Chapter 10
Loki's Pov
Narito ako ngayon sa may veranda ng bahay ng aking kaibigan na si Bail. Syempre, nakaharap ako sa pinakamamahal kong laptop, habang nagkakape at pasulyap-sulyap sa magandang view ng mansiyon ng aking kaibigan.
May isa kasing problema na biglang kailangan na ng lunas! Iyon ay ang aksidenteng pagkakatuklas ni Harris Torno sa tunay na pagkatao ni Bail Hamilton.
Si Harris Torno na mas kilala sa tawag na L. Isa na ito sa mga nakakakilala kay Bail bilang si Hail, siguro ay dahil sa ilang beses na din silang nagkaharap nito sa underground fight.
Ilang araw na din ang nakalipas ng bumisita ito sa kumpanya ni Bail at sinabing na kansela ang muling paghaharap ng mga ito sa underground at ngayon ay pumupotok ang botse ng aking kaibigan, dahil sa kaalaman ni L sa tunay na katauhan nito.
Muli akong humigop ng kape at tinitigan ang screen ng aking laptop.
Na-itayo ang Underground Fight sa dalawang magkaibigang Alyani at Bernabe, na nagawa lamang palaguin ang Underground sa tulong ng mga kasama ng mga ito sa negosyong, puro pera lang ang pinapairal, ni wala man lang alam na proteksiyon sa seguridad sa tumataas na bentahi ng Underground.
Doon pumasok ang katalinoan ko syempre. Ako ang may hawak sa proteksiyon ng lugar kung saan nagaganap ang labanan. Ang may hawak sa cctv at kung ano-ano'ng hightech na gadget masabi lang na ligtas ang lugar para hindi ito matunton ng mga pulis. Ngunit may isa pang tuso na promoprotekta sa Underground Fight at iyon ay si Kyle Ofiasa, K.O sa Underground! May mga magkakakilala, pero ang ibang manlalaro ay nanatiling lihim lalo pa't kung bigatin ang mga ito.
Ang bawat kalahok ay may kanya-kanyang baraha o card para makapasok sa Underground at tanging mga mayayaman at kilalang tao lamang ang maaring dumalo dito.
Nag-inat-inat ako mula sa pagkaka-upo at muling tinitigan ang kaganapan sa Underground.
Sa pagpasok pa lang sa underground ay amoy na amoy mo na ang fresh-air na nanggagaling sa aircon na nakatago sa bawat sulok ng lugar. Kaya ang lahat ng manunuod o di kaya'y manlalaro ay sinisingil agad ng dalawang libo para sa entrance fee na siyang kita ng may-ari.
Ang mga manlalaro ay dumadaan muna sa screening, upang masiguradong kaya ng mga itong makibakbakan at nakahandang ibuwis ang buhay alang-alang sa pustahan. Pustaha'ng parehas na kinumporma ng dalawang manlalaro.
Sa mga nanunuod naman ay maari kang pumusta ng pambato mo para kapag nanalo ang manok mo ay may kikitain ka ding double sa pera na inilabas mo.Masayang buhay o di kaya'y easy money para sa iba, lalo na kung nanalo ang manok mo.
May tatlong klase ng laban ang maari mong pilihing lahukan.
Ang una ay tinatawag na F.U.Y.C (Fight until you can.) Dito ay pwede kang sumuko kung ayaw muna, pero mas mababa ang pusta kaysa sa pangalawa.
Ang pangalawa ay tinatawag na F.L (Fight Limit.) Ang labanan dito ay may oras kung saan ay binibilang ang bawat puntos na nagagawa ng manlalaro. Hindi ka maaring sumuko hanggat hindi natatapos ang oras ayon sa napagkasunduan.
Ang pangatlo ay tinatawag na F.U.Y.D (Fight Until You die.) Dito mo makakaharap ang mga undefeated na manlalaro. Mataas ang mga pusta at hindi lamang pusta kundi ang kapalit ay buhay. Matatalo ka na'y mamatay ka pa. At diyaan nakahilera si Hail at L.
Ang bawat manlalaro ay may nagaganap na kasunduan bago mag umpisa ang laban. Karamihan sa pusta ng mga ito ay kumpanya sa kumpanya, bahay sa bahay, kotse sa kotse, pera sa pera at minsan pa ngay asawa sa asawa. Maari ding kumpanya sa pera, depende sa kasunduan ng bawat manlalaro.
Ang lahat ng mga manlalaro ay may kanya-kanyang rank kung saan ka mapapabilang. Maari kang mamili ng makakalaban o di kaya'y antaying may humamon sayo.
Ang bawat isa ay maaring tumanggi! ngunit may kapalit, iyon ay ang tinatawag na bayad pagtanggi at ang bayad ay kalahating milyon at kung tumanggi ka ay alam na. Kamatayan!
Kapag may mga sampong tao ka ng napatay o di kaya'y natalo maari ka ng tumiwalag sa UF, ngunit may kapalit at tinatawag itong retirement fee. Isang kumpanya sa iyong kalayaan at kapag hindi mo binigay ay kamatayan ang nag-aantay para sayo.
Napa-iling ako sa pinapanuod ko sa aking laptop at maya-maya ay pinatay na ito. Ang lahat ng myembro ng U.F ay walang takas lalo na at hawak ng mga ito ang baraha'ng papatay sa buhay ng mga ito.
Kung tatanungin niyo, kong sino ang papatay sa mga hindi sumusunod na myembro ay nakikita niyo na ang sagot. Sino pa nga ba? Di syempre ako.
Ang bawat baraha o di kaya'y card ng mga manlalaro ay may nakatagong bomba. May bomba na sumasabog kapag binato o di kaya'y pinindot.
Pero ang card o di kaya'y baraha na gawa ko ay may nakaconnect na isang bagay kung saan sa isang pindot ko lang sa aking gawang program ay patay ang humahawak nito.
Maaring itatanong niyo na naman ako, kung paano kapag hindi nito hawak ang baraha?
Sa loob ng card ay may magnet kung saan kaya kong pagalawin ito at idikit sa katawan ng isang tao o isang bagay. O di ba ang astig ng gawa ko? Hindi ako nag-iimbento ng isang bagay na pipitsuge lamang, lalo na kung malaki din ang kitang napapasakamay ko.
Aha! Hindi lang magnet ang nasa loob ng card, maging maliit na cctv ay naroon din, para kung sakaling itinapon ito ng may-ari ay maari ko itong utosang lumutang sa pamamagitan lang ng pagpindot sa aking special program at hanapin ang may-ari nito.
Technology ika nga ng iba. Ito na panay na ang pindot ko sa aking cellphone dahil ang isa sa mga manlalaro ng F.U.Y.C ay nag give-up na sa pagiging myembro, ngunit hindi ibinigay ang kapalit na kumpanya, kaya pilit kong trinatrace kong nasaan na ang taong ito.
Ayon! Tshamba! Pinalutang ko ang barahang nasa loob ng maleta nito at kinontrol sa paglutang upang hanapin ang nag mamay-ari dito na walang iba kundi si Jacob Brown. Mula sa screen ng aking celphone ay unti-unti kung nahahagilap ang kabuoan ng silid ng may-ari at ng makita ko si Jacob na kasalukuyang naliligo ay napatawa ako.
Punyemes! Ang liit ng alaga nito! Kalaking tao ngunit totoy pa ang alaga nito. Letche. Tuloy-tuloy lang ang pag control ko sa baraha at saka ko ito idinikit sa may sliding door ng banyo. "Bye-bye!" Bulong ko sa kawalan at pinindot ang red button mula sa aking cellphone.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at inisip ang unang ipinusta ni Bail sa Underground.
Ang unang ipinusta ni Bail ay ang isa sa mga sikat kong imbensiyon. Ang bahay na maari mong gawin sasakyan. Isa sa mga umuso nong mga panahong kaunti pa lamang ang mga manlalaro. Hanggang sa madami ng natalo si Bail at tinawag ng Undefeated. Ang karamihan sa mga pinuposta nitong kumpanya ay mga kumpanya ng mga tinalo na nito sa laban, kaya hindi ito kilala ng mga nakakalaban nito.
Hanggang sa may nagtiyagang alamin kung sino nga ba si Hail at iyon ay si L.
Si l na nananahimik sa isang tabi at nais makuha ang Hamilton Company na minana ni Bail sa mga magulang nito, Ang kumpanyang isa sa mga namamayagpag sa larangan ng Buy and Sell Product. Bumibili sila ng mga bagay na maari pa nilang pagandahin at maaring ibenta sa malaking halaga.
Si l na tikom ang bibig sa kaalaman nitong si Hail ay si Bail, ngunit paano kung madulas ito at kumalat sa U.F na si Hail ay si Bail?
Ano na ang gagawin ni Bail. Kaya ito na ako muling nakatitig sa aking laptop at pinag-aaralan ang isang bagay na maaring makapagpatahimik kay L maliban sa pagpatay dito ng palihim.
Iisa ang sulosyon na nakikita ko at iyon ay ang ilibing ito sa hukay, kailangang magharap si Bail at Harris(L) sa F.U.Y.D para magka-alaman na at matahimik din si Bail.
Isang tikhim ang gumambala sa aking pag-iisip.
Opps! Narito na sa aking harapan ang lalaking aburido kay L. Pinagtaasan ko ito ng kilay. "Bakit?" Seryosong tanong ko dito habang ang isang kilay ko ay hindi pa din bumabalik sa dating pwesto nito.
"Breaking news. Sumabog ang condo unit ni Jacob, Ikaw ba ang may kagagawan nito?" Deretsang tanong nito sa akin.
Patay malisya ko itong tinalikuran. "Ayon sa U.F umalis itong hindi ibinigay ang isa sa mga rules and regulation." Ika ko dito at agad na dumeretsiyo sa sala kung nasaan naroon ang balita.
Natawa ako ng mahagilap ng aking mga mata ang nakasulat mula sa ibaba ng balita.
Hindi ko na talaga kaya! Humagalpak na talaga ako ng tawa sheyte! Hawak-hawak ko ang aking tiyan na tumalikod, ng makita kong pigil na pigil din ang tawa ni Bail sa aking likuran.
Gusto niyong malaman ang nakalagay sa ibaba ng balita.
Ito o! Read ang laugh.
Jacob Brown, natagpuang patay sa loob ng banyo. Junior nito pinagpyestahan.
Author's Note
Ipagpa-umanhin po natin ang matagal na Update sa storyang ito. Ngunit umaasa po kaming patuloy niyo itong suportahan hanggang WAKAS Salamat.
Kushikimika_03
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro