Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

06

"Attorney Grey shoot."

The radio's volume was low, but Lara's words seemed to penetrate my entire body, making my blood boil. Hinigpitan ko ang pagkakakapit sa radyo habang mariin na kinakagat ang ibabang labi.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng matinding inis at galit sa abogadong si Grey.

I ran my fingers through my hair. "Ano ba kasing ginagawa niya riyan?"

Wala naman siya sa posisyon para makialam sa misyon ng mga sundalo. Lingid din sa aking kaalaman na pwede na pa lang humawak ng armas ang mga manggagamot. His primary responsibility is to cure ill and wounded soldiers.

"Sorry if I was careless, Colonel Aracosa! Hindi na ulit mauulit!" Sigaw na lamang ni Lara mula sa kabilang linya. The sound of her being disappointed in herself was obvious in her tone.

Maging ang litrato ng kaniyang ekspresyon ay nakikita ko. Paniguradong nakanguso siya sa likod ng radyo habang ang kamao ay naka-kuyom at pinipigil ang mga luha.

I had known Lara since the first year of college.

Saksi ako sa bawat pawis, luha at dugo na inaalay niya sa ROTC. Madalas ko rin siyang samahan mag-enroll sa tuwing gusto niyang mag-shift dahil hindi niya kaya ang hirap ng progreso bago maging sundalo.

Criminology. Nursing. Criminology. Ayan ang naging takbo ng buhay ni Lara.

Despite all of her attempts, she ended up wearing a military uniform.

Lagi niyang sinasabi sa akin na wala siyang pinagsisisihan. The only regret she has is that she stopped in the midst of the struggles. Sa halip, dapat daw ay nagpatuloy siya kahit nahihirapan- dahil ang ibig-sabihin daw no'n ay abante sa progreso.

So whenever we get stuck in a difficult situation as soldiers, that's the first thing I remind Lara of-the struggle we had before we reached where we are right now.

"Private Macabiog..." Iniba ko na ang usapan at tinawag ang sundalong naka-toka sa lokasyon. Kaagad naman siyang rumespo. "Kaya mo bang ma-track 'yong location ni Ellis?"

"Sinubukan ko pa rin, Colonel Aracosa. Kahit 'yong cellphone niya, hindi ko ma-locate dahil dalawang araw nang naka-off. I can't locate where he is." Halata ang presyon sa tono ni Macabiog.

I heaved a sigh and tightly shut my eyes. "Lara, pwede bang tanungin mo sa abogadong si Grey kung saan sila napadpad ni Ellis? Baka magkaroon siya ng silbi sa grupo natin kahit paano."

Ellis had been missing for about two days.

Wala kaming balita sa kalagayan niya ngayon. Maging ang lokasyon niya ay hindi namin makuha dahil patay ang cellphone niya simula nang mawala siya.

"Tinanong na namin siya, Colonel Aracosa. Sagot niya naman e, hindi niya raw alam. Nag-punta daw sila sa bayan para sundan ka kasi sira ang gulong ng Civic ni Attorney... bigla na lang daw nawala si Ellis."

Tuluyang nalukot ang noo ko sa sagot ng babae.

Muli kong binuksan ang radyo para sabihin ang nais i-reply. But everything went black as the radio made a strange noise. Mas lalong nalukot ang noo ko, ang atensyon ay nasa radyo.

"Hello? Lara? Amputa, an'yare? Hindi mo ba ako marinig? Hello?"

Inis kong pinaghahampas ang screen ng radyo habang mariin na kagat ang ibabang labi. Hindi 'to pwedeng masira. I need a radio to communicate with my soldiers. Ito na nga lang ang tanging bagay na makakaligtas sa akin! Shit.

Sinubukan kong patayin at muling buksan. As soon as I reopened the radio, sounds of guys struck from it. Kinailangan ko pang ipitin ang radyo dahil hindi ito mahinaan.

Kunot ang noo kong pinasadahan ang buhok.

"We are talking about what to do for that soldier,"

Who the fuck is that?

Hindi naman mali ang channel na pinasok ko. Malay ko bang may pribado pang channel sa radyo? I don't even have time to listen to their chat. Buti sana kung may makukuha ako sa pinag-uusapan nila.

I switched the radio off and back on, hoping that it would return to our group channel. Agad naman itong bumukas. I sighed with relief. Wala ng mga lalaki ang nag-uusap.

Muli kong nilapit ang radyo sa bibig.

"Hello, La-"

"Oh, ano na ngayon? What's your plan?"

Halos mahulog ang dibdib ko sa gulat nang marinig ang pamilyar na baritonong boses mula sa kabilang linya. Kinailangan ko pang takpan ang bibig ko gamit ang kanang palad upang hindi ako makagawa ng kahit anong ingay.

Sino 'yon? Tangina... bakit ba bumabalik nang bumabalik sa channel nila?!

"Someone shot her in the knee," someone gasped. "We decided to give her a lesson. We will not clean her wound and put her in storage."

Inalis ko ang hinlalaking daliri sa radyo at bahagyang tinagilid ang ulo. Pamilyar ang dalawang baritonong boses na iyon at alam kong narinig ko na kung saan.

"What do you mean...?"

I cursed in my mind as I realized something. Sa pagkakatanda ko, boses iyon ng dalawang general... sina General Rutherford at General Ladrillio.

Naalala kong radyo pala ni Batista ang gamit ko.

"Bingi ka na ba, General Rutherford?" halakhak ni General Ladrillio. "You're the only surgeun aboard this ship, kaya huwag mong pagbantaan na gamutin at operahan ang tuhod ng babaeng 'yon. Hayaan mo siyang matuto sa sarili niyang pagkakamali."

Ako ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Narinig kong may nagpakawala ng buntong-hininga. Mukhang si Rutherford iyon. Nawala rin iyon dahil natapalan ng malakas na halakhak.

Mukhang kay Ladrillio ang bukas na radyo dahil mas natitimbang ang boses niya.

"I was thinking as well if I should beat her..." Lintanya ni Ladrillio.

"Beating?" Paninigurado ni Rutherford.

"Hindi mo na ba ako naririnig nang maayos, General Rutherford? Oo nga, beating. I'll make sure her bones are broken before she leaves here-"

"That's childish," Kalmadong pinutol ni Rutherford si Ladrillo. "She saved Private Batista, so there are no reasons to treat her that way."

May kung anong hindi mawari na emosyon ang bumagabag sa puso ko.

Muli namang umalingawngaw ang tawa ni Ladrillo sa radyo. "Hindi naman si Private Batista ang pinag-uusapan dito, General Rutherford," He took a pause. "Don't you find it fun? Pwede rin natin siyang mapakinabangan sa kama.."

I made a face as my mouth fell.

What the hell is going on with these people? Ano bang mga nakain nito at ganito kakikitid ang mga utak nila? They are getting on my nerves. Huwag lang talagang mag-tagpo ang mga landas namin.

Nakakadiri. Nakakadiri ang mga pinagsasabi nila. Sobra.

"You know, she's kind of hot..." Nakakabinging tumawa si Ladrillo.

"Tangina?!" Malutong ang mura ni Rutherford.

"Why not, General Rutherford? Huwag ka ngang magpanggap na hindi ka tinintigas-"

"That's fucking bullshit!" I heard a gunshot.

Halos malukot ng husto ang noo ko nang marinig ang sunod-sunod na pagkabasag ng mga gamit. Ni hindi ko na marinig ang mga sinabi nila sa kabilang linya. Tanging ang mga bagay na nahulog lang ang narinig ko.

What the fuck was that?

"Stay away from her, whore!"

"B-Bakit?!" Tawa pa rin ni Ladrillo, halata sa nanginginig niyang tono ang kaba. "It'll just be one night-"

"I fucking warn you..."

"Bakit nga?!"

"Because you're only a fucking Brigadier General here, and I'm a Lieutenant General!" Tumaas ang malamig na tono ni Rutherford. "It means you're under me. Ako pa rin ang masusunod sa barko na sinasakyan mo at sa mga taong nakasakay dito."

My eyes narrowed.

Tuluyang namatay ang radyo ko. Ni hindi ako nagkaroon ng tyansang marinig ang kabuohan nang pag-uusap ng dalawang lalaki. Sinubukan kong buksan ang radyo ngunit hindi na talaga ito bumukas at mukhang bumigay na.

"Matagal ka pa ba riyan?" Boses iyon ni Oplas mula sa likod ng pinto matapos kumatok ng dalawang beses. Halata ang pagkabagot sa kaniyang tono.

I quickly unbuttoned my jeans and put the radio back into the foam of my bra. Pinasadahan ko ang buhok bago lumabas ng banyo, binobotones ang tokong.

Kaagad na nag-iwas ng tingin si Oplas nang mapagtanto ang ginagawa ko.

"Inorasan kita, halos isang oras kang nasa banyo. Anong ginawa mo?" Bakas ang pagbabanta sa kaniyang boses.

Ngumiwi naman ako. "Tumae. Sa susunod, isasama kita kung gusto mo."

Pinauna niya ako sa paglalakad... which is a wrong move. Ako ang unang nakahakbang palapit sa doorknob ng malaking pintuan. I immediately grabbed the doorknob and quietly closed the door.

"Problema mo?!" Angat ang kilay niyang nilabas ang baril nang makaramdam.

Hindi ko siya sinagot at mahigpit na niyapos ang doorknob. I unleashed a double kick, kicking him in the face with my left foot and his gun with my right. Kaagad siyang dumausdos sa lapag at nawalan ng malay.

Weak. Northern soldiers are weak.

Kinuha ko ang nabitawang baril ni Oplas at kinapkapan ang lalaki. Umaasa akong may mahahanap akong radyo galing sa bulsa niya ngunit wala. I just saw Oplas' cellphone and keys, and I'm not sure which door the keys are for.

Isinilid ko sa bulsa ang mga gamit na nakuha. Sa tingin ko ay magagamit ko naman ito.

Tahimik akong lumabas ng banyo. Walang sundalo ang nakamasid at naglilibot sa unang palapag kaya kaagad akong naka-akyat sa pangalawang palapag. I examined the entire area, glancing left and right while keeping my hand on the rifle.

When I noticed the "general room" sign affixed on the main door, my eyes gleamed.

May ingat akong pumasok sa silid na iyon. I instantly glanced up and searched for CCTV. Wala naman akong nakita na kahit ano. Pagkatapos kong i-lock ang pintuan, dali-dali akong dumiretso sa malaking lamesa kung nasaan nakapatong ang dagat na mga papeles.

The entire room was silent, and all I could hear was the thumping of my heart.

Halos kumalat ang maayos na bultong papel sa buong lamesa. Hindi ko naman iyon pinansin. I only came here hoping to get the information I needed to know.

Pumarte ang aking labi nang maaninag ang brown envelope sa loob ng drawer.

"Ano 'to?" Lukot ang noo na bulong ko sa sarili.

Kinuha ko ang brown envelope na umakit sa atensyon ko. I tilted my head as I frowned. May nakasulat na kung anong pinag-sama-samang letra sa bungad ng envelope.

What the hell?

http://happytummy.site . . . ivd av tl . . . abyss

Sa totoo lang, ngayon ko lang narinig ang pangalan ng site. Alam kong wala naman akong kinalaman sa mga site ngunit may malaking parte sa akin ang iba ang pakiramdam.

It feels like... something's really wrong.

"Put your hands in the air!"

Nawaglit ang lukot sa aking noo nang bumukas ang pintuan at niluwal nito si Oplas na may hawak-hawak na mga susi. Hinahabol niya ang kaniyang hininga at mukhang aligaga pa. Sa likod naman niya ay naroon ang mga tatlong sundalo. Their guns were pointed at me.

"Tangina ka, bakit ba hindi ka na lang manatili sa iisang lugar? Kulit mo rin, 'no?!"

Tinawanan ko si Oplas bilang pang-iinsulto. "Kung nababantayan kasi ako ng maayos, e 'di sana nasa iisang lugar lang ako. Mahirap ba akong i-babysit, Sergeant Oplas?"

Inambahan ako ni Oplas ngunit hindi naman tinuloy. Bumaling siya sa tatlong sundalo na kasama at may sinenyas na kung ano.

"Kuhanin niyo ang cellphone ko sa kaniya tapos Ibaba niyo 'yan sa storage room." Oplas told them before leaving.

Hindi na ako nagpahila pa sa mga sundalo at tahimik na sumunod na lamang sa kanila. Wala rin akong lakas makipag-away sa kanila dahil baldado pa rin naman ako. At bukod pa ron, binabagabag ako ng mga letra na nakita kanina.

I was trying so hard to recall the letters I had read in the brown envelope.

Malas lang dahil bobo ako sa memorization. Pero... naalala ko naman ang pangalan ng site. Happytummy...? Isn't that weird?

"Salute!"

Naagaw ng tatlong sundalo ang atensyon ko nang sabay-sabay silang sumigaw ng malakas. I immediately looked up and saw Rutherford.

His skin was looking frail because it's so fair. He tilted his head upon seeing me and lifted a brow. "Anong ginagawa mo rito, General Rutherford?" Tanong ng isang sundalo.

Dalawang beses na lumunok si Rutherford bago aligagang nilagay ang kamay sa kaniyang likuran, mukhang may tinatago. Naaninag ko naman kung ano ang bagay na 'yon nang ilagay niya sa likuran.

Karton iyon at isang lighter.

A box of citronella incense...

"Bawal ba?" Rutherford's tongue touched the side of his cheeks.

My skin prickled as soon as his eyes bore into me. Pakiramdam ko ay may ginawa akong masama sa kan'ya. Sandali ko pa lang kilala si Rutherford... or let's say I don't really know him. Kaunti lang naman ang interaksyon namin, kung hindi makikipag-basagan ng bungo sa isa't-isa ay magbabatuhan naman ng mga bala.

I don't want us to interact either.

Nilagpasan lang ni Rutherford ang tatlong sundalo na mukhang natakot ng sobra sa naging sagot niya. They forced me into the storage area and locked me inside. Tahimik ang buong silid. May kalakihan din ito at iisa lang ang bumbilya kaya medyo madilim.

I have no idea when I'll be able to get out here.

Parang lahat ng pasilyo ay may sundalo. Parang lahat ng silid ay may nagbabantay. Mapa-gabi man o araw.

I breathed as I felt discomfort in my knee. Kinakagat ang loob ng pisngi nang magbaba ako ng tingin sa aking tuhod. I closed my eyes tightly and sat on the side when I realized what it was.

Kanina pa ako palakad-lakad ngunit ngayon ko lang naalala ang tama ko sa tuhod.

Shit... I have to operate on myself or I will run out of blood.

Tuliro akong tumayo mula sa pagkakadausdos sa lapag. Ngayon ko lang naramdaman ang labis na pagkahupa at sakit sa katawan. I can feel my body shaking, and I may collapse off my feet at any time.

Sa kalagitnaan nang paglilibot ng mata, natagpuan ko ang cutter. Ayon lang ang tanging matulis na bagay na pwede kong gamitin sa balat ko. I know I'm so desperate just to survive.

Napansin ko rin ang katol sa bawat sulok. Mukhang kakalagay lang no'n dahil buo pa ang bilog.

Umupo ako sa isang tabi at mahigpit na hinawakan ang cutter. I stared at my wound, without realizing I was doing it. Nanginginig ang kamay ko at naninikip ang dibdib.

Ngayon ko lang gagawin 'to... and I felt like I was in over my head.

Mariin kong pinikit ang mga mata bago tuluyang tinusok ang sariling balat. I can clearly see the hole in my knee, even though it's full of blood. Pigil ang hininga at kagat-kagat ko ang ibabang labi upang hindi kumawala ang malakas na pag-daing.

"P-Putangina..." I was covered in sweat.

Nanginginig ang kamay ko nang sandaling bitawan ang cutter. Sunod-sunod naman akong napamura habang hinahabol ang hininga. Kinuha ko ang panyo na nakatakip sa kabilang tuhod at ginawa itong pang-ipit ng buhok.

"What the heck are you doing?"

Naagaw ng malamig na boses ni Rutherford ang atensyon ko. As I looked up, my eyes quickly met his screwed-up face, as he was giving me a dirty look.

Bakas ang pagtatalo ng pagkadismaya at pag-aalala sa kaniya. My gaze followed him till he came to a stop in front of me. He groaned, set down the medical materials, and kneeled in front of me.

I wish I had the strength to ask him why he's here.

Parang mas lalo lang naglaho bigla ang lakas ko nang makita siya. I'm numb, and I can't feel myself anymore.

He was dressed in a brown military t-shirt and military uniform pants. Hapit na hapit sa katawan niya ang damit, but it suits him perfectly with his slicked-back hair.

"Hindi ka dapat gumagamit ng cutter..." Sapilitan niyang inalis ang cutter na puno ng dugo sa kamay ko at muling bumuga ng hangin.

"There is a big risk that you may contract tetanus." Binuksan niya ang medical kit.

Nalukot naman nang husto ang noo ko bago siya pinaningkitan ng mata. His tone is so calm and soft that even a newborn may fall asleep. It's like a lullaby.

Inis akong napabuntonghininga. "Pwede bang umalis ka na lang? I d-don't want to fight now."

"Let's not fight then," He stole a glance up to me as he fix his sterile gloves.

My breathing hitched when I realized what he'd just said. Hapong-hapo ako para labanan siya pabalik ng mga salita. I also want to relax first and don't want to fight.

Pinanood ko ang pag-galaw niya sa ibaba ko. May kung ano siyang nilagay sa sugat ko na nagpadaing sa'kin ng husto. I caught my breath and bit my bottom lip to control my scream.

Tumayo siya at may pinuntahan mula sa dulo ng silid.

"I'm sorry if I shoot you... I was just trying to soothe the situation." His low tone enveloped the whole area.

Umarko ang kilay ko. I almost barfed. "Gago lang!?"

Gusto ko siyang pasalamatan dahil nabalik niya agad ang lakas ko dahil sa mga sinabi niya. Walang kwenta. Sinong putangina naman ang babaril ng isang tao para ma-kontrol ang sitwasyon?!

"Kung ganoon din naman pala ang tamang pagpapakalma sa sitwasyon, sana binaril na kita sa bungo, 'no?!" I sarcastically laughed and run my fingers through my hair.

Saktong lumabas siya mula sa likod ng malalaking kahon. My brow furrowed as I noticed he was pushing a medical bed towards me.

My pulse started to race as soon as I saw his features slowly turning soft. "I apologize, Colonel Aracosa."

Tumukhim ako dahil naubusan nang isasagot. Fuck it! Kung hindi lang ako baldado, baka ginulpi ko na ang isang 'to. Nag-iwas na lang ako ng tingin habang pinapanood sa gilid ng mata ang pag-hinto niya sa gilid ko.

"Dito ka... I'll operate on you before your blood runs out," Naagaw niya ang atensyon ko. Our gazes quickly locked. Walang kahit anong emosyon ang nakapaskil sa kaniyang mukha. My forehead gradually wrinkled.

Parang kanina lang, narinig ko pa ang usapan nila ni Ladrillo na huwag akong operahan. He's really suspicious... should I trust him? Baka mamaya, kung ano naman ang gawin niya sa'kin.

"Hindi mo ba kaya?" Mausisang tanong niya.

Inismiran ko ang lalaki at walang salitang tumayo mula sa pagkakaupo. Kaagad naman siyang umikot para alalayan ako. He grabbed the side of my cloth to support me, as if he didn't want to touch my skin.

Nang makasiguradong maayos na ako sa pagkakahiga ay saka lamang siya kumilos. I watched as he put on the surgical gloves and mask. He carefully injected me with anesthesia in my body.

Tahimik niyang kinuha ang scalpel at forceps at sinimulan ang gagawin sa akin.

I only realized that he had removed the bullet from my leg when I woke up from a nap and felt pain in my knee. Kaagad kong minata ang tuhod. Rutherford was there, appearing busy while he stitched up my knee.

"Amputa..." I groaned.

"Masakit?" Anas niya nang magtama ang mata namin. "Tapos naman na..." He stood up straight and held out the small surgical bowl in front of me. "Okay na. You should go to sleep. I am heading out."

My skin prickled upon hearing that from him. Pinanood ko ang pag-tanggal niya sa suot na mask at gloves.Ano namang paki ng isang espiya sa kalagayan ko? Why is he insisting on making me rest?

Malakas talaga ang kutob ko sa gagong 'to. Pakiramdam ko ay pinapakitaan niya lang ako ng kabutihang asal dahil may plano siyang gawin akong espiya sa lugar namin.

My headspace was still full of questions for Rutherford. Natigil lang ito nang maaninag ko ang handa niyang pagpihit patalikod ngunit bumalik din sa pagkakaharap sa'kin.

Umarko ang kilay ko nang ilahad niya ang radyo sa pagitan namin.

"That's only for us."

My forehead knotted almost abruptly. Kumibot ang labi ko at inismiran ang lalaki. "Hoy, kung binabalak mong paamuhin ako, hindi mangyayari 'yon. Tangina, naaasura na ako."

"Oh..." He chuckled, sounding offended. "Iiwan ko na lang 'to rito. Let's keep things calm and avoid making a scene, okay?"

Lalo lang umangat ang galit sa dibdib ko. Hinayaan ko na ang lalaki sa gusto niyang gawin. Pinanood ko kung paano gumalaw ang malapad niyang likod nang ibaba ang radyo sa gilid ko bago tuluyang lumabas ng silid.

I still wonder what the radio is for. Hindi ko naman kakailanganin ng radyo rito. Natatakot din naman akong pakialaman ang radyo dahil malakas ang kutob kong may kung anong patibong na nilagay si Rutherford dito. Baka nga sumabog pa ito kapag hinawakan ko.

I sat up from lying down and looked at my knee. Hindi na gaanong masakit katulad kanina. May iilang kirot lang ang naiwan sa tuwing gagalaw ako.

Muling lumipad ang tingin ko sa radyo. Kinagat ko ang hinlalaking daliri at hindi na natimpi pa ang sarili. With half closed eyes, I took it, but nothing burst as I touched it.

"Tanga talaga nung sundalo na 'yon," tama lang talagang minaliit ko ang kakayahan niya. He is the most stupid of all the stupid people I have ever met. Binuksan ko ang radyo at agad na binuksan ang channel ng grupo namin.

"Anyone, naririnig niyo ako?" Tanong ko sa mahinang boses, bahagyang sinisiyasat ang labas ng silid.

The soldiers were easily visible from outside the room since it was completely enclosed by glass. Lima ang bantay sa labas ng pintuan ko. Hindi naman sila nakatingin sa direksyon ko at mukhang nag-uusap-usap pa.

"Yeah, I can clearly hear you, Colonel Aracosa." Baritonong boses iyon mula sa kabilang linya. Bahagyang nangunot ang noo ko ngunit nawala rin iyon agad nang makilala ang boses ni sergeant Ramos.

"Ayos lang ba riyan? May balita na ba kay Ellis?"

He scoffed. "I told you to sleep, Colonel Aracosa,"

Umangat ang kilay ko nang unti-unting makilala ang boses. Napalunok na lang ako sa sariling laway habang ang mukha ay hindi maipinta.

Kilala ko ang mga sundalo ko. Kilala ko ang boses nila sa radyo... imposible.

Pinindot ko ang radyo. "Sino 'to?"

Kaagad na sumagot ang taga-kabilang linya. "General Rutherford, Colonel Aracosa."

"What the fuck?" Mura ko sa sarili, ang labi ay mas maliit na uwang. Inis kong pinindot ang radyo ngunit ibubuka ko pa lamang ang bibig ko nang mag-salita na siya.

"I told you, this radio is for us exclusively."

My eyebrows rose up as I shifted my weight. Binasa ko ang ibabang labi bago inis na pinindot ang radyo.

"Alam mo, putangina ka." Giit ko.

Ilang minutong binalot nang katahimikan ang radyo. Akala ko ay tapos na siya ngunit hindi pa.

"And by the way,"

Napairap ako nang muling marinig ang boses ni Rutherford mula sa kabilang linya. Bakit ba ang dami niyang sinasabi? We are not close enough for him to speak to me casually.

Huwag niyang sabihing sinusubukan niya talagang kuhanin ang loob ko para madali niya akong mahikayat sa kasamaan na ginagawa nila? Tangina, that will not happen, no matter what he does or how much blood he cries.

"Oh? Pwede bang hayaan mo na lang ako? Dami mong dada, tangina!" Binitawan ko ang button ng radyo. Sumagot naman siya kaagad.

"Your words, woman." He replied as I heard him let out a sigh. "We will leave the ship tomorrow morning."

Matapos marinig ang kaniyang huling mga salita na binitawan, dali-daling gumuhit ang ngisi sa aking labi. I licked my lower lip and tilted my head.

Hindi ba talaga naiiisip ni Rutherford kung ano ang pwedeng mangyari sa oras na maka-baba ako sa barko na ito?

Buong gabi ay gising lamang ako, nagmamasid sa buong paligid. Hinihintay ko ang pag-alis ng mga sundalong bantay sa silid ko ngunit ni isa sa kanila ay walang umalis hanggang sumapit ang umaga.

Napabalingkwas ako mula sa pagkakaupo nang tumunog ang radyo.

"Wake up," Rutherford's husky voice enveloped my ear. "I'll be there in five minutes."

Siniyasat ko ang oras sa relo. It's just four in the morning.

Isang ngisi ang gumuhit sa aking labi.

Paniguradong kaunti pa lang ang tao sa labas. Everyone is still asleep. Wala mga mata ang nagmamasid sa paligid at walang mga mata ang makakasaksi. I can be aggressive every time I want to.

Kinuha ko ang radyo at tumayo. Napansin ko ang mabilis na pag-lingon sa akin ng mga sundalong nagmamatyag sa labas.

Madami nga sila... lahat naman ay tanga.

Naglakad ako sa harap ng cutter na puno pa ng dugo ko at saka tumalikod.

"Okay... bilisan mo lang." I remarked at the radio, slowly putting the cutter inside the foam in my bra. Muli naman akong umupo sa kaninang pwesto at hinintay ang pagdating ni Rutherford.

Everyone saluted him as soon as he walked by.

Rutherford is now in full gear.

Mabilis na nag-tama ang mata namin nang makapasok siya sa silid ko. His face went blank as soon as he stopped in front of me. Sandaling bumaba ang mata niya sa tuhod ko.

"Ano 'yon? Saan mo naman ako dadalhin?" Asik ko, halata ang pagka-bagot sa tono.

Hindi siya sumagot at walang kahit anong salita nang mag-labas siya ng posas.

What the hell?! Talagang igagapos niya ako palabas?!

"Sumunod ka sa'kin..." Nilagay niya ang posas sa kamay ko. "Don't make any scenes, okay?"

Umirap ako at mariin na kinuyom ang kamao. I gave him the 'I'm not a dog, so don't treat me like one' look before opening my lips.

"Huwag mo akong utusan. Alam ko kung anong gagawin ko."

"Good." Aniya bago tuluyang tumalikod at nagsimulang mag-martsa.

Kupal talaga.

Nanatili ako sa likod niya, nakasunod at tila ba inaresto ng pulis dahil sa mabigat na kasalanan. He kept going without glancing back at me. Saka niya lamang ako hinarap nang tuluyan kaming makababa ng barko.

Nang tuluyang makababa sa malaking barko ay sumaludo sa kaniya ang mga sundalo. We halted in front of the highway after walking with Rutherford for a bit. Para akong tanga na nakasunod sa likuran niya.

I heaved a sigh. Ni hindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Kahit mga sign na magtutukoy ng address ay walang nakapaskil sa paligid. Tanging mga puno lang ang makikita at ang pulidong daan.

Tumunog ang cellphone ni Rutherford at mabilis niyang sinagot iyon.

"We're here," Sabi niya sa cellphone. Nakapamaywang siya habang sinisipat ang paligid kanan-kaliwa, mukhang may hinihintay.

I rolled my eyes and looked away.

Tangina, paano ako makikipaglaban? Naka-posas ako at hindi magalaw nang maayos ang paa dahil sa tama ng baril sa magkabilang tuhod. Shit lang.

Naaninag kong tinago ni Rutherford ang cellphone sa bulsa at bahagyang tumingin sa akin. Naramdaman ko ang akma niyang pagsasalita ngunit isang BMW ang nagpatikhim sa kaniya.

Kumunot ang noo ko nang huminto ito sa harapan namin. The window quickly rolled down.

Pagkababa ko ng tingin ay agad na nasalubong ng paningin ko ang pamilyar na mga mata. My blood started boiling in less than a minute. Mariin kong kinuyom ang kamao at tiniim ang bagang.

"Long time no see, Colonel Aracosa." Kumibot ang labi niya at sumaludo sa'kin.

I'll no longer ask why Attorney Grey is my secret mission. Una pa lang pala ay pinagdududahan na siya ng General. Wala lang sapat na ebidensya bilang patunay na isa siyang espiya sa kampo namin.

But he is now in front of me. I can see him with both of my eyes, and when I return, I promise I will tell everyone, even if it costs life or death, who he is.

The hole in our group.

Attorney Luxeuil Grey Sandoval is a fucking northern spy.

^_____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro