Chapter 2
December 20, 2010
"For the love of the money is the root of all evil." Malakas na basa ng Bible reader sa simbahang kinaroroonan ng isang binatang napangisi sa kawalan. Oo, nasa loob nga ng simbahan ang binatang walang takot magnakaw makuha lamang nito ang pakay.
I am not afraid nor scared, I am only doing what I feel is right, cause there is only two choice to live in this kind of world, to be a victim or to be a survivor. My name is Bail Hamilton... and I refuse to be a victim.
I was raised by a father who taught me how to treat people nice, to be a good model to other's, lalo pa at namamayagpag ang negosyong itinayo ng aking mga magulang. I am 18 years old, PhilAm with blue eyes at higit sa lahat mayaman. Pero nagbago ang ikot ng mundo nang mamatay ang aking mga magulang dahil sa kasakiman ng mga taong na-iingit sa yamang mayroon kami. Nagbago ang lahat magmula ng ninakaw sa akin ang buhay ng mga magulang ko.
Napatitig ako sa koronang nakasabit sa ulo ng pinaniniwalaang Diyos at ngumisi. Ito ang unang araw na ayaw ko nang magpatali sa salitang biktima.
I choose to protect my right to live. My right to protect my body. Sa ilalim ng aking sout na pantalon ay naroon ang aking baril, ang aking bagong kaibigan.
Isang kalabit ang nakapagpalingon sa akin sa aking katabi na hanggang ngayon ay busy pa din sa kapipindot ng kanyang cellphone.
"I'm done." Ika nito kasabay ng pagsilay ng sungki nitong ngipen.
Mula sa nakatikom kong bibig ay unti-unting sumilay ang aking ngiti. Tumayo mula sa pagkaka-upo at inumpisahang maglakad palayo.
"Mag-siluhod tayo." Narinig kong ika ng pari mula sa altar, kasabay ng paghugot ko ng maliit na camera sa aking bulsa. Lumingon ako kay Loki na patuloy pa din sa kapipindot ng cellphone na hawak nito at maya-maya lang ay lumingon sa kinaroroonan ko.
Senyales na kailangan ko ng itapat ang camera sa aking mukha at mula sa lense ng camera'ng hawak ko ay nakita ko ang paglutang ng korona ni Jesus sa ulo nito at pumaitaas, kasabay ng aking pagpindot sa camera'ng hawak ay nabalotan na ito ng itim na tela.
"Gotcha." Mahinang bulong ko at muling ibinulsa ang hawak kong camera at lumingon kay Loki na muling pumipindot sa cellphone nito.
"Mag si upo tayo." Muli ay anang pare kasabay ng pagbagsak ng itim na tela sa aking paanan.
Muling gumuhit ang ngiti sa aking labi at pinulot ang nasa aking paanan. Tumingin ako kay Loki na ngayon ay ibinulsa na ang cellphone na hawak nito at inumpisahang lumabas ng simbahan.
Ang astang pagtayo ko ay natigil dahil sa isang babaeng nakaharang at nangongolekta ng thanksgiving mula sa mga nagsisimba. Isinuksok ko ang aking kamay mula sa bulsa ng aking paltalon at inilibas mula doon ang isang baraha na siyang inihulog ko sa hawak ng babae na nagpakunot sa noo nito.
"B.H?" Takang tanong nito sa akin.
Ngumisi ako sa babae at itinuro ang imahe ng Diyos, saka ako lumakad palayo dito.
AUGUST 21,2017 (PRESENT)
Sumalampak sa pagkaka-upo si Loki na malayang nakatitig sa mukha ng sinasabing Diyos.
Maniniwala pa ba siya na may Diyos? O guni-guni na lamang ng iba ang paniniwalang may Diyos nga? Napangiti siya at maya-maya ay sumabog ang pigil na pigil na tawa niya.
Para siyang baliw, pero talagang baliw na siya. Ipinanganak siya sa mundong ito at lumaki sa magulong kalsada. Hanggang sa may baryang gumulong sa kanyang maduming paa.
Umangat ang kaniyang ulo at bumungad sa kanyang paningin ang isang batang lalaki na kulay asul ang mga mata.
My name is Bail, ikaw? Ika nito.
Iyan ang umpisa ng pagkakaibigang nabuo sa isang anak mayaman at sa isang katulad niyang mas mahirap pa sa daga.
Bumangon siya sa kinauupuan at lumapit sa imahe ni Jesus. Naroon ang koronang pinaka-una nilang ninakaw.
Ang unang ganti ng kaibigan niya sa pagkamatay ng taong itinuring din siya bilang isang anak.
Lumapit siya sa imahe ng Diyos at pinakatitigan ito. Biyaya ang mapasama sa pamilyang kinabibilangan ni Bail, kaya gagawin niya ang lahat para laging mapatawa ito, pero sana maintindihan mo ang dahilan kung bakit namin ito ginagawa. Lihim niyang pakikipag-usap sa imahe at tinalikuran ito.
Naglakad siya patungo sa isang drawer at binuksan ang laman nito. Bumungad sa kanyang paningin ang mga armas na ginawa niya, ang mga bagay na nagpapabilis ng bawat misyon ni Bail. Hinugot niya ang isang tissue na nakapatong sa tokador at pinunasan ang naglalagkit na niyang mukha. Tumingin sa gilid na parte kung saan naroon ang salamin at ngumiti. Pangit ka man Loki sa paningin ng iba, gwapo ka pa din sa paningin ng mga armas na nilikha mo. Lihim niyang kausap sa sarili.
Kinuha niya sa loob ng drawer ang camera na nagbubuga ng itim na tela na kumakapit sa bagay na tatamaan nito, pagkatapos ay ang cellphone na nagsisilbing remote control na siyang nagpapagalaw sa isang bagay, gamit ang hindi mapapansing laso na nakadikit sa bagay na gusto mong angkinin. Ilan lamang sa nagamit na nilang armas.
Nang biglang bumukas ang silid na kinaroroonan niya.
"Ay puke'ng tumalon sa kanal!" Nagulat na aniya at napahawak sa sariling dibdib.
"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." Pagalit na sita ni Bail sa kanya, pero aastang ngi-ngiti sa pagkagulat niya.
"Bakit na miss mo na ako?" Ika niya dito at nagpacute sa binata,
na sinabayan pa niya ng pagbasa ng kanyang labi gamit ang kanyang dila.
"Damn Loki! Huwag mo sabihing nanalaytay na din sa dugo mo ang pagiging bakla!" Asar na asik nito at lumapit sa kinaroroonan niya.
"Hep!" Pigil niya dito kasabay ng pagkembot ng kanyang baywang at sumenyas gamit ang kanyang palad, pero hindi ito natinag at tila ba gusto nitong kainin siya ng buhay.
Nang biglang may maisip siyang paraan, agad niyang pinindot ang hawak na camera na nagbuga ng tela at tumakip sa pagmumukha ni Bail. Kasabay ng kanyang pagpindot ay ang pagkaripas niya ng takbo palabas ng silid.
"Loki!" Malakas na sigaw ni Bail na siyang nakapagpatawa ng malakas sa tinawag.
"Fuck!" Nairitang tinanggal ni Bail ang telang tumakip sa pagmumukha nito at maya-maya lamang ay napangisi.
What happen if Loki is not around? Siguro mamatay siyang pangit sa kadahilanang walang clown sa buhay niya. Mabuti na lang at gwapo pa din siya kahit lagi niyang kasama si Loki. Ang pinagtatakahan niya lang ay kung bakit hindi nahahawa sa kagwapohan niya si Loki. Ah! Nevermind. Kausap niya sa sarili na tila nahawa na sa kawerdohan ng iniisip.
Tinitigan niya ang imaheng nasa harapan niya at napasipol ng makita ang unang bagay na ninakaw nila ni Loki. Ang gintong korona ni Jesus.
Mula sa kanyang pagkakatayo ay inilabas niya ang baril na nakatago sa kanyang sout na paltalon at itinutok sa imahe.
I promise, my gun is not going to go off. It doesn't randomly shoot people. But in case na kailangan ko ang tulong nito ay hindi ako magdadalawang isip na pumatay ng tao. Aniya at muling isinuksok ang baril sa kanyang pantalon.
Kumindat sa imahe at tumalikod kasabay ng muling pagsigaw ng pangalan ni Loki.
"B.H andito ako, hanapin mo ako." Pabebeng balik sigaw ng tinawag niya. Na siyang dahilan ng pag-iling niya at muling pagsilay ng kanyang mga ngiti.
"Bastard!"
Dugtong ni kushikimika_03
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro