Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

08

"Gusto ko siyang makita," I mumbled.

Kumunot ang noo ni Lara nang marinig ang bulong ko. Hininto niya ang pagtitipa sa cellphone at umupo nang naka-dekwatro sa harapan ko. She removed her patrol cap, tilted her head, and crossed her arms in front of me.

"Sino?" Takang tanong niya.

"Si Rutherford."

I honestly wasn't sure if I should believe what Grey and Rutherford were saying. Gulong-gulo na ako sa kung ano at sino ang dapat na paniniwalaan ko. para bang buhol-buhol na ang utak ko sa sobrang dami nang isipin na bumabagabag dito.

Am I supposed to trust Grey and Rutherford, who caused all these deaths and the war, or the government that's falling apart?

"Ano bang mayroon, Sai?" Naputol ng tanong ni Lara ang mga iniisip ko.

I leaned back in the chair and closed my eyes tightly.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng barracks ni Lara. Abala siya sa pag-kutkot sa kaniyang kuko at pag-tingin-tingin sa screen ng kaniyang cellphone. She's off-duty now, just rocking a white t-shirt and denim pants.

Pinayagan lang naman siyang manatili rito sa loob dahil dinahilan niya ang pagbabantay sa'kin. Sinabihan ko nga siya na huwag na dahil ayos naman na ako, pero ayaw niya. Wala naman akong magagawa para baguhin ang gusto niya.

"Huwag ka munang magtatangkang tumakas, ha? Tuturukan talaga kita ulit nang pang-patulog." She said, and I couldn't help but stare at her.

Matalim na tingin ang pinukol ko sa kaniya kaya napa-amba siya sa'kin.

I've had two days to process what Grey and Rutherford told me! Nakakainis! Kung hindi lang talaga ako pinaulanan nang pampatulog nila, paniguradong nahalukay ko na ang mga dapat kong malaman.

"Huwag mo nga akong tingnan nang gan'yan, Sai! Both tayong off duty kaya nandito tayo sa barracks bilang mag-bff. Walang ranggo-ranggo. Kaya hindi mo ako madadaan sa gan'yan. Hindi kita boss ngayon. May sakit ka rin kaya dapat na sumunod ka sa'kin."

Parang tanga talaga...

I rolled my eyes in response to her.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit ayaw kong mag-sabi kaagad sa kaniya patungkol sa nalalaman ko—she's definitely going to overreact.

Kinuha niya ang nail cutter sa loob ng pouch. "At saka, hindi mo na makikita 'yong mga taga-Luzon. Babalik na sila sa lugar nila mamayang alas-diyes ng gabi."

Natigalgal ako sa aking pwesto. I blinked a few more times before putting a strand of my hair on the back of my ear. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Kung dapat ba akong maging masaya dahil tuluyan na silang lilisan sa lugar namin o... madismaya dahil kailangan ko pa si Rutherford.

Yes, I could really use Grey and Rutherford at this point.

May alam sila na hindi ko nalalaman. Still, that doesn't mean I believe them. Kailangan ko lang impukin ang mga impormasyon na nalalaman nila. I'm fairly certain they have plenty of knowledge on this topic already.

Sana.

Ayon nga lang—nagkaproblema. Paluwas na sila patungo sa Luzon. How am I supposed to see them if I'm in the Visayas?

Napalunok ako nang wala sa oras. These thoughts are hinting something and I couldn't brush it off.

"Eh, si Grey?" Takang tanong ko.

Kumalat ang pagkalungkot sa kaniyang mukha. "Hindi pa rin namin siya nakikita simula nung nawala sila ni Ellis."

Mabilis akong napatuwid mula sa pagkakaupo. I pressed my lips shut, then opened my mouth, unable to hide my curiosity.

"Hindi pa ba kayo nagkikita ni Ellis? Wala pa siyang report?'

Alam kong nakita ni Ellis si Grey... pero bakit hindi niya sinabi sa kanila? Did he forget to mention it, or is he scared our camp will figure out Grey is a spy?

"Bakit? Anong kinalaman ni Ellis? Alam niyo ba kung nasaan si Attorney Grey?"

Suminghap ako ng hangin. "Tangina no'n ni Grey. Spy 'yong putanginang hayop na 'yon kaya huwag mo nang hanapin."

"Huh?!"

Kinuha ko ang uniform ko na nakapatong sa lamesa at tumayo mula sa pagkakaupo.

"Mag-rereport ako kay General," I shot her a raised eyebrow and glanced down at her. Nananatiling blanko ang kaniyang mukha at tila ba hindi pa nagpoproseso sa utak niya ang mga nalaman.

"Paano mo nalamang espiya siya?" Gulat na gulat niyang ani.

Napabuntong hininga naman ako. "Huwag mo nang alamin. Tulungan mo na lang ako kung paano ako makakapunta sa Luzon—"

"Ano?!" She was caught off guard.

"Please, Lara..."

"Kingina ka, Sai. Hindi pwede. Ayo'ko!" She kind of turned away, disagreeing with what I said.

"Utos ko 'ya—"

"Hindi nga pwede. Sobrang delikado no'n," Iiling-iling niyang sabi. Her face is stone-cold serious now. "Pag-pasok pa lang, delikado na. Paano pa kapag nasa loob ka na? Mamamatay ka dahil sa pagpapaka-bayani mo!"

Oh? Oh...

Those words left me stunned for a moment. Nagpupuyos ako sa galit dahil pakiramdam ko, ang pinaparating nang sinabi niya ay ginagawa ko lang ang lahat ng ito upang umarteng bayani sa bayan.

I took a deep breath. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko. Sa totoo lang, It was as if those words pinched my heart a thousand times over.

Akala ko ay magagawa ko ngunit sinundan niya pa nang pagalit.

"Dito ka na lang muna. Marami ka pang tama ng bala, hindi ka pa—"

"I'm ordering you to follow my commands," I cut her off before she could finish. Nakita kong natigalgal siya roon. Hindi ko ito pinansin at muling binuka ang bibig. "That's an order, Private Lara."

I really dislike it when people try to control my life by getting involved in my decisions. Nasa tamang pag-iisip naman na ako at alam kong wasto ang gagawin ko.

At isa pa, I can't afford to sit around in the barracks while the country's in chaos.

Lara stood up and gave me a salute.

Naiintindihan ko naman ang babaeng kaibigan. Nag-aalala lang siya sa kalagayan ko. But I don't have time for their concern. Alam ko ang kapasidad ng kakayahan ko.

And... I don't fear death.

Nag-tungo ako sa headquarters at nag-bigay ng report. They were all shocked when they found out Grey was a spy. Mas lalo tuloy humigpit ang seguridad sa loob ng kampo. Matapos no'n ay nanatili lang ako sa loob ng barracks buong mag-hapon.

I need to rest and get my strength back.

I know I'll be stuck in a life-or-death situation again.

"Dalawang araw ang byahe ng Cruise nila papuntang Luzon. Kapag maliit na barko naman, isa't kalahati lang," I tilted my head. "Sa Batangas white house nila iiwan ang cruise. Paniguradong may naka-abang kaagad sa kanila na sasakyan do'n... I can take one of their cars."

Walang may alam sa gagawin ko bukod kay Lara. Wala rin akong ibang inabisuhan kahit ang General. Sariling desisyon ko ito at walang nag-utos sa'kin.

If something goes down with me, no one should be held responsible.

"Okay," Pag-sangayon ni Lara na nagpaismid sa'kin.

Alam kong nagtatampo pa rin siya dahil hindi ko sinunod ang gusto niyang pananatili rito. I can even tell she's mad at herself for what she said to me earlier. She couldn't even look me in the eye!

Siguro ay nahihiya pa.

I combed through my wolf cut with my hand and paused to check myself out in the mirror. Halata pa rin ang mga sugat at pasa sa katawan ko. Pero hindi naman na masakit. Kumikirot na lang sa tuwing gumagalaw ako nang husto.

I just wore a basic jacket, black cargo pants, and a cap.

Hindi masiyadong marami ang dala ko. Sakto lang ang isang bag na may laman ng mga pagkain, tubig at iba pang kagamitan.

Nilingon ko si Lara at binuka ang bibig. "Huwag kang mag-aalala, uuwi naman akong buhay." I patted her arm and walked off.

Sumakay ako sa barko na kanina pa naghihintay sa'kin. I can't afford to waste time. Kailangang mauna akong maka-gayak sa mga taga-norte dahil kapag hindi nangyari ang plano, hindi ko na alam kung saang bahagi ng impyerno ako pupulutin.

Just like we planned, my travel time to Batangas ended up taking a day and a half.

It was a bit tough getting through the hole to Luzon, but luckily, Lara gave me a hand. Kahit nagtatampo siya sa'kin ay tinulungan niya pa rin ako.

Hapong-hapo ako nang makatayo mula sa pagkakaupo. My legs are totally numb from sitting. Maging ang buong katawan ko ay tila ba nabugbog dahil sa mahabang byahe.

I let my eyes wander and smiled.

Kaunti lang ang tao sa tahimik at payapang lugar. Some are just passing through, and others are locals. Marami ring mangingisda na abala na sa paghahanda para sa pangingisda nila.

It's only seven in the morning.

Tamang-tama ang pag-tansya namin sa oras. I just need to find somewhere to hide.

Tangina. Kung gano'n pala, kalahating araw pa ako maghihintay dito?! Boring.

I moved around the area until I spotted a place where I could see the White House. Ako at ang anino ko lang ang nakikita ko rito kaya naman halos hampas lang ng alon at huni ng mga ibon ang naririnig sa paligid.

Humugot ako nang malalim na hininga at umayos sa pagkakaupo sa duyan na gawa sa gulong. This place feels so calm and relaxing. Hindi mo aakalaing sa kabila ng kaguluhan, makakahanap ka ng kapayapaan.

Totoo naman kasi 'yon. There's always somewhere to find peace.

"ID,"

Halos mayanig ang mundo ko nang biglang may baritonong boses ang nagmula sa gilid ko. Mabuti na lang at napayuko ako kaagad para matago ang mukha sa suot na sumbrero. My eyes instantly went to the soldier's boots.

Sundalo?!

Sunod-sunod akong napamura sa isipan.

"Civilians aren't allowed here. Hindi mo ba alam?" He said, and for some reason, someone's telling me to look up at him.

Hindi kasi bago ang boses niya sa pandinig ko... pakiramdam ko ay kilala ko ang lalaki.

"ID, Miss," Halata na ang inis sa kaniyang tono. It made me frown for some reason. Parang napalitan nang pagtataka ang kaninang kaba ko.

Pamilyar siya... sobra.

"Are you deaf?"

Tangina, kilala ko.

Hindi ko siya inimik at walang pag-dadalawang isip na kinuha ang ID sa loob ng bulsa. I gave it to him without even looking. Sinadya kong ihulog ang ID ko sa buhanginan na naging dahilan nang pagbuntonghininga niya.

He bent down to take the ID, mumbling something I could tell was badmouthing me. Nilapat niya ang kanang kamay at mabilis na naakit ang atensyon ko sa tinta sa kaniyang braso.

I smiled. That tattoo.

"Miss, bingi ka ba? Tatanggalin mo ang cap mo o ako ang gagawa?"

Oh, shit. It was confusing to me.

Bakit siya nandito? Mamayang gabi pa dapat ang dating nila! Wala pa rin naman ang barko ng Luzon. Kaya... anong ginagawa ng mokong na 'to rito? Nauna ba siyang umalis at hindi sumabay sa barko nila?

Nagitla ako nang tumama ang sinag ng araw sa'king mata.

I looked up right away and saw Rutherford holding my cap. We were both taken aback when our eyes met, like we weren't expecting to run into each other here.

Sinikap kong bawiin ang reaksyon ko at ngumiti.

"Hindi naman ako civillian, Sir." I told him and ran my hand through my messy hair.

"Bakit ka nandito? You shouldn't be here." He gave his lower lip a quick lick, and I couldn't help but smirk.

Gwapo pala talaga si Rutherford. He looks foreign though, parang may half? Hindi na ako magtataka kung bakit halos lahat ng babaeng sundalo sa grupo ko ay mas gusto siyang ikulong sa bahay nila kaysa ikulong sa presinto.

"Maging grateful ka naman sana... Pumunta pa ako rito para sa'yo."

I saw how his lips rose in amusement.

Hindi siya nakapag-salita kaagad kaya sandali kaming binalot ng katahimikan. Laking gulat ko na lang nang bigla niyang ilagay pabalik ang sumbrero ko at hinilig pababa ang ulo ko.

"Bakit ka nandito? You shouldn't be here." He tsked.

Hinawakan ko ang sumbrero at akmang tatanggalin ito nang bila na lang niyang inatong ang mabigat na kamay sa ibabaw ng ulo ko.

I arched an eyebrow. What the heck?

Handa na akong mag-salita pero may isang tono ang tumimbang sa paligid.

"Una na ako, Gen. Rutherford! Manghuhuli lang ng Dracula sa tabi-tabi! Dadaan naman na 'yon sila rito." Kaagad kong nakilala ang tono. I knew it was Batista because of Dracula.

Nasilip ko ang pag-tango ni Rutherford at may sinenyas na kung ano. Napalunok naman ako, hindi maiwasang makaramdaman ng kaba.

Paniguradong kapwa sundalo ang tinutukoy nila... shit. Hindi sila pwedeng dumaan dito! Hindi nila ako pwedeng makita.

Umawang ang labi ko. Ilang beses akong kumurap-kurap dahil baka nabingi lang ako. But hearing Rutherford's voice made it clear I hadn't misheard.

"Umalis na si Batista," He turned to me. "I'm off too. Tumalon ka na lang sa dagat o magpanggap na mangingisda kapag nakita ka ng mga sundalo ko—"

Nararamdaman ko ang pagtaas ng dugo ko sa mukha ko. His tone was obviously making fun of me! I interrupted him right away. Hinahawakan pa nga niya ang labi niya na tila hindi makapaghintay na tumawa sa susunod kong gagawin.

"Ipasok mo ako sa loob... o mag-e-eskandalo ako rito na ikaw ang tumulong sa'kin para makapunta ako rito sa Luzon?"

The amusement reappeared on his face. "Okay... sasamahan pa kita if you wish."

The nerve of this guy!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at matalim siyang tiningnan. Everything's fenced off, even the forest! I literally have nowhere to go! Wala akong takas bukod sa suhestiyon ni Rutherford!

Handa na sana akong mag-salita pero bago ko mabuka ang bibig ko ay tumalikod na ang lalaki.

Tangina. Dapat RUDEford ang apelyido ng lalaking 'to.

I quickly put my cap back on and followed him without hesitation. Naramdaman niya kaagad ang presensya ko kaya binilisan niya ang lakad niya.

"Isama mo ako sa loob," I gritted my teeth.

Bahagyang bumagal ang lakad niya. His hair is messy now, though it used to always be brushed up because of the strong wind.Nangingiwi niyang nilahad ang kanang kamay sa pagitan namin at inabot sa'kin ang ID na may kaunting buhangin pa.

"I'm not the type to hang out with spies, Miss Solveig Rai Aracosa."

Oh... shit.

I beamed. "Even if I tell you a few things—"

Sinuklian niya ng maliit na ngisi ang ngiti ko. "Like?"

"Senador Morales and the VP."

He lazily move his eyesight on me. Tuluyang bumagal ang lakad niya at kapansin-pansin ang mabilis na paglaho na parang bula ng mapaglarong ngisi sa labi.

Sabi na nga ba, he's the one who can answer my questions.

We went to the barracks by the coast. Nakayuko lang ako habang si Rutherford ay tuwid na naglalakad sa tabi ko. Dire-diretso kaming nakapasok sa loob nang walang nagtataka kung bakit may kasama si Rutherford na Civillian.

"Anong kaso niya? Espiya?"We came to a stop when someone blocked our path.

Kaagad na nagatahip ang puso ko sa kaba. Akala ko pa naman ay ligtas na kami! I silently cursed one after another, staring at the ground and biting my lip. Hindi pa naman ako sigurado kung mapagkakatiwalaan ko ba si Rutherford. We're not that close, and things aren't good between us!

Shit, natatakot tuloy akong ibukas ni Rutherford ang bibig niya. He'll for sure tell the truth!

I wiped my eyes dramatically, hoping my fake sobs would be convincing enough. "Tulungan niyo po ako, Sir! Ewan ko po sa pinagsasabi niya! Hindi naman po ako nagsha-shabu! Hindi po ako gagamit no'n kahit anong mangyari! Tulungan niyo po ako!"

Narinig kong napamura si Rutherford sa gilid ko.

"I'll just take a look at her. Susunod na lang ako sa inyo."

Nice one.

Naramdaman ko ang agresibong pag-hila niya sa'kin patungo kung saan. Hindi ko naman magawang magreklamo kahit nababangga na niya ang sugat ko dahil napapalibutan ako ng mga sundalo. I barely saw through the tiny hole in my hat as Rutherford and I walked into the room.

Okay naman pala.

He yanked his hand away from me. "Speak."

Sarkastiko akong nagpakawala ng tawa at tinanggal ang sumbrero. Mabilis na kumalat ang buhok ko sa buong mukha kaya naman kaagad ko itong pinasadahan. I turned to Rutherford, who was sitting at the table's end, looking up at me with his arms crossed.

"Nakita kong magkasama ang bise at senador," I gulped. "What else do you know about them?"

Sa totoo lang, may prejudice talaga na nagaganap dito dahil sa kagagawan ni Rutherford. The Vice President and Senator could have settled things, but they can't reveal it to the public yet because of the incident.

Kahit pa sabihin na mali ang ginagawa nila dahil may asawa sila pareho—Well, It's no longer my concern. Problema na iyon sa pagitan nila. Pero kung isa sa kanila ang dahilan sa mga kagimbal-gimbal na pangyayari sa Pilipinas, I knew I had to step in.

Even if I push the boundaries.

Rutherford shrugged. "Why do you wanna know?"

"Sagutin mo na lang... ang dami pang satsat." Pahina nang pahina ang boses ko. I knew he heard that, which is why his jaw tensed.

He exasperatedly sighed as he lower his head. "You think you can just walk in here, ask your questions, and expect all the answers to fall in your lap? This isn't some game, Aracosa."

Saglit akong natigalgal roon. I clenched my fists. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko ngunit kinalaunan ay tinikom din nang walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko.

Sandali pa bago ko nahanap ang mga salita na dapat sabihin.

"Para rin naman 'to sa ikabubuti ng bansa, Rutherford," I told him. "Kung natatakot ka naman na makarating 'to sa iba, trust me, sa'kin lang 'to. So, tell me what you have."

It was a vague statement but Rutherford clenched his jaw. Nag-iwas siya ng tingin pero kumunot din ang kan'yang noo.

I could see the genuine confusion on his face. His perfectly trimmed brows were enough to showcase his dissatisfaction.

Mukhang badtrip na badtrip na siya.

"You can leave now. Wala kang makukuha sa'kin, Aracosa. There's nothing I need to tell you. Kung ano lang din ang nalalaman mo, those are the only things I know as well."

Napahilamos ako sa mukha. Unti-unti nang nauubos ang natitira kong pasensya para sa hayop na lalaking 'to. And I can't help but regret coming here!

I regret it now because I could have done better. All my effort to come here was for nothing! Alam kong kaya kong halungkatin ang lahat ng hindi kailangan ang tulong ng iba.

I took a deep breath. "Kung gano'n, anong sinasabi mong scheme?"

Kailangan ko lang talaga ng kaunting hint para alam ko kung saan sisimulan. Hindi naman ako gano'n kabobo para hindi malaman ang nalaman nila.

Napalingon ako sa lalaki nang hindi siya sumagot kaagad. Pinasok niya ang kanang kamay sa bulsa matapos pasadahan ang kaniyang buhok. Akmang magsasalita ako ngunit naunahan niya.

"You wouldn't understand even if I told you," He muttered, his voice lowering. "This isn't some petty conspiracy you can untangle with a few simple questions. People have already died because of what's going on. And you—" He paused, his eyes narrowing. "You think you can fix it just by asking the right questions? You have no idea how deep this goes."

Parang may kung anong martilyo ang humampas sa aking dibdib.

This was the first time I felt someone look down on me like this. Siya lang. Natatangi.

I could feel my anger rising. "Hindi mo ako kilala, Rutherford. I can do thin—"

"This is bigger than you think, Aracosa," Seryoso ang malalim niyang tono. His tone also rose slightly. "There's no way out once you're in. And I don't have proof, not yet. But I know enough to tell you this: Trust no one."

Did he just drop a bombshell like that and expect me to walk away without answers?

Sarkastiko akong tumawa.

"Akala mo ba natatakot ako sa mga sinasabi mo? Kahit ano pang pangalan ng demonyo ang sabihin mo riyan. You think that's going to make me back down?" I sneered.

"You're not listening, Aracosa." Aniya at bumuntonghininga.

Akmang magsasalita ako nang biglang bumukas ang radyo. Umalingawngaw ang boses nang nagsasalita sa buong silid.

"Attention, all personnel. There will be a hygiene inspection in the barrracks in five minutes. Be sure to scrub the floors, check the bathrooms, and don't forget the bed linens."

Sabay kaming napalingon sa isa't-isa ni Rutherford. Kaagad na lumamlam ang kaniyang mata. His expression softened into calmness.

"May hygiene inspection kami kada katapusan ng buwan."

I clicked my tongue at him. Hindi ko siya pinansin at kinuha ang sumbrero na nakapatong sa lamesa kung saan naroon siya naka-upo. I wore the cap and walked over to the door.

"Anong gagawin mo?" Rutherford mouthed. "First room 'to ng hallway. Wala kang oras para umalis. They'll definitely come here first."

Napatigil ako sa kinatatayuan at hinarap pabalik ang lalaki. Para akong nanigas sa pwesto nang maalalang tama ang sinabi ni Rutherford. This room is really the first one down the hallway!

I grimaced at his statement as curses slipped from my mouth.

"Ginagago mo ba ako?"

Rutherford was able to read my mood. Umayos siya sa pagkakaupo at tumikhim.

I'm sure he knew it would happen. Kaya niya ako dinala rito.

Napansin ko ang pag-lunok niya. Akmang mag-sasalita siya ngunit hindi natuloy nang biglang may kumatok sa pintuan. I quickly scanned for a place to hide as Rutherford opened the door.

"Salute!" Sabay-sabay na sigaw ng mga sundalo sa iisang tono.

"At ease," Kalmado ang boses ni Rutherford. "Pakay niyo?"

"Hygiene inspecti—"

"This room's clean. Doesn't need an inspection."

I barely suppressed a scoff.

Sa totoo lang, sa maikling panahon na nakilala ko si Rutherford, I can tell he has a soft spot for others. Mukha lang siyang tigasin at masungit pero kung sa tutuusin, matagal na akong patay kung wala siya.

From the bomb, to the car underwater, to my surgery, and now... this.

Pero hindi naman ibig-sabihin no'n ay dapat akong magtanaw ng utang na loob sa kan'ya. Hindi rin naman kasi mangyayari ang lahat ng mga bagay na iyan kung wala siya! Siya ang puno't dulo ng lahat.

So, yes. Cry all you want, I don't owe him anything.

"Sorry, Sir! Utos po kasi ng Senador na wala raw kwarto na makakaligtaan!"

Napaawang ang aking labi. Bakit nandito ang hayop na senador na 'yon? Kaya pala umaalingasaw. Amoy niya pala.

"Are you really sure you're going to inspect here first? Mas madalas mahulihan ng mga pagkain ang mga recruits, their room must be dirty." Paliwanag ni Rutherford.

Hindi ko makita ang reaksyon niya. Pero inaaasahan ko namang blanko na naman ang mukha niya at walang reaksyon.

"Sige na, I don't mind." Narinig ko ang boses ni Senador Morales. Napa-kuyom naman ang aking kamao.

Even if what Rutherford claims isn't true, everyone should know what the senator and vice president are really doing!

Mali naman sila pareho. Alam naman ng senador na may asawa ang Vice president, nagawa niya pang makipagkita sa kaniya nang palihim! At isa pa... para saan naman ang palabas nilang pag-aaway kung ayos naman pala silang dalawa?

"Naka-duty ka ba?" Tanong ng senador.

"Uh," Halata sa tono ni Rutherford ang pag-aalinlangan. His forehead must be wrinkled. "Uh-huh... I'll just take my patrol cap."

"Sure, I'll wait here."

Bumukas ang pinto kaya muli kong siniksik ang sarili ko sa loob ng cabinet. Niluwal no'n si Rutherford na mabilis akong nahanap sa pinagtataguan. He closed the door and looked at me as if he were belittling me, knowing I was hiding but he still saw me.

Sa tingin ko nga ay tinatawanan niya pa ako sa isip niya.

"Mag-i-inspect sila rito. You should get out of here—"

Kaagad ko siyang pinutol. "Paano nga? Nasa labas 'yang kupal na senador,"

"Walang kang choice," Marahan na umangat ang tingin niya. "Ventilation,"

"Huh?!" My mouth immediately crumpled into a scowl.

"Are you deaf?"

Umangat ang kilay ko. "Tanga ka ba?"

"Okay, I won't help you."

"Joke..." I mouthed. Halos mapunit na ang labi ko para lang ipakita ang pekeng ngiti sa labi. Napansin ko naman ang pag-ngiwi niya. The same mocking one he gave me during the first time we met.

I wanted to refute him, pero kailangan ko nang magmadali at umalis.

"Saan naman papunta 'yan?" Paninigurado ko pa. Baka kasi mamaya, mas malala pala ang hahantungan ko kapag diniretso ko ang haba ng daan na 'yan.

"I'm not really sure." His answer made me squeeze my eyes shut.

"Puta ka."

Katulad nang sinabi niya, wala akong naging choice kun'di ang akyatin ang ventilation. Hindi naman ako makapag-stay sa isang lugar dahil maraming butas ito at alam kong makikita ako ng mga nagbabantay na sundalo kaya kinailangan kong gumapang.

My heart raced with every creak of the metal as I crawled. Hindi ko maiwasang mapamura nang sunod-sunod. Maraming sundalo ang nasa ibaba ko at nagmamatyag sa paligid.

Hindi nila ako pwedeng maaninag! Fuck.

Dinire-diretso ko ang ventilation. Kung hihinto kasi ako sa isang gilid lang, the weak ventilation could make me fall. Halos lahat pa naman ng sulok ay may naririnig akong nag-uusap na mga sundalo.

Gumapang ako hanggang sa marating ang dulo. I carefully peeked through the ventilation window and almost sighed with relief when I saw the empty room.

"Salute!" Sabay-sabay na sabi ng mga sundalo mula sa hindi ko matukoy na direksyon. But I'm sure they're nearby.

Mariin akong napalunok.

Kung hindi ako bababa rito ay paniguradong malalaman nilang may tao sa loob ng ventilation. At kung bababa naman ako sa silid na naghihintay sa'kin, It's risky too, since I don't know what's beyond the room.

"Tapos na kayo?" Boses iyon ni Ladrillo.

"Yes, Sir!"

"Nasaan na si Senador Morales?"

Napakunot ang noo ko sa narinig. I have a feeling that remaining here will show me things that the rest of the country, including myself, should not know.

"Kausap si General Rutherford sa labas, Sir!" Sagot ng isang pamilyar na boses.

"Ah..." Ani Ladrillo. "Pwede na kayong bumalik, nice j—"

A loud metal creak from the ventilation echoed through the area. Maging ang pag-uusap ni Ladrillo at mga sundalo niya ay natigil dahil sa tunog na aksidente kong nagawa.

What the hell, Solveig Rai! Anong katangahan na naman 'yan?!

"Oplas, check the vent."

Shit.

Hindi ko alam kung saan sila mag-sisimula. Kung sa kabilang dulo na pinasok ko kanina o rito sa kasalukuyang pinananatilihan ko. Tangina. Wala pa akong marinig na kahit ano sa labas. Tumahimik na sila at tanging pag-martsa lang ng mga sundalo ang umaalingawngaw sa paligid. Marami iyon at hindi ko matukoy kung saang direksyon patungo.

Maybe they'll come in from both ends of the ventilation at the same time.

Humugot ako nang malalim na hininga at walang pag-aalinlangang binuksan ang ventilation window sa tabi ko. I didn't bother being careful opening it, paniguradong mauubusan ako ng oras at mahuhuli rito sa pinananatilihan ko.

The rust on the ventilation window made a loud crack, but I just ignored it. Hindi ko na rin naisipang ibalik ito mula sa pagkakasarado nang makababa.

They're already outside this room, right now.

Inikot ko ang mata sa buong paligid at mabilis itong tumama sa isa pang pinto. I stepped inside right away and saw it was a storage room. Maraming mga storage rack sa paligid, malalaki at mahahaba ang mga ito at dikit-dikit sa iisang gilid.

"Tingnan niyo lahat ng sulok!" Sigaw ng isang sundalo pagkabukas pa lang ng pinto.

I immediately slipped in through the back door. Hawak-hawak ng kaliwang kamay ko ang dibdib habang ang kanan naman ay naka-handa sa armas.

Hindi ko makita ang ginagawa nila dahil nasa likod ako ng pintuan. But I could feel their footsteps and the sound of things being searched through.

"Titingnan namin sa lahat ng vent... wala rito,"

"Bilisan niyo. Kapag nalaman 'to ni General Rutherford, patay tayo!"

"Yes, Sir!" Sabay sabay na ani ng mga sundalo bago umalingawngaw ang martsa nila palabas.

I bit my lower lip. Mukhang sinukuan na nila ang lugar na 'to.

Matagal na katahimikan ang namayani sa loob at labas ng lugar. I'm staying quiet holding my breath to feel if anyone's coming in from outside. Halos mahigitan na nga ako ng hininga habang nililibot ang mata sa buong paligid.

I took a deep breath and squeezed my eyes shut.

Sa totoo lang, sa walong taon ko sa linya na ito, this isn't the worst I've been through. Hindi na yata kayang mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na akong muntik masabugan ng bomba, mabaril sa ulo at masagasaan nang rumaragasang na sasakyan.

Those experiences help me grow braver when faced with situations like this.

But I'll admit, I still get a little nervous in situations like this.

Namamayani pa rin ang bilis ng tibok ng dibdib ko kaysa sa pagiging positibo ko. I can also feel the sweat on my hands, and my legs are shaking.

Muli kong minulat ang mga mata at sinipat ang labas.

Are they already gone?

Sinipat ko ang pasilyo mula kanan hanggang sa kaliwa. The place was pitch black, except for one light at the other end of the hallway kaya medyo natagalan ako sa pag-sipat sa paligid bago tuluyang lumabas sa pinagtataguan.

I let out a sigh of relief.

Akmang uupo ako sa isang gilid para sandaling magpahinga pero kaagad ding napatayo ng tuwid nang may mapagtanto. I quickly stepped back when I saw the open ventilation window. Parang kanina lang ay sarado pa iyon...

Fuck.

"Nakita ko siya," Boses ng isang sundalo. Hindi ko matukoy kung saan iyon nanggagaling pero alam kong papalapit siya sa direksyon ko.

Right... they spotted me. They're here... everywhere around me.

Kaagad kong hinawakan nang mahigpit ang kutsilyo. I can tell there are lots of them, lurking in the darkness! Kapag kumurap ako ng kaunti, paniguradong matatagpuan ko na lang ang sarili ko sa impyerno.

Bumalot ang matinding katahimikan sa paligid.

Napangiwi naman ako.

Kabilang ako sa kanila kaya alam kong kapag tumahik ang lugar kung nasaan naroon ang mga sundalo, it means they're communicating through gestures and glances.

Handa na sila... you ought to, Sai.

I was about to step out from my hiding spot, but I quickly shut my eyes when someone yanked me by the arm. Halos mapasigaw ako nang mawala sa kinatataguan.

Pukinangina, 'yong sugat ko!

"Shh," Halos makiliti ako sa mainit na hininga ng lalaki na nasa harapan ko. He pulled me into the middle of two storage racks!

Naningkit ang mga mata ko dahil namukhaan ko na kung sino ito. Inis kong pinasadahan ang buhok. Putangina, sayang ang kaba! It was no other than Rutherford himself.

"Natingnan mo na ba rito, Oplas?" Ani ng sundalo sa likuran ng storage rack. Napa-usog naman ako ng kaunti habang ang mga mata ay nakamasid sa gilid.

"Opo, Sir!" Sagot ni Oplas.

"May pinto palabas sa hallway kanina, check it."

"Yes, Sir!"

Iyan ang huling usapan ng mga sundalo bago sila tuluyang makalabas. I breathed a sigh of relief again. Sana naman ay totoo na 'to. Kupal talaga kapag bumalik pa ulit sila rito!

I looked in front of me and my heart nearly stopped. Napalunok ako.

Rutherford was standing firm in his uniform in front of me, his hair brushed up, though some strands were escaping. Halos isang dangkal lang ang lapit namin sa isa't isa. I can clearly see his thick eyebrows and the distinctive color of his eyes, even though it's dark around us.

Maging ang init ng kaniyang hininga ay nararamdaman ko.

I can't explain it, but something in my chest was thumping.

Sinubukan kong umatras, pero pinagsisihan ko agad na ginawa ko ito. My back pushed against the storage rack when I stepped back, causing it to nearly fall. Mabuti na lang at nasalo agad ito ni Rutherford. Mas lalo lang tuloy lumiit ang espasyo sa pagitan namin!

The hell...

Nilinis ko ang bara sa lalamunan.

Rutherford's gaze immediately turned toward me, causing our eyes to lock. Bahagyang umangat ang kaniyang kilay habang nananatiling nakahawak ang kamay niya sa storage rack na nasa likuran ko. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ako mapakali!

Bakit naman kasi gan'yan? His stance was commanding, and his gaze was sharp!

"Huwag kang malikot, they'll notice us."

Mas lalo akong napatikom. I tried to stay calm like he suggested, but the tense atmosphere made me speak up.

"Kanina mo pa ako inaapakan, putangina lang."

"Oh..." His voice. I swear there's something in his voice that annoys me every time! He moved his foot and then glanced down at mine. "Hindi ko napansin. Akala ko sahig pa."

Bahagya siyang umusog palayo sa'kin. Kinuyom ko naman ang kamao ko dahil sa narinig. Idagdag pa ang kaisipan na sinabi niya iyon nang blangko ang mukha.

"Gusto kitang suntukin... tapos sasabihin ko na akala ko, punching bag pa." I clicked my tongue at him and he furrowed his eyebrows at me.

"Pwede..." I got a ticklish feeling when he whispered in my ear.

Hindi ako naka-imik agad. It felt like he was testing me. Para na akong sasabog sa galit. Alam niya sigurong hindi ako makaka-kilos nang maayos sa maliit na espasyo sa pagitan namin kaya nagagawa niya akong hamunin!

"I—" He was about to speak but stop as if he remembered something.

I was curious why he suddenly stopped amidst of what he was suppose to say. Don't you just hate it when someone stops speaking in the middle of almost saying something?

"Ano?" Anas ko.

"Ah... sure," Sagot naman niya na naging dahilan para maningkit ang mga mata ko.

"Anong sure?" Ano bang pinagsasabi niya?

"You need my help, don't you?" Aniya na nagpangiwi sa'kin.

All this time, inaakala niyang nandito ako para manghingi ng tulong sa kaniya?!

I held my chin up. "Hindi kita kaila—"

"Senator Morales' press conference is scheduled for tomorrow—"

Sabay kaming napahinto sa pagsasalita nang mapagtanto ang sabay na sinabi. His expression went blank, but I could see my face lighting up.

I puckered my lips to keep my mouth shut. Baka magbago pa ang isip niya.

"Sure," Panggagaya ko sa kaniyang sagot.

He grunted, his impatience pouring out. "Akala ko ba hindi mo ako kailangan?"

"Huh?" I raised my eyebrows and pretended like I didn't know what he was saying. "Sinong nagsabi? Dalawa lang tayo rito. May naririnig ka bang hindi ko naririnig?"

Naramdaman ko ang init ng hininga niya nang magpakawala siya ng buntong-hininga. He averted his eyes for a moment before looking back at me.

He looked like he was done with me.

Ako rin naman sa kaniya. Parehas lang kami kaya wala siyang dapat ireklamo.

"Your uniform size is?" He snarkily said.

Hindi ko alam kung bakit may maliit na ngiti ang kumawala sa aking labi. Oh shit. I never knew that a simple question could set my nerves on edge!

Everything will be easier if I use him.

"Medium." I smiled.



^______________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro