Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

BAIL'S POV

Habang nasa bahay ako at nagpapahinga sa isang nakakabagot na maghapon, ay ipinasya kong manood na lamang ng action movies kaysa sa makinig at makipag-usap sa lalaking ‘to, si Loki.
Isang lalaking malakas ang trip sa buhay at punong-puno ng kalokohan sa katawan. Kalokohan na minsan ay nagiging mitsa ng aking kabaliwan. Simpleng tao lamang ito na nabubuhay sa katarantaduhan.

Hindi ito biniyayaan ng kagwapuhan tulad ko. Pango ang ilong nito, pandak at higit sa lahat may bigote itong nagpapatingkad sa makinis nitong mukha. Maging ganon pa man ay may natatago itong katalinuhan sa paggawa ng iba't-ibang klase ng armas. Armas na nagagamit ko sa bawat misyong nakasanayan ko ng gawin.
Nakakabanas, kanina pa niya ako pinagdidiskitahan ng kaniyang ngisi na siyang nagpalutang sa sungki nitong ngipin.

Ano na namang nakain nito? Imbis na panoorin ko ang nakasalang sa TV ay nawalan na ako ng gana. Nakakairita siya, yung tipong ang sarap nitong sapakin. Kapag hindi ako nakapagtimpi sa taong 'to? Babangasan ko talaga ‘to hanggang matuluyan.

Para siyang nakadroga na aso! Nang biglang tumunog ang cellphone ko. "Hey,” sagot ko sa kabilang linya. "Who's this?" Muling ulit na tanong ko. "May nakawang nagaganap sa di-kalayuan." Mayabang na imporma nito. "Anong makukuha ko diyan?" sumeryosong tanong ko dito.

"Ever heard about Moireloiz Red Diamond?" natatawang ika nito. Halata naman, dahil hindi ko man siya nakikita ay alam ko na ang kilos nito. "Isang malaking red diamond na nagkakahalaga ng isang milyong dolyares." Wika niya.

"Right," Nakabusangot na sagot ko at pinatayan na ito ng cellphone. Nawalan na ako ng ganang kausapin pa ito dahil may kailangan pa akong gawin. Dali-dali akong pumasok sa lugar kung saan ako lang ang makakapasok at wala ng iba pa. Isinuot ko ang isa sa mga gawang damit ni Loki, kung saan ay protektado ito ng mga bala ng baril.

"Damn," Bulong ko sa sarili ko nang mapansing magulo ang buhok ko, hindi na ‘ko nag-abalang ayusin pa ito dahil sa pagmamadali.

Hinugot ko ang aking paboritong itim na jacket mula sa sungay ng usa, na pinaglalagyan ko ng aking mga damit.

Nagmadali kong tinalon ang terrace ng aking kwarto at bumagsak sa mismong garahe. Tinungo ko ang aking Honda sivic motor at agad na pinaandar ito, pinaharurot papunta sa lugar ng nasabing nakawan.

Lalong nagulo ang aking buhok sa hangin na tumatama sa aking mukha dahil sa bilis ng aking pagpapatakbo. Damn, my helmet. Dahil na rin siguro sa pagmamadali ay naiwan ko ang aking helmet.

Nang makarating ako sa lugar ay ikinabisa ko ang mga dapat kong malaman. Kung kotse ang dala ng sinasabi sa aking nagnakaw ng Moireloiz Red Diamond. Makakadaan siya dito ng maayos. Sabay turo ko sa daang sigurado kong patutunguhan ng mga ito. Kung isasarado ko naman ang daang ito, muli ay turo ko sa kabilang daan at napangisi.

"Got it," Bulong ko sa sarili at natawa sa mga gumagapang na eksena sa aking isipan. Kung motor naman ang dadaan dito. Muling turo ko sa kabilang side ng kalye. Malaya siyang makakadaan at walang sagabal.

Tumingala ako at may naisip akong tamang-tama lang sa naisip kong plano. Muling pumorma ang isang ngisi mula sa aking mga labi. Sinimulan kong akyatin ang bakod at bubong ng bahay na narito sa eskinita, malayang umupo sa parte kung saan ko balak na tumalon mamaya.
Maya-maya ay hinugot ko ang aking silencer mula sa aking suot na jacket at nagsimulang maglagay ng mga alambreng maninipis na siyang gagamitin kong akyatan para mas mapabilis ang aking galaw. Alambre na hindi mo makikita kung hindi mo ito papansinin. Loki's invention. I call it 28WR. Baril na naglalabas ng thin wires.

Naalerto naman ako nang makarinig ako ng mga putok kaya naman agad kong inihanda ang aking sarili. Katulad ng inaasahan ko ay parating na ang mga pulis dahil sa lakas ng sirena na nanggagaling sa kanilang sasakyan. Hindi ako binigo ng aking isipan na dito nga dadaan ang magnanakaw. As expected, napangiti na lang ako.

"Goodbye idiots!" sigaw nito sa mga pulis, sabay wagayway ng red diamond sa kaniyang kanang kamay. So, nasa kaniya? Sisiw lang pala. Angal ko sa aking isipan.
Ang ingay niya! Nakakairita lang! Parang si Loki, tch.

Tumalon ako mula sa itaas at bumagsak sa mismong harapan ng aking motor. Ilang segundo pa ang nakalipas bago ko narinig ang malakas na pagpreno ng nakasakay sa motor. "Damn," bulong ko nang mapagtantong babae ito. Ang unang nakakuha ng aking atensyon ay ang dalawang pares niyang mata, kakaiba ang kulay ng mga ito. Pero hindi dapat ako magpatinag, nadadala lang ako sa kanyang mata.

“You lose.” Wika ko dito at ngumisi na animo’y nanalo sa isang palaro.

Nanlaki ang mata nito nang makita ako. Ngayon lang ba siya nakakita ng gwapong tulad ko? Alam ko na yan! Marami na nagsabi na gwapo ako. Pero, hindi yan ang ipinunta ko dito kundi ang hawak mo. Ngumisi ito sa akin na tila sinangayunan ang mga nasa isipan ko. Naniniwala itong gwapo ako! Alam ko naman ‘yun! Pero sorry, hindi tatalab iyang ngisi mo.

Sa isang iglap ay nagawa kong lumundag mula sa likuran nito at binulungan ito. "Never lower your guards down when the war is still on." Ramdam ko na nanigas ito sa kaniyang kina-uupuan at agad kong sinilid sa bulsa ng aking jacket ang nakuhang dyamante mula dito, kasabay ng paghagis ko ng isa sa aking mga baraha ay agad na akong lumambitin sa mga alambreng sinet-up ko kani-kanina lang.

Walang kahirap-hirap kumita ng ilang milyong dolyares, kung isang pipitsiyuging magnanakaw lang ang nanakawan ko. Tinitigan ko ang relong pangbisig at maya-maya lang ay nakita ko nang kumakaway si Kyle. Kyle Ofiaza, ang look-out kong tumawag kanina.

Agad akong ngumisi dito at lumundag sa harapan nito. "Nice one, B.H." anito kasabay ng pag-ngisi at pag-abot ng helmet sa akin. Agad akong sumakay sa motor nito na agad naman nitong pinaharurot. Katulad ng dati ay ibinaba ako nito sa aking bahay. Muli kong inabot ang helmet na inabot nito sa akin kanina kasabay ng aking pag-ngisi.

Isinuksok ko ang aking mga kamay sa aking itim na jacket. "Isang red diamond kapalit ng iyong honda motor!" Nakangising insulto nito.

"It’s all yours Kyle!" Sagot ko na lamang dito at tinalikuran ito. "Hindi mo man lang ba itatanong kung anong nangyare sa motor na iniwan mo?" Maya-maya ay tanong nito. Nakatalikod man ako sa look-out ko alam kong nakangisi ito. Kilalang-kilala ko ito, minsan lang ito magsalita pero may halong insulto.

Minsan lang ito tumawag pero importante. Gwapo din ito pero mas gwapo ako. Matangkad na lalaki, habulin ng mga babae, maputi, kulot ang buhok nito, kaya mas gusto nitong maging kalbo at hindi man lahat ng kalbo ay tuso, pero kabilang na ito sa mga tuso'ng kilala ko.

"Oh? Napano ba?" tanong ko rito. "Sira na at hindi na magagamit! Binangga nung babaeng ninakawan mo!" Walang ligoy na sagot nito. Sabi ko na nga ba! Hindi ba kasasabi ko lang na tuso ito? Napaghahalata na. Lumingon ako dito at ngumiti.

Inilabas mula sa aking jacket ang kanina ko lang nakuha. "Moireloiz Red Diamond." Anas ko na ikina-angat ng kilay ng lalaking kaharap ko. Muli kong ibinulsa ang dyamante at tinitigan ito. "Makukuha mo ang parte mo sa akin sa makalawa." Nakangising wika ko dito.

Ngumisi ito at isinuot ang helmet na kanina lang ay tinanggal din nito at maya-maya lang ay umarangkada na ang motor nito. Napailing-iling na lamang ako. Isa na naman sa aking motor ang nalagas, pero ano ba ang isang motor sa isang tunay na dyamante? Agad akong pumasok sa aking bahay at katulad ng inaasahan ko ay tulog na si Loki.

Dumiretsyo ako sa kwarto ko at humiga sa aking kama. Kinuha ko sa bulsa ko ang Moireloiz Red Diamond na nakuha ko sa pepetshuging magnanakaw. Magnanakaw na nga! Ninakawan pa ng kapwa niya magnanakaw! Ang tanga! Anak ng tipaklong, pero ang galing din nito para maitakas ang isang tunay na dyamante sa isang building na napapaligiran ng gwardiya. Isa nga bang pipitsiyugin ang ninakawan ko o naakit lang ito sa kagwapohan ko?

Teka lang, isang babae nga ba ang nakadaupang palad ko? Takte Bail, nasilipan mo nga ng cleavage nagtatanong ka pa! Pucha! Ang lupit din ng umbok ng pwetan nito, pero pinulot kaya nito ang barahang tinapon ko kanina? Kung pinulot niya idi ayos! Souvenir ko na 'yun sa kanya. Pero ang hindi ko makalimutan ay ang kanyang mga mata... her eyes were dull and vivid, screaming for solace. I don’t know why am I that affected to her.. I just can’t stop thinking about her. I felt guilty over me.

Napailing na lang ako at pinagmasdan ko ang hawak kong dyamante. Nakakamangha ang kinang nito. Ang ganda ng kulay. Kahit ganito lang siya kalaki, buong mundo magpapatayan dahil lang dito.

Makatulog na nga! Maaga pa ako bukas. Nakatulog na din siguro ang babaeng 'yun! Bumangon ulit ako sa pagkasalampak sa kama. Tinungo ko ang isang secret volt na ako lang ang may alam at ako lang din ang pwedeng gumalaw, binuksan ko ang volt at ipinasok sa loob ang dyamnte. Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nakakuha ako ng dyamante, maraming beses na pero ito ang pinakamadali.

Once na may pumasok na kahit na sino sa kwarto ko ay tutunog ang alarm at magpapaulan ng bala. Ako lang ang pwedeng pumasok sa loob ng kwarto ko. The sensor is always activated! Kahit doorknob lang ang mahawakan ng kahit sino, siguradong duguan or butas ang bungo nang magtatangka. May nilagay din kasi akong sensor sa doorknob at sa ibang parte ng bahay ko na hindi pwedeng galawin.

Sige! Aaminin ko. Ako na yong magnanakaw na matalino! Tinatago ko ang mga mamahalin na bagay dito sa vault na ito. Napapalibutan din ang buong bahay ko ng CCTV at iisang tao lang ang pinagkakatiwalaan ko! Iyon ay ang sarili ko. Hindi ko sinasabing hindi ko pinagkakatiwalaan ang iisang tao na kasama ko dito sa bahay. Pero hindi sapat ang matalik na kaibigan para pagkatiwalaan ng mga malalaking secreto sa buhay.

Loki is one of my biggest card, kung wala ito ay hindi makukumpleto kung ano man ang meron ako. Ito ang pinaka-alas sa lahat ng barahang meron ako, dahil ito ang dahilan kung bakit nabuo ang tatak na B.H.

WRITEN BY: Claveria20  
EDIT BY: kushikimika_03
REVISED BY: cheolnim

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro