Chapter 6
NOTE: Any historical inaccuracy is my fault and shall be remedied at final editing. Kung hindi man po maisaayos ang mga hindi tumpak na impormasyon tungkol sa kasaysayan ay mayroong maiiba sa concept ng istorya. Baka gawin kong parallel dimensions, rather than time travel. We shall see, as I don't want to bastardize history. This will not affect the story as a whole, don't worry.
For now, read on.
___
Agad napalingon si Concepcion sa likod at kinilabutan nang makitang nag-iisa siya sa kusina.
Muli niyang pinagtuunan ng pansin ang niluluto. Napasinghap siya nang madama ang mainit na labi sa gilid ng kanyang leeg. Agad siyang napahawak doon, sabay pihit. Muli, nag-iisa siya. Kinabahan na siya at inalis ang kawali sa kalang de-kahoy. Nagdadalawang-isip siya kung tatabunan na ba iyon ng buhangin para mapatay ang apoy o pilit babale-walain ang kung anu-anong imahinasyon niya?
Muli siyang napasinghap nang madama ang mainit na labi sa kanyang leeg. Alam niyang labi iyon, kahit hindi niya nakikita at kahit hindi pa niya nararanasang mahagkan sa leeg kailanman.
May gumuhit na init sa kanyang katawan, kahit hindi alam kung ano ang nagaganap. Naipikit niya ang mga mata at doon ay nabigyang-linaw sa kanya kung sino ang humahalik sa kanya.
Nakaluhod siya sa harap ng salamin, hubu't hubad, at nakikita niya ang isang lalaki sa kanyang likuran, hinahagkan ang gilid ng kanyang leeg... pero hindi siya ang babae. Hindi ganito ang kanyang katawan, kahawig man at hindi iyon... Pero ang pisikal na nadarama ng babae ay malinaw na nadarama din ni Concepcion.
Nagmulat siya ng mga mata at muli ay natagpuan ang sariling nag-iisa sa kusina. Wala siyang kasama sa bahay, nag-iisa na lamang siya mula nang magsimulang masaid ang kaban dahil wala na ring maibabayad sa kawaksi sa bahay. Ang mga tauhan niya ay mga taga-hacienda, tumutulong sa pagsasaka at paghahayupan.
Kahit alam na nag-iisa siya sa bahay ay napatingin pa rin siya sa paligid. Kung may nakakakita sa kanya ay nakakahiya. Isinara niyang maigi ang mga bintana at pinto. Hindi niya naiintindihan kung ano ang nangyayari pero may hinala siyang kung magpapatuloy iyon ay ayaw niyang may makasaksi. Napakapribado ng lahat at hindi niya maunawaan kung paano nangyaring may ibang taong kasali... o siya ba ang nakikisali sa iba?
Ibinalik na niya ang kawali sa kalan, kahit nadarama ang mainit na palad sa kanyang balat. Nagtayuan ang balahibo niya sa katawan, pero kailangan niyang pilit na balewalain ang lahat ng ito. Mas may importante siyang kailangang gawin, at iyon ay ang magluto ng kakainin ng mga kasapi.
"Diyos ko, kung anuman po ito, nawa'y tumigil na. Nababaliw na po yata ako pero wala akong panahong mabaliw sa ngayon, Diyos ko," sambit niya habang inilalagay sa kawali ang tinapang karne.
Binuhusan niya ng tubig mula sa maliit na banga ang iniluluto, saka tinakpan ang kawali. Hinihingal na siya sa puntong iyon. Napakahirap awatin ng reaksiyon ng kanyang katawan sa mga kamay na hindi niya alam kung saan nagmumula.
Ipinikit niya ang mga mata, matagal sa pagkakataong iyon. Muli, napuno ng kakaibang eksena ang kanyang balintataw. Hayun pa rin siya sa tapat ng salamin. Ang liwanag mula sa kung saang kandelabra ay hindi nakakarating sa kanyang mukha kaya hindi niya iyon makita. Gusto niyang makasigurong hindi sa kanya ang katawang iyon, na sa bawat paghaplos na matanggap ay tumutulay sa kanyang mga ugat. Bakit nasa katawan siya ng babaeng ito? Sino ito? O hindi nga ba siyang talaga ang babae?
Tinangka niyang hulihin sa salamin ang imahen ng lalaking kaulayaw. Pero tulad ng sa babae ay hindi sapat ang liwanag para makita niya ang mukha nito. Hindi man niya kilala ang lalaki ay isa ang sigurado niya—gusto niya ang bawat paghaplos ng kamay nito. At kahit napakapribado ng pagdaan ng kamay nito sa kanyang dibdib ay hindi iyon nagdulot ng kahit na anong pangamba sa kanya, bagkus ay parang mahika na tinanggal ang lahat ng pag-aalinlangan at pinalitan ng isang uri ng init na noon lamang niya nadama.
Tulad iyon na nadama niya habang nakikita ang parehang nagniniig sa kamalig, pero mas matindi. Lumagpas tila sa hangganan ng normal na init ng katawan at ngayon ay halos mabaliw na siya. Ang rurok ng kanyang dibdib ay nasa pagitan ng mga daliri ng lalaki, habang ang isa nitong kamay ay bumaba sa pagitan ng kanyang hita.
Isang anas ang kumawala sa kanyang mga labi nang madama ang init ng daliri ng lalaki doon, tinutuklas ang napakasensitibong bahagi ng kanyang katawan. Naglapat nang mariin ang kanyang mga labi, pilit sinusupil ang ungol na gustong lumabas mula sa lalamunan.
Nagmulat siyang muli ng mga mata at natuklasang siya na ang babae sa harap ng salamin. Wala na siya sa hacienda, kundi nasa isang silid na hindi pamilyar sa kanya. Nilingon niya ang lalaking parang kilalang-kilala ang kanyang katawan at batid kung saan siya hahaplusin para mabaliw siya sa mga sensasyon.
"I love you," sambit ng lalaki sa kanyang tainga.
Nag-umapaw ang damdamin niya. Gusto niyang ibalik ang salita sa lalaki pero hindi pa man niya iyon nasasabi ay kusa nang bumuka ang kanyang mga labi. "I love you, too. I've always loved you. I'll love you forever. I love you beyond time..."
Pero hindi pa rin magawa ni Concepcion na makita nang buo ang mukha ng lalaki. Parang sa tuwing may liwanag nang tatama sa mukha nito ay may aninong muling tatabing. Pero hindi na naging mahalaga na makita pa ang lalaki dahil nangibabaw ang init ng kanyang katawan nang simulan nitong haplusin siya sa pagitan ng mga hita.
Nakatingin pa rin siya sa salamin at mula roon ay nakikita ang mosyon ng kamay ng lalaki habang ang katawan niya ay patuloy na umiinit, nakakarating sa isang antas ng luwalhating hindi pamilyar sa kanya.
Noon siya nakarinig ng pagkalabog at mabilis na nagmulat ng mata. Nanatili siya sa mundo ng lalaking pinagpapala ang kanyang katawan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka muling dumilat. Nasa kusina na siyang muli ng bahay. Muli siyang nakarinig ng ingay at sa pagkakataong iyon ay narinig niya ang tinig ni Esteban.
"Concepcion? Concepcion, kailangan kitang makausap."
Napatingin siya sa sarili at labis na nabigla. Paano nangyaring hubad ang lahat ng kanyang saplot? Ang kanyang kamay ay nakahawak ang isa sa kanyang dibdib, habang ang isa ay nasa pagitan ng kanyang hita.
"S-saglit lang, Esteban," sigaw niya, may panginginig ang tinig habang nagmamadaling isuot ang mga damit niyang ngayon ay nasa sahig. Hindi siya halos magkandamayaw at nang matapos ay nagmamadaling binuksan ang pintuan ng kusina. "E-Esteban!"
Kumunot ang noo ng lalaki. "Ano'ng nangyayari sa 'yo?"
"S-sa akin? Wala." Bakit gusto niyang umiyak? Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, pero nakokonsensiya siya sa kasintahan. Pakiramdam niya bigla ay ang dumi-dumi niya. Hindi tamang tinangkilik niya ang malalaswang imahinasyon. Ang kanyang katawan ay noon pa niya naisip ibigay nang buo sa kanyang mapapang-asawa at walang iba iyon kundi si Esteban.
Siguro, kung hindi lang sa mga pangyayari sa kanyang buhay ay noon pa sila naikasal ng lalaki. Pero paano niya magagawang pakasalan si Esteban kung pumanaw ang kanyang ama at nabaon siya sa mga problema ay pagkakautang? Lalo siyang mababaon kapag nagpakasal siya sa isang itinuturing na indio. Gusto man niyang maging matapang at suwayin ang lahat ng batas ng lipunan ay kailangan niyang maging makatotohanan sa misyon. Hindi iyon ang tamang solusyon sa lahat ng kanilang problema. May mga bagay na higit na mahalaga kumpara sa personal niyang buhay at planong pagpapamilya at pagkakaroon ng anak.
Mukhang hindi naman naiinip si Esteban dahil sinabi ng lalaki na mas mahalaga rin dito ang bayan. Iyon ang gusto niya sa lalaki—na magkatulad sila ng hangarin sa buhay. Pareho nilang naiintindihan kung ano ang mahalaga. Bakit sila magpapamilya kung walang maiaalok na magandang buhay ang isang Pilipino sa lugar kung saan ang mga Kastila ang hari?
"Bakit pawisan ka?" tanong ni Esteban, hindi nawawala ang pagkakakunot ng noo.
Nag-init pang lalo ang mukha ni Concepcion. Kung maaari lang siyang lumubog sa kinatatayuan, marahil kanina pa nangyari. Ang init pa ng kanyang katawan, may kahihiyan pang nanalaytay sa kanyang ugat, kasama ng bakas ng matinding pagnanasa. At alam niyang hinding-hindi niya masasabi ang lahat ng iyon sa nag-iisang taong pinagkakatiwalaan niya.
Parang nakikinita na niya kung ano ang magiging reaksiyon ni Esteban kapag sinabi niya rito ang lahat. Baka maisip nitong nababaliw na siya, iyon ay kung magagawa niyang ikuwento rito ang mga malalaswang imaheng dumaan sa isipan. Kailanman ay hindi sila lumagpas sa nararapat ni Esteban dahil iginagalang siya nito, na dapat lang. Ang pinakamatinding nagawa nila ay isang matagal na halik. Mayroong tamang oras para sa gawaing para lamang sa mag-asawa—at iyon ay kapag naikasal na sila. Kaya ano na lang ang maiisip ng lalaki kapag nalaman na mayroong ibang lalaki sa kanyang isipan? Ibang lalaking ginawa sa kanya ang dapat na gagawin sa kanya ni Esteban kapag sila ay kasal na?
Ah, mananatiling lihim ang lahat ng nangyayari sa kanya. Hindi niya iyon kayang ipaliwanag pero sa kung anong dahilan ay unti-unti na niyang natatanggap sa paraang hindi na siya nasisindak.
"Napadaan ka, Esteban?" pag-iiba niya. "Hindi ba mamaya pa naman ang novena?" 'Novena' ang tawag nila sa pagtitipon, para kung sakali man na pag-usapan nila iyon at may aksidenteng makarinig ay hindi sila malalagay sa alanganin.
"Oo, pero gusto kong malaman kung ano ang sinabi sa 'yo ni Damian. Nakita ni Tatay ang kabayo niya at sinabi sa akin."
"Ano pa ba kung hindi ang paalala tungkol sa utang ko," maaskad niyang sabi. Hindi na bago kay Esteban ang hinaing niya tungkol kay Damian.
"Kung minsan, naiisip kong baka ang pinakamaganda mong gawin sa ngayon ay ang pakasalan siya. Ayokong nakikita kang nahihirapan."
Sa labis na pagkabigla ay hindi nagawa ni Concepcion ang makapagsalita man lang. Totoo ba ang naririnig niya? "Mas gusto mong makita akong ikasal kay Damian kaysa ang makita akong pinaghihirapan ang bawat piso na ibabayad sa kanya?"
"Ikaw ang reyna ng hacienda kailan lang."
"At ang reyna ay kumikilos at hindi basta nakaupo sa kung anong trono, naghihintay na pagsilbihan ng lahat. Hintayin mo ako sa kamalig, Esteban. Dadalo ako sa novena," pagtatapos niya, nakataas ang noo.
___
Don't forget to vote and comment. You may also like my page:
facebook.com/vanessachubby
facebook.com/theromancetribe
Thanks!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro