ganid na kahit pagkakaroon ng pepromeno o mate ay hindi sila pinagpala dahil sa pinsalang dinudulot nila sa ibang lahi at uri. Ang mga tao ay nararanasang masaktan, manloko, manlamang at manakit ng iba. Hindi sila makontento kaya kahit pag ibig nila ay paiba iba. Maari kang masaktan anak at ayaw kong mangyare yun. Dahil sa oras na hindi ka mahalin ng pepromeno mo ay maaaring ikamatay mo" malungkot na sabi ni ama.
Ganun ba talaga ang mga tao?
Bakit sila ganun?
"Pero ama si Jacob ang Pepromeno ko. Kapag di ko sya nakasama parang wala narin ako. Buhay nga ako pero walang patutunguhan dahil walang kaligayahan" mangiyak ngiyak kong sabi.
Agad lumapit saakin si ama at si Ate Siren.
"Kung sakaling mahalin ka ng taong yun ngayon pumunta ka sa lupa hindi natin masisigurado na panghabang buhay ay ikaw lang. Na magiging sapat ka sakanya. Paiba iba ng gusto ang nga tao. Marahil maaaring mamahalin ka nya ngayon. Pero paano sa susunod na panahon? Paano kung hindi na? mamamatay ka at ayaw kong mangyare yun" malungkot na sabi ni ama
Napanganga kami ni ate sa nalaman namin. Tama si ama. Paano kung sakaling mahalin nya nga ako pero ngayon lang at di mag tagal?
"Pero ayaw kong mabuhay ng malungkot at mahina. Mas gusto ko nalang mamatay ng sumubok kesa mabuhay ng walang patutunguhan" malungkot na sabi ko. Mas ayus nang mamatay ako na sinubukan kesa naman buhay ako pero wala namang patutunguhan ang buhay ko.
Nakita ko kung pano lumamlam ang mata ni ama na tila ay naiintindihan nya ako.
"May paraan para di ka mamatay at makasama mo ang taong yun panghabang buhay" seryusong saad ni Ate Siren. Habang hinahaplos ang mukha ko.
Si aman naman biglang natahimik tila nag iisip.
"Paano ama?" Nag tatakang tanong ko kay ate.
"Gagawa tayo ng Mageia" seryusong sabat ni ate.
Na ikinalingon ni ama.
"Ano po ang mageia ate?" Nagtatakang tanong ko.
Sa halip na si ate ang sumagot ay si ama ang sumagot ng katanungan ko.
"Ang Mageia ay pinaghalong luha ng serena, katas ng Puting Bulaklak na nagngangalang Lorusca namatatagpuan lamang sa pusod ng dagat at tinunaw na perlas ng kabibeng Hasgeka na mahahanap lamang ng mga babaeng serenang hindi pa natatagpuan ang pepromeno nila. Sasabayan ito ng boses ng serenang nangangailangan ng pag ibig habang ginagawa at pinagsasama sama ang nga rekado upang makabuo ng mabisang Gayuma" Seryusong sabi ni ama. Habang nakatingin saakin.
"Gayuma? A-anong?" Nagtataka at hindi nakapaniwalang sabi ko.
"Kung gusto mong makapunta sa lupa. Yun lamang ang tanging paraan para patuloy kang mabuhay at Kailangan nating gumawa ng Mageia. Para masiguradong mamahalin ka ng taong yun at hindi sasaktan. Hindi mo na kailangang mamatay." Nag aalalang sagot ni ama.
"Hindi ako papayag ama!" Sabad ko. Hindi pwedeng mahalin ako ni Jacob dahil lang sa nagawa kong gayumahin sya.
"Yun lang ang paraan. Para maka punta kang lupa ng hindi mamamatay. Kung hindi ka papayag ay mapipilitan akong ikulung ka sa iyong silid." sabi ni ama na halatang nag aalala na baka umalis ako ng walang paalam at kunin ang trident nya.
"P-pero" nag aalinlangang sabi ko.
"Mag hahanda na ako ng ilang kawal. Para makakuha ng bulaklak ng Lorusca sa pusod ng dagat at ilang babaeng serena sa paghahanap ng kabibeng Hageska ngayun din. Yun ay kung papayag ka. Kung hindi ay hindi ka makakaalis dito sa Oceana kahit kailan " may diing sabi ni ama.
Wala akong nagawa kundi yumuko at tumangi ng dahan dahan
"Bibigyan kita ng paa. Kasabay ng palatandaang Balat. At maghantay ka ng pangalawang kabilugan ng buwan para isa gawa ang pag hahalo upang makagawa ng Mageia." Dugtong ni ama
***END OF FLASHBACK***
Nawala na ang balat at sasusunod na araw na ang unang kabilugan ng buwan. Isang buwan pa ang hahantayin ko para sa pangalawang kabilugan ng buwan upang makagawa ng Mageia.
Napabuntong hininga ako.
Ang selfish ko ba dahil mas ginusto kong gayumahin nalang yung taong mahal ko para hindi ako mamatay at mahalin nya ako sakabila ng kaalamang gayuma lang ang dahilan?
Napatingin na lang ako ulit sa langit.
Patawad Jacob.
Patawad kasi mamanipulahin ko ang nararamdaman mo. Para mabuhay at mahalin mo ako.
==========
Chapter 9 DONE! Lameeee sorry hindi talaga ako magaling sa twist twist. Pero im trying my best sana magustuhan nyo.
Clarification lang po.
Mageia- is a greek word for Gayuma. (Ayun kay Google translate) HAHAH
Pepromeno- is a greek word for Destiny (Ayun kay Google Translate) HAHAH
Kabibeng Hageska at Bulaklak ng Lorusca- ay pawang mga gawa gawa ko lang. Nahugot ko lang sa kailaliman ng utak ko kung ano man yun hahaha. 😂
Thank You so much sa mga nag susupport.
Feel free to comment and Vote. I will really appreciate it.
NO TO PLAGIARISM! ITS A CRIME
-ChiMoBby. 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro