Chapter 6
Napamura ng malutong si Dom pagkatapos niyang binalibag ang pintuan ng kwartong inuukopa ni Hara. Isang masamang balita ang umabot sa kanya, ang nag-iisang tinuring niya bilang kaibigan ay patay na.
Si Clark Tan, isa sa mga taong tumulong sa kanyang negosyo upang mas lalong umusbong ito. Nanggigil siya sa galit kaya muli siyang napamura sa kausap.
"Putang ina! Sinong gago ang pumatay sa kanya!" Malakas na sigaw niya sa kanyang kausap.
"Codename Hail." Tipid na sagot sa kanya ng kausap niya.
Naantala ang sarap na binibigay sa kanya ni Hara dahil sa balitang hindi niya matanggap. Pinatay ang kaibigan niya ng may alyas na Hail. Ayaw man niyang mabitin sa dinudulot na kiliti na ibinibigay ng pagsubo ni Hara sa kanyang alaga ay kailangan niyang maka-usap ng matino ang tumawag sa kanya.
Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga bitweng nagniningning sa kalangitan. "Sino ang nasa likod ng alyas na iyan?" Muli ay tanong niya sa tumawag sa kanya.
"Walang nakaka-alam boss, natatakpan ang kanyang mukha ng isang maskara at tangging mga itim lamang nitong mga mata ang nakikita." Sagot ng kanyang kausap.
"Bullshit! Paano ko ma-ipaghihiganti si Clark, sa taong nagtatago sa isang maskara!" Galit na muling tanong niya.
"Iisang paraan lang ang nasa isipan ko Boss." Kumpyansa sa sariling sagot ng kanyang kausap.
"Ano?" Naintriga ding tanong niya at sinindihan ang yosing nakita niyang nakalapag sa may mesa.
"Si Bail Hamilton." Agad na sagot nito na nagpakunot ng kanyang kilay.
"Pardon?" Hingging paumanhin niya kasabay ng kanyang pag-upo sa silyang nasa tabi.
"Bail Hamilton, Boss." Ulit nito.
"Paki-ulit!" Muling aniya at nagbuga ng usok.
"Bail Hamilton, Boss." Nairita na atang sagot ng kanyang kausap. Hanggang sa unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
"Ano ang maitutulong niya?" Interesadong tanong niya at muling hinithit ang yosing hawak.
"Sa pagkaka-alam ko ay isa siya sa mga nagpapatakbo ng Underground Fight." Ma-ingat na sagot nito sa kanya.
"Paano ka nakakasigurado?" Seryosong tanong niya.
"Aragon Weapon's Corporation is one of the most famous company here in the Philippines. Ang kumpanyang ito ang naglalabas ng mga armas na dekalidad at natatangi sa ating bansa. Ang kumpanyang pagmamay-ari ni Bail Hamilton na siyang pinaghihinalaan kong pinagkukunan ng Underground ng mga armas na proprotekta sa siguridad nito." Mahabang paliwanag ng kanyang kausap.
"Kung ganon ay ito ba ang dahilan kong bakit hindi nahuhuli ng batas ang mga katarantaduhang nagaganap sa loob?" Muli ay interesanteng tanong niya.
"Maaring Boss, pero sa pagkaka-alam ko ay nakakonekta din ito sa isa pang namamalakad ng Underground. Ang balita ko ay isa itong pulis na may alyas na K.O." Muli ay imporma nito.
Bilib na siya sa alaga niya. Madami na itong natutuklasan sa loob ng Underground. "K.O?" Muling ulit niya.
"Yes Boss, Kaiser Ortiz, Kyle Ofiaza o di kaya'y Kristoff Osmenia. Sila ang mga isa sa mga hula ko boss, pero walang kasiguraduhan." Muli ay ika nito na nagpangiti sa kanya.
"At si Bail Hamilton, anong alyas ang gamit nito sa Underground?" Muli ay tanong niya.
Tumikhim ang kausap niya.
"Sa pakiwari ko ay hindi siya kabilang sa mga manlalaro Boss, dahil wala ang kanyang kumpanya sa mga na-isasanlang paglalabanan." Sagot ng kausap niya na ikinakislap ng kanyang mga mata kasabay ng pagpatay niya ng kanyang cellphone.
Agad siyang tumayo mula sa pagkaka-upo at idinikdik ang hawak na sigarilyo sa may ashtry. Dumeretsiyo siya sa kanyang kwarto at binuksan ang kanyang laptop. Senearch ang pangalang Bail Hamilton at lumuntad sa kanyang paningin ang isang lalaking tisoy na asul ang mga mata. Napatikom ang kanyang bibig at binasa ang pagkakakilanlan nito. Isa itong anak mayaman na ipinasyang magnegosyo ng mga armas dahil sa hilig nito sa mga baril. Ini-off niya ang kanyang laptop at nagpasyang tumayo.
Naglakad palapit sa kanyang kama at humiga doon. Bail Hamilton anas niya at unti-unting nanumbalik ang naganap kanina lamang.
Flashback
Inihagis ni Hara ang isang barahang hindi niya alam kung saan nanggaling at sakto namang tumapat sa kanya.
Napakunot noo siya. "Anong B.H ito?" Takang tanong niya sa babae na nagkibit lamang ng mga balikat at naglakad palapit sa mesa na kinalalagyan ng isang basong walang laman.
Pinakatitigan niya ang hawak na baraha na may naka-ukit na letrang B.H na muli niyang binanggit. Hindi niya matanto pero natitiyak niyang isa itong kalaban na kailangan niyang mapabagsak.
EndofFlashback
"B.H." Anas niya habang nakatitig sa kesame at tila nagkaroon ito ng pangalan sa kanyang balintataw. Bail Hamilton. Hindi niya sigurado pero iisa lang ang paraan para malaman niya. Muling gumuhit ang ngiti sa kanyang labi kasabay ng pagdampot ng kanyang cellphone at tinawagan ang kanyang nasa isipan.
***********
Isang nakakarinding tunog ang nakapagpagising sa dalagang hinila ng antok kanina lamang.
"Hello?" Malat ang boses na sagot niya dito.
"Hara, punta ka dito sa funyum club." Matinis ang tinig na sigaw ng nasa kabilang linya.
Iminulat ni Hara ang isang mata at inilayo ang cellphone na hawak sa kanyang tainga. Shit! Pasado alas dos na ng madaling araw.
Unti-unti siyang umupo mula sa pagkakahiga hanggang sa dumausdos ang kumot na nakatakip sa kanyang kahubadan. "Anong meron sa funyum?" Nagising ang diwang tanong niya at tuluyan ng bumangon.
"Party, halika na. Ipinagpaalam na kita kay Dom kaya bilisan mo." Muli ay sigaw ng babae sa kabilang linya.
"Fine coming!" Tipid na ika niya at pinatayan na ito ng cellphone.
Dumeretsiyo siya sa banyo at ipinasyang maligo dahil sa gusto niyang linisin ang katawan niyang binaboy lang kanina ng isang demonyo. Minsan-minsan lang siyang payagang makawala sa kanyang kulongan bakit hindi niya kakagatin.
Ilang minuto din ang nakalipas bago siya natapos. Hinablot ang isa sa mga damit na minsan niya lang gamitin. Black and white tube dress na umabot lamang sa may itaas ng tuhod niya at saka niya tinernuhan ng black leather boots na may secret pocket, kung saan nakatago ang kanyang maliit na patalim.
Inilislis niya ang sout na damit at ikinabit sa kanyang hita ang belt kung saan niya isinuksok ang kanyang baril.
Humarap siya sa salamin at nasiyahan sa kanyang nakikita. Nakalantad ang kalahati ng kanyang dib-dib na siyang nagbibigay akit sa simple niyang mukha. Inilabas niya ang kanyang wet and wild lipstick mula sa kanyang prada shouder bag na hawak at kinulayan ang maputla niyang labi. Nakalugay din ang kulay blonde na kulot niyang buhok na bumagay sa maliit at hugis puso niyang mukha.
Binuksan niya ang bintana ng kanyang silid at isinabit ang hawakan ng kanyang prada shoulder bag sa nakausling metal na ipinasadya talaga para sa kanya. Sumampa siya sa bintana at nagpatihulog kasabay ng malamig na simoy na hanggin ay ang pagtapak ng kanyang sout na boots sa lupa.
Binitawan ang hawak niyang prada shoulder bag na naglabas ng matibay na spring at kusa itong bumalik sa kanyang kwarto. Dinukot ang maliit na remote mula sa kanyang sout na boots at pinindot ito, kasabay ng pagsara ng bintana ng kanyang kwarto.
Napangisi siya habang binabalik ang remote control sa pinagkuhanan niya. The best talaga ang AWC sa paggawa ng mga armas, napakalaking tulong para mas mapadali ang lahat. Aragon Weapon's Corporation o mas kilala sa tawag na AWC.
Isinuksok niya ang kamay sa bulsa ng kanyang bra at kinuha mula doon ang susi ng kanyang sasakyan. Inumpisahang maglakad hanggang sa tumapat siya sa kulay pulang mercedes benz na regalo sa kanya ni Dom.
Binuksan ang pintuan ng kotse at agad na pina-andar ito. Pinindot ang isa pangremote na nasa compartment at bumukas ang gate ng bahay ni Dom at ng makalabas ay muli niyang pinindot ang hawak at kusa na itong nagsara.
Ang AWC na matagal na din niyang pinagpla-planohang pasyalan ay hindi man lang niya magawa, dahil nakakulong siya sa buhay ni Dom. Sa utos nito, sa mga kagustuhan nito at sa madaling salita ay wala sa bokabolaryo niya ang salitang malaya.
Pinasibad niya ang kanyang kotse at napangisi sa kawalan. Miminsan lang siya palayain ni Dom kaya sasamantalahin niya na. Ilang beses na din siyang nagtangka na alamin kung sino ang nag mamay-ari ng AWC pero nanataling sarado ito sa medya. Para siguro maprotektahan ang nasa likod nito.
Napabuntong hininga siya ng maisip ang kanyang kuya Tyron. Ilang ulit na din niya itong kinukulit para alamin nito ang lahat sa AWC, pero nanatiling ngisi lang nito ang nakukuha niya. Ewan ba niya parang may alam ito na hawak na naman ni Dom, kaya hindi na niya ito pinipilit pa. Umaasa na lang siya sa pangako nitong makakaharap din niya ang may-ari, hindi niya alam kong paano pero umaasa siya.
Na-ilawan ng kanyang kotse ang karatula ng funyum, hudyat na naroon na siya. Pinatay niya ang makina ng kanyang sasakyan at hinugot ang susi nito kasabay ng pagbalik niya ng susi sa bulsa ng kanyang sout na bra.
Bumaba mula sa kotse at sumalubong sa kanya ang ingay na nagmumula sa loob. Pumasok mula sa entrada pero hinarang siya ng isang bouncer. Naningkit ang kanyang mga mata dito.
"Ma'am, any partner? " Nakangiting tanong nito sa kanya.
Kumunot ang noo niya. "Partner?" Patanong ding usal niya.
"Yes Ma'am, Its already 3am." Sagot nito sa kanya sabay sulyap sa pangbisig na relo nito.
Anong kinalaman ng oras at kailangan niya ng parter? Dahilan ng pagbaling niya ng tinggin sa isang bondpaper na nakadikit sa pader. Naiilawan ito ng ilaw na nanggagaling sa isang mamahaling flash.
Binasa niya ito at wala sa loob na napabuntong hiniga. Anong klaseng club ba ang napuntahan niya at ang daming alam na pakulo. Kailangan daw na may kasamang partner ang sino mang papasok pagtapat ng oras na alas tres, dahil wala daw lugar sa oras na alas tres ang mga single.
Fuck! Bulong niya sa isipan at sinulyapan ang kanyang cellphone, isang text message ang na receive niya galing kay Madonna.
Where are you? magsisimula na ang palabas! Kung nasa labas ka na dumukot ka riyan ng kung sinong lalaki! Huwag kang tatanga-tanga dahil malilintikan tayo kay Dom! Narito sa loob ang susunod mong misyon.
Pagbasa niya sa text message na nagpa-ikot ng kanyang mga mata. So hindi pala party ang ipinunta niya dito kundi isa na namang misyon.
Tinitigan niya ang lalaking nakangiti pa din sa kanya hanggang ngayon, pero halatang na-iinip na sa sasabihin niya. Ang astang pag-atras niya ay natigil dahil sa isang brasong pumatong sa kanyang balikat o mas tamang sabihing naka-akbay ito sa kanya. Ang asta din niyang pagsiko dito ay muling natigil dahil sa winika nito.
"Pwede na ba kaming pumasok?" Swabeng ika nito, na nagpalingon sa kanya sa mukha nito.
"Sorry sweetheart na late ako." Sunod pang ika nito kasabay ng pagkindat nito sa kanya na ikinatalon ng kanyang puso.
Hindi niya alam kong anong nangyayare, dahil tila siya wala sa sarili at bigla na lamang sumunod sa lalaki, tila siya tinamaan ng hiptotismo na hindi niya maipaliwanag.
"Two Carlo Rossi." Narinig niyang ika ng lalaking nasa tabi niya at tinanggal ang pagkaka-akbay sa kanya. Hindi siya makapagsalita na tila nalunok na niya ang kanyang dila.
Inabutan siya ng lalaki ng baso at nakipagtoss pa siya dito.
"Tama na ang titig Miss, alam ko ng gwapo ako." Ika nito na nagpa-awang sa kanyang labi.
Shit! Napalunok siya ng sunod-sunod tila siya natauhan at lahat ng paghangang nararamdaman niya dito ay napunas bigla sa kayabang nito.
Napangisi siya sa lalaking kulay asul ang mga mata ng makabawi at itinaas ang hawak na basong naglalaman ng mamahaling wine. Ang astang pagtapon niya ng laman ng baso ay natigil dahil sa biglaan nitong paghawak sa kanyang kamay na tila siya na kuryente sa pagkakahawak nito sa kanya.
"Let me remind you Miss." Ika nito na nagpapapikon sa kanya.
"Hindi masarap maligo ng wine, mas masarap itong inumin." Ika nito at dahan-dahan nitong tinatapat ang kanyang hawak na baso sa kanyang labi, pero namumuro na ito sa yabang.
Ipinadyak niya ang sout na boots at lumabas mula doon ang isang patalim na tumambad bigla sa ere na agad naman niyang nasalo. Itinutok sa lalaki na natawa pa sa ginawa niya.
Binitawan ang kanyang kamay na hawak nito at nagtaas ng mga kamay.
"Duwag." Nang-iinsultong ika niya dito at natawa ng malakas. Ito ang kauna-unahang tawa niya mula ng mapasakamay siya ni Dom.Salamat sa lalaking kaharap niya ngayon.
Ngunit napigil ang kanyang tawa ng naglaho ito sa kanyang harapan at biglang nasa likuran na niya ito at dinampihan siya ng halik sa pisnge.
"My name is Bail." Bulong nito sa kanya na nagpatigas sa kanyang likuran.
Ang astang paglingon niya sa kanyang likuran ay natigil ng biglang sumulpot si Madonna sa kanyang harapan.
"Mabuti naman at nakapsok ka na." Ika nito na nagpatango sa kanya
"Nakikita mo ang babaeng nagsasayaw ngayon sa gitna ng dance floor?" Muli ay ika nito na nagpalingon sa kanya sa tinutukoy ng babae.
"She is our target! Information about Mr. Duglas Roque." Ika nito sa kanya sabay tapik ng kanyang balikat.
Lutang siya sa mga sinasabi ni Madonna tungkol sa misyon niya. Ang alam niya lang kailangan niyang makakuha ng informasyon sa babaeng tinuro nito, kung paano makakapasok ng ligtas sa mansiyon ni Roque.
Pero mas nangingibabaw sa kanyang isipan ang pangalang Bail na binitawan ng lalaking dahilan ng pagkapasok niya sa naturang club.
Sino nga ba ito? Magtatagpo pa kaya muli ang landas nila?
Magtatagpo pa ba kaya sila ng lalaking unang umagaw ng pansin niya?
Sana! Sana!
Dugtong ni kushikimika_03
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro