Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

"Kuya matagal pa ba yan?"
Tinig na umagaw ng kanyang pansin.

"Kaye, mamaya mo na lang kulitin si kuya may ginagawa pa ako." Sigaw ni Tyron sa kapatid habang wala siyang tigil sa pagtipa sa kanyang kaharap na laptop.

Katatapos niya lang maka-usap si Dom, tungkol sa isa sa mga hinala niyang namamahala ng underground kung saan namatay ang kaibigan nito.

Hindi niya maiwasang humanga sa kanyang sarili dahil kahit papano ay makakabayad na siya sa kanyang kapatid na si Hara. Oo, makakabayad siya dito sa kadahilanang malapit na nitong makita si Bail Hamilton. Nasisiguro niyang isusubo ni Dom ang kanyang kapatid para maging mata nito sa lalaki. Isusubo nitong magtrabaho ang kanyang kapatid sa Hamilton's Corporation nasisiguro niya yan.

Itinigil niya ang ginagawa at napasulyap sa orasang nakabitin sa dingding. Pasado alas nueve na ng umaga at walang pasok ang bunso nila, kaya siya nito kinukulit. Tumayo siya mula sa pagakaka-upo at nag-inat-inat. Binasa ang nasa monitor ng kanyang laptop at napangisi. Hamilton's Corporation ang kumpanyang minana ni Bail Hamilton sa mga magulang nito. Front lamang ito ng negosyo nito, pero ang totoo ay si Bail Hamilton pa din ang nagmamay-ari ng A.W.C. Natuklasan niya iyon dahil sa kagustuhan niyang malaman.Dahil hindi ka mabubuhay kong wala kang diskarte sa buhay. Iyan ang isa sa mga pinaniniwalaan niya.

Malaki na ang naitulong ni Dom sa pamilya nila, pero hindi niya alam kung anong buhay ba ang nilalasap ng kanyang kapatid sa mga kamay nito. Kung siya ay sinugo nito sa underground para makipagbakabakan sa mga taong hindi niya kilala ay paano pa kaya ang kanyang kapatid.

Oo, siya ang nakikipaglaban para sa kumpanya ni Dom, siya ang nakakatikim ng sipa,suntok at pasilip kay kamatayan alang-alang sa mahihita din niyang kumisyon. Lahat ng bagay ay may kapalit at kung hindi ka marunong maglaro ay matatalo ka.

Siya ang mata ni Dom sa underground at ang kaninang ginagawa niya ay isa sa mga bagay na wala itong alam. Unti-unti niya lang namang pinapasok ang system na nakakabit sa underground upang malaman niya kung sino ang nag mamay-ari nito, kung sino ang mga taong nakapaligid dito at ang mga binanggit niya kay Dom sa kanyang tawag ay mga hula lamang niya.Hindi pa niya nabibigyan ng katwiran pero hindi masamang maghinala lalo na kung may posibilidad.

                            ****

Kinalabit ni Loki ang nag-iisip na lalaking nakasandal sa motor nito.

Lumigon ito sa kanya at ini-angat ang shade nitong tumatakip sa kulay asul nitong mga mata.

Napangisi siya kasabay ng pagkanta ng bahay kubo.

"Loki! Tumino ka nga!" Singhal nito kasabay ng pag-irap nito sa kanya.

"Bakit Bail? Nawawalan na ba ng ilaw ang mga mata mo?" Pasaway na ika niya sabay turo sa babaeng nakatayo mula sa entrada ng club na kinaroroonan nila.

Tinitigan siya ni Bail kasabay ng paglingon nito sa tinuro niya at maya-maya lang ay umayos ng tayo at pinagpag ang lucky charm nito.

Tinapik siya ni Bail sa pisnge niya, pero kusang tumulis ang nguso niya. "Tarantado ka Loki." Anitong natawa sa inasta niya.

"Bakit ayaw mo ng goodluck kiss?" Sagot niya dito at inilapit ang mukha kay Bail.

Natawa siya ng makita niya ang pandidiri ni Bail sa kanyang inasta.

"Naku Bail, hindi pa ako nasisiraan ng bait para magkagusto sayo." Natawang ika niya na ikina-asim nito ng mukha.

"Tabi ka nga Loki at may gagawin ako." Maangas na ika nito sa kanya na ikinatabi niya.

"Bail, huwag mong kalimutan mas gwapo ako sayo."  Muli ay babala niya sa lalaki na nagflying kiss sa kanya.

Napangisi siya at sumandal sa motor ni Bail. Operation on going na naman ang mission nila ni Bail. Makakapasok na ito sa funyum at makikita ang pakay nila.

                           ***

Iniangat ni Bail ang kanyang braso at tumingin sa kanyang hightech na relo. Alas tres imponto. Mas binilisan niya ang paglalakad para mahabol ang babaeng gagamitin niya para makapasok at sa muntik na pag-atras ng babae ay pinatong na niya ang kanyang braso sa balikat ng babae.

"Pwede na ba kaming pumasok?" Swabeng ika niya, na ikinalingon ng babae sa kanya.

"Sorry sweetheart na late ako." Sunod pang aniya kasabay ng pagkindat niya sa babaeng tila pamilyar ang mga mata. Hindi niya masabi pero parang nakaharap na niya ito.

Sumenyas ang gwardiya na maari na silang pumasok dahilan ng paghila niya sa babaeng kasama para makapasok sa naturang club. Dumeretsiyo sila sa may bar dahil pakiramdam niya ay kailangan muna niyang magmanman.

"Two Carlo Rossi." Aniya sa lalaking nakatingin sa kanila ng babaeng kasama niya at tinanggal na niya ang brasong naka-akbay sa babae.

Inabutan niya ng baso ang babaeng kasama niya na hanggang ngayon ay naglalaway sa kagwapohan niya. Kapag wala lang siyang misyon naku papatusin niya ang magandang dilag sa harapan niya. Sayang lang at may kailangan pang gawin ang pinaglalawayan ng babae. Syempre sa gwapo ba naman niya tiyak niya na nahuhulog na ang panty ng kasama niya.

"Tama na ang titig Miss, alam ko ng gwapo ako." Hindi napigilang ika niya na nagpa-awang sa labi ng babae. Infairness kissable lips ang babaeng nadukot niya sa labas.

Napangisi ang babae  na tila pamilyar sa kanya. Teka nga lang saan nga ba niya nakaharap ito. Tsk! Wrong move sweetheart, sigaw ng isipan niya ng mapansin niya ang balak ng babae. 

Agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ng babae dahil sa astang pagpapaligo nito sa kanya ng inalok niyang wine.

"Let me remind you Miss." Ika niya na nagpatabingi ng ngisi ng babaeng kasama niya.

"Hindi masarap maligo ng wine, mas masarap itong inumin." Ika niya at dahan-dahan niyang i-tinatapat ang basong hawak ng babae sa naka-awang nitong labi.

Muling kumislap ang mga mata niya sa galaw ng babae. Pamilyar sa kanya ang sout nitong boots kaya ng pumadyak ito ng dalawang beses ay alam na niyang may lalabas mula doon.

Agad niyang binitawan ang kamay ng babae at itinaas ang kanyang mga kamay at napatawa sa ka-astigan ng kasama niyang babae. Ang akala niyang simpleng babae ay unti-unting nahuhubad ang maskara. So, ito pala ang babaeng ninakawan niya noon. Ang babaeng ninakawan niya ng moireloiz red diamond, amazing, ngayon niya nasisigurado na hindi pa ito ang huling paghaharap nila.

"Duwag." Nang-iinsultong ika nito sa kanya pagkatapos ay pinagtawan pa siya nito.

Pwes! Wrong move again sweethert. Masyado ka ng nawiwili sa pagtitig sa kagwapuhan ko. Sa isang kisipmata ay lumundag siya gamit ang sapatos na sout niya ngayon. Isang sapatos na kapag tumalon ka ay para ka ng lumipad dahil sa taas na kaya nitong gawin, depende sa talong ginawa mo.

Natigil sa pagtawa ang babae at alam niya sa kanyang sarili na hinahanap agad nito ang kwapohan niya. Ibang klase ka talaga Bail. Ang tinik mo sa chicks! Sigaw ng isipan niya dahilan ng pagdampi niya ng halik sa pisnge ng babaeng nakatalikod sa kanya.

"My name is Bail." Bulong niya sa likuran ng babae na lumiyad sa pagkagulat.

Wala ng oras pa, gustuhin man niyang makipaglandian pa pero nakikita na ng mga mata niya ang totoong pakay niya.

Its now or never, Bail. Move!

Dugtong ni kushikimika_03

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro