C H A P T E R 1: Saving my Pepromeno 👑
Thank you Ludicer for the Book Cover. I love them. 💕
======
Serena's POV
"AMA! Pagbigyan mo na ako" nagsusumamo kong sabi sa aking ama.
"Hindi pwede Serena ang gusto mo! Mapapahamak kalang sa lupa" galit na sagot ng aking ama.
"Ama kaya ko na ang sarili ko, hindi na ako bata!" Galit na sigaw ko.
"Hindi mo naiintindihan Serena! Sa oras na hindi mahulog ang loob sayo ng lalaking mahal mo. Titigas ang puso mo sa sobrang kakulangan sa tubig, sobrang daloy ng hangin at sakit na mararamdaman mo! MAMAMATAY KA!" Malumanay na sabi ni ama.
Bigla akong hindi naka imik.
Mamamatay ako?
"Hindi basta basta ang pag punta sa lupa Serena. Maaari mong ikamatay iyon" dagdag ni ama.
Maaari kong ikamatay?
Nakapag desisyon na ako.
"Bigyan mo ako ng sapat na panahong mamalagi sa lupa ama" detirminadong sabi ko.
"Anak! Hindi mo ba talaga naiintindihan? Maaari kang mamatay!" Sikmat saakin ni ama.
"Alam ko yun ama. Gusto kong subukan. Gusto ko syang makasama" sabat ko kay ama.
Gusto ko sya makasama. Ngayon ko lang ito naramdaman.
"Bigyan mo ako ng 6 na buwan ama para iparamdam sakanya ang pag mamahal ko at paibigin sya. Bigyan mo ako ng paa ama" paalam ko kay ama
"Masyado nang mahaba ang anim na buwan. Hindi ako makakapayag! Hindi ka pupunta sa lupa!" Galit na sigaw ni ama.
"Ama bakit si Auntie Ariel Pinayagan ni King Triton ng atlantis" nagmamatigas kong sabi.
"Anak! Matagal nang panahon yun. Moderno at mas mapanganib na ang mga tao ngayon kesa noon!" Paliwanag ni ama.
"Pero ama-"
"Hindi ka pupunta sa Lupa! Tapos ang usapan" May diing sabi ni ama pagkatapos ay tinalikuran ako at saka umalis.
---
Ilang araw na ang nakakalipas at hindi parin ako pinapansin ni ama.
Sa tuwing lalapit ako sakanya para kausapin sya ay agad itong iiwas at magmamadaling umalis.
"Kapatid ano bang problema nyo ni ama?" Lumapit saakin ang nakatatanda kong kapatid na si Sarin.
"Kasi ate, natagpuan ko na yung Pepromeno ko" nakayukong sabi ko.
"Oh? Yun naman pala ei bakit malungkot ka? Hindi ba dapat tayong mag saya? Halikat ipakilala mo saakin" Masayang sabi ni ate Sarin.
"Isa syang tao ate" nakayuko ko paring sabi.
Biglang natigilan si ate.
"Isang tao?" Bakas sa mukha nya ang pagkabigla "pa.. paanong naging tao ang Pepromeno Mo?"
Napayuko lang ako.
Pepromeno ay salitang Greek na nagkakahulugang Destiny o Inilaan. Isang beses lang sa isang buhay ng Mermaids ang pag mamahal at yun ay ang Pepromeno namin. Kung ang mga Shifters ay Mate ang tawag, sa Lycans ay Erasthai. Saaming mga Mermaids ay Pepromeno. Pero hindi katulad ng mga shirfters hindi na namin kailangang markahan ang aming Pepromeno Physically.
Kaming mga Mermaids ay nahahati sa tatlong grupo.
Fresh water Sirens sila ang mga mermaids na may roong makukulay na buntot. Matatagpuan ang kanilang lahi sa ilog, sapa at ibang anyong tubig na fresh water ang dumadaloy.
Deep ocean Sirens sila naman ang mga mermaids na nagtataglay ng mga dark colors na buntot. Mayroon silang night vision at kaliskis sa leeg. Isa sila sa mapanganib na lahi ng mga mermaids. Kilala sila sa matatalim nilang ngipin at mapang akit nilang boses. Matatagpuan sila sa pinakailalim na bahagi ng karagatan.
At ang pangatlo ay Salt water Sirens ito ang lahing kinabibilangan ko. Kilala kami sa pagkakaroon ng bright colors na buntot na kasing kulay ng amkng buhok at maaamong mukha. Kami ay matatagpuan sa ilalim ng dagat.
"Serena? Pano nangyareng tao ang Pepromeno mo?" Nagtatakang tanong ni ate.
"Hindi ko alam" malungkot na sabi ko.
"Shhh, wag kanang malungkot tulungan kitang kausapin si ama" sabi ni ate.
"TALAGA?" Masayang sabi ko at mahigpit na yumakap kay ate.
"Salamat ate" dugtong ko.
----
Napag usapan naming mamayang gabi nalang namin kakausapin si ama. Kaya napag desisyunan kong pumunta sa nakatigil na barko sa itaas.
"Hayyyyy" buntong hininga ko kasama ang pag dedaydream sa Pepromeno ko.
Kasalukuyang nakikipagtawanan ang makisig na lalaking tinawag nilang Jacob. Mukhang nagkakasiyahan sa barko.
"Hayyy, napaka kisig mo talaga Mahal ko" Kinikilig kong sabi.
Ngunit natigil ang pag dadaydream at pag papantasya ko ng biglang mahulog ang binata sa Barko. Kitang kita ko na habang nakatalikod at nag mamasid sa dagat ang binata ay may tumulak sakanya.
Pigil na pigil ang aking pag hinga ng makita kong bumagsak ang katawan ng binata. At tumama ang ulo nito sa isang kahoy.
Marahil ay may sumagip sakanya na kaibigan nya. Hindi ako pwedeng lumapit.
Ngunit walang sinuman na kaibigan nya ang tumalon para iligtas si jacob. Tila walanv kamuwang muwang ang mga kaibigan nito na nahulog sya.
Nakita kong lumulubog na ang katawan nya kaya dali dali ko itong nilapitan.
Sa ilalim ng dagat ay kitang kita ko ang kakisigan ni jacob. Tila ng slow motion ang lahat.
Kinapitan ko sa sa kanang balikat nya at sa kaliwang bewang inilapit ko ang aking mukha at dahan dahang inilapat ang aking labi sa malambot nyang labi upang bigyan sya ng hangin at dahan dahan syang hinila pataas at papunta sa pangpang.
---
Inihiga ko sya sa pangpang at dali daling inilapat ang tenga ko sa dibdib nya. Nabuhayan ako ng marinig ko ang pintig ng puso nya.
"Jacob" marahan kong sabi habang hinahaplos ang pisnge nya.
"Jacob Gising" marahan ko syang niyugyog. Ilang beses ko ein diniinan ang dibdib nya at bigyan sya ng hangin.
Dahan dahan nyang iminulat ang kanyang mata na tila ay umaaninag upang makakita. Agad akong ngumiti at hinimas nang dahan dahan ang kanyang pisngi.
Sa di kalayuan ay narinig kong may mga taong paparating. Marahil ay mga turista sa islang ito.
Halatang nanghihina pa siya sa lagay nya. Ayaw ko syang iwan pero yun ang mas makakabuti saaming dalawa.
Dahan dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanyang mukha at mahinang binulungan sya ng.
Kumuha ako ng isang puraso ng aking kaliskis (A/N: sinlaki po ng limang piso ang kaliskis ng mga mermaids) at inulagay sa bulsa ng kanyang pulo.
"Jacob, itago mo ito mas madali kitang mahahanap dahil dyan sa kaliskis ko." matapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay iniwan ko na sya. At lumangoy pabalik sa gitna ng dagat.
Mula sa malayo nakita kong nagkagulo ang mga turista at agad na tumawag ng ambulansya para kay jacob. Sa pagkakataong yun ay nakahinga na ako ng maluwag.
"Maghintay kalang, hahanapin kita Mahal" may ngiti sa labing sabi ko at sumisid pailalim.
===================================
Yey First Chapter Done! Thank you Guys. Sana support nyo hihi. Sorry sa wrong grammar, typos and wrong spelling medyo antok na kasi ako hahaha.
Bukas mag a update ako agad ng Chapter 2.
Feel free to Comment and Vote.
Tunatanggap ako ng suggestion ang opinions so feel free to message me or comment.
Sino gusto ng Dedicate Comment lang kayo and Dedicate ko sainyo nexts update. Thank you
This is a Tagalog-English story.
Thank you.
NO TO PLAGIARISM
-ChiMoBby. 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro