Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Hara's POV

Nung iwan ako ng Bail na 'yun. Kailan kaya ulit kami magkikita? Litse! Muntik na akong mabaliw sa kagwapuhan ng mokong na 'yun. 'Yung mission ko. Ano nga ulit 'yun? Nasaan na ba si Madonna?

Sino nga ulit 'yung kukuhanan namin ng information? Sino ba 'yun? Dahil sa lalaking 'yun nawala tuloy ako sa totoong mission ko dito sa funyum club na 'to. Hay nako! Nagiging makalimutin yata ako dahil sa lalaking 'yun. Argh! Bwisit!

Lumingon ako sa mga nagsasayaw ay nakita ko si Madonna na may kausap na lalaki. Litse! Isa pa ang babaeng 'to. Mapuntahan nga muna.

Habang naglalakad ako patungo sa kinaruruonan nila Madonna. Ay may biglang humawak sa kamay ko at iginiya niya ako sa dance floor. Anong meron? Sino naman ito?

Gwapo din siya. Pero, mas lamang lang ng konti 'yung lalaking umakbay sa akin kanina. litse! Bakit siya na lang palagi ang nasa isip ko?

"Miss alam kong Gwapo ako. Sabi ng nanay ko." sabi niya habang hawak niya ang baywang ko. Bigla niyang hinawakan ang magkabila kong kamay at nilagay iyon sa leeg niya.

Okay! Tapos anong gagawin niya? Hindi ako marunong sumayaw. Siguro. Paano ba? Sumunod na lang ako sa kaniya. Dahan-dahan siyang sumayaw. Sumunod lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung  bakit? Ah basta! Sinusundan ko lang ang galaw ng paa niya. Hindi ko alam kung paano ko nagawa. Pero, nakakasabay ako sa mga galaw niya.

"Pwede bang malaman ang pangalan mo miss?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako. Sasabihin ko ba or hindi? Mas maganda kung hindi ko na lang sabihin kasi, baka ewan!

Bigla na lang niyang akong niyakap Habang nagsasayaw kami. Okay! Mukhang iba na 'to? Sipain ko kaya ang kaniyang down there? Huwag! If I do that, we can cause so much attention to others and I don't like it.

********

Bail's POV

Nang iwan ko ang babaeng inakbayan ko kanina. Hinanap ko si Loki at yung pakay ko din nawawala. Nasaan na ba ang mokong na 'yun? Para siyang bula na bigla na lang naglalaho. Makikita ko din 'yun. Hahanapin ko muna si Loki. Isa pa ang gagong 'yun. Mapapatay ko din 'yun. Habang nagpalinga-linga ako ay nakita ko ang babaeng naglalakad patungo sa isang babaeng may kausap din na lalaki. Ayon ang mokong kong Kaibigan. Nakikipag-usap sa mga chicks! Ay! Tama ba 'yung sinabi ko? Chicks? Parang sisiw or should I say sisiw talaga. Haha para kasi siyang sisiw na iniwan ng mama niya. Si Loki, ayon. Naiirita na. Tiningnan ko muli 'yung babae. Nakita ko siya sa may dance floor na may kasayaw na.

Hmpf! Marunong pala siyang sumayaw? Ngayon ko lang nalaman. Kaya lang, bigla na lang siyang yakapin ng kasayaw niya. Anong meron? Bakit bigla na lang siyang yakapin ng mokong na 'yun?

Mapuntahan nga. Bigla ko na lang hinawakan ang kamay nung babae na nakahawak na ngayon sa likod ng lalaki. Nung makarating ako sa pwesto nilang dalawa.  Nag-eenjoy pa siya? Natigilan  silang dalawa dahil sa ginawa ko. Agad kong hinubad ang suot kong coat at ibinigay ko sa babae. "Aanhin ko 'to?" tanong niya sa akin.

"Malamang gamitin mo. Tanga naman nito." sabi ko sa kaniya. 

"Hoy! Sino ka ba?" tanong nung lalaki. Nang tingnan ko. Oh! What's this? Hay! Ayan na pala eh. Tapusin ko kaya ang buhay niya ngayon din. Huwag na pala! Baka magkagulo dito. Hmf! Nakita ko siya kanina. Pero, bigla kasi siyang nawala. I smirk kung sino ang kaharap ko. 'Yung lalaking pakay ko. Patayin ko na lang kaya 'to diretso. Ay huwag! Gusto ko pa ng information.

Gaano kaya ito kalakas? Mas gwapo pa din ako sa kaniya noh! Balita ko kasi siya ang susunod kong kalaban sa UF. Bakit ba magkasama sila ng babaeng tanga na'to? Pero, maganda siya. Litse!

Barilin ko 'to eh. Makasulyap sa babae Wagas kala niya diko nakikita? Dukutin ko kaya mata niya. Para wala na siyang mata. Huwag muna. May laban pa kami sa UF. Masiyado pang maaga. Kailangan ko pa siya. Pati ang company niya. No matter what.

Continuation of chapter 9

Sahara's POV

Bakit niya ako binigyan ng coat? Ginamit ko kaagad. Litse! 'Yung puso ko ang lakas ng kabog. Nakipagtitigan 'yung lalaking umakbay sa akin duon sa lalaking kasayaw ko.

Tumingin si Bail sa akin at kinindatan ako. Akma siyang susuntukin nung lalaking kasayaw ko pero, naunahan na siya ni Bail. Ngumiti ako ng lihim. Ako naman Hindi alam ang gagawin ko. Gusto kong sumigaw pero, hindi ko magawa. Gusto kong lumapit sa kaniya pero, nanigas ako sa kinatatayuan ko. Anong nangyayari?

Bigla silang tumigil nang may pumagit sa kanilang mga guard. Hay salamat! Nakahinga ako ng malalim dun ah. Nilapitan ko si Bail at agad kong pinunasan ang kaniyang labi na dumugo. Natamaan pala siya. Nang tingnan ko ang mata niya umiwas agad siya ng tingin.

Bakit? May dumi ba ako sa mukha? Anong meron. Nang tingnan ko ang suot ko. Halos lumuwa na pala ang dibdib ko. Kaya pala hindi siya makatingin ng deritso sa akin. Agad ko itong tinakpan gamit ang coat na bigay niya.

Litse! Uminit ang mukha ko dahil sa nangyari. Siya naman ay ngumisi ng nakakaloko.

Patay! 'Yung mission ko nakalimutan ko na. Paano na 'yan? Kailangan ko ng umalis dito at hanapin ang babaeng 'yun. Para makakuha ng information.

Pero, mukhang hindi ko magagawa kong kasama ko si Bail. Ang Gwapo litse! Ang labi akin na halikan kita diyan eh. "Hai." bati ko.

"Hello." Bati niya pabalik. Ngumiti siya sa akin. Mas lalo siyang naging pogi. "Bakit ka namumula?" tanong niya. Ano daw sabi niya?

"H-hah? Ah! Wala." sabi ko sabay yuko. Nakakahiya.

"Why are you stuttering?"

"W-wala n-naman." litse! Nauutal pa din ako.

"See." Sabi niya at bigla na lang niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Ako naman nanigas sa kinatatayuan ngayon.

Kanina pa talaga ako naninigas.

Umatras ako para lumayo ulit ang mga mukha namin. Pero, bigla na lang niya  hinapit  ang baywang ko at hinalikan ako sa labi.

Hindi ko alam pero, sumasabay na ako sa mga halik niya sa akin. Bigla ko siyang tinulak nung naramdaman ko na naging mapusok siya sa mga halik niya sa akin.

"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang halik ko?" tanong niya. Anong hindi? Pwedeng isa? (Hoy! Hara! Hindi ka pumunta dito para maglandi!) Litse na konsensiya! Imbis na sagotin ang tanong niya ay tumalikod na ako at dali-daling tinungo ang CR. Nasaan na ba ang CR dito?

Shit! Nakakaloka! Hinalikan niya ako! Hinalikan niya ako. Ngumiti ako habang hinahanap ang CR. "Ah! Kuya! Saan po ang CR dito?" tanong ko kay kuyang guard nung makasalubong ko siya.

"Diyan lang po. Malapit na kayo. Go straight and then turn right." tumango ako. With hand gesture pa yan ah.

"Salamat kuya." sabi ko at agad na tinungo ang CR.

Nang makarating ako ay agad akong pumasok. Oh! To my surprise. Ito na pala yung babaeng sinasabi sa akin ni Madonna.

"Hai." bati ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa salamin at ngumiti sa akin.

"Hello." bati niya ulit. Hindi ko na kayang magpakahirap pa para makakuha ng information.

"Can we be friends?" sabay lahad ko ng kamay. Mukhang mabait naman siya eh.

"Yes, of course." sagot niya sabay  harap sa akin at tanggap sa kamay ko na nakalahad. Ang lapad naman ng ngiti niya. Nang bitawan na niya ang kamay ko ay napansin ko na malambot ito.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"Selene." sagot niya.

"Anong ginagawa mo dito? Ang ganda mo." sabi ko sa kaniya with matching smiles in my face.

"Ah. Kasama ko kasi si Mr. Roque." Tumango ako.

"Anong trabaho mo?"

"I am his assistant secretary." sabi niya.

"Saan ang bahay niya? Pwede ba akong mag-aply? May vacant pa ba kayo?" tanong ko. Pero, ang totoo niyan ay wala akong balak noh! Hindi pa ako hibang.

"Sige. Try ko. Mukhang mabait ka naman eh." sabi niya at nagpaalam sa akin. Hindi man lang niya tinanong sa akin ang pangalan ko.

Nang bumukas ulit ang pinto. Nakita ko siya. "Ano pangalan mo?" tanong niya.

"Hara." sagot ko in chorus.

"Okay. See you around Hara." sabi niya at tuluyan ng nawala. I check all the cubicles if may tao. Wala naman. Kaya humarap na ako sa salamin at sumigaw.

"Ah!"

"Ah!" hinalikan niya ako.

Jusko! Kinikilig ako!

Dugtong ni Claveria20

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro