05
"It's high time we address the elephant in the room. Wala kang ginawa kun'di ubusin ang mga mapagkukunan ng bansang 'to! Buti nga nahiwalay kayong mga nagmamarunong sa politika!"
I winced as I leaned my head against the large cardboard box. I was currently listening to the radio broadcast of an argument between the vice president of Visayas and Mindanao and the senator from Luzon.
Hindi ko maiwasang hindi madismaya.
Sila ang gobyerno, sila ang susundin at gagayahin ng mga tao. Ano na lang kaya ang mangyayari sa Pilipinas kung gan'yan ang inuugali ng mga nakaupo at may posisyon?
"Coming from you? that's rich. You've been lining your pockets with taxpayers' money for years while pretending to care about public welfare—"
Pinutol ng Senador ang Bise na nagsasalita pa lamang.
"Ako pa talaga? You're the one who's been using your position to cut backroom deals and secure contracts for your cronies. Ikaw ang corrupt sa'tin!"
Their muffled voices drowned out their screams, but I can clearly imagine the rage on their faces as they yelled at each other.
Sobrang unprofessional...
"Don't project your sins onto me. Habang gumagawa ka ng mga pangako na hindi naman napupunan, I've been working to get things done—sa kabila ng patuloy mong pamiminsala." Kalmadong bitaw ng Bise.
"You mean funneling money into your offshore accounts?" Sarkastikong halakhak ng Senador. "You're a liability, The country would be better off without your so-called leadership..."
"Cut the crap, Senador Morales. Ginagalang at nirerespeto kita, but you can't change the fact that all you do is criticize and obstruct. You have no solutions, only accusations. If anyone's a liability, it's you and your baseless smear campaigns."
"The evidence of your corruption is right there for anyone willing to look," Senador Morales sighed. "You've betrayed the trust of the people, and you have the nerve to accuse me?"
Mas lalo lang lumawak ang ngiwi sa aking labi.
These people amaze me so much. Sa kabila ng mga hindi magagandang pangyayari sa bansa namin at sa iba pang bansa, nagawa pa nila tablahin ang isa't-isa sa halip na mag-kaisa.
"The only betrayal here is your relentless pursuit of power, no matter the cost. You've done nothing but hinder progress with your divisive tactics and self-serving agenda."
"Progress? You call this progress? Really, huh?!" Sarkastiko ang tono ng Senador at nagpakawala pa ng halakhak. "The country is in shambles because of your reckless policies and mismanagement. Mas mabuti pa kung mag-resign ka na—"
"Sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan? that's laughable. If anyone should step down, it's you. The people are tired of your empty rhetoric and corruption. You're the one who's out of touch with reality."
"That's the audio record of the Vice President and Senator's leaked argument that took place in a Malacanang, Luzon, corridor just before a bomb went off nearby. A witness who happened to be there captured the intense fight between the two on an audio recording."
Wika ng reporter at tinapos ang balita gamit ang iilan pang mahalagang impormasyon.
Napasandal naman ako sa lingkuranan kasabay nang pagkawala ng isang malalim na hikab. I ran my fingers through my hair and closed my eyes tightly.
Akala ko ay tuluyan akong lalamunin ng antok ngunit bumukas ang gate ng container na kasalukuyang pinaroroonan ko. I swiftly moved my hand behind me and watched the light slowly enter.
Isang saglit na ngiwi ang gumuhit sa aking labi nang mapagtanto kung sino iyon.
It was Batista, the weakest of the northern soldiers.
"K-Kumain ka na raw," Aniya matapos lumunok. The trembling in his voice was obvious, so he cleared his throat and addressed me bravely. Binaba niya sa harapan ko ang plato na may laman na pagkain at ang baso ng tubig.
Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako kung paano siya nakapasok sa industriya ng sundalo.
I doubt he can even punch me.
"Huwag mo nga akong titigan, kumain ka riyan. Kukuhanin ko 'yang plato at baso pagkatapos mo,"
Napaismid ako. "Tanga ka ba? Paano ako makakakain nang nakaposas? Gamit paa, gano'n?"
Batista gulped and nodded. Dali-dali niyang kinuha ang susi sa kaniyang bulsa. Naaninag ko naman ang radyo sa tabi nito. He approached me with the key, bending slightly to reach my back.
"Tangina..." Narinig ko ang pagtama ng ngipin niya at dali-daling tumayo ng tuwid, bitbit-bitbit ang baril niyang nakatutok sa akin.
Ngumisi ako sa harapan ng lalaki. "Hindi ko na pala kailangan ng susi, nakalimutan kong kanina pa pala ako hindi nakaposas."
He attempted to pull the trigger with his firmly closed eyes, but I quickly took it away from him. Tumama ang bala sa container at agad na tumagos ang sinag ng araw sa butas nito.
I kicked Batista, forcing him to fall onto the plate containing the food.
Nakuha niya ang baso na naglalaman ng tubig. Akmang ibabato niya ito sa akin ngunit huli na. I knocked him unconscious with the gun that I hit in the head.
Ayon na 'yon? Wala na agad siyang malay? Ni hindi man lang ako pinagpawisan.
I took the radio from his side and swiftly entered our channel with my group.
"This is Colonel Aracosa... Can anyone hear me?" Pagpapakilala ko sa sarili gamit ang pinakamahinang boses upang walang makarinig sa akin.
I was biting my lips so hard and tapping my toes on the ground, umaasang gumana ang radyo ng mga taga-Norte sa channel ng radyo ng grupo ko. I heard a rasping that caused my eyelids to open from their tight closure.
"Colonel Aracosa? Sai?! Where the fuck are you?!"
"Pwede bang hinaan mo boses mo? Baka marinig ka nila," Sita ko kay Lara.
Narinig ko naman siyang humugot ng hininga. "Nasaan ka ba kasi?"
"Luzon cruise ship... Can you track my location?"
"Okay, wait," Sandali siyang nawala sa linya bago muling bumalik. "Malapit kayo sa Capul Island lighthouse, Sai. Feeling ko, on the way kayo sa Calintaan island..."
Mariin akong napapikit at mahinang nagpakawala ng mura.
Sa totoo lang, blangko ang utak ko at parang walang kakayahang makaisip ng kahit anong plano para makatakas dito. Kanina ko pa sinusubukan at pinipilit maka-isip, but I am aware that virtually all of my ideas wind up being sloppy.
Hindi ko rin naman gugustuhing mapahamak ang mga sundalo ko.
"Nasaan na ba si Attorney Grey at Sergeant Ellis? Nahanap na sila?" Tanong ko.
Kanina pa ako binabagabag ng hindi masagot na katanungan na ito. Parang wala akong karapatang huminga hangga't hindi nalalaman ang kasagutan.
"Si Ellis ang nawawala, si Attorney, kababalik lang kanina."
"Inangyan," I muttered and rolled my eyes. "Bakit 'yan pang punyetang abogado na 'yan ang nakauwi? Dapat si Ellis na lang, eh."
Lara chuckled. "Ano na pa lang plano mo?"
"Marami sila rito, Lara. Kumpleto rin mga armas nila—pero kaya kong tumakas dito. I only need a soldier's assistance, but I'll take care of it and won't worry you," I gulped. "Get ready, and I'm going to give you a signal when I arrive on Dalupiri Island, Egang."
Narinig ko ang muling pagkawala ng buntong-hininga ni Lara. "Ang layo ng Egang sa Capul Lighthouse, Colonel. Alam ko ang nasa isip mo, you'll just swim to Egang. Pwede naman kaming lumapit ng kaunti—why not Pinangandao Beach?"
Nag-tiim ang bagang ko. "Option lang 'yon kapag hindi ako nakakuha ng bangka, Lara. At kahit naman hindi 'yon matuloy, hindi tayo pwedeng lumapit sa Luzon cruise ship... we can't make a scene. Gyera ang kalalabasan no'n."
"Kalma, I'm just suggesting," Bakas ang takot sa kaniyang tono. "Hindi ko pinipilit, Colonel, pero malayo ang Pinangandao sa Capul lighthouse. We are still in Visayas, hindi sila gagawa ng kahit ano na magdudulot ng gyera."
Nag-tama ang ngipin ko at nagpakawala ng hininga. "Okay, okay... sa Acapulco na lang. May kabahayan na naghaharang do'n para hindi makita ang barko natin. Sasabihin ko na lang kapag okay na, just get everyone ready."
"Nasa Pilar, Dalupiri ang barko natin. 20-25 knots ang takbo, maybe about 37-46 km/h or 23-29 mph. The straight-line distance between the Babuyan Islands and Northern Samar is approximately 700-800 kilometers... 18 hours ang byahe, Colonel."
It will take longer then. Bukas pa sila ng madaling araw makakarating.
"Just speed up as long as you can."
"Yes, Colonel Aracosa! We're now off to Acapulco! Salute!"
Pinatay ko na ang radyo at tahimik na naglakad palabas ng container.
Napahinto naman ako nang mabangga ang nakabukas na tangke ng gas. My eyes widened as it dropped to the ground. Kaagad na kumalat ang likido sa lugar dahilan upang mapatakip ako ng ilong.
Fuck, buti na lang hindi ito gumawa ng ingay.
Kagat labi kong sinarado ang gate ng maritime container at naglakad patungo kay Batista. Pinalupot ko muna sa kaniya ang malaking kadena at sinuguradong nakakandado ang lalaki nang mabuti. Tinapalan ko rin ng panyo ang bibig niya bago siya gisingin.
"Hmmn, hmmn!" Banta niya pagkamulat pa lamang ng mata.
I put the gun toward his head and removed the piece of cloth from his mouth.
"I-radyo mo si Rutherford... o baka naman gusto mong sumabog 'yang bungo mo?" Banta ko at mabilis naman siyang nangatal doon. Tinutok ko sa kaniyang bibig ang radyo. "Sabihin mong umakyat siya rito... siya lang."
I need him. Alam kong siya lang ang makakatulong sa akin.
At bukod pa roon, alam ko rin na siya lang ang matatakot na mawala ang kaibigan niyang si Batista. So he will do what I command.
Pinindot ni Batista ang radyo at nanginginig ang labi niyang binukas ang bibig. "General Rutherford... sa t-tingin ko nakakita ako ng Dracula... pwede mo ba akong akyatan ng fishing rod?"
Kaagad namang bumukas ang radyo sa kabilang linya. "Uh-huh, saan ka?"
"Poop deck, malapit sa maritime container ng sundalo ng ViMinda."
"Hmmm, paakyat na."
Nang marinig ang huling tatlong salita na binitawan ni Kyl ay dali-dali kong binalik ang panyo sa loob ng bunganga ni Batista. Nilagay ko ang radyo sa foam ng bra at inayos ang buhok ko bago lumabas sa mahabang container.
Bumungad sa akin ang malalaki at mahahabang lalagyan ng dagat nang makalabas ako. As I walked out, I spotted the large and long maritime containers right away.
I instantly looked for for the finest hiding position, and Kyl could be spotted as soon as he arrived.
Hindi nagtagal ay naaninag ko mula sa kalayuan ang presensya ni Kyl. I watched his shadow holding two fishing rods in the sunlight.
Hulmang-hulma rin ang pigura niya maging sa anino. His pointed nose, small lips, height, and well-built body. At sa tingin ko, base sa hulma ng kaniyang anino ay naka-full gear siya.
"Shit,"
Naputol ang tali ng iniisip ko nang marinig ang pamilyar na tinig mula sa gilid. I looked up, and Kyl and I swiftly locked gazes. Dali-dali kong inangat ang baril sa kaniyang ulo nang mapagtanto ang baril niyang nakatutok na sa akin.
Nababa niya agad ang fishing rod ng ganoon kabilis! Ni hindi ko man lang namalayan!
What the hell, anong nangyari sa'kin?!
Binawi ko na lang ang pagiging lutang sa pamamagitan ng ngiwi. "Ako yata ang Dracula na tinutukoy ni Private Batista. And congrats, you caught me."
Kitang-kita ko kung paano nag-tiim ang kaniyang bagang. "Nasaan si Batista?"
Ngayon ko lang nakita si Rutherford na ganito. Hindi maipinta ang mukha niya at halata ang kaba sa likod ng kalmado niyang mata.
Inarko ko ang aking kilay at muling ngumisi. "Responsebilidad niyong i-inspect lahat ng kargo ng barko bago lumayag, 'di ba?" Tanong ko at hindi naman siya umimik, tanging pagtitig lamang sa akin ang ginagawa niya.
"Sigurado akong alam mong—"
His adam's apple moved. "Stop beating around the fucking damn bush! Nasaan si Batista?! Answer me or I'll shoot!" He boomed.
My eyes bored into him as my mouth curve into a smile. Ngayon ko lang narinig ang mataas niyang boses. Inalis ko ang baril mula sa pagkakatutok sa kaniyang ulo at nagkibit-balikat.
"You can't loose a bullet, General Rutherford," Wika ko, nananatiling nakahalukipkip habang nakakrus ang paa at nakasandal ang likod sa container.
"Hindi mo ba naaamoy? Gas iyon... which will explode when you shot," I scrunched my nose and glared at him directly in the eyes. "Nasa loob pa naman si Batista ng container..."
Umigting ang kaniyang panga, nananatiling nakatutok sa'kin ang baril.
"Damn," He muttered. "What's in it for you?!"
Tuluyan akong napangiwi at tumuwid sa pagkakatayo. "Bangka papunta sa Acapulco."
He gulped and looked away.
"Pumapayag ka na ba? Madali naman akong kausap... kapag pinutok ko ang bala na 'to, baka hindi mo na ulit makita ang kaib—"
"Deal,"
Tuwid akong napatayo. Honestly, I expected him to quickly agree to what I wanted because I knew he was afraid of losing Batista. Pero hindi ko maiwasang mamangha sa bilis nang pag-sangayon niya... and doubt too.
"Dapat nasa Acapulco na ako bago mag-alas onse." I told him.
Nakita ko ang pag-arko ng kaniyang kilay. "Bakit hindi ka pa ngayon umalis? I'll send you a boat soon enough."
I titled my head and gritted my teeth.
Kapag umalis ako ngayong tirik na tirik ang araw, they'll surely notice me from a distance and ruin the plan. Hindi ko pa naman gaanong kabisado ang nasa isip ng mga sundalo ng mga norte.
Baka patayin na lang nila ako sa gitna ng dagat kapag nakita akong tumatakas.
I'll be more likely to depart at night, when the soldiers are all asleep and there are only a few remaining guards.
"Segurista ako, paano ko masisiguradong ligtas ako ro'n—"
"Are you sure I can trust you?—"
Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Rutherford sa isa't isa matapos marinig ang pareho at sabay na tanong sa isa't-isa.
Right, we both doubt each other.
"Ibibigay ko lang 'yong susi kapag nandoon na ako sa Acapulco."
The corners of his mouth quirked up. Pinasadahan niya ang buhok at bahagyang tinagilid ang ulo bago binaling ang matalim na tingin sa akin.
"Oh, come on, woman. Do you really think I'm that stupid? Paano mo mabibigay sa'kin ang susi kung nand—"
"Ihahatid mo ako sa Acapulco." I trailed him off as my face went blank.
Kailangan ko ng kasiguraduhan na ligtas akong makakapunta roon. Na hindi niya lang ako niloloko at ilalaglag sa sarili niyang patibong.
Naaninag ko ang pag-kurap niya bago humugot ng hininga.
"Sure." He nod his head.
Buhay sa buhay ang kasunduan na ito.
Pumayag siya sa kagustuhan ko, pero hindi ako naging panatag at hindi binigay sa kaniya ang buong tiwala. He was still a northern spy after all.
Nanatili ako sa loob ng container kasama si Batista.
Naririnig ko mula sa labas ang pagpunta ni Rutherford sa direksyon namin sa tuwing may pupuntang sundalo. Hinahanap nila si Batista ngunit maraming palusot si Rutherford kaya't hindi sila nakakatuloy sa palapag kung nasaan kami.
I took a peek through the container's hole and noticed that the sun had set. Nang silipin ko naman ang relo sa orasan ay kaagad na umakyat ang galit sa akin.
Alas-dose na ng madaling araw at wala pa rin si Rutherford.
Tangina, I'm starting to think that he fooled me.
"Colonel,"
Ayan na siya.
Mabilis kong minulat ang mata mula sa pagkakapikit. Inalis ko ang likuran mula sa pagkakasandal matapos marinig ang boses ni Rutherford sa labas. I took a gun and gulped before slowly walking out.
Inarko ko ang kilay nang magtama ang mata namin ni Rutherford.
His hair looked soft even when his head was tilted. Mukhang minumukhaan n'ya ako dahil naniningkit ang kan'yang mga mata.
"Nasaan na ang bangka?" Panimula ko habang ang noo ay lukot.
Ayo'kong mag-daos-daos lang dahil sa pagkadesperada. Kung uuwi man akong sugatan ay ayos lang, basta nakauwi ako ng buhay at ligtas.
"I guess we can't—"
Sa tono pa lang niya na iyon ay nakuha ko na agad ang pinaparating niya. Parang nagpanting ang tainga ko roon. I couldn't suppress my rage and raised my gun, aiming it at the container where Batista was.
Ang pinaka-ayo'ko sa lahat ay ang mga taong hindi tumutupad sa usapan.
Handa na akong magsalita pa ngunit natutop na lamang nang bumukas ang radyo. I went around right away and pulled the radio out of the foam before putting it in my mouth. Nasilip ko pa ang pag-buntonghininga ni Rutherford pero hindi ko na ito pinansin pa.
"We have a problem here, Colonel Aracosa," Boses iyon ni Private Josef.
I heard my chest thumping as I opened my mouth and bit my bottom lip. Humigpit ang kapit ko sa radyo na hawak at bahagyang sinilip si Rutherford. His hand was in his pocket as he stood in front of me, his black stare fixed on mine.
"Ano 'yon?" Tanong ko kay Private Josef.
Kaagad naman siyang sumagot. "This is Private Lara, Colonel Aracosa. Your location has been monitored by us, and you are getting closer to the ViMinda cruise ship. Anong gagawin namin?"
Tama ba ang narinig ko?
Tumukhim ako, hindi ma-progreso sa isipan ang mga narinig.
What does she mean by that? The Luzon cruise ship is now sailing to Acapulco, the location of the ViMinda cruise ship?!
I breathed deeply, trying to kill the pressure within me. Pilit kong ikinakalma ang sarili dahil wala namang rason para kabahan ako.Nilayo ko ang radyo na hawak at inis na binaling ang tingin kay Rutherford.
"Why didn't you fucking tell me the Luzon ship would soon arrive at Acapulco?!"
"About the..."
My heart hammered, but I didn't let the tension show on my face. Tumingin ako sa kanya. Nagtaas din ako ng kilay habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
"Lower your gun and be calm," He stated that in a calm voice, pressing his lips together. Hindi ko naman siya sinusunod at mas niyapos ang baril.
"Sagutin mo na lang, tangina,"
"There was a big storm going to Masbate, so the General chose to stay in Acapulco—"
Sarkastiko akong napahalakhak. "Bakit hindi mo kaagad sinabi?!"
"You also didn't mention that the ViMinda ship is at Acapulco."
Halos mahulog ang panga ko sa narinig. How is he so calm?
"Ginagago mo lang ba ako?" Inis kong giit at sa kaniya naman tinutok ang nguso ng baril na hawak. "Did you plan everything? Sinadya mo bang sa Acapulco pumunta para magkasalubong 'yong dalawang barko?! Mukha bang biro sa 'yo ang gyera, ha?!"
I breathed deeply to pacify my nerves.
"Putangina, maraming kabahayan sa Acapulco. Nasa Visayas pa rin kayo... bakit kayo umaarte na nasa teritoryo niyo kayo?!" Paulit-ulit pa akong huminga nang malalim dahil sa nerbyos at galit na nagtatalo sa aking dibdib.
Hindi dapat ako kinakabahan.
Kung mayroon mang kailangan umalis sa Acapulco ay sila iyon.
"Calm down, papakiusapan ko si—"
"You're fucking too late!" I shouted and was ready to pull the gun's trigger when a bullet struck in my direction. Nahulog ang baril mula sa mahigpit kong pagkakahawak dito.
Napamura naman ako sa isipan at napukaw ang atensyon sa lalaking nagpakawala ng bala.
I smirked. Umabante ako at kinuha ang baril na nahulog sa lapag. I grabbed it right away, but then froze and breathed as Rutherford fired again.
He shot my leg to prevent me from firing the container.
Hindi ako makapaniwalang nag-angat ng tingin sa kaniya habang hinahabaol ang hininga. The anger was too intense for his face to express.
I gritted my teeth. I can't believe him! "Takot kang mawala si Batista pero hindi ka takot na mawala 'yong mamamamayan na nakatira sa Acapulco—"
Tumikham ako nang maramdaman ang malapad na balikat ni Kyl sa akin. Kaagad naman akong napapikit nang maramdaman ang init mula sa kalayuan.
I couldn't help but grip Kyl's arm.
The only thing I remember is Kyl jumping on me and pushing me, causing us to both roll away from the maritime container I was in earlier.
"Tangina," Halos mapamura ako nang imulat ang mata. Kasabay no'n ay ang malakas na ingay na nagmula sa maritime container.
It blew up, and the flames expanded rapidly.
I rose up from the floor and glanced at Kyl, who was already gazing at me. Madilim ang tingin na pinupukol niya sa akin habang ang panga ay naka-igting. His eyes were filled with rage, causing me to swallow.
"H-Hindi ako ang bumaril..."
Igting ang panga niyang kinuha ang kwelyo ko. Napa-tingkayad naman ako kaagad upang mapantayan ang tangkad ng lalaki at hindi masakal. It was quite tight and nearly hurt me.
"Sabi ko sa 'yo, hindi ako ang bumari—"
"I fucking warned you!" Mataas ang tono niyang sigaw sa harapan ko.
I couldn't help but look down and blink.
Pinasadahan ko ang buhok at tinabig ang braso niya sa kwelyo ko. Binitawan niya naman ako kaagad at halos ikahulog ng dibdib ko ang kasunod niyang ginawa.
Walang pag-aalilangan niyang pinasok ang nagliliyab na maritime container.
Tangina. I adjusted my collar and pulled out the radio from my bra. Siniyasat ko mula sa linya ng dagat ang papalapit na barko ng ViMinda Cruise ship.
Sigurado akong sa kanila galing ang bala na iyon.
Hindi pwedeng magkasalubong ang dalawang barko.
If it occurs, a war will break out.
"Withdraw..." Sinikap kong huwag mautal habang sinisilip ang mga sundalo mula sa ibaba na paakyat na sa palapag kung nasaan kami. "We're vastly outnumbered! Make for the shore and send a boat my way; I'll buy us time!"
"Paano ka, Colonel Aracosa?" Bakas ang pag-aalala sa tinig ni Private Josef.
I gritted my teeth. "Just retreat, that's a command."
Nang sabihin iyon ay kaagad kong tinago ang radyo sa foam ng bra at hindi nag-dalawang isip pasukin ang container. I covered my nose with my left hand while aiming a gun in my direction.
Palapit pa lamang ako nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril.
What the fuck is happening inside?
Sa totoo lang, sa anim na taon na pamamalagi ko sa radar na ito, ngayon lang ako kinabahan ng husto. The fear that will arise upon realizing that I have caused harm to an innocent person.
Ngayon lang ako nakaramdam ng konsensya at awa...
"Anong ginagawa mo rito?" Boses iyon ni Kyl kasabay nang pag-hinto ng putok ng baril.
Kaagad kong pinunta sa kaniya ang atensyon bago tiningnan kung saan nagmula ang sunod-sunod at nakakabinging putok. It came from Kyl, and it appeared as though he was blasting the container to make a hole in it so the smoke wouldn't suffocate him.
Nagkaroon ng uwang ang labi ko at kinasa ang baril.
"You should just go, hindi ka namin kailangan dito," He coldly insisted and fired his gun again.
Bahagya ko siyang sinulyapan kasabay nang pagguhit ng ngiwi sa aking labi. I don't want Kyl around me, yet the truth is, I'm engaging with him more and more.
"Bingi ka ba? Can't you hear me? I said just leave—"
"Hindi mo gugustuhing umalis ako kapag nalaman mong hawak ko pa rin 'yang buhay ng kaibigan mo." The corners of my eyes crinkled as I trailed him off.
Sa gilid ko lang nilagay ang gas kaya hindi siya maaapektuhan nang pagsabog. I know he's still alive but barely breathing. Kung matatagalan pa kami, he'll choke to death in the smoke.
"What do you mean?!"
Inis kong pinasadahan ang buhok at inangat ang short. He gasped as he noticed my leg was chained and the key was hanging from the chain.
"Maaalis lang 'yan kapag nabuksan 'to," Turo ko sa padlock bago mariin na pinaglapat ang labi. "Kaso nahulog 'yong susi sa dagat... kaya huwag mong sabihing hindi mo ako kailangan. I have his life..."
Kitang-kita ko ang matinding galit sa kaniyang mukha. He even squeezed his eyes shut while gritting his teeth. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago ako tuluyang sinabayan sa pagbaril sa container.
He was so aggressive in firing out of rage that the container was quickly filled with holes.
Sabay kaming humakbang papasok sa container kung saan naroon si Batista. Napahinto ako sa paglalakad nang huminto rin si Kyl sa harapan ko. I frowned as I noticed him take off his helmet and pull his handkerchief from his pocket.
"Putangina, anong ginagawa mo?!"
"Wear these," Nilahad niya sa pagitan naming dalawa ang gamit niya.
Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad, tumatanggi sa alok niya. I went first and immediately entered the container. Para akong sinusunog sa loob sa sobrang init. Idagdag pa ang mga gamit na nagkakanda-hulog dahil sa lakas ng alon sa labas.
"Northern soldiers are here..."
Tinig iyon ni Kyl mula sa aking likuran. Kaagad naman akong napamura sa isipan.
"I told you kasi to just go... may bangka na sa kanto. Ano pa bang gusto mo rito?!"
Giit niya pa na naging dahilan nang pag-tiim ng aking bagang. Niyapos ko ang kwelyo niya at pinandilatan ng mata ang lalaki. Halos isang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa.
I can hear us both gasping for air.
"Gustuhuin ko man—pero putangina, konsensya ko kapag napatay ko 'yong gagong 'yon!"
"Bakit naman?" He blinked.
Magsasalita pa sana ako ngunit sa halip ay napunta ang buong atensyon sa radyo ni Kyl nang tumunog ito. Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng damit at nag-iwas ng tingin.
"General Rutherford, handa na ang fire extinguisher! Nasaan ka?" Garalgal ang boses na 'yon pero natunugan ko kaagad ang himig ni Oplas.
Hindi sumagot si Kyl sa lalaki at nag-pakawala ng mura. "I'm giving you a chance to live, umalis ka na—"
Before he could say anything further, I gave him a strong kick to the knee. Mabilis siyang nawalan ng balanse at natumba. I saw his handcuff had fallen out of his pocket. Umalon ng malakas kaya dumulas ang bagay.
It slid out of the container and stopped at the edge of the ship.
Sabay napunta ang tingin namin doon.
Napansin ko ang mabilis niyang pagtayo mula sa pagkaka-upo ngunit huli na. Nasa kamay ko na ang posas.
"Alam mo bang black belter ako nung high school?" I grimaced and tried to kick him in his face.
But then, he dodged my kick and grabbed my foot. "Taekwondo player? You're not that good; I'm going to teach you once we meet again." He whispered beneath his breath in my ear before I fell to the ground.
Nasalo ng talampakan niya ang ulo ko ngunit hindi iyon sapat para hindi ako mahilo.
"I'm afraid I might see you next at your funeral," I beamed.
I pushed my strength and force into my foot and grabbed for his neck with it, keeping my head on his sole. Hindi niya iyon namalayan dahil abala siya sa gagawing pag-sasalita. Natumba siya at agad akong nakabangon.
I handcuffed his right hand and linked him on the ship's rails.
Ngumiti ako sa harapan niya. He was catching his breath and clenching his teeth firmly. His adams apple is also moving, which indicates that he is swallowing. May iilang butil ng pawis sa noo niya na nagmula pa sa magulo niyang buhok.
"Sabi ko sa 'yo, black belter ako. Magaling din sa martial arts." I winked at him before turning my back.
Iika-ika akong naglakad papasok sa loob ng container. Naririnig ko pa mula sa labas ang ingay ng mga sundalong pinupuksa ang apoy at ang tunog ng powder na nanggagaling sa fire extinguisher.
But that didn't stop me and went straight to Batista's direction.
Nang matunton ko siya ay dali-dali kong tiningnan ang pulso ng lalaki. I exhaled with relief. Wala siyang malay dahil sa gulat sa buong pangyayari, ngunit nananatili ang pulso niya.
Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
"Nakita na namin si Private Batista, General Rutherford. He's with a ViMinda soldier." Narinig ko mula sa gilid ng bukana ng container ang sundalo na nagrereport sa radyo.
Sumunod sa kaniya ang dalawang sundalo ngunit hindi ako natinag.
Inalis ko ang kadena na nakapulupot sa katawan ni Batista.
And somehow, it made my heart happy. Para bang nagampnan ko nang maayos ang mga tungkulin bilang isang sundalo, in spite of the fact that I saved my opponent.
Ngunit... sinayang ko ang pagkakataon na makaalis sa lugar na ito—in order to save him.
^____________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro