Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

09

Sa kabila ng lahat ng mga pangyayari, the idea of siding with the people from the north never crossed my mind. Ni kailanman ay hindi ko naisipang maki-apig sa kanila. It's like my hate for them is stuck on me like a tattoo!

Kaya sa mga nangyayari ngayon... wala akong masabi. Ang hirap paniwalaan at pagkatiwalaan. Kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos na naproseso sa utak ko ang mga pangyayari.

I'm starting to wonder if I'm doing the right thing.

Ayo'kong pumalpak at madismaya ang mga taong umaasa sa akin. I know I can't mess up... so many people are depending on me

"Aracosa, naintindihan mo ba ako?"

I snap back to reality at the sound of Rutherford's voice. Nakataas ang kilay niya at para bang ubos na ang pasensya dahil sa madilim na tingin na pinupukol niya sa'kin. Muli naman ulit siyang bumuntong hininga nang mabasa ang sagot sa mukha ko

I clicked my tongue in annoyance. "Ano?"

"Hindi ka nakikinig, I said wear this,"

Sinundan ko ng tingin ang hawak niya and I can't help but to furrow. "Ano namang gagawin ko sa uniform ni Batista?!"

Uniform iyon ng sundalo at may apelyido ni Batista.

"Magduduty tayo. Checkpoint duty..." He spoke earnestly, an eyebrow quirked in silent question. Hindi naman ako nakasagot kaagad. I watched him put on his patrol cap, and I couldn't help but sigh.

"Baliw ka ba? Mahuhuli ako kapag ginawa ko 'yon."

Hindi ko talaga alam kung paano umiikot ang utak nito ni Rutherford. I mean... I still don't know him that well! Halos ilang linggo pa lang simula nang makilala ko siya.

I have no idea what his strategy is, how his mind works with everything that's going on, or what his true intentions are.

Ni hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan.

"You can stay inside the barracks if you want. May duty pa ako. I don't have time to deal with you." Tuluyan siyang tumalikod at naglakad habang bitbit ang M16. As if the weight of the gun was nothing to him.

Napamura naman ako sa isipan at natagpuan na lang ang sariling sinusuot ang iniwan niyang uniform ni Batista. Bagong laba ang uniform. Medium size kaya saktong-sakto sa akin.

"Bigyan mo ako ng baril," I whispered as I managed to match his big steps. Halos takbuhin ko ang madilim na pasilyo para lang mahabol siya sa paglalakad.

I noticed him sneak a look at my face before he frowned, like he couldn't believe my words. Bahagya pang bumagal ang lakad niya kaya naman nagkaroon ako ng tyansang mahabol ang hininga ko.

"Ako naman kasama mo, walang magtatanong kung bakit wala kang armas."

I raised an eyebrow. "Natatakot ka bang makahawak ako ng baril?"

"Oo," Mabilis niyang wika na nagpangiwi sa'kin. "Kasi you're acting like a deer in headlights with that. Mas maganda na't sigurado kapag wala kang baril."

Napatigil ako sa paglalakad habang siya ay nagpatuloy lang.

Ano raw? Acting like a deer in headlights? Pinagsasabi niya?

Iritado akong bumuntonghininga. Sa huli, wala akong nagawa kun'di ang sundan siya na para bang buntot niya. I had no other choice.

Hindi ako pwedeng gumawa nang ikakasama ng loob niya. Ipit ako rito sa Luzon. At siya lang ang alas na mayroon ako.

Tahimik akong umupo sa monoblock kung saan malayo kay Rutherford. I let my eyes wander around, analyzing the entire area. I sighed. Kanina pa ako naghahanap ng daan paalis sa lugar na 'to at halos magmukhang tuod na ako dahil sa pagkadesperada.

Tangina. Hindi sigurado ang buhay ko rito. Hindi ko pwedeng pagkatiwalaan ng lubos si Rutherford. May saltik pa naman sa utak ang isang 'yon. Baka mamaya magbago bigla ang timpla niya at ipahamak na lang ako.

"Wala kang madadaanan palabas ng kampo," I quickly turned to face the voice behind me. Halos mabunggo ko pa si Rutherford dahil kaunti lang ang espasyo niya sa'kin. Napalunok tuloy ako.

"Bawat kanto kasi, may naka-duty na bantay. Luzon has way stricter security than ViMinda. Hindi ko naman kayo minimaliit, just spitting facts." Aniya na may pang-depensa kaagad.

"Strict security pero nakapasok ako rito nang walang kahirap-hirap-"

"Want to compete?" He tilted his head slightly, a playful grin on his lips as he chewed gum, one hand in his pocket and the other gripping the M16, veins visible from the weight of the gun.

Tuwid akong tumayo at nilabanan ang titig niya, as if we were having a staring contest. Bahagya ko ring tinagilid ang ulo ko at nagkibit-balikat.

"Sure,"

Tumango-tango siya habang kalmadong nginunguya ang bubble gum sa bibig. "Sige. Go first, prove your security is better."

Binuka ko ang bibig at handa nang magsalita ngunit mabilis na napatikman nang may maalala. Napatitig na lang tuloy ako sa kaniya.

What the fuck, Sai! Alam mo na ngang nakapasok ang cruise nila sa ViMinda, nagawa mo pang makipag-talo! May kampo nga sila roon. Shit. Mali.

I clenched my teeth. "Okay, fine! Kayo na panalo! But at least we're not killing innocent people."

Doon siya natigilan. He stopped chewing the bubble gum and clenched his teeth. Bahagya tuloy akong napalunok ng sariling laway.

Ha? Bakit gan'yan naman naging reaksyon niya? Pumayag siyang makipag-kumpetensya pero nung rumebat ako, nagalit siya? Baliw ba siya? Wala naman akong ibang sinabi!

"It's not us doing the killing... and we don't even know who's behind it."

Kumunot ang noo ko sa narinig. They don't even... what? Kung hindi sila... sino? Hindi ko maiwasang ulanin ng sari-saring tanong na gusto ko agad mapunan ng mga kasagutan.

I was about to speak, but someone interrupted me.

"General Rutherford! Salute!"

Shit, may tao. Dali-dali akong nag-iwas ng tingin at dahan-dahang pumihit patalikod.

"Sumaludo ka kay Colonel," Dinig ko ang mahinang bulong ni Rutherford. Napamura ako sa isipan. Sabi na nga ba, may plano 'to si Rutherford na pag-laruan ako.

Tangina.

Bago ko sila harapin ulit ay binaba ko ang patrol cap hanggang sa mata at mabilis na sumaludo. I don't know why, but I want to talk to Rutherford and ask him about what he said earlier.

Kung inosente ang mga taga-norte, sino naman ang gagawa no'n?

"Sino 'to?" Tanong ng matandang lalaki. Pinukol ko sa kaniya ang buong atensyon ko. Hindi siya pamilyar sa'kin at mukhang civilian.

"Bago galing district 1,"

"Sergeant?" Naniningkit ang mata niyang tumingin sa uniform ko at saglit na binasa ang nakasulat dito.

Hindi ko pinansin ang lalaki na tila ba inaanalisa ang bawat sulok ng mukha ko. Binaling ko ang tingin kay Rutherford na tuwid na nakatayo sa gilid ko.

Even in the dark, I can see every well-defined shape on his face.

Matagal ko siyang tiningnan, umaasang titingin siya sa'kin pero mukhang Hindi iyon mangyayari! Bwisit! Alam kong nararamdaman niyang nakatingin ako sa kaniya! Iniiwasan niya lang dahil gusto niya akong mapahamak!

"Batista... Ah... Batista?!" Pag-uulit pa nung matandang lalaki na para bang natauhan. He even lowered himself and got right in front of me to match my height. Mabilis na naglaro ang amoy ng alak mula sa kaniyang hininga.

"Ka-ano ano mo naman si Batista? Kapatid?" Tanong niya sa'kin. Hindi ako tumanggi at sa halip ay tumango.

"Ah..." Bahagya niyang tinagilid ang mukha at muling tumitig sa mukha ko. Napatingin tuloy ulit ako kay Rutherford, nanghihingi na ng tulong. Pero Hindi niya ata naintindihan ang pinapahiwatig ko.

He just stood up straight next to me, giving us a small, fake smile! Nakakainis talaga!

"Kaya pala parehas silang pasaway," Maya-maya'y dagdag ng matanda na kinadahilan nang pag-arko ng kilay ko.

I heard Rutherford let out a soft laugh. Kainis din ang isang 'to. Saka lang siya tumingin sa'kin kung kailan hindi ko na siya kailangan! Mukhang tuwang-tuwa pa siya habang nakikinig sa mga sinasabi ng matanda!

"Bakit gan'yan 'yang eyelash mo? Bawal ang make-up 'di ba?"

Kinuyom ko ang aking kamao at bahagyang pumikit para pakalmahin ang sarili. Lasing ang matanda kaya kailangan kong magpakumbaba. Isa pa, wala ako sa ViMinda. Pagpapakumbaba lang talaga ang kailangan kong gawin dito.

"Normal 'yan, Sir." Depensa ko sa sarili.

Simula elementary hanggang sa tumungtong ako ng kolehiyo ay ayan palagi ang unang napupuna sa'kin ng mga tao. Teachers even block me when they see me in the hallway or wherever, saying makeup's not allowed. Nakakainis na dahil paulit-ulit ko na lang naririnig ang patungkol sa akin.

"Ah," Tumango-tango naman ang lalaki. "Pero iyang buhok mo-"

Iritado ko siyang pinutol bago pa man matapos ang kaniyang pamumuna. "Hindi naman naaapektuhan 'yong cap ko, Sir."

Siya naman ang bumuntong-hininga. Minulat niya ang papikit-pikit na mata at nagpamaywang bago bumaling kay Rutherford.

"Oy, General Rutherford. Sabihin mo nga sa bago na 'to kung ano ang AFP's internal regulations."

Naramdaman ko ang pag-harap sa'kin ni Rutherford. Humugot siya ng malalim na hininga at bago pa man magsalita ay nagsalita na ako.

"No individual shall engage in any activity that undermines military discipline, such as wearing wigs or dyeing hair. Those with short hair must ensure that the hair at the back does not touch the collar, while individuals with long hair are required to tie it or secure it with a hairpin or hairnet." I told them.

"Ang galing mo! Alam na alam mo!" Dismayadong umiling-iling ang lalaki. "Kabisado mo 'yung bawat salita pero sumasayad na 'yang buhok mo sa collar mo. Magkapatid nga kayo ni Batista."

I clenched my jaw. "Kapag ba sumayad 'yang buhok mo sa collar mo, kapatid mo na rin si Batista, Sir?" Walang modo kong pahayag.

Parehas lang kami ng ranggo. Kaya h'wag niya akong aangas-angasan.

"Ano? Sumasagot ka?" Aniya na may kasamang kaunting amba.

Rutherford cleared his throat. "Umuwi ka na, Sir. Lasing ka na."

"Uuwi na talaga ako, General," Pagewang-gewang siyang sumaludo sa lalaki. "Pasalamat 'yang kapatid ni Batista dahil retired na ako at hindi ko siya mapapangunahan dahil kung hindi-"

Pinutol ko ang salita ng matanda. "Sige po, salamat kasi nag-sixty agad kayo bago ako maging sundalo!"

"Anak ng!" Muli siyang umamba sa'kin.

"Sir, ihahatid ko na kayo sa kotse niyo. I'll also call Oplas to drive you home." Muling pag-awat ni Rutherford sa matandang lalaki bago naglakad sa direksyon ko. He grabbed the gun, and I couldn't help but gulp as he brought his face close to my ear.

"Malapit na si Grey. Ihahatid ko lang 'yon saglit."

It was like he said the magic word. Mabilis na nagliwanag ang mukha ko at tuluyang nakahinga ng maluwag. Akala ko pa naman ay hindi niya gagawin ang pinangako kanina bago niya ako mapapayag na magtungo rito.

He's seriously sticking to his promise.

Sana lang ay hindi totoo ang iniisip ko. Posible ba na kinukuha niya lamang ang tiwala ko at sa huli, wala rin?

Pero para saan pa? Anong dahilan? Wala naman siyang kailangan sa'kin... at kung mayroon naman... ano iyon?

My face crumpled and I shifted my weight.

Naiwan akong mag-isa sa ilalim ng tolda. I followed what Rutherford told me and waited. All I did was look around to the right and left. Hindi nag-tagal ay huminto sa harapan ko ang kulay pula na white mustang.

The bright light flashed into my eyes. Hindi ko agad naaninag kung sino ang nakasakay. Hindi rin naman pamilyar sa'kin ang kotse... o baka naman...

Oh, shit. Baka kung sino 'yan. Hindi pwedeng mahuli ako!

Bago pa man huminto sa harapan ko ang kotse ay dali-dali akong tumuwid sa pagkakatayo. Binuka ko ang aking bibig at handa na sa pagsasalita ngunit naunahan ako ng lalaki.

"Hi, Miss? Want me to give you a ride?"

He mouthed as he dramatically took off his sunglasses. May maliit na pilyong ngisi pa ang labi niya. Napairap naman ako sa kawalan, couldn't help but sigh in relief. Tangina, kinabahan pa ako. Isang takas mental lang pala ang nakasakay sa magarang kotse.

Kupal. Ano namang ginagawa ng abogado na 'to rito?

"Bakit parang kinabahan ka?" Grey chuckled as he noticed the look on my face.

Tuluyan akong nagpakalawa ng malalim na buntong-hininga. Hindi ko talaga gets kung bakit at paano naging abogado ang isang baliw na 'to. Hindi kapani-paniwala.

I bent slightly so that my eyes met his. He's still in his suit. Hulmang-hulma ang katawan niya sa damit niya.

"Lisensya mo?"

Saglit siyang napatikham. "Luh ka, naka-four wheeler ako. Saka susunduin ko kayo ni General."

"Wala akong paki," Mariin kong ani. "Lisensya. Over speeding ka. First offense, 2k."

He smirked, leaning back in his seat while keeping his gaze fixed on me.

"Sa tingin mo, what will the penalty be if they find out na may ligaw na taga-ViMinda rito?" Pinaglapat niya pa ang kaniyang mga labi. Akala n'ya siguro kakabahan at matatakot ako sa mga pinagsasabi niya.

Even before I made plans to come here, I knew the consequences if they caught me. Dedma sa'kin. Kasama sa plano ko kapag nalaman nila ang totoo. Hindi ako pwedeng pumunta rito nang walang dalang baon.

"Ah... kumain ka na ba?" Pag-iiba niya sa usapan.

I immediately shook my head. "May pagkain ka? Gutom na talaga ako."

Patay gutom na kung patay gutom. Halos dalawang gabi na akong hindi nakakakain ng kanin. Pakiramdam ko nga ay wala na akong lakas makipag-laban dahil walang laman ang katawan at utak ko.

"Wait," Saglit siyang may kinuha sa loob ng kotse at bumaba dala-dala ang isang supot ng special mamon. Ang dami, balak niya ba akong palobohin?

"Iyan na lang muna, I have nothing w-"

"Baka naman matagal na 'to sa sasakyan mo?" Arko ko sa aking kilay. Malay ko bang balak niya akong lasunin at pakainin ng may amag na mamon.

"Nope, kakabili lang niyan. Kung ayaw mo, iwan mo na lang diyan..." Sinipat niya ang screen ng cellphone. "Sagutin ko lang 'to."

Bahagya siyang lumayo para sagutin ang tawag. Sakto lang ang layo para marinig ko ang usapan nila ng kliyente niya. Seryoso ang pinaguusapan nila kaya napasarap ang pag-kain ko sa mamon.

Halos hindi ko nga makilala si Grey sa sobrang seryoso niya. Para bang ibang tao ang naririnig ko. Pero hindi na bago sa'kin 'yon dahil nakita ko na siyang humarap sa korte. He's very serious and quite intimidating. Kaya nga gulat ako na may takas mental side pala 'yang baliw na 'yan.

Mula sa malayo ay nakita ko na ang papalapit na rebulto ni Rutherford. Sakto ang pag-dating niya dahil tapos na akong kumain, halos naka-tatlong mamon ako. Si Grey naman ay tapos na rin sa pakikipag-usap sa kliyente niya.

"Oh," Grey threw the car key at Rutherford, who caught it effortlessly with one hand.

"What time is it?" Rutherford asked.

Nahagip ko namang tumingin sa'kin si Grey kaya binalik ko ang tingin ko sa kaniya. He sighed and looked down. Napansin niya sigurong wala akong balak sagutin ang tanong ng lalaki kaya siya na ang sumipat ng relo sa pulso niya.

"Twenty minutes late sa press con."

"Tagal mo kasi." Nakita ko kung paano ang ginawang pag-ismid ni Rutherford sa lalaking kaibigan bago siya sumakay ng kotse.

Umarko naman ang kilay ko sa nakita.

"The hell, ikaw nag-sabi sa'kin na 6:45 ako pumunta." Grey scowled.

I sighed in disbelief. Seryoso ba na sila talaga makakasama ko rito sa Luzon? Shit. Nandito ako para alamin ang katotohanan na nangyayari sa bansa. Hindi para mag-babysit ng mga isip-bata na 'to!

"Umalis na tayo. Wala tayong maaabutan kung puputak pa kayong dalawa."

Sumakay ako sa likod habang ang dalawang magkaibigan ay nasa harapan. Rutherford drove the car, and he was fast enough to get us there quickly.

Mabuti na lang at hindi kami nagkaroon ng aberya sa pagpasok sa gusali dahil kilala si Grey ng mga gwardiya. Mas lalo na naman tuloy lumaki ang ulo ng lalaki. Akala mo siya ang Mayor na nangongompanya dahil halos lahat ay kinakawayan niya.

Nagmukha pa kaming body guards ni Grey.

Naabutan naming nag-sasalita ang Mayor sa harapan ng maraming Cameras. May maliit na nakakaawang ngiti pa ang nakapaskil sa kaniyang labi... na para bang isa siyang inosente sa harapan ng mga cameras.

I tsked.

Bakit kaya may mga taong sa harapan lang ng camera malinis? Why don't they show who they really are to everyone? Natatakot ba silang madumihan ang pangalan nila? Ang reputasyon nila?

"As public workers, it is our job to serve the Filipino people. We can't afford to let our disagreements, no matter how personal or ideological, keep us from performing that responsibility. Unfortunately, the Vice President's leadership has been characterized by inconsistency and division, which has further exacerbated the administration's increasing divide. His policies and actions have failed to create collaboration, instead widening the gap not just between us, but also inside the administration as a whole."

Hindi ko maiwasang hindi mapaismid sa mga naririnig. I stole a quick glance at the reactions of the two on my side. Seryoso ang dalawa sa pakikinig at parehas pa silang naka-kibit balikat. Both of them look intimidating and furious when they wear a poker face.

"Makikinig lang tayo? That would be very dull." Nasaksihan ko ang pag-irap ni Grey sa gilid. Pagod niyang inunat ang mahahabang binti at prenteng umupo sa tabi.

"Iwan ko muna kayo saglit,"

Sabay kaming napatingin ni Grey sa gilid at pinanood ang pag-tayo ni Rutherford sa kaniyang upuan.

"Sa'n ka punta?" Grey asked him.

"Diyan lang. Mauna na kayo kapag natapos na."

Walang pumalag sa kaniyang suhestiyon. Maski ang pag-talikod niya ay walang nanood dahil binalik na rin ni Grey ang buong atensyon niya sa Senador na nasa harapan.

"Despite the fact that we both come from the North, I believe that the Vice President has allowed his personal and political interests to cloud his judgment and impede progress. This is a critical moment in our history, and the people deserve leaders who can rise above petty conflicts and focus on the greater good."

I tsked. Ayan na naman sila, nag-sisiraan na naman sa harapan ng mga tao.

"As a senator, I will continue to focus on my duty to the people, and I will work alongside those who are committed to achieving real change. I will not allow these personal and political conflicts to dictate the direction of this country. We must rise above these divisions and put the needs of the Filipino people first."

Tumigil ang babae sa pag-sasalita tanda na tapos na siya sa kaniyang mga sasabihin. Kaagad namang nagkagulo ang mga reporters na sabik mapunan ng sagot ang question sheet nila.

"Senator, if the Vice President continues with the current leadership style, do you see it becoming harder for both of you to work together in the future?"

"It certainly makes it more challenging. As I've said, leadership requires cooperation, and if one side refuses to engage or refuses to work toward national unity, it's difficult to make progress. The country cannot afford to have leaders who are more focused on personal differences than on solving the issues that matter. That's why it's so important for the Vice President, or any leader, to be willing to work together in the interest of the nation."

"Oy, Colonel," Tawag sa'kin ni Grey na kaagad na nagpalingon sa'kin. Pinantaasan ko siya ng kilay. "Gusto mo bang mayanig araw niyan ni Morales?"

I puckered my lips and frowned at him. May bibong ngiti ang nakapaskil sa mukha ng loko, mukhang may binabalak gawin.

"Sige, hindi ka naman ata kayang ma-headshot pag-labas mo rito." I joked and he laughed.

Tumayo ang lalaki at bahagyang tinaas ang kanang kamay sa ere. Kaagad naman niyang nakuha ang atensyon ng lahat. Kinailangan ko tuloy yumuko upang maitago ang mukha ko sa mata ng mga tao.

Pilyo talaga 'tong isa na 'to.

Hindi naman halata sa mata niya na nakagamit siya ng pinagbabawal na gamot kaya hindi mo masasabing high siya o ano. Wala rin naman ata siyang sira sa utak?

"Senator, there's been a lot of speculation recently about your personal relationship with the Vice President. In fact, many people saw you both together just last night. Can you clarify what really happened?"

"Gago talaga," Naiiling at hindi makapaniwala kong waksi.

I grimaced. Pinanood ko kung paano natigilan ang senador. Nilibot niya pa ang tingin niya sa mga madla na nasa harapan. All the reporters went quiet for a moment, then the whole place got loud with whispers and questions after Grey asked that.

"Y-Yes, I have been in meetings and discussions with the Vice President, as we are both public officials working toward the betterment of our country. That's my primary concern, not what people may or may not believe. As for how this affects my ability to lead, I will continue to serve the people of this country to the best of my ability, focusing on the issues that matter to them, not on distractions."

Nangingiting umupo si Grey at bahagyang nilapit ang mukha sa'kin.

"Kinabahan 'yan." He proudly told me.

Naiiling akong nag-layo ng tingin sa kaniya.

Hindi ko naman kailangan mag-alala sa kalagayan ni Grey. Abogado ang isang 'to. Paniguradong sanay na sanay siya sa mga taguan. Kaya kahit pa matandaan ng Senador ang mukha niya, he might manage to escape the threats.

Hindi nagtagal ay natapos ang press conference. How ironic that it ended with lies, just like it started. Nagpaalam ang senador kaya naman unti-unti na ring nagsisi-alisan ang mga reporters na napunan na ang pangangailangan.

"Sa'n na si Rutherford?" I asked Grey. Hindi pa rin kasi bumabalik ang lalaki simula nang magpaalam siya sa'min kanina.

"Nag-e-enjoy siguro bilang spy." Natatawa naman niyang sagot.

"Spy?"

"Kidding. Nasa parking lot na. Boring daw dito kaya hindi na pumasok."

Tumango na lamang ako at nauna nang lumakad.

I'm not sure when I'll have the opportunity to spend time alone with Rutherford. I mean... marami akong tanong na kailangan niyang sagutin. At kailangan na niyang masagot 'yon kaagad bago pa malaman ng mga taga-Luzon na may nakapasok sa lugar nila.

Nauna akong sumakay sa kotse. It's amusing how it feels like I have so much faith in the two of them. Wala naman akong ideya sa mga binabalak nila. Malay ko bang bigla na lang nila akong dalhin sa pulisya.

Tahimik buong byahe. Nabasag na lamang ang malalim na katahimikan nang mag-salita si Rutherford, tanda na nasa destinasyon na kami.

I roamed my eyes around the area.

Tanging ang buwan na lang ang nagbibigay liwanag sa kalawakan. Sapat lang ang liwanag na 'yon para makita ang hindi masiyadong malaki ngunit hindi rin masiyadong maliit na bahay. Moderno ang disenyo nito at napapaligiran ng mga puno. Isa lang din ang palapag nito kaya may kahabaan ang bahay.

Weird. Saan naman kaya ang lugar na 'to?

"Why here? Ayaw mo sa condo?" Asked Grey.

"Do you want to get in trouble? May kasama tayong spy."

I tsked. Gusto ko pa sanang mag-salita at makipag-talo sa lalaki. Pero mukhang desidido naman silang itago ako.

Naunang bumaba si Rutherford sa kotse at pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman kaming dalawa ni Grey.

"Isa lang kwarto rito, Colonel. Hide out lang kasi namin 'to-"

"May pagkain ba rito?" I cut him off. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko, tangina. Wala naman akong paki sa bilang ng silid. Kaya kong maging komportable kahit sino pa ang kasama ko sa iisang bubong.

Maitago lang ako. Iyon ang importante.

Natawa naman siya roon. "You can just fry eggs in the kitchen."

"May kanin?"

"Bibilhan kita sa labas."

Mabilis akong napatango. "Prituhan din ba kita?"

He shook his head. "I'm fine. I need sleep more than food."

Hindi ko na sinundan pa ng tanong ang usapan namin. Iniwan ko siya sa sala at nag-tungo sa kusina. I quickly spotted the egg tray and the oil, so I cooked right away.

Nang matapos ay saktong pag-dating ni Grey. May hawak siyang maliit na paper bag na may laman ng dalawang supot ng kanin at... sampung pirasong isaw.

"Alam mo favorite ko, ha," I said it without thinking. Nagkatinginan tuloy kaming dalawa ni Grey pero kaagad din akong nagbaba ng tingin pabalik sa plato.

"Assuming. Hindi ko inalam 'yan, It was just a coincidence."

Hindi makapaniwala akong natawa. "May sinabi ba ako?"

"Hmmnn," He just shook his head. "When are you going back to Visayas?"

Bahagya akong natigilan sa pag-iiba niya sa usapan. Napaisip ako at hindi maiwasang mapatanong sa sarili. But all of those questions got answered quickly as well.

"I'll stay here until I've looked into everything," Anunsyo ko.

Napahikab si Grey at tinapunan ako ng mabilis na tingin. His eyes were barely open. Kanina pa rin siya hikab nang hikab na para bang nilalabanan na lang ang sobrang pagka-antok.

I clicked my tongue and glanced at the other couch.

Madilim ang lugar dahil ang ilaw na lang sa kusina ang nagsisilbing liwanag sa buong sala. But I can still see Rutherford, sleeping on the small couch. Nakatabon sa kaniya ang leather jacket habang ang dalawa niyang mahabang binti ay nakabaluktot para lang mapagkasya ang sarili niya rito.

Tangina. Pagod na pagod ba sila? Parang hindi sundalo at abogado.

Hindi ko naman magawang mag-reklamo at pagalitan sila para mawala ang antok. It's already one in the morning, and it's been a really long, tiring day!

I heard Grey groan, and it caught my attention. Nagpamaywang ako at bahagyang tinaas ang kilay sa lalaking prenteng umupo sa upuan na nasa harapan ko. He propped his crossed legs on the table and stretched both hands out along the sides of the couch.

I swallowed, my gaze locked on him.

I won't lie, when we first met at the café in Zambales, the first thing I noticed were his hazel eyes and the straight nose perched on his glasses.

"What's the plan?" Aniya na nagpakawala ng mahinang mura sa bibig ko.

I crossed my arms. "Gagamit tayo ng cards,"

"Hmmn?" He said, his voice rough.

Parang napipilitan na lang siyang makinig at makipag-usap sa'kin. Wala naman siyang ibang ginawa kanina kun'di ang makipag-kita sa mga kaibigang abogado. Sa pagkakarinig ko nga, nag-tambay lang sila isang resto bar hanggang sa lumubog ang araw.

"Ano bang naiisip mo?" Pag-uulit niya.

I heaved a sigh. "Vice president Silva's legal wife... Vina-"

"Matulog ka na lang, Colonel,"

Napakibot ang labi ko sa naging sagot ng lalaki. I was not expecting him to react like that! Masiyadong malaki ang ideya na binitawan ko para lang balewalain niya at ibahin ang usapan. Kainis. Siguro lang talaga, mannerism na nilang dalawa ni Rutherford ang pangbabastos. 

Hindi naman nila kina-cool! 

I balled my fist up and gave him a glare.

"Nagpapaliwanag ako nang maayos rito and you should pay attention, too," I pressed my lips together. Ni hindi ako magkaraon ng tyansa na ma-enjoy ang pagkain ko dahil sa kaniya! Punyeta.

"Gan'yan ba ugali ng mga abogado?" I remarked with a sarcastic tone.

He gave a half-asleep chuckle and in a husky voice, he said. "Tapos na naming maplano ni General kanina 'yan, Colonel. We should get some sleep now... hindi ka ba inaantok?"

I could totally see myself going for him with the fork in my mind. Pabagsak kong binaba ang hawak na tinidor at malalim na humugot ng hininga. 

Sino ba naman ako para mag-reklamo? Hindi naman nila obligasyon na isama ako sa pagsasawa ng mga plano. But we're acting as a team! They could've given me a heads-up about their little plan!

Tangina talaga. Fuck you, Grey Sandoval. Fuck you, Kyl Rutherford. Fuck you. Talaga!

"Nag-aaway sila sa media pero sa private, magkaholding hands," He said out of nowhere. Naging seryoso ang kaniyang tono at maging ang mukha na nagpakunot ng husto sa noo ko.

"Can you believe it?"

"Ano?" Untag ko at maging sa pag-nguya ay bahagyang napahinto. 

"Sa tingin mo ba... may tinatakpan silang issue kaya nila ginagawa 'yang mga 'yan?"

I looked away. Maybe.


^____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro