Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6: Jealous

Matapos akong ihatid pauwi ni Zach kagabi ,hindi na ako nakatulog ng maayos dahil sa mga huling sinabi niya bago siya umalis. Napagkasunduan na rin naming siya lagi ang maghahatid at magsusundo sa akin kapag magkikita kami.

Sa tuwing maaalala ko ang mga sinabi niya, hindi ko mapigilang pamulahanan ng mukha.

"Ahm..Z-zach.."pagtawag ko sakanya.

"I didn't yet approve you to call me that name."seryosong sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Naiilang tuloy ako.

Napanguso naman ako at inirapan ko siya. "Hmp!Bakit ba ayaw mong tawagin kitang Zach nalang? Ikaw na rin mismo ang nagsabi sa'kin na pwede na kitang tawagin sa pangalan mo. Ayaw ko naman ng Zachriel kasi masyadong formal at masyadong common dahil yun ang tawag sayo ng karamihan."paliwanag ko.Hindi naman siya nakasagot at nanatiling nakatitig sa'kin.

Kahit na nai-ilang ako sa mga tingin niyang napakalalim, mas pinilit ko parin ang gusto ko. "B-basta tatawagin kitang Zach sa ayaw at sa gusto mo.And it's final!" tumalikod na 'ko at binuksan ang pinto ng sasakyan niya at mabilis na lumabas. Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.

"Because...I much prefer to be called by that name by those important people in my life."napatigil ako sa akmang pagsara ng pinto ng kanyang sasakyan dahil sa naging sagot niya.Lumingon ako at nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam pero bigla nalang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

*Dub* dug* *dub* *dug*

I gulped, "I-im sorry. Hindi ko alam. A-akala ko kasi-"

"No. It's okay."putol niya sa sinasabi ko.

Napatungo ako at napakagat labi. Ayaw pa rin huminto ang malakas na pagpintig ng puso ko. Hindi ko maintindihan. Parang ayoko nalang huminga.Ang gulo ng nararamdaman ko. Nahihiya tuloy ako sa inakto ko kanina.

"No one dares to call me Zach. May mga nagtangka pero hindi ko sila pinayagan. Wala pang ni-isa ang tumawag sakin ng ganon, except you....and her."seryosong aniya.

Taranta ako,"S-sorry, hindi na ulit kita tatawaging-"muli na naman niyang pinutol ang sasabihin ko.

"No. It's okay. You're excempted....'cause you're special for me, baby.You're my boyfriend now,remember?"nakangising aniya sabay kindat.

Ako naman itong nasemento sa kinatatayuan ko ngayon.Kumaway muna siya bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan at iniwan akong nakatulala sa harap ng apartment.

~*~

Kitams?!

d>///<b

KYAAAAAAAAHHH!!!

Erase! Erase!

"Hoy bakla! Kaloka ka! Kanina ka pa tili ng tili dyan. Para kang kinakatay na kambing!"napabalik ako sa realidad nung batuhin ako ng thow pillow ni Justin. Nyemas!

Sinamaan ko naman siya ng tingin,"At ikaw naman,malandi ka talaga! Hilig mo talagang ibalandra sakin yang maskulado mong katawan. Magbihis ka nga!"sigaw ko at ibinato pabalik ang unan sa mukha niya.

Paano ba naman kasi, para siyang nagmo-model suot lang ang boxer sa harap ko. Kahit naman sabihin nating beki nga ang kaibigan ko, syempre nakaka-asiwa parin para sa babaeng tulad ko na makakita ng abs! Bwisit! Wala namang malisya pero,argh! Kadiri!

"Huwag mong sabihing pinagnanasahan mo na naman ang katawan ko AVERY BROOKES MONROE?! Nakakadiri ka! Manyak!"sabay takip niya kunwari sa dibdib niya.

Bruuuuh!

I rolled my eyes,"Yuck! As if naman! Hoy bakla,tigil-tigilan mo nga ko! Layas!"sabi ko bago ko pa siya masabunutan. Binelatan lang niya ako at nagpose pa na ala-DARNA!

I shooked my head and just sigh to compose myself. Nagdikwatro nalang ako sa sofa at minasahe ang ulo ko. Nandito kami ngayon nakatambay sa sala. Kapag umaga talaga,nandito kami lagi sa sala ng apartment niya para manood ng tv o kumain.

"Magbihis ka na nga."kalmadong sabi ko. Ayoko nang makipagtalo pa. Umagang-umaga pinapa-init niya ang ulo ko. Sumimangot naman siya at akmang papasok na sa kwarto niya pero bigla nalang may kumatok sa pintuan. Tatayo na sana ako pero pinigilan niya ko.

"Ako na! Baka si Loves na yan. Yieeeehh!"kumikilig na tili niya at tumakbo papunta sa may pinto. He's reffering to his boyfriend, Troy.

Napailing naman ako ng wala sa oras. Maglalampungan na naman siguro sila sa kwarto. Sayang talaga ang dalawang yun. Kung hindi lang talaga bakla at mas malandi pa sa akin si Justin, may chance na magka-crush pa ako sakanya. Katunayan gwapo at maskulado silang pareho ng jowa niya. Ewan ko ba, bakit ang mga katulad pa nila ang naging bakla.Nakakapanghinayang.

"Holy shit! Am I dreaming? A Greek God! "napakunot ako ng noo dahil sa paglaki ng boses ni Justin. Naging pang-maskulado at nawala ang kaartehan sa boses niya. Luh?

"Hi dude. I'm...ahh J-justin."lalo akong nagtaka sa sinabi niya. So it means, hindi si Troy ang kumatok.

Nagkibit-balikat nalang ako at akmang tatayo na para pumasok sa kwarto ko pero natigilan ako sa lalaking dire-diretso sa pagpasok sa apartment ni Justin. Nanlilisik ang kanyang mga mata at parang naasiwa sa nakita.Nakasunod lang sakanya si bakla. Nakatitig siya sa akin habang papalapit. Nagtaka ako nung tumigil siya sa harap ko at biglang umiwas ng tingin. Nakita kong namula ang mukha niya at mabilis na tumalikod sa akin.

"Damn!"rinig kong bulong niya.

"A-anong ginagawa mo dito?"

I was totally shock! Bakit ba siya nandito?

I heard him cleared his throat,"C-can you please...ahh shit! Y-you're wearing..."hindi siya makaharap sa akin.

And then boomed! I just realized that...that I'm just wearing a clear sando! At nakasuot lang pala ako ng maikling short! Putchapete! Nakakahiya!

d>_<b

"Shit!"I cursed at nagmadaling tumakbo sa kwarto ko para magpalit ng desenteng damit.

----

Namumula pa rin ako hanggang ngayon dahil sa kahihiyan. Feeling ko nakitaan na ako ng kaluluwa. Kahit pa lagi naman akong ganun manamit sa harap ni Justin, pero wag lang talaga sa iba.

Naglakas-loob akong lumabas sa kwarto ko wearing a pants and a pink blouse. Pa-conservative ang ateng niyo!"Ahh...err..Zach."pagtawag ko. Lumingon naman siya sa akin nang magkasalubong ang kilay.

"N-nasaan na si Justin?"shit! It's freakin' obvious Avery that you're stammering!

Gosh!

Bakit ba nate-tense ako?

"And now you're looking for that goddamn guy?!"iritadong sambit niya. Ginulo-gulo niya ang buhok niya sa inis. Napano ba 'tong mokong na 'to?

"Who is he?"tanong niya bigla.

"Sino? Si Justin ba?"

Marahas na hinilamos niya ang palad niya sakanyang mukha at tumingin ng matiim sa akin,"And?"tumaas bigla ang boses niya kaya napaurong ako sa gulat. Bakit ba parang frustrated naman yata siya dahil nakita niya si Justin?

Oh my gosh! Baka crush na niya si Justin? Is it possible? Pero may boyfriend na yun! So it's confirm? He's a Gay! Oh I thought lalaki siya.

"He's just my friend."kaswal na sagot ko.

"Damn it! He's just your friend pero ganun ka lang manamit sa harapan niya at ayos lang sayo na makitang he's almost naked?!"he sarcastically said.

Nagseselos ba siya? Grabe pala sya mainhgit sakin dahil may full access ako para makita ang katawan ni baklang Justin nyahahaha!

"Don't worry,okay lang naman sakanya."sabi ko naman.

"Tell me,Inaakit mo ba siya?!"and this time,mas lalong tumaas ang boses niya.

Woah! Woah! Selos nga!

I cleared my throat,"Wait, just to clear things out,he's just my friend at hindi ko siya inaakit. Matagal na kaming magkasama dito sa apartment niya. At wala naman-"I was cut off when he shouted again.

"So you mean,matagal na kayong nagli-live in?!"

OA neto. Makasigaw wagas.

d-.-b

"Oo?"

He gritted his teeth,"Don't you remember that it was written on the contract that you can't have a relationship with other man until you finish your contract with me?"

Napakunot-noo naman ako dahil wala akong naaalalang kasali yun sa rules na nabanggit at nakasulat sa kontrata."Wala naman akong naaalalang kasali-"

"Just shut up!"

Bwisit 'to! Kanina pa ako sinasabat! Makapagsalita parang nanay ko.

"Pwede ba, manahimik ka nga! Wala kang dapat na ikaselos,okay?"natahimik at natigilan naman siya . Parang na-amused pa siya sa sinabi ko.

"I-i'm not Jealous!"napangisi ako dahil nabubulol pa siya sa pagsasalita. Umiwas pa siya ng tingin at biglang namula ang tenga niya. Sus!

"Kaibigan ko lang si Justin. Kung gusto mo, pwede kitang ireto sakanya kahit pa may jowa na yung tao. Kasi halata sayo na type mo yung kaibigan ko. Alam mo, akala ko talaga nung una lalaki ka.Pero wala ka nang kailangan pang itago sa akin dahil alam ko na ang pagkatao mo,Zach. At tanggap kita."nakangiting sabi ko at ni-pat ang balikat niya.

"WHAT?!!"muntik na akong mapatalon dahil sa pagsigaw niya. Tangina! Ano na naman bang problema niya?

"Do you really think that I'm a fucking gay?!"hindi makapaniwalang tanong niya. I unconciously nod. Paktay!

"Damn it! You're so unbelievable! "lalong nasira ang mood niya at tinignan ako ng masama. Parang may invisible na usok ang lumalabas sa butas ng ilong at tenga niya.

Tumayo na siya sa pagkaka-upo sa sofa at seryosong tumitig sa akin.

"Pack your things."utos niya.

Napa-What-do-you-mean-look naman ako.

"From now on, you'll be living WITH ME in my house and it's final!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro