Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

PLEASE READ!

PLEASE READ!

PLEASE READ!

PLEASE READ!

PLEASE READ!

PLEASE READ!

UPDATES WILL BE DISCONTINUED AFTER THIS CHAPTER FOR THE MEANTIME. BECAUSE OF COVID-19, THE RELEASE OF THIS BOOK HAS BEEN DELAYED. I DON'T WANT TO POST THE ENTIRE MANUSCRIPT FOR FREE BEFORE THE OFFICIAL RELEASE EVEN IF THERE WILL BE SPECIAL PARTS THAT ARE ONLY AVAILABLE IN THE BOOK FOR PURCHASE. SA TAGALOG PO, DAHIL SA COVID-19, NA-DELAY PO ANG RELEASE NG MGA LIBRO AT AYOKONG MAUNANG MATAPOS ANG LIBRO SA WATTPAD KAHIT PA NGA MAY SPECIAL CHAPTERS SA EBOOK NA BINIBENTA NA HINDI MAHAHANAP DITO. BAKIT PO? ABA'Y SIYEMPRE NAMAN, PRIORITY PO ANG BUYERS, LALO NA PO KUNG KUNSUMISYON PA ANG MGA TAO MINSAN DITO (ACTUALLY, KAYA NAKA-OFF NA ANG NOTIFICATIONS KO DITO KASI NASISIRA LANG ANG ARAW KO SA MGA FREELOADERS NA DEMANDING).

PASENSIYA NA, HINDI KO RIN INASAHAN NA MAUUWI SA GANITO DAHIL NOONG NAGSIMULA AKONG MAG-UPLOAD AY HINDI PA KALAT ANG COVID. LAHAT TAYO AY NAAPEKTUHAN. SALAMAT.


----


Ngumisi si Knox, na lalong ikinaasar ni Concepcion. Talagang hindi nag-Ingles ang lalaki para maunawaan ito ni Trinidad na ngayon ay pulang-pula ang buong mukha. Bakit hindi kung hindi rin sanay ang babaeng makarinig ng ganoon?

Gigil na gigil si Concepcion, pinandilatan si Knox. Pero mukhang walang balak ang lalaking tumahimik.

"Ang mga labi mo, mahal kong Concepcion, ang siyang pinakamatamis sa lahat ng aking natikman. Kailangang maikasal tayo sa lalong madaling panahon, para muli tayong magkasama sa paraang tanging para lamang sa mag-asawa."

Talipandas! Gustong tumili ni Concepcion sa matinding inis! Talagang nanadya ang lalaki. Ni hindi ito nag-abalang itago iyon. Ngising-ngisi ito. Ngisi ng tagumpay! Talagang kailangang silang magpakasal sa lalong madaling panahon, kaysa naman kumalat pa sa buong bayan ang lahat ng ito! Ang may mangyari sa kanila nang hindi man lang naikakasal! Isang malaking eskandalo! Isang malaking kahihiyan!

"Kailan ba tayo magpapakasal? Kung sana maaaring bukas na bukas rin dahil sa aking matinding pananabik sa 'yo, mahal."

Mukhang walang balak tumahimik ang lalaki. Gusto na talaga itong sigawan ni Concepcion pero naisip niyang siya rin ang talo. Baka kailangan niyang sakyan ang sinasabi nito, pero wala siyang maisip na sabihin na hindi nakakaeskandalo. Hindi ba alam ng lalaki na sa kanyang panahon ay hindi magandang pakinggan ang ganoon? Hindi iyon tama, at hindi katanggap-tanggap.

"Alam kong labis-labis ang pagnanasa mo sa akin, Jose Maria," aniya sa wakas. "Pero kailangan mong titiisin. Sinabi ko naman sa 'yo kahapon pa na kailangan mong matutong awatin ang maliit mong alaga."

Biglang naibuga ng lalaki ang iniinom nitong tubig. Muntikan nang napahagalpak ng tawa si Concepcion. Wala siyang pagpipiliang gawin kundi ang sabayan ito, pasensiyahan sila. Hindi niya puwedeng palagpasin ang pagiging pangahas ng lalaki. Kailangan niyang makaganti rito. Kung inaakala nitong wala siyang balak na lumaban sa kanilang tagisan, nagkakamali ito.

Hindi na siya nag-abalang tingnan si Trinidad dahil mamaya ay kakausapin niya ang babae para sabihin ditong huwag sabihin sa iba ang narinig sa pagitan nila ni Knox. Natural, kailangan niyang sabihin ditong hindi maaring makalabas ang kanilang usapan ng lalaking pangahas. Ano na lamang ang sasabihin ng mga tao?

"Maliit? Mukhang ibang bahagi ng katawan ko ang nakita mo, mahal ko. Madilim kasi. Kung bakit ayaw mo kapag nakasindi ang kandila kahit napakaganda mo naman mula ulo hanggang paa."

Ang isasagot sana niya ay biglang naipon sa kanyang lalamunan, hanggang sa malimuntan na niya. Sa kung anong dahilan ay nag-init ang kanyang katawan. Bigla niyang nailarawang-diwa ang lalaking hinahagkan siya mula ulo hanggang paa. Naaalala pa niya kung paano ito humalik, hindi lamang sa kanyang mga labi kundi maging sa bahaging sagrado sa pagitan ng kanyang mga hita.

Naipunas niya ang likod ng palad sa noo, pinagpawisan dahil sa alaala. Kailangan niyang umisip ng sasabihin sa lalaki, pero nawala na siya sa daloy ng usapan. Sumubo siya, inaalala ang paksa, saka nagpatuloy. "Sigurado akong hindi mo kamay ang nakita ko, Ginoo. Pero wala kang dapat alalahanin sa akin. Hindi ako mapaghanap. Pakiwari ko'y 'singlaki ng ibong pipit."

Biglang nagkasamid-samid si Trinidad. Agad itong tinanong ni Concepcion, nakangisi, "Ayos ka lang ba, Trinidad?"

"Opo, Señora. Ipagpaumanhin ninyo."

Ikinumpas niya ang kamay, saka nilingon si Knox. Mukha namang hindi apektado ang lalaki, kahit pa nga mukhang walang balak tigilan ang kanilang usapan. Naisip ni Concepcion, bakit nga naman maaapektuhan ang lalaki kung malinaw dito ang katotohanan? Malayo sa kanyang deskripsiyon ang ari-arian nito. Wala man siyang maaaring pagkumparahan, halos nasisigurado niyang iyon ay malaki at mahaba dahil bihira siyang makakita ng lalaking bumabakat na sa pantalon ang ari-arian. Si Knox ay mahihirapang alisin ang bakas na iyon kahit na ano pa ang gawin nito.

Gusto niyang mapaantanda nang maunawaan na ang laman ng kanyang isip ay ang ari ng estranghero na mapapang-asawa. Ni hindi pa niya naipapaliwanag sa lahat ang kuwento nito. Nadarama niyang madaming taga-hacienda ang gustong marinig ang kuwento nila ni Knox, isang imbento, natural, pero hindi na kailangang malaman pa ng lahat.

"Bueno," ani Knox. "Kailan ang ating kasal, mahal ko?"

"Siguro ay sa susunod na buwan?"

"Nababaliw ka na kung iniisip mong patatagalin ko ang ating kasal, mahal. Kung maaari ngang bukas din, hindi ba?" Nakangiti ang lalaki pero biglang naghaluan ng pag-aalala ang tinig nito. Naunawaan ni Concepcion. Siya man ang malagay sa katayuan ng lalaki ay aalalahanin din niya ang iniwang buhay.

Bigla ay gusto niyang itanong sa lalaki kung anong klaseng mundo ba ang pinagmulan nito. Hindi nito buong-buo iyon naikuwento sa kanya. Katiting lamang ang alam niya. Gusto niyang malaman kung anong klaseng trabaho mayroon ang lalaki, kung anong klaseng buhay ang mayroon ito. Parang hindi patas na hindi niya alam, habang ito ay alam na ang lahat sa kanya.

Hindi nagawa ni Concepcion na gamitin ang emosyon ng lalaki laban dito. Hindi siya ganoong klaseng tao. "Kung ganoon ay sa lalong madaling panahon. Kailangan nating ayusin ang dokumento. Kailangan nating kumuha ng permiso."

Tumango ang lalaki. "Kung ganoon ay aasikasuhin natin bukas na bukas din."

Tumango siya bilang tugon. Sa isang banda, hindi man niya dito inasahang tatakbo ang kanyang buhay ay wala siyang maaring ireklamo dahil ito lamang ang paraan para matubos niya ang hacienda at makitang muli ang ama. Kahit ilang ulit siyang tanungin at hindi niya babaguhin ang sagot. Hindi na siguro siya dapat makipagtagisan kay Knox, dahil ito pa rin ang solusyon sa kanyang problema.

Nang matapos silang kumain ay tumuloy na siya sa silid. Si Knox ay sa silid sa ibaba tutuloy. Ang lahat ng ito ay hindi normal dahil hindi nararapat na tumuloy si Knox, o kahit na sinong hindi asawa, sa bahay ng isang dalaga. Pero kinuha na lang nila si Trinidad bilang bantay at nagpanggap na walang problema ang lahat. Siya pa rin ang señora ng hacienda, siya pa rin ang kailangang igalang ng mga tauhan.

Nagpunas siya at nahiga na rin. Laman ng isip niya ang lalaki sa ibaba ng bahay. Naalala niyang bigla ang dahilan kung bakit sila nagsimulang magkasagutan. Mukhang naiinis ang lalaki sa kanyang damdamin para kay Esteban. Imposibleng nagseselos ito. Siguro ay naiinsulto lang dahil mapapang-asawa niya ito, pero pinuntahan niya si Esteban para humingi ng tawad. Dapat na malinaw kay Knox na hindi sila totoong mag-asawa, pero siguro ay ganoon talaga ang mga lalaki, isang bagay na nakapagpainis sa kanya.

Nakatulugan na niya ang pag-iisip at nang magising kinabukasan ay agad na bumangon at nag-ayos ng sarili. Pagbaba niya ay nakahanda na ang almusal at bihis na rin si Knox.

"Magandang umaga," bati nito, nakapuwesto na sa komedor.

"Magandang umaga."

"Uunahin natin ang kasal ngayon."

Tumango siya. Sa isang banda ay salamat na rin, hindi na niya kailangang tagalan ang mapanghusgang tingin ng mga tauhan ng hacienda... O baka naman hindi mapanghusga ang tingin ng mga ito kundi normal lang, pero dahil nakokonsensiya siya sa ginawa, pakiwari niya ay hinuhusgahan na siya ng lahat.

Ang matapos ang almusal ay lumakad na sila. Ang sinakyan nila ay isa sa mga karwahe niya, isang tauhan din ng hacienda ang naging kutsero. Ang sabi ni Knox ay inutusan nito ang kutsero.

"I need to pay my debts," ani Concepcion sa lalaki, sa gayon ay hindi siya maunawaan ng kutsero. "Do you have enough to pay all my debts?"

"I think so. If the gold I have is not enough, I will come back to bring you more. Don't worry about it."

Tumango na lang siya. Mukhang mayaman ang lalaki at nakikita niya rin iyon sa pananalita nito, maging sa pagdiskarte. Mukhang isa itong mahusay na negosyante at amo. Talagang malaki ang maitutulong nito sa kanya, isang bagay na ngayon pa lang ay kanya nang ipinagpapasalamat. Hindi man normal at natural ang daloy ng pangyayari sa kanilang dalawa, ang sumatotal noon ay makakabuti pa rin.

"How rich are you, Knox?" tanong niya.

"Let's just say I can pay for your land and buy you thousands more." Ngumiti ito, inabot ang kanyang kamay at pinisil. "No worries, my dear. Your future husband is gonna take good care of you."

Tumango siya, bahagyang naiilang, nag-iinit ang mga pisngi. Hindi niya kayang ipaliwanag ang napakaraming makukulay na emosyon na dulot ng lalaki, mga emosyong nakakapagdulot sa kanya ng seguridad, init sa puso, at saya. Hindi niya inaasahan ang huli, pero nararamdaman niya. Siguro ay dulot lang iyon ng pagkaalis ng bigat na nakadagan sa kanyang dibdib.

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. READ THE NOTE ON TOP. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro