C H A P T E R 21: Messed Up 💔
Dedicated to my beloved supporters and friends reyanicayan jhonasullo Kimineah_YoonAh vkes1997 yhuri_12 Shawniceee BethSolier ms_kathe NoonaVie peyerspatches NsyncCrow Danlans Thank you. 💕
-------------------
SIREN/RITA'S POV
"Oo tama ka isa akong serena" nakangiti kong sabi habang dahan dahang nag shishift sa tunay kong itsura.
"Ate Siren?!" Hindi makapaniwalang sabi ni Serena halatang naguguluhan na sya sa mga nangyayare.
"Pinapunta ako rito nila ate Sarin at Ama para bantayan ka at siguraduhinh hindi ka mapapahamak. Ikaw ang bunso saating mag kakapatid kaya hindi kami makakapayag na mapahamak ka" mahabang paliwanag ko.
Ako si Siren ang ikatlong prinsesa ng Oceana. Ako ang namamahala sa aming mga sundalo at mandirigma.
Pito kaming magkakapatid at lahat kami ay pawang mga babae simula kay Ate Sarin hanggang sa bunso naming si Serena ang ikapitong prinsesa ng Oceana.
Si Ate Sarin ang pinaka panganay saamin kaya sya ang magmamana ng trono at mamumuno ng buong Oceana sa takdang panahon kasama nya ang pepromeno nya sa pag aaral kung paano ang pamanalakad sa Oceana apo ni auntie Ariel ang kanyang peromeno at prinsepe ng Atlantis.
Pangalawa ay si Ate Seren wala akong masyadong alam kay ate Seren dahil ang alam ko ay umalis ito sa kaharian.
Pangatlo ay ako, ako ang namamahala sa sundalo at mga mandirigma ng aming kaharian. Hindi ko parin nahahanap ang pepromeno ko hanggang ngayon kaya loveless parin.
Pang apat ay si Serin ang kakambal ko. Ngunit baliktad kami ng pag uugali dahil hindi sya interesado sa pakikidigma sa ngayon ay nasa atlantis na sya kasal na sa pepromeno nyang prinsepe na kapatid ng pepromeno ni ate Sarin.
Pang lima ay si Sarina ang pinaka bulagbol saaming lahat. Pero kahit ganun ay matino na sya sa piling ng kanyang pepromenong isang Werewolf nasa lupa na rin sya ngayon at kinukulit ang pepromeno nya.
Pang anim ay si Serana kasalukuyang peace maker sa ibat ibang lahi. At ang dakilang manlalakbay saaming magkakapatid ang balita namin ay nahanap nya narin ang pepromeno nya isang merman na asyanong manlalakbay rin.
Pang huli ay si Serena. Bihirang bihira lang saaming mga merpeople na maitakda sa tao. Pwede kaming mai pares sa ibang shape shifters katulad namin pero bihira lang sa tao kada isang siglo isang serena lang ang makakaparehas ay tao. At sa kamalas malasin naman ng bunso naming inosente sya pa ang naitakda. Napakamalas nya kasi sya lang ang makakaramdam ng hila o spark ng pepromeno bond dahil sya ang serena at tao ang naitakda sakanya.
Kaya ako naririto dahil pinadala ako ni Ama at ni Ate Sarin para bantayan at siguraduhin ang kaligtasan ng bunso naming si Serena na mukhang walang makalapigil sa kagustuhan nyang makasama ang pepromeno nya kahit posibleng kapalit ay ang sariling buhay nya.
"Pinadala ka ni ate at ama?" Hindi makapaniwalang sabi ni Serena.
"Eh bakit mo ako inaaway tapos enjoy na enjoy kang alilain ako" nagmamaktul na sabi ni Serena habang nakanguso. Kaya wala sa sariling ipinaikot ko ang mata ko at natawa.
"Eh nakakatamad kayang mag linis ng banyo sa oceana nga di ako naglilinis banyo ei" mataray kong sabi. Pumunta ako sa lupa para alamin ang kalagayan niya hindi para mag linis ng banyo ng mga tao. Eww!
Napansin kong bigla nalang natahimik si Serena.
"Dapat pala. Dapat pala nakinig ako kay Ama" sabi ni Serena habang unti unting pumapatak ang mga luha nya. Agad akong lumapit sa kanya.
"Kulit mo din kasi" pabirong sisi ko sakanya na ikinalakas lalo ng hagulhol nya.
"Pero hindi naman kita masisi. Hindi ko masasabinh maswerte ka dahil ang pepromeno mo ay tao. Pero hindi ko din masasabing maswerte ako dahil hindi ko pa nahahanap ang pesteng pepromeno ko tiantaguan pa ata ako" sabi ko habang bumubuntong hininga. Ang gulo talaga minsan ng buhay.
Hanggang ngayon ay nasa loob parin kami ng blanko at madilim na kwarto. Nakakainis kasi wala man lang pwedeng malabasan bukod sa pintong naka lock sa labas at bintanang sing loot ng isang libro wala kanang ibang makikita kundi pader at sahig.
"Ano bang kailangan nila sakin?" Umiiyak paring sabi ni Serena habang nakatingin saakin.
"Hindi ko rin alam. Pero parati kitang sinusundan kaya wala akong ideya nalaman ko nalang nandito kana daladala ka ng mga lalaki" kibit balikat kong sabi.
"Mga lalaki? Hindi bat si Jacob ang may kagagawan nito? Kung bakit ako nandito? Kung bakit ka nadamay" nagtatagis bagang na sabi ni Serena. Habang kinukuyom ang mga kamay.
Napakibit balikat nalang ako.
"Hindi ko alam basta ang alam ko mga kalalakihan ang may dala sayo dito. Malamang sa malamang nabigatan sayo si Jacob kaya pinabuhat ka sa iba" nakangising sabi ko. I am a mermaid warrior mapanganin man ay hindi ako nagpapanic at sa pasimpleng hirit ko nag iisip ako ng paraan kung paano makakaalis sa pesteng kwartong to.
Tiningnan lang ako ni Serena.
"May plano ako" seryusong seryusong sabi ni Serena kaya agad naman akong umupo sa tabi nya.
"Ano yun?" Interesadong sabi ko habang nakatingin sa kaniya.
Dahan dahan syang tumayo at pumunta sa may pinto. Anong plano nya?
"WAHHH! PALABASIN NYO KO. SUSUMBONG KO KAYO KAY AMA! NAKU MAKAKATIKIM TALAGA KAYO SAAKIN PAG NAKALABAS AKO DITO"
Biglang bumagsak ang pag asa ko. Ito na ba yung plano nya?
Maya maya lang ay bumalik sa tabi ko si Serena hingal na hingal sa kakasigaw nya. At kaka kalampag sa pinto.
"Wala ei hindi nila pinansin yung plano ko" seryusong sabi paring nya.
GAMÓTATA SKATÁ!
Agad kong naihilamos ang mga kamay ko. Yun yung plano nya? Naku minsan talaga ang sarap batukan ng babaeng to.
"Alam mo minsan ang sarap mong sapakin" nanggigigil na sabi ko kay Serena. Tiningnan naman nya ako na parang nag tataka.
"Huh? Bakit Ate. Wag ganun bad yun" inosenteng sabi nya.
Hays!
Mangsasalita pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa yung babae kaninang naka lab gown at may malapad na salamin.
"Ano bang kailangan mo saamin?" Asik ko dun sa babae. Na nakangisi lang sa pinto.
"Marami" simpleng sagot nya kaya napatingin kami sa isat isa ni Serena habang kunot ang mga noo.
Marami?
Tulad ng ano?
Pag eksperementuhan kami?
Tanong ko sa sarili ko.
"Asan si Jacob gusto ko syang makausap" Matigas na sabi ni Serena. Hindi ko sya masisisi kung sakabila ng lahat gusto nyang makausap yung traydor nyang pepromeno.
"Si Jacob?" tiim bagang na sabi nung babaeng nakasalamin.
Pareha kaming napa kunot noo ni Serena.
"Yun ay kung buhay pa ang isang yun" nakangising sabi ulit nung babae.
"A-ano?" Nagtatakang tanong ni Serena. Kahit ako ay nagtataka bat nya papatayin si Jacob?
Maya maya lang ay malakas na tumawa yung babaeng naka salamin.
"Hindi nyo na ako nakikilala my dear sisters?" Nakangising sabi nya habang tinatanggal ang salamin at nilulugay ang buhok.
"ATE SEREN?!" Windang na sabi namin ni Serena. Imposible! Hindi maaari to.
Pareha kaming hindi makapaniwala at makapagsalita ni Serena.
"Matagal nang patay ang Seren na kilala nyo. It's Leslie now" galit na sabi ni ate Seren na nag pakilalang Leslie na ngayon.
Pero bakit galit na galit sya?
------------------
Chapter 21 DONE! Ang dami nang nangyayare nahihilo hilo na ako hahah. 1st drafts po ulit ito mga babyloves kaya pasensya na sa lahat nge errors.
Naghahanap ako ng pwedeng mag Edit ng stories ko haha tamad tamad ko kasi. 😂
Kapag completed na chaka na ako mag eedit or magpapaedit. Love love salamat sa pag tyatyaga kahit magulo stories ko buy huhu.
Feel free to Vote and Comments
NO TO PLAGIARISM
-ChiMoBby. 👑💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro