C H A P T E R 14: Hang Over. 😵
Thank You Once again kay Inosenteng Mabait sa Book Cover. I super Love it. 😍♥
Young Nancy Momoland a.k.a Jane Miller (Sister in law) cute cute nya diba? 😍
This Chapter is Dedicated to Kell_river11, sharithewriter Frostydreamer and bagong friend ko na si ronwelicious yieee love love sa mga supporters ng story ko.
SERENA'S POV.
Dahan dahan kong iminulat ang mata ko ng naramdaman ko ang sinag ng araw sa mukha ko kaya agad kong tiningnan ang orasan sa mini table sa tabi ng kama ko.
1:07 pm
Ala una na pala.
HUWATTT?
Bigla akong napabalikwas sa Kama. Dapat ay Alas nwebe nag lilinis na ako ng nga silid.
"ARGH!" Napahawak ako sa ulo ko at dahan dahang humiga ulit.
Ang sakit ng ulo ko huhuhu.
Maya maya lang ay patakbong pumasok si Sister in law sa Maids Quarter dala dala nanaman ang pusa nyang si Jacintha.
"Good Morning Ate Serena! Head ache?" Inosenteng tanong nya habang hinahalikan ako sa pisngi. Dahan dahan akong tumango at bumangon.
"Here Drink this! Kuya said i should give it to you. Para mawala daw Head ache mo" nakangiting sabi ni Sister in law habang inaabot saakin ang isang tableta ng gamot at Tubig.
Titig na titig si Sister in law saakin.
"Hm? Bakit Jane?" Tanong ko sa kanya. At agad naman syang umiling iling
"Nothing. Go on drink it para po yung Head ache mo po ay mawala" magalang na sabi ni Sister in law.
Napatingin lang ako sakanya. Hindi ko pwedeng inumin ang gamot na to. Kung ang tao ay napapagaling ng Mga Chemical kaming mga serena ay napaka senaitibo pag dating sa Chemical.
Kaming mga Mermaids ay May mga High tolerance at Self healing Cells. Hindi namin kailangan ng gamot hindi tulad ng tao. Malaki ang magiging epekto nun saamin.
Naalala ko nung lumabas ako sa Hospital napajaraming gamit ang pinaiinom saakib pero hindi ko ininom. Mas lalo akong mamamatay sa pag iinum ng gamot na likha ng tao.
Dahil din dun kaya umabot ako ng 3 araw sa Hospital nung nasagasaan ako ni Baby love. Kaya kong mag heal ng 1 araw lang pero dahil sa kung ano anong chemical ang tinurok nila saakin ay lalo akong nanghina kaya inabot ng 3 araw ang pagpapagaling ko.
Tiningnan ko ulit si sister in law. Nakita kong titig na titig sya. Para bang inaabangan ang pag inum ko ng gamot.
Hays. Hindi ko naman pwedeng baliwalain ang paaalala sakin ni Sister in law.
Kaya nag aalangan kong ininum ang gamot habang sinasabayan ng tubig.
Matapos kong inumin ay nakita kong ngumiti saakin si Sister in law.
"Good. Now you should rest na po again ate Serena. Manang Luz prepared Soup just for you. Ill get some before i leave" Nakangiting sabi ni Serena at tumakbo ulit palabas ng Maids Quarter.
"Meow"
Napangiwi ako ng tumingin sa kaliwang bahagi ng mini table ko. Naiwan pala ni Sister in Law yung Bakulaw nyang pusa.
"Meow!" Masama ang tingin saakin ng pusang nagngangalang Jacintha.
"Meow ka din!" Sagot ko sa kanya at nag titigan kami ng masama.
Maya maya lang ay nakaramdam ako ng pagkasakit ng puso ko habang tumitibok ito.
"Aray" napakapit ako ng mahigpit sa dibdib ko. Naku ito na nga ba ang sinasabi ko. Yung gamot na ininom ko magkakaroon yun ng epekto saakin.
Dahan dahan kong tinanggal ang kumot na nakabalot sa katawan ko. At humingi ng malalim habang mahigpit parin ang pag kakakapit ko sa dibdib ko.
Kailangan ko ng tubig.
"Ate whats wrong? You look pale po" tanong saakin ni Baby Jane Habang may hawak ng Bowl ng Soup
"A-asan s-ila?" Nahihirapan kong sabi. Habang tumatagal ay lalong bumibigat ang nararamdaman ko. Kailangan ko ng tubig.
"Kuya went to his lab. Manang luz went to Market. Manong ben is outside waiting for me. Ate Rita has her off today. Ate Tessa ay di pa dumadating" Sabi ni Sister In law habanh hawak hawak ang baba nya na parang nag iisip.
"T-tubig" Nanghihinang sabi ko.
Agad namang nanlaki ang nata ni sister in law at dali daling lumabas sa Maids Quarter para kumuha ng tubig.
"Here Drink up ate" sabi ni sister in law habang inaabot saakin ang isang basong tubig.
Gumaan gaan ang pakirandam ko sa pag inum ng tubig.
"P-punta lang ako s-sa Pool" Sabi ko at dahan dahang tumayo sa kama.
"I'll help you" sabi ni Serena.
"Hmm ahh Jane ok na ako sige na pumunta kana kay mang Ben" sabi ko sa kanya.
"But you dont look Ok" pagmamaktol na sabi ni jane habang nakanguso.
Napangiti naman ako sa ka cute-an ng sister in law ko.
"Ok na ako Sige na Hindi bat pupunta ka sa mommy at Daddy mo ngayon?" Sabi ko sakanya habang hinahaplos ang buhok nya.
Sobrang bigat parin ng dibdib ko pero kahit papano ay kaya ko nang baliwalain yung sakit.
"Okay see you tomorrow Ate. Ill be sleeping with mom and dad tonight i miss them so much" malapad ang ngiting sabi ni sister inlaw dahilan para mapangiti ako. Mukhang masayang masaya sya dahil umuwi na ng bansa ang mommy at daddy nila ng kuya nya.
Nang umalis na si sister in law ay dali dali akong pumunta sa likod bahay dala dala ang isang Robe.
Tubig.
Agad kong tinanggal ang suot ko at lumusong sa tubig.
Pagkalubog ng katawan ko sa tubig ay agad na unilaw ang mga binti ko dahang dahang dumikit at nagkaroon ng kaliskis na kulay berde at ginto.
Namiss ko ang buntot ko.
May napanood ako sa TV na serena na nainlove din sa tao. Pero ang pinagkaiba namin sila kailangan pa nila ng Magical Shell para magkapaa sila at kapag nalulubog sila sa tubig ay bumabalik sila sa kanilang anyo.
Iba naman saakin. Kung gusto kong magkaroon ng buntot ay kusa itong lalabas kahit wala ako sa tubig. Kung ayaw ko naman ay hindi ito lalabas kahit na ako ay nasa tubig.
Habang nasa ilalim ng tubig ay iniangat ko ang buntot ko at nakangiting niyakap ito ng mahigpit. Hahah Sobrang namiss ko ang Berde at Ginto kong buntot.
Balik balik kong nilangoy ang kabuuan ng swimming pool.
Napakasarap sa pakiramdam. Mag dadalawang buwan na akong tao. Sobrang namiss ko ang tubig.
"Hay" Iniahon ko ang kalahating katawan ko mula sa tubig at huminga ng kaunting hangin. Hindi namin kailangan ng hangin pero dahil nasasanay na akong humihinga ng hangin ay hinahanap narin ng katawan ko.
Itinaas ko ang kamay ko para laruin ang tubig. Inutusan ko ang kaunting dami ng tubig na bumilog.
"Hahah Namiss ko ring Controlin anh tubig" natatawanh sabi ko at itinaas pa ang isa kong kamay para gumawa ulit ng isa pang bola ng tubig.
Pina talbog talbog ko ang dalawang bola ng tubig sa hangin at masayang pinapanuod ito.
Nakakatuwa maagaan na ang pakiramdam ko at nabigyan ako ng kunting oras para damahin ulit ang tubig at paglaruan ito.
Habang busy'ng Busy ako sa pag lalaro nang tubig at pag papatalbog ng mga ito ay may Narinig akong malakas na pag singhap sa likod ko.
Bigla akong natigilan dahilan para mag sibagsakan ang mga bola ng tubig. Dali dali akong lumingon para tingnan kung sino yung suminghap at nakakita saakin.
"J-jane"
===========
CHAPTER 14 DONE! TO BE CONTINUE MGA BABY LOVES. Salamat sa lahat ng sumusuporta sa story kong ito. UNDER EDITING PAPO ANG CHAPTER NA TO tamad pa si Author haha.
May bago po akong Story. Story po yun ni Teacher Lance sana supportahan nyo din po. I vote nyo lang po ang Prologue ng "BILLIONAIRE'S WITCH" Then Comment kayo ng "me" I didedicate ko po sa inyo ang chapters nun.
Thank you sana may sumupurta kasi tinatanong ko parin sarili ko kung itutuloy ko ba yung story ni Teacher Lance. Haha. ♥
FEEL FREE TO VOTE AND COMMENT.
NO TO PLAGIARISM!
-ChiMoBby 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro