Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Biktima Ng Karahasan

PAALA: Isa lamang itong sanaysay.

Sa lugar na aking kinagisnan natuto akong tumayo sa aking sariling mga paa. Sa murang edad ko na iyon ay marami na akong natutunan, mula sa gawaing bahay at tamang pananalita. Sinasabi nang illan na akoy swerte sapagkat ako'y hinahangaan ng mga taong malayo sa amin ngunit sa likod ng mga ngiting iyon ay may lihim akong laging tinatago at iyon ang naging dahilan kung bakit tiniis ko ang pananatili sa lugar na iyon.

Tuwing umaga ay inuutusan ako ng aking ama magluto ng agahan dahil siya ay tutungo sa aming bukirin o Oma kung tawagin ng aming tribu. Ako ay isang kalahating Bl'aan ganun din ang aking ama kung saan ako ngayon.

Bata pa lang ay iniwan na ako ng aking ina dahil may iba itong kinakasama. Ako'y nawalay sa aking kapatid dahil kami'y winatakwatak. Binigay ng aking ina ang aking kapatid sa taong hindi namin kadugo habang ako naman ay naiwan sa aking ama.

Hindi naging maganda ang pagsasama nina ina at ama. Naging dahilan iyon kung bakit kamiy din ay nawasak. Ngunit kahit na ganun man ang nangyari ay wala parin akong pinagsisisihan. Naaawa lamang, nagmukmok paminasan at iniisip ang kalagayan ng aking kapatid. Umaasa, nagbabakasali na muling magkita.

Sa buhay na mayroon ako ngayon ay marami akong naranasan. Ako'y tumigil ng isang taon sa elementarya dahil sa kakulangan ng pantustos sa pag-aaral. Ako'y nasa unang baitang at tutungo na sana sa ikalawa. Ngunit, dahil nga sa kakulangan ako'y nanatili sa paa ng aking ama.

Masunurin akong bata. Lagi akong sumusunod sa inuutos ng aking ama o sinuman aa aming lugar. Ako'y masiyahing bata, mahilig makipag-kaibigan at maglaro. Bago ako lumabas ng bahay ay ginagawa ko muna ang mga gawaing bahay dahil ayokong pagalitan ng aking ama. Kilala pa naman siyang malinis na tao sapagkat siya'y mahilig maglinis. Ayaw na ayaw niyang makitang marumi ang bahay. Siya'y nagagalit at paminsan ay pinagbuhatan ng kamay.

Isang araw, habang ako'y naglilinis sa aming bakuran biglang dumating ang aking pinsan. Inaya ako nitong maglaro kasama ang kanyang mga bagong kaibigan. Sinagot ko sila na mamaya na muna dahil may ginagawa pa ako. Papauwi na kasi si ama galing sa Oma. Ayokong magalit siya kaya isinantabi ko ang aking kagustuhang maglaro kasama ang mga kaibigan.

Sa paglilinis ay hindi ko sinadya na masangga ang termos ng aking tiyahin. Umalingawngaw ang malakas na tunog non sa sahig na naging dahilan kung bakit napalingon ang aking mga kaibigan at ganun din ang aking tiyahin. Siyang nagulat at nanlaki ang mga mata habang nasa basag na termos ang tingin. Ako'y napaatras, nanginginig sa kaba. Hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Lumapit ang aking tiyahin at kinuha ang sirang termos. Hindi niya ako pinagsalitaan o sinaktan man lang dahil ayaw niyang masangkot sa kamalasan ng buhay ko. Nang dumating ang ama ay duon ko naramdaman ang sakit ng aking katawan. Hindi lamang ako nito pinagbuhatan ng kamay kundi pinalo-palo ng kahoy sa buong katawan.

Ako'y takot na takot. Umiiyak habang nanginginig. Ako'y bata pa lamang, walang karapatang tumanggi sa karanasan na iyon. Tanging iyak lamang ang aking nagawa. Walang tumulong sa akin, walang lumapit man lang para pigilan ang aking ama. Kung saan saan ako tumakbo para lamang iwasan ang kahoy na iyon ngunit nahuhuli't nahuhuli parin ako.

Tumama ang aking paa sa isang malaking bato sa aming pinaglulutuan. Nagpasalamat ako na walang apoy roon kundi sunog ang aking dalawang paa. Hinabol at pinaghahampas parin ng ama hanggang sa napagod ito. Hindi niya ako pinagsalitaan, sinigawan. Ginamit niya ang kahoy imbes na salita para pagsabihan ako sa aking maling nagawa. Sa araw na iyon ay hindi pa ganoong strikto ang aming lugar. Kami'y naniraahan sa isang bukid na kung tawagin ay Landan. Ang mga tao roon ay normal na sa kanila ang pagdidisplina ng ganun.

Hindi lamang isang beses nangyari iyon sa akin. Hindi ko na mabilang. Tiniis ko ang lahat sa murang edad na iyon. Akala ng iba akoy swerteng bata dahil mahal ako ng ibang tao at ng aking pinakamamahal na Lolo na pumanaw na. Nang pumanaw ang Lolo, lumayo ang ina duon nagsimula ang magulo kong buhay.

Kinabukasan ay takot na takot akong lumapit sa aking ama. Ako'y nanatili sa loob ng bahay. Paminsan ay naririnig ang kasiyahan ng aking mga kaibigan. Naiinggit ako, gusto kong maranasan ang buhay na mayroon sila. Hanggang sa panaginip ko na lang ba mararanasan iyon? Hanggang kailan ako magtitiis sa ganito?

Nagbago ang pakikitungo ng aking ama sa akin. Binigyan niya ako ng pera pambili ng aking gusto. Nasiyahan ako roon, kinalimutan ang sakit na ginawa sa akin. Sa panahon na iyon ay mura pa lamang ang mga bilihin. Binigyan niya ako ng bente pesos kayat maraming pagkain ang aking nabili.

Muli na naman ay lumapit sa akin ang mga kaibigan. Kasama roon ang pinsan kong babae na mahal na mahal ng kanyang ina at hindi pinagbubuhatan ng kamay hindi tulad ko na isang maliit lamang na pagkakamali ay mararanasan ko ang kalupitan ng kamay ng aking ama.

Niyaya nila akong maligo sa sapa. Wala si ama sa mga oras na iyon kayat sumama ako sa mga kaibigan. Gusto ko rin kasi maranasan ang ginagawa nila. Bago ako umalis ay inutusan ako ng aking tiyahin na kunin ang kanyang pera sa kanilang bahay. Sinabi niya na sa loob ng kanilang kabinet ko iyon makikita. Pagkatapos ay binigay ko rin sa kanya at umalis na kasama ang mga kaibigan.

Kami'y naligo sa sapa. Tawa ng tawa, sinawalang bahala ang mga problema. Paminsan ay nagku-kuwento ang aking mga kaibigan patungkol sa kani-kanilang mga storya. Ako'y naiinggit sapagkat gusto ko ring maranasan iyon. Ang pagmamahal ng isang magulang.

Para sa aking mga kaibigan, ang pagmamahal ng magulang ay isang normal lamang na gawain ng magulang ngunit para sa akin ay makabuluhan iyon. Matagal na akong nagnanais ngunit iba ang nais ng tadhana sa akin.

Nang sumapit ang dapit hapon ay nagpasya kami na umuwi na. Medyo natagalan kami dahil sa mga lubak lubak na daan na aming tinatahak. Tawa ng tawa ang aking mga kaibigan habang nag-uusap. Paminsan ay sumasabay ako sa kanila.

Sa hindi kalayuan natanaw namin ang ina ng aking pinsan. Tinawag ng aking tiyahin ang kaniyang anak. Tumakbo ito at lumapit sa ina ganun din naman ang ginawa ng mga kaibigan namin. Dahan-dahan lamang ang aking kilos at nang tuluyan na ngang makarating ay duon nagsimula ang masaklap na aking naranasan.

Akoy inakusang magnanakaw ang aking tiyahin. Inakusahan niya akong nagnakaw ng kanyang pera. Sinagot ko siya na inutusan niya ako at binigay ko naman sa kanya iyon ngunit tumaas ang kanyang boses at akma na sana akong sasaktan nang lumapit sina Lolo at Lola kung tawagin ng kanilang apo na Mimi at Didi. Sa aming lugar, sila ang mas nakaka lamang. Sinasamba sila ng aming mga tiyahin, ginagawa ang kanilang mga utos dahil lahat ng iyon ay may kapalit na pera.

Tinanong ako nina Lolo at Lola kung saan ko raw nilagay o tinago ang pera. Sinagot ko naman na binigay ko iyon sa aking tiyahin dahil inutusan niya akong kunin iyon sa kanyang kabinet. Limang daang piso ang halaga ng pera na iyon at malaki na sa panahon na iyon.

Pinilit nila akong magsabi ng katotohanan. Ngunit pareho parin ang aking sagot. Paulit-ulit. Iyon naman ang katotohanan pero bakit ayaw nilang maniwala? Sila'y nagtulong-tulong. Binantaan pa akong babarangin kapag hindi ko sinabi sa kanila ang katotohanan. Natakot ako roon, bigla akong namutla sa kanilang banta. Sa lugar namin ay uso ang ganun, ang barang, ang aswang at si Maria Labo.

Sa sobrang takot ko ay nagawa kong magsinungaling para lamang maisalba ang aking sarili sa banta na iyon. Sinabi kong nakatago sa aking kama ang pera pero nang tingnan nila roon ay wala silang nakitang pera. Mas lalong nagalit ang aking tiyahin, kapag hindi ko na ibigay ang pera na iyon ay gagawin nila ang banta.

Muli ay nagsinungaling ako. Sinabi kong binigay ko lahat iyon sa aking mga kaibigan. Hindi naniwala sina Lolo at Lola dahil papaano ko raw mauubos ang pera na iyon sa isang araw lang? Tinanong nila ang aking mga kaibigan. Wala, hindi ang kanilang mga sagot.

Nang umuwi ang aking ama sinabi nila ang nangyari sa kanya. Isa na namang kalupitan ang aking naranasan. Nang sumapit ang kadiliman, sigaw ako ng sigaw. Humihingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Ako'y tumilapon kahit saan. Lumuhod para patigilin ang aking ama sa kanyang pananakit. Ngunit walang epekto ang awang mukha sa kanyang matigas na puso. Nanliliksik ang kanyang mga mata habang walang tigil sa paghampas ng kahoy sa akin. Umalingawngaw ang aking malakas na sigaw, sigaw na may dalang hirap, pagod at sakit. Nagmamakaawa ako pero bakit? Napapatanong ako sa aking sarili na, anak mo naman ako, ama. Bakit mas pinaniniwalaan mo pa ang mga taong iyon kaysa sa akin? Natatakot ka ba na saktan ng mga iyon dahil mapera sila? Katanungan na kailan man ay hindi lalabas sa aking kaawa-awang bibig.

Kinaumagahan ay puno ng pasa ang aking katawan. Umiiwas sa mga kaibigan at sa mga taong nadadaan ko. Kitang-kita ko sa kanilang mga mata ang takot at awa sa aking sinapit. Walang ginawa kundi manahimik at gawing musika ang aking hiyaw.

Pinuntahan namin ang malaking bahay ng aking Lola at Lolo. Umiyak roon ang aking ama habang humihingi ng pasensya sa ginawa ko. Hindi ko mapigilang hindi masaktan. Bakit ka humihingi ng tawad sa kanila? Bakit ka naaawa sa kanila, ama. Ako? Hindi ka ba naaawa sa ginawa mong kalupitan aa akin? Palihim kong pinunasan ang aking mga luha.

Ako'y lubos na nasaktan. Hindi maibuka ang bibig habang nakayuko. Hindi matingnan ng deretso ang mga taong tingin sa akin ay isang magnanakaw.

Hindi hinintay ni ama ang umaga. Nagdesisyon siyang ibigay ako sa aking ina na ngayo'y may kinakasamang iba. Hindi ko al kung matutuwa ba ako dahil uuwi ako sa aking ina. Ito na ba ang kalayaan na gusto ko? Ito na ba ang tamang panahon na akoy makalaya sa kalupitan ng aking ama?

Buong akala lamang iyon.

Habang nasa sasakyan kami ng aking ama. Wala akong imik. Ramdam na ramdam ko parin ang hapdi ng aking mga sugat ngunit tila wala lamang sa aking ama iyon. Nang makarating kami ay nakita ko ang aking ina, nakasuot ng maiksing short at halos kitang damit pang-itaas.

Ito na ba ang aking ina?

Nang masilayan ang aking ina ay natuwa ako. Sa wakas nasilayan ko na ang aking ina. Niyakap ako nito, hindi ko mapigilan ang sariling emosyon. Ako'y napaiyak sa kanyang beywang.

Nag-usap muna sila sandali ng aking ama pagkatapos ay walang paalam-alam sa aking umalis ang ama. Hindi na rin ako nakapag-paalam dahil masama ang aking loob sa kanya. Dinibdib ko ang takot at galit sa aking puso. Pinapangako ko na hindi ako babalik sa lugar na iyon na walang hawak na diploma sa aking kamay.

Naging matiwasay naman ang aking buhay sa aking ina. Mabait ang kanyang nobyo, pinag-aral niya ako at binuhay kami ng aking ina. Naging malapit ang aking loob sa nobyo ng aking ina. Lagi ako nitong binibilhan ng mga gamit at laruan. Akoy natutuwa dahil naranasan ko ang matagal ko nang gusto nung nasa poder pa ako ng aking ama.

Nagtratrabaho ang aking ina sa isang bokohan habang ang kanyang nobyo naman ay kakatapos lang sa kursong nurse.

Nagdaan ang ilang taon. Akoy nasa ikaanim na baitang ngayon sa elementarya. Sa gantong edad ay marami akong naging kaibigan at karamay. Akoy mahal na mahal ng aking ina. Paminsan ay pinapalo ako dahil sa katigasan ng ulo, tinanggap ko iyon dahil sinadya ko naman.

Natuto akong magsulat ng mga kwento nung tumuntong ako ng grade 8 o pitong baitang sa hayskul. Para sa akin ay pampalipas oras ko lamang ang pagsusulat ng mga kuwento sa wattpad. Ang aking mga sinusulat ay hango lamang sa aking imahenasyon. Nalibang ako sa aking ginagawa, paminsan ay pinupuri ng mga kaklase dahil sa aking galing sa pagsusulat ng kuwento.

Ang una kong inathalang kuwento ay Pregnant By A Mafia. Tungkol ito sa mga babaeng maagang nabuntis at maaga ring iniwan ng mga asawa. Ito ay hango rin naman sa totoong buhay ngunit hindi lahat. Nasiyahan ako nang makitang maraming bumabasa sa aking mga nagawang kuwento.

Umabot ng isang daan ang aking followers sa wattpad at nagtamo ng maraming mambabasa sa bawat kuwento. Sa panahon na iyon ay labis ang aking tuwa.

Hindi ko sinabi sa aking ina na nagsusulat ako ng mga kuwento dahil paniguradong wala siyang sasabihin. Hindi naman siya interestedo sa mga ganung bagay kaya pinili kong itago na lamang sa aking sarili.

Akala ko tuluyan na ngang nagbago ang aking buhay. Akala ko magiging tahimik na ako sa poder ng aking ina ngunit akala ko lang pala iyon.

Gabi. Nag-iinuman ang mga kaibigan nina ina kasama ang kanyang nobyo. Humiga ako sa aking higaan sa sahig habang sina ina naman ay sa ibabaw ng kama.

Nang nagsiuwian na ang mga kaibigan nila ay pumasok na si ina at kanyang nobyo upang magpahinga. Pinikit ko ang aking mga mata habang mahigpit na hawak ang manipis na kumot na hanggang beywang ko lamang. Nilalamig ako pero sinawalang bahala ko iyon.

Nagising ako nang may maramdaman akong gumagapang sa aking binti. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at gumalaw, roon nakita ko ang nobyo ni ina. Mabilis na umalis sa aking paanan at kunwaring nagtatapon ng basura sa aming pintuan.

Akoy natakot. Mulat na mulat ang aking mga mata. Hindi kaagad makatulog sa nasaksihan. Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko parin ang kanyang magspang na kamay sa aking binti.

Pagkatapos niyang umaktong nagtatapon ay umakyat siya sa kama at pumikit. Nilingon ko ang aking inang mahimbing na natutulog. Wala siyang kaalam-alam sa nangyayari. Kakagising ko lang at maaaring namamalikmata lamang ako ngunit nagdaan ang ilang araw ay mas naramdaman ko ang kanyang haplos sa buong parte ng aking katawan.

Akoy hindi mapakali, akoy natatakot gustong sumigaw ngunit inaalala ang aking ina. Sinubukan kong isumbong iyon sa aking ina ngunit hindi siya naniwala. Sinabi niya sa akin na gumising daw talaga ang kanyang nobyo para magkape.

Nasaktan ako dahil hindi siya naniwala sa akin. Para bang nanumbalik ang aking naranasan noon sa aking ama. Ang kanyang kalupitan, ang kanyang walang tiwala. Sinawalang bahala ko muli iyon. Tinanggap ko ang sinabi ni ina na hindi magagawa iyon ng kanyang nobyo sa akin.

Ngayon pa raw talaga nangyari na malaki na ako? Hindi ako makapaniwala sa tanong na iyon. Tila akoy pinagtaksilan ng aking sariling ina.

Akala ko ay titigil na ang lalaking iyon sa kanyang ginagawa. Akala ko ay guni guni ko na naman ito ngunit nasaksihan ko na naman ang kanyang kamanyakan.

Pilit kong tinatago ang aking beywang aa loob ng upuan upang hindi niya mahawakan ang parteng iyon. Nanginginig ang aking mga binti habang pilit pinipikit ang mga mata. Naramdaman ko ang kanyang mainit na katawan sa aking harapan, pilit inaabot ang aking mukha. Simula nun ay hindi na ako makatulog ng maayos.

Hindi na muling nakapagsulat ng mga kuwento sa wattpad. Lutang ang isip sa paaralan, bumaba ang mga grado at paminsan ay hindi makakasagot sa mga tanong. Kapag uuwi ng bahay ay pilit kong iniiwasan ang tingin ng nobyo ni ina. Kitang-kita ko ang sensiridad sa kanyang dalawang mata. Nangigigil ang aking dalawang kamao.

Tumuntong ako ng Senior High School ay wala paring pinagbago. Mas lalo lamang lumala nung umalis ang aking ina. Lumuwas ng ibang bansa para roon magtrabaho. Sa pagkakataon na iyon ay ilang oras na lang ang aking tulog.

Gabi-gabi ako'y nakakaramdam ng karahasan. Haplos na minsa'y hindi ko mararamdaman. Tinago ko ang lahat ng iyon mula sa aking ina. Hindi na muling sumubok pang sumumbong dahil alam kong hindi siya maniniwala sa akin.

Hindi lamang ako nito hinapalos tuwing gabi. Paminsan ay sinisilipan ako habang naliligo at habang nagbibihis. Gusto kong lumayas, gusto kong umalis sa bahay na iyon ngunit natatakot ako. Ayaw kong masaktan ang aking ina.

Ayaw kong tumigil sa pag-aaral. Kahit na ganun ang aking naranasan ay pinagpatuloy ko parin ang aking pag-aaral. Sinasawalang bahala ang pangyayaring kabastusan na iyon. Babae lamang ako, anong laban ko sa taong iyon? Kapag ako'y nanlaban siguradong wala na akong matang imumulat kinaumagahan.

Nagpapasalamat parin ako dahil sa kabila nun ay nakakuha parin ako ng mataas na marka sa pag-aaral. Hindi ko ginawang hadlang iyong karahasan na iyon para tumigil sa pag-aaral. Hindi ko hinayaang makakaapekto iyon sa akin.

Muli ay ginawa niya na naman. Sa edad kong labing walo doon ako naglakas loob na sabihin sa aking mga kaibigan ang nag-iisa kong sekreto at iyon ay ang karahasang naranasan ko sa nobyo ng aking ina.

Nandiriri ako sa aking pagkatao. Diring-diri na animoy ginalaw talaga pero walang ganun na nangyari. Tanging hipo lamang ang kanyang nagawa sa akin. Hindi nahawakan ang parteng lagi kong tinatago sa loob ng upuan.

Nang marinig ng mga kaibigan ko ang buong storya ay namuo ang galit sa kanilang mata. Sinabi ko sa kanila na hindi ko masabi-sabi iyon sa aking ina dahil hindi iyon maniniwala sa akin. Pero tinulak padin nila ako.

Gumawa sila ng group chat sa messenger at duon nag-usap. Nang makita ko ang reaksyon ng aking ina, akoy napaiyak. Humagolgol ako habang sinasabi sa aking ina ang totoong nangyari. Siya'y naawa at gustong umuwi ngunit hindi siya makakaalis.

Tanging iyak lamang ang kanyang nagawa. Wala na eh, nagawa niya na ang nakaladiring galaw na iyon. Hindi lamang ako naging biktima ng kalupitan ng aking ama kundi naging biktima rin ng karahasan ng nobyo ni ina.

Hindi ko makakalimutan ang mga araw na iyon. Habang hila ang aking maleta, walang emosyon ang mukhang lumayo sa lugar na aking kinalakihan. Ako parin ay nagpapasalamat dahil pinag-aral niya ako at binuhay kaming dalawa ng aking ina ngunit sa pagkakamaling iyon ay naging dahilan nang hiwalan nilang dalawa.

Iniwan siya ng aking ina habang ako naman ay lumayo sa lugar na iyon. Hindi na muling bumalik pa. Tinulungan kami na lumayo sa taong iyon. Inurong ang kaso at hinayaan na lamang. Paminsan ay naririnig ko sa mga kaibigan na ang kanyang pagsisisi sa nagawa dahil gaya ko rin ay naging kasama rin namin sa mga gala ang taong iyon. Siya'y naging sasakyan namin tungo sa aming mga lugar na pinupuntahan. Gaya ng sabi ko ay kahit na gaano man kabait ang tao ay gagawa at gagawa parin iyan ng ikakasira niya.

Minsan ay nakikita ko siyang namamasahero. Ilang buwan akong nanahimik ay medyo gumaan na ang pakiramdam. Kapag nakikita siya hindi ko nililingon. Hinayaan, kapag may ginawa siyang masama muli ay hindi na ako magdadalawang isip na ipakulong siya. Marami pa naman akong witness at sigurado akong makukulong siya sa ginawa niyang karahasan.

Nagsimula muli ang aking buhay. Ngayon ay nasa kolehiyo na ako. Isa na naman itong paninagong buhay, pagsubok para sa akin. Sa mga karanasan na iyon ay marami akong natutunan. Hindi lahat ng taong nakapaligid sayo o kadugo mo pa naman ay mabuting ugaliing maging mapili o matalino sa mga taong gusto mong lapitan. Isa na rin duon ang sarili ko. Tanging ang sarili ko lamang ang maasahan ko.

Bawat pagsubok na iyon ay kinaya ng aking sarili. Hindi ako nito binigyan ng mga negatibong pag-iisip. Nagpatuloy parin ako, nilalaban ang hamon ng buhay. Hindi ako swerteng bata o tao. Nasa iyo na lamang iyon kung hahayaan mo ang sariling mong sakupin ng kamalasan.

Hinarap ko ang puting white board sa aking harapan. Maraming mga nakapilang mga estudyante ngayon sa aming building dahil araw ng enrollment. Nasa huling linya ako kaya mamaya pa ako makakaalis. Gusto ko sanang umuwi ng maaga dahil may naghihintay sa akin aa bahay. Iyon ang taong matagal na akong hinintay.

Ang taong lakas loob labanan ang hamon ko sa buhay. Sinabi ko sa kanya ang totoong ganap sa buhay ko. Akala ko mandiriri siya sa akin, matatakot at aalis ngunit nanatili siya. Tinanggap niya ang nakaraan ko, tanggap niya kung anuman ako ngayon.

Nagpapasalamat ako sa diyos dahil sa kabila ng mga sakit, sugat at pang-aapi ay hindi ako nito hinayaan. Binigyan parin ako ng lakas loob na lumaban at umalis sa magulong nakaraan na iyon.

Marami akong natamong peklat sa aking kamay at likod. Natamo ko iyon sa aking ama, sa kanyang pamalong kahoy at sa kanyang kamay. Kahit na may malaki akong galit sa puso ay ama ko parin siya. Tanggap ko naman ang lahat. Hindi ko lang talaga makakalimutan ang nangyari. Sa tuwing naririnig ko mula sa isa kong kaklase ang salitang 'Landan' ay natatahimik ako. Naalala ang alaalang batang sinasabihan na swerte.

Maswerte parin ba ako sa ngayon?

Masaya na ako ngayon. Kung babalik man muli ako sa lugar na iyon? Hindi na nakakaawa kong mukha ang dala ko. Isang diploma na maging proweba na kahit wala ka ay kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa. Hindi ako magpapaalipin sa mga mabibigat mong mga kamay at sa tingin ng mga taong mapanghusga.

Ako'y inakusaang magnanakaw noon. Iyon ang huling memorya ko sa lugar na iyon. Naging dahilan iyon ng pagkasira ng aking pagkatao. Babalik ako at itatama ko ang pagkakamali na iyon. Hindi ako magnanakaw. Masunurin lamang ako. Hindi ko inakalang sa sobrang kabaitan ko aabusin ako ng sarili kong kadugo.

Masakit man ay ganun talaga. Sa panahon na iyon, wala akong magagawa. Gaya ko rin ay kapos din sila sa pera. Kung anuman ang alitan na iyon at pipilitin kong isantabi. Nagpapatawad ako pero hindi nakakalimot.

***

This my own story in real life. I published here so that everyone can read my whole story. I know anyone has its own story to tell so here's mine. Wala lang, trip ko lang hehe. Baka meron lang makaka-relate sa mga naranasan ko noon. Ibinahagi ko ito hindi dahil storya lang, ibinahagi ko ito dahil dito malalaman niyong kahit gaano man kahirap ang buhay ay mayroon pading ilaw tungo sa kaginhawaan

Thank you! Happy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro