C H A P T E R 18: Jacob's first move 😷
Salamat sa lahat ng nag D-DM sa FB and IG account ko pati narin sa Wattpad. Sobrang nakakataba ng puso. ♥
AkoSiTeryo
hiddenmistakes_
NoonaVie
ChiLeyLi
Kell_river11
ronwelicious
Danlans
Shawniceee
Kimineah_YoonAh
ms_kathe
arc_angel20
loveyhanna15
Meron din po silang kanya kanyang story na sobrang magaganda at paniguradong magugustuhan nyo rin. Sana po supportahan nyo rin stories nila. Salamat. ♥
--------------------
SERENA'S POV
"Serena?" Agad kaming nagkatinginan ni Mitchy ng marinig ko ang Boses ni Baby Loves sabay nanlaki ang mata namin.
"Hala! Si babyloves andyan na" tarantang sabi ko.
"Got to Go!" Sabi ni Mitchy. Bago sya umalis ay may sinabi sya na spell agad nagsibalikan at naging maayus muli ang kusina.
"Bye Isda!" Sabi ni Mitchythea at biglang naglaho ng parang usok.
Sanay na ako sa babaeng yun. Medyo tamad yun maglakad.
"Serena May kausap kaba dito?" Tanong ni baby loves.
"W-wala hihi" kinakabahang sabi ko.
Bakit ba ang aga nya Umuwi ngayon?
Napansin kong napalingon lingon sya. Na parang may hinahanap kaya agad na napahigpit ang kapit ko sa Bote ng Mageia.
"But I hear you talking to someone" pagmamatigas nya minsan ang sarap ding pitikin nito ni baby love napaka kulit sinabing wala.
"Ay hehe ka-kausap ko y-ung walis... Tama tama kausap ko yung walis hehe" ang talino mo talaga Serena. Hihihi
"Kausap mo yung walis?" Hindi makapaniwalang sabi ni baby loves.
"Oo kausap ko. Ayaw na kasi makipag cooperate saakin sinabi nang maglilinis kami sabi ko" hehe ang galing galing ko talaga. Napaka totoo ng sinasabi ko hihi.
"Seryuso kaba? May pinag dadaanan kaba? Nag dadrugs kaba?" mukhang nag aalalang sabi ni baby loves. Yieee nag aalala saakin si baby loves.
Agad akong tumango.
"Seryuso ako. May pinagdadaanan ako at oo nag dadrugs ako" nakangiti kong sabi sakanya.
Agad na nanlaki ang mata nya.
"What the Fuck!" Mahinang sabi nya habang hindi makapaniwala.
Problema mo baby love?
Tama naman sinabi ko ah.
Seryuso naman ako.
May pinag dadaanan ako diba nga love na love ko sya tapos kailangan ko pang gumawa ng mageia patmra mahalin nya din ako.
Tapos kung nag dadrugs daw ako. Totoo naman pinapainum akong gamot ni Sister in Law ah.
"Drugs? As in yung damo?" Hindi nya makapaniwalang tanong.
Drugs na damo?
Ano namang akala mo saakin baby loves kabayo para kumain ng damo? Minsan magulo din talaga kausap si baby loves noh.
"Baby- Este Jacob hindi damo yun. Diba pinainum ako ni Baby Jane ng gamot para daw sa hung Over ko." Paliwanag ko sakanya. Kitang kita ko kung pano sya napa buntung hininga.
Naku siguro iniisip talaga ni baby loves na kakain ako ng damo. Mukha ba akong kabayo? Ang ganda ganda ko kaya. Diba nga ako pinaka maganda saaming magkakapati hihihi.
"Where are they?" Biglang tanong ni baby Loves.
"Huh Sino?" Tanong ko pabalik.
"Sila" simpleng sagot nya saakin.
"WAH! May nakikita kabang hindi ko nakikita? Hala may multo ba dito?" tanong ko sakanya hala sya. Huhuhu
"Tsk! Silly I'm asking kung nasaan sila Rita." Sabi ni Babyloves habang napapa face palm nalang.
"Ahh hihi akala ko may nakikita kana na hindi ko nakikita. Si Rita tulog pa, si Tessa wala pa, si Jane nakina mommy and daddy natin este mo pala, tapos si manung Ben at Manang Luz Day off mag dadate ata" Nakangiting paliwanag ko hihi.
Napataas naman ang kilay nya.
"I-I umh, would you like to go out?" Tanong nya saakin habang kumakamot sa batok nya.
"Bakit ako lalabas? Omaygad pinapalayas mo na ba ako T__T" natataranta kong sabi habang nanunubig ang mga mata ko. Huhu palalayasin nya naba ako?
Napatigil ako sa pagpapanik ng napansin kong hinilamos nya yung kamay nya sa mukha nya at punong puno ng Prustrasyun.
"What i mean ei kung gusto mo bang makipag date saakin" sabi nya saakin habang nakatitig mata sa mata.
"Oo naman gusto mo kasal pa ei" natatawang sabi ko. Pero mahina lang hiya ako eh hahaha.
"What?" Nagtatakang tanong nya sakin. Tiningnan ko ang mata nya. Yung mata nya halatang kinakabahan nag aalinlangan at nag sosorry?
Bat naman mag sosorry?
Bigla akong napakamot sa ulo ko. Baka naman mali yung nakita ko haha.
"Sabi ko oo" nakangiti kong sabi. Na agad naman nakapagpangiti sakanya.
My God yung mga kaliskis ko nagsihulugan ata.
Ang gwapo gwapo mo talaga baby loves pakiss nga. Hahaha
"Kelan ba?" Natatawang tanong ko.
"Ngayon" sabi nya habang nakangiti parin. Pero yung ngiti nya my something hindi ko lang mapinpoint pero parang peke.
Deadma na nga atleast mag dedate kami.
=========
Makalipas ang ilang oras matapos naming mag handa ng nga sarili namin ay agad na kaming umalis ni Baby loves sa mansion nila.
"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan.
"San mo ba gustong pumunta? Gusto mo kumain muna?" Tanong nya saabin habang sinisilip ako pero nakatuon parin ang atensyon nya sa pag mamaneho.
"Hindi panaman ako ako gutom. Gusto ko ma experience yun tinatawag nilang peryahan" nakangiti kong sabi sakanya.
Nung nasa dagat pa kasi ako nakikita ko sa burol ang kumpol ng mga taong nag sasaya at nag lalaro sa tinatawag nilang peryahan.
"Peryahan? Wala tayong mapupuntahang peryahan sa ngayon pero pwede tayong pumunta sa Enchanted kingdon para rin yung peryahan" Seryusong sabi ni babyloves habang nakatuon parin ang kanyang atensyon sa daan.
"Sige gusto ko yun" masiglang sabi ko sakanya. Yey excited na ako! Matagal ko nang pinangarap na maka sakay sa malaking bilog na umiikot na yun.
"Ok pero halos 30 minutes pa ang byahe papunta dun ok lang sayo?" Tanung ulit ni Baby loves ko
"Ok lang saakin iyon" Nakangiting sabi ko.
At napatingin ako sa labas ng bintana.
Ang mundo ng tao ay sobrang komplikado.
Masayang mabuhay at maging tao pero sobrang hirap kung paano mo bubuhayin ang sarili mo.
Napabuntong hininga ako.
"You want some Bubble Gum?" Tanong saakin ni Babyloves habang inaabot ang kulay berde na parihaba.
Agad akong kumuha ng isa at binalatan iyon.
"Thank you" pabebeng sabi ko. Hahaha kilig ako ehh.
Agad kong kinagat kagat dahil napansin kong kapag kinakagat lalong kumakatas.
"Pwede pahingi pa ako ng isa?" Malapad ang ngiting sabi ko kay baby loves ko.
"Sige heto, at ito yung plastic dyan mo ilura yung bubble gum" sabi ni baby loves habang may ibininigay saaking plastic.
"Gusto ko naman yung Bubble Gum kaya hindi ko na ilulura" nakangiti kong sabi sakanyan.
Agad naman syang napalingon sa gawi ko.
"Asan na yung Bubble Gum?" Tanong nya.
"Nilunok ko" simpleng sabi ko.
Kitang kita ko na nanlaki yung mata nya
"Fuck! Niluluwa yun Serena hindi nilulunok"
Nagpapanik na sabi ni Baby Loves habang pabalik balik ang tingin nya saakin at sa Daan.
Ahh niluluwa pala ang Bubble Gum
Serena's Mind
Kailangan ko pabang ipainom kay Jacob ang Mageia? Niyaya nya na ako makipag date simula na kaya ito?
Jacob's Mind
Im really sorry Serena. But i have to do this in able to save my father's Life.
-----------------
CHAPTER 18 DONE! Maraming maraming salamat guys. Tulad ng dati first draft lang ito kaya asahan ang mga errors at typos. Ok po?
Pasensya na natagalan ang UD ko. Sobrang nangigigil kasi ako sa mga UNFOLLOWERS. Kaya inisa isa ko sila. Yung mga mag sasabing FTF daw tas pag Finollow mo i a Unfollow ka na. Nakakapangigil. Swear! Mga Famewhores! Nagagalit talaga ako as in. Wag tayong ganyan ang ayus ng usapan tapos biglang ganyan.
Anyways. Ok na ako hahaha!
Feel free mag Vote and Comments.
NO TO PLAGIARISM. 👊
-ChiMoBby. 👑💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro