Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Bail's POV

Maaga akong gumising dahil may meeting kami ngayon sa company. Nagpatawag kasi ako ng meeting kahapon. Nang matapos ko ng gawin ang aking morning rituals ay lumabas na ako at dali-daling sumakay ng aking sasakyan. Tumingin ako sa side mirror ng sasakyan ko. Ang Gwapo ko talaga.

Tinaas ko ang dalawa kong kilay. Hanep! Ito na nga ba. Hahabulin na naman ako ng mga babae dahil sa kagwapuhan ko ngayon. Si Loki? Ayon! May inaatupag siya. Hindi ko alam kung ano. Habang nasa driver seat ako ng pinakamamahal kong Ferrari.

Napangiti ako dahil may laban kami mamaya sa underground. Pinindot ko ang remote para sa gate. Yes! Ang gate namin ay de-remote. Kaya okay lang sa akin kung walang tao sa bahay na'to. Kung may magtangka man? Alam na nila kung anong mangyayari sa kanila.

Tinaas ko na ang bintana ng sasakyan ko at agad na inistart ang makina ng  sasakyan ko. Tumingin ako sa gilid ng manibela ko. Nakita ko na naka-full tank pa ang gas. Siguro nilagyan ito ni Loki kahapon.

"Let's go baby!" sigaw ko habang minamaneho ng dahan-dahan palabas ng bahay namin at nang makalabas ako ay agad ko na rin pinindot ang remote ulit for closing the gate.

Nang makarating ako sa office ay agad sumalubong sa akin ang aking  new secretary. Yes! New secretary kasi, kaka-fired ko lang ng dating secretary ko nuong isang araw. "Boss! Ang mga board members po nasa conference room na po." I just nodded at her then smile. I saw her blushing. I don't care if my new secretary couldn't speak English very well. The important is, she's doing her job very well or else she's fired right away.

Nang nakapasok ako sa conference room ay agad silang napatingin sa akin at tumayo. "Good morning Mr CEO." sabay-sabay na bati sa akin ng aking mga board members. Tumango lang ako. Agad naman nilang naintindihan kaya umupo na silang lahat. Umupo ako sa aking upuan na nasa harapan nilang lahat.

Tumayo ang aking auditor at pini-play niya sa laptop niya na nakakonektado sa projector na nasa harap ko. Pinindot niya 'yung remote at sabay sabing " the sales this week Mr. Hamilton are going down." Napailing na lang ako ng makita ang mga  sales sa aking harapan na bumaba.

"Paano po kung magbawas tayo ng employees?" Napangiti ako sa suggestion ni miss Freak. Kainis ang babae 'to. Akala niya hindi ko alam kung anong ginagawa niya kung bakit naging ganun kababa ang sales ng company ko this week? Hindi ako tanga!

Tiningnan ko siya at namula siya. Bakit? Ano bang ginawa ko? Bakit siya namumula? Ay! Baka kinikilig sa akin. Eh! Tumingin lang naman ako using my cold eyes. "Sige ba!" sabi ko. Patulan ko na 'to. "Mendez!" tawag ko sa secretary ko.

"Boss!" Agad lapit niya sa akin. Sinulat niya pa din ng ang lahat ng mga important details. Imbis na "Sir" ay boss  tawag niya sa akin. 'Yung mga members of the board naman ay Mr. CEO or Mr. Hamilton ang tawag nila sa akin. Si Mendez lang boss ang tawag sa akin.

"Kunin mo sa desk ko ang isang desktop na kulay white na may nakasulat na P." tumango agad siya at tinungo ang office ko. Ilang sandali ay dumating agad siya. Bilis ba niya? Oo! mabilis siya, ngumiti ako sabay abot niya sa akin ng pinapakuha ko.
"Thank you." Marunong naman akong mag-thank you no!

"Mr. Valdez!" tawag ko pa sa isa pang board members. Agad siyang lumapit sa akin at nag-vow. "Paki-play mo naman ito." sabay bigay ko sa desktop na pinakuha ko. Agad niya naman itong tinanggap at dali-daling pinatay ang laptop ni Mr. Cale ang auditor ko.

Pini-play niya ito. Tumambad agad ang mukha ni miss Freak. Napangiti ako habang pini-play ang mga  iyon. Ang mga mukha ng aking mga board members ay lumaki ang mga mata. Sa sobrang laki sakto ang piso. "Hindi yan totoo!" Sigaw niya sa akin. "Fake lang po yan Mr. Hamilton." sabi niya sa akin.

Mas napangisi pa ako dahil putlang-putla na siya. "Hey! Calm down." sabi ko sa mahinahon na boses. "Ano nga ulit 'yung sinabi mo sa akin? Magbawas tayo ng employees? So, you suggested yourself?" sabay smirk.

Tumawag agad ng guards ang secretary ko.  "H-hindi mo a-ako p-pwedeng e-fired nasa r-rule 'yun!" Utal niyang sigaw sa akin.

"Oh! Sinisigawan mo ako?" napatikom agad ang bibig niya sa sinabi ko. "Yes, nasa rule 'yon, pero, you can leave right? Yes! You can! Now leave!" sabay turo sa pinto. "Leave now! Oh, by the way. Leave forever! Walang sahod  at wala ka rin makukuhang ibang trabaho sa ibang company hanggang naka-leave ka sa company ko." sabi ko.

"Mas malala pa 'to sa pagpapatanggal mo sa akin!" sigaw niya sa akin. 

"Yes. Eh! Ano ngayon? Kinakalaban mo ang isang taong kagaya ko. Next time kasi, kapag ginagawa kayong  kalokohan sa company ko.  Huwag na huwag kayong  magpapakita sa akin or huwag na huwag kayong magpapahuli." sabi ko.

Ang mga board members ko nanigas sa kanilang mga  kinatatayuan. Pati ang aking secretary. Bakit may nagawa ba akong hindi maganda? Agad na lumabas si miss Freak kasama ang mga guards. Ayan kasi, nagpahuli sa akin. Ang problem ko na lang ngayon ay ang pagbaba ng sales ng company ko. Hindi 'to pwede!

May laban pa ako mamaya sa underground. May businesses pa ako na dapat asikasuhin. "Miss secretary!" tawag ko sa kaniya. Tumingin agad siya sa akin. Namumula pa din siya, kinikilig pa ba siya? Alam ko naman 'yun eh, sa gwapo kong 'to. "Mag-set ka ulit ng meeting next week. May gagawin pa ako." sabi ko.

Magsusurprise visit ako ngayong araw. From the guards hanggang sa mga manager, kung ginagawa ba nila ng maayos ang kanilang mga trabaho. Kailangan ko ng katulong para 'dun. Mamaya ko na lang 'yan iisipin. Lumabas na ako ng conference room.

Habang naglalakad ako ay binabati ako ng mga employees ko. "Good morning Mr. Hamilton." bati nila.

"Good morning." bati ko sa mga babae at lalaki. Ayon! 'Yung mga babae namula pa. Parang may nahimatay yata. Eh! Sa ngumiti lang naman ako sa kanila. Nang makarating ako sa aking opisina ay agad akong umupo sa chair at tumingala sa kesame. Huminga ng malalim at pinikit ko na lang ang aking mga mata. Daming problem!

Dugtong ni Claveria20

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro