03
Amirah sa cruise ship naboombayah:
Wer u, @Sai anak ni Cardo Dalisay
Averyday bayo:
36 hours nang wala 'yan, papaprint na kami ni Zhav ng missing papers
Czendaya ganda:
Press 1 kung kailangan mo ng tulong, @Solveig Rai Aracosa
Press 2 kung maganda ako, @Solveig Rai Aracosa
Press 3 kung nakipagtanan ka na, @Solveig Rai Aracosa
Napangiwi ako sa nabasa. Halos 99+ ang unread messages ko at lahat ng iyon ay galing lang sa mga kaibigan na naiwan sa Zambales. Paniguradong nag-aalala sila ngayon sa akin dahil hindi na ako bumalik pa.
Hindi rin nila iisiping duty ko dahil tatlong araw na magkakasunod ang day off ko. Maging ako rin naman ay nagulat sa biglaang pangyayari. Sa halip na nagpapahinga ako ay nandito na naman ako, tinataya ang buhay.
Sai anak ni Cardo Dalisay:
4
"Ma'am, ito na po ang dash cam footage ng humvee,"
Naagaw ang buong atensyon ko sa lalaking nagsalita. Dali-dali kong pinatay ang cellphone at pinanood si Sanchez na iniwan ang naturang gamit sa ibabaw ng lamesa ko.
This is the humvee's dash cam clip.
Alam kong hagip ng camera ang gusali kung nasaan ako. I might be able to learn more about the spies from the video footage, even if their eyes were the only part of their bodies that was visible.
I nodded quickly and turned back to look at the phone screen, but he spoke again.
"Pinapatawag po kayo ni Doctor Sandoval sa sick bay para sa periodic health assessments."
Tuluyan akong napahugot ng hininga at walang nagawa kun'di ang tumango na lamang. Hinintay ko ang tuluyan niyang pag-saludo sa akin bago tuluyang umalis.
Hindi ko na nagawa pang dugtungan ang reply sa mga kaibigan dahil tuluyan nang nahatak ng footage ang atensyon ko. I carefully examined everything before entering it into the computer.
Tinukod ko ang kaliwang kamay sa ibabaw ng lamesa, nakatayo at hindi mapakali, ang mga mata ay naka-tutok sa screen ng computer habang kagat-kagat ang ibabang labi na halos dumugo na.
Tanging first to third floor lamang ang abot ng footage kaya hindi ko nakita kung sino ang gumamit sa akin ng sniper.
"Kupal, kapag nakita ko kung sinong nang-sniper sa'kin, sabog talaga bungo no'n-"
Sarili kong pinutol ang sinasabi nang mahagip ng camera ang lalaking nagpa-parkour. I immediately paused it. Kasalukuyan siyang naka-sabit sa pader at tila ba bumibwelo para makapunta sa pang-apat na palapag.
Handa ko nang ipagpatuloy ang video pero hindi tinuloy nang may maaninag na kung ano. The video was hazy, so even though I tried to zoom in on the man's arm in the hopes of seeing everything clearly, it wasn't enough.
"Tangina, sa dami kasi ng pwedeng mapilay, kanang kamay pa talaga." Singhal ko sa sarili. Gamit ang kaliwang kamay, kumuha ako ng pirasong papel at hirap na sinulat ang mga nakuhang impormasyon.
Tattoo on his right arm and short 2/8 slick back hair.
"Dalawa lang ang nakuhanan ng video..." pero ayon sa natandaan ko sa kabila ng makapal na usok, malapad ang kaniyang katawan... "Siguro mas matangkad sa akin ng kaunti? Mga hanggang tainga ako?"
Thick eyebrows, a little mole beneath one eye, and upturned dark brown eyes.
I sniffled as my mouth curved into a smile.
The northern spy Xantheus Kyl Rutherford has short, 2/8 slick back hair, thick, well-defined eyebrows, an under-eye mole, and upturned dark brown eyes. His right arm is tattooed, and he has broad shoulders.
Pinagpatuloy ko ang panonood pero wala nang nakuha pa na importante na impormasyon tungkol sa mga espiya.
Handa ko nang patayin ang monitor upang mag-report sa General pero nahatak ang buong atensyon ko pabalik sa pinapanood. The video clearly shows Grey's car parked close to the Humvee and him quickly exiting with his derringer.
Natabunan ng sasakyan niya ang tanawin ng humvee dash cam ngunit kitang-kita ro'n ang pag-lapit niya saakin kasama ang iilan sa aking grupo. Inalalayan niya ako at bago isakay sa kaniyang sasakyan ay may sinabi kina Ellis at Lara.
What the hell is he doing there?
Tuluyan kong pinatay ang monitor at nagmamadaling pumunta sa headquarters. Halos bawat sundalo na makakasalubong ko ay tinatanong ang kalagayan ko.
Of course, they will all automatically stop if I pass them!
Bugbog sarado ako; madaming bali at iika-ika ang lakad dahil bukod sa pagtalon ko sa ikatlong palapag ay nabaril din ang tuhod ko.
Ano bang akala nila sa'kin? Superhero na kahit ilang beses mahulog sa gusali, wala lang?
"Sir, Lieutenant Colonel Aracosa reporting!" Saludo ko sa harap ni General Hudson.
Mabilis na naagaw ang atensyon niya sa akin mula sa binabasa niyang mga papel. "At ease, Colonel. Anong nangyari?"
"Walang mga bomba sa east, sigurado ako. Hacked ang bomb detector natin at patibong lang 'yon para ma-trap ang mga sundalo natin doon. I recommend enhancing cybersecurity measures across all our installations in the east and implementing stricter surveillance, Sir."
Napahilot ang lalaki sa kaniyang sintido.
"May iilang impormasyon akong nalaman tungkol sa leader nila," Inilapag ko ang pirasong papel na pinag-sulatan kanina. "Hindi pa rin namin ma-track ang location nila hanggang ngayon dahil may hacker sila o... may mole sa grupo natin."
I dropped those words as if I were just throwing a bomb. Nananatili akong tuwid sa pagkakatayo habang pinapanood ang pag-daan ng labis na pagtataka sa mukha ni General Hudson.
"Sa tingin mo ba... may spy tayong kasama dito?" He asked.
My mouth twitched. "Hindi ako sigurado, ayo'ko rin mag-bitaw ng salita," Humugot ako ng malalim na hininga. "As you ordered, I will check on everyone in a few cities nearby. Hindi na ako magsasama dahil baldado pa ang lahat."
"Nabaril ka, Sai. Magpahinga ka na muna..." Napahinto siya sa kaagaran kong pag-iling.
"Sigurado naman akong hindi gagawa ng aksyon ang mga espiya na makakasakit sa maraming civillian-"
"Still, don't be complacent. Hindi natin alam kung hanggang saan pa ang kaya nilang gawin hangga't hindi nila nakukuha ang gusto sa'tin."
"Yes, sir!" I acknowledged with a nod.
Sumaludo ako at handa nang tumahak palabas ng lugar. Napahinto rin ako kaagad nang marinig muli ang boses ni General kasabay nang pag-pasok ni Grey sa command tent kung nasaan kami.
"He will lead the medical team,"
Napasinghap naman ako at inis na umirap. "Medical team? Hindi pa nga siya doctor. Abogado siya at ang kailangan namin ay doctor na gagamot sa grupo ko. Sorry, sir, but I'm afraid to say that he can't be."
Grey just smiled at me, tila ba nanggago. "I'm afraid that I can."
Mariin akong napapikit matapos magpakawala ng malalim na hininga. Kahit anong pilit kong pakalmahin ang sarili dahil nasa harapan si General Hudron ay hindi ko yata kayang gawin.
I'm so irritated!
"Bahala ka," I scowled and looked at the general again. Tuwid ang tayo ko nang sumaludo muli sa kaniya. "Mauuna na ako. Sana umalis na rin 'yong mga nagpapanggap na doctor diyan."
Ni hindi ko hinintay ang pahintulot ni General Hudron.
Nagpatuloy ako sa iika-ikang pag-lalakad, bawat hakbang ay napapadaing dahil sa hapdi kapag tumatama ang laman ko sa benda. Napahinto ako sa paglalakad nang humarang sa dinadaanan ko si Grey, nakaturo ang hinlalaking daliri sa direksyon ng sick bay.
"PHA?" He spoke.
"Sa susunod na lang, may kailangan akong gawi-"
"Just five minutes?" Luminga pa siya sa kaniyang relo, ang labi ay may maliit na ngiti, at saka tumingin sa aking tuhod. "It won't take time... puno na rin ng dugo 'yan, kailangan ng palitan bago ma-infect."
Tuluyang nalukot ang aking noo at napangisi. Hahakbang sana ako at hindi siya papakinggan pero mas lalo siyang humarang sa dadaanan ko.
I heaved a sigh. "Ano bang problema mo?"
"Your PHA. I told you, it won't take time... unless gusto mo akong kasama."
Tuluyang gumuhit ang hindi makapaniwalang ngiwi sa aking labi. Walang salita, hindi ako nagdalawang isip kuhanin ang baril na nasa katawan at mabilis iyon na kinasa.
"Oh oh," Bakas ang gulat sa kaniyang mukha nang mapaatras. Kaagad niyang tinaas sa ere ang magkabilang kamay, ang mga nanlalaking mata na nasa baril ay unti-unting ginawad sa akin.
He gulped as he smiled nervously. "C'mon, lower your gun, Miss. I-I was just joking..."
Doon ako tuluyang natawa at sinilid pabalik ang baril sa damit. "Nagbibiro lang din ako. Walang bala 'yon... pero takot na takot ka na. Paano pa kaya kapag may bala na?"
Hindi na ako nagsalita pa at sumunod na lang sa lalaki patungo sa sick bay.
The waiting area was filled with fellow soldiers, some quietly flipping through magazines, others chatting in hushed tones about upcoming deployments and training exercises.
"We'll start with your vital signs,"
Grey gently placed the blood pressure cuff on my left arm. Right now he is wearing a white coat, typical of a doctor, and a stethoscope around his neck.
Nang maayos ang cuff ay umupo siya sa harapan ko.
I gave him a half-smile. "Huwag kang tumingin sa'kin, baka maging 140 bigla bp ko."
Nag-iwas siya ng tingin at binaling ang mata sa salamin. Tuluyan akong nagpakawala ng mura kasabay nang pag-ikot ng mga mata. I can feel him grazing on my reflection.
Hindi ko na binigyan pa ng pansin ang abogado. After recording my blood pressure, pulse, and temperature, he moved on to a series of tests, checking my vision, hearing, and reflexes.
"Lagpas five minutes na," Puna ko at akmang tatayo na.
His nurses directed me into a small room. Tinanggal nila ang benda at iniwan kay Grey lahat ng gagawin. Sa totoo lang, hindi ko namalayan ang nangyari simula nang mapagtanto ang tungkol sa northern spy.
Tinurukan ako nang pampatuloy ni Grey at kinuha ang bala ng baril sa aking tuhod. At sa tingin ko, ginawa niya ang biglaang PHA sa ganitong sitwasyon para mapigilan ako sa paglabas ng barracks.
Grey took out my medical file and began reviewing it meticulously, occasionally asking for clarification or additional details about past illnesses, surgeries, or medications.
Masiyado siyang propesyonal tingnan, huwag lang talagang mag-salita.
"Have you experienced any new symptoms since your last assessment?" he asked, looking up from the file with a focused expression.
Saglit akong nag-iwas ng tingin bago ngumiwi sa kaniya. "Pwede bang mag-banyo muna?"
"Okay, bilisan mo," Banta niya. "Don't do something stupid, okay?"
I grimaced and stood up, secretly putting his civic key in my pocket. "Pinaghihinalaan mo ba akong tatakas? Hindi. Hindi ako tatakas. I realized I wanted an unlicensed doctor to look after me." Mas lalo kong nilawakan ang ngiti at iniwan siyang offended sa kinatatayuan.
Hindi ako nagpaligoy-ligoy at nag-tungo sa parking lot. Kaagad akong nakapasok sa sasakyan niya at pinaandar ng mabilis ang kotse.
"Ganda ng kotse, ampota." I bit my lower lip, hindi maiwasang hindi pagpantasyahan ang kotse. Kulay itim ito at kahit nasa malayuan ay malakas ang dating.
Dumiretso ako sa bayan ng silangan at dali-daling naghanap ng charger ng cellphone.
Halos lahat ng gamit ko ay naiwan sa Zambales. Wala naman kasi akong oras para balikan pa ang mga iyon. At kung tatangkain ko mang bumalik doon, paniguradong hindi ko na magagawa pa.
There is now a boundary between Luzon and the ViMinda.
Hindi na madali ang maglabas pasok sa tatlong-isla. Paniguradong nananatiling nandito ang mga espiya sa Visayas man o sa Mindanao. Kaya ganoon na lang din ako hindi mapakali sa paghahanap sa kanila.
Particularly now that they are here, the people of Mindanao and the Visayas are not safe.
"Type C charger," inabot ko ang pera sa muslim na nagbebenta. Kaagad naman siyang tumango at tumalikod para humanap ng bagay na binibili ko.
I scanned the entire area as I waited, humming and tapping my foot on the floor.
Kasalukuyan akong nasa Lat-asan dito sa Capiz. Napapalibutan ang municipality ng tubig-dagat kaya malakas ang hampas ng hangin. I can claim that everything is peaceful and that the ocean and the sky appear to be painted from where I am standing.
Mabilis na gumuhit ang kunot sa aking noo nang mapagtanto. Muli kong binalik ang mata ko sa kaninang direksyon at halos mapalunok nang makasigurado.
"Ito na, Miss. One-fifthy-"
"Babalikan ko po." Walang pag-aalinlangan akong tumakbo patungo sa direksyon ng lalaki.
I'm sure it's Kyl Rutherford! The northern spy leader!
Akala ko ay mahuhuli ko siya kaagad pero mukhang naaninag niya ako. Our eyes met quickly. Walang takip ang mukha niya kaya kitang-kita ko kung paano kumibot ang mapula niyang labi.
"Tangina!"
Tumakbo siya pababa sa isang eskenita na may matarik na hagdan. Walang katao-tao roon kaya nagkaroon ako ng tyansang mag-labas ng baril. Habol-hininga, kinasa ko ang baril habang patuloy siyang hinahabol.
Matarik ang mahabang hagdan kaya hindi ako makaporma ng maayos dahil injured ang paa ko.
Sunod-sunod akong napamura nang makalayo sa akin ang lalaki. I pressed my lips together as I watched him do a parkour. Nagmistulang gagamba na gumagawa ng sapot ang lalaki.
Sa inis, nagpakawala ako ng bala at kaagad niya naman iyong nailagan.
He's good. Damn!
Tuluyan siyang nawala sa paningin ko. "Tangina! Kupal! Kung hindi lang ako nabaril, baka gumulong na lang ako riyan para mahabol 'yong putanginang spy na 'yon!"
I gasped, slamming the gun against the wall in annoyance.
Pumihit na ako patalikod, hindi na nagtangkang babain pa ang eskenita pababa. Paniguradong trap na naman iyon kapag nagkataon. I had no doubt that all the spies were there, waiting for me like tigers do for their prey.
"S-Sai!"
Napatikham ako nang marinig ang garalgal na boses ni Lara mula sa radyo. Nang marinig ko pa lang ang boses niya, inaamin kong mabilis akong binalot ng kaba. I know Lara; she isn't like that until there's an emergency.
"Ano?"
"Si Attorney Grey... kasama si Ellis! Nakuha sila ng mga espiya!"
"What the hell?!" Nagmamadali akong lumakad pabalik sa sasakyan ni Grey. "Papunta na ako." I said that and immediately put Grey's Civic into high gear.
Tiningnan ko ang Waze app at halos mapasabunot ng buhok nang makitang traffic sa kanina kong dinaanan. So I have no choice but to take the winding coastal road, which is narrow and near to the sea.
Mabilis ang pagpapatakbo ko sa sasakyan dahil halos solo ko ang daan. Add to that the fierce wind smacking me, which amps up the atmosphere even more.
"Nasaan ba sila?" Radyo ko.
Ilang segundo bago ko nakuha ang sagot ni Lara. "Umalis silang dalawa, susundan ka raw sabi ni Attorney-"
"Tangina!" Halos mahugot ang hininga ko nang dumulas ang gulong sa daan. The wheel jerked violently. Bago ko pa man mabawi ang kontrol sa manibela, tuluyang dumulas ang gulong ng kotse at napunta sa laylayan ng daan.
My heart pounded in my chest. I held my breath, adrenaline coursing through my veins.
Kitang-kita ko kung ano ang paghuhulugan ko kapag nagkataon. Sobrang taas nito at bukod pa roon ay sobrang lalim na dagat. Malinaw ang tubig kaya kitang-kita kung gaano ka-agresibo ang pag-hampas ng malalakas na alon sa malalaking bato.
Sinubukan kong hilain ang paa ko ngunit naipit na ito. Injured pa kaya hindi ko makontrol ng maayos.
I can't get down... hindi rin ako pwedeng mahulog dahil paniguradong kakalat lang ang dugo ko sa tubig-dagat sa oras na magkataon.
Nanunuyo na ang lalamunan ko at ramdam ko rin ang pamamanhid dahil sa sobrang sakit ng mga galos ko sa katawan. Humugot ako ng malalim na hininga at sinubukang abutin ang radyo na nahulog sa paahan.
Pero sa bawat pag-galaw ko ay unti-unting nahuhulog ang sasakyan.
Tangina, tangina, tangina. Anong gagawin ko?! Hindi ako makatayo!
Naiiyak ako. Hindi dahil natatakot akong mamatay. Naiiyak ako dahil ang tagal kong pinag-aralan ang mga gagawin sa mga ganitong sitwasyon, but my leg and hand have been injured, so I can't do it!
"O-Oh," Habol ang hininga ko at mabilis na napapikit nang maramdaman na may sumampa sa sasakyan na sinasakyan. I immediately opened my eyes, hindi ko maaninag kung sino iyon dahil kalahating katawan lang niya ang nakikita ko.
"Huwag kang gumalaw, tangina, sabay tayong mamamatay!" Sigaw ko at halos mabasag na ang boses ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa lalaki.
"Sabing huwag kang gagala-" Naaninag ng mga mata ko ang pamilyar na tattoo sa braso ng lalaki and my heart almost dropped when I realized who it was.
Damn. It was Rutherford.
Natabunan ng galit ang kaninang kaba na nararamdaman. I worked so hard to stay balanced, but now that I saw that spy, I can't help but pull out my gun and point it at him.
"Ano bang pakay niyo-What the fuck! Huwag kang gumalaw!"
Tila ba hindi niya narinig ang malakas kong sigaw.
Nag-lambitin siya sa sasakyan dahilan upang mas lalong dumulas ang sasakyan pababa. I cursed in my mind. Halos pigilin ko na ang hininga ko sa tuwing maririnig ang tunog nang nayuyuping sasakyan ni Grey, tanda ng kaunti na lang ay mahuhulog na kami.
A powerful air danced on my nose, bringing his strong scent with it.
Napansin ko ang pag-lambitin ng lalaki sa sasakyan at sa isang iglap, nasa may pinto na siya ng gawi ko. Mabilis naman akong napahawak sa manibela upang hindi mauntog ang ulo rito. Kanina lang ay nasa likod siya ng sasakyan ngunit ngayon ay nasa tabi ko na.
"H'wag kang lalapit!" I shouted as I cocked the gun directly into his head.
Dapat ko ba siyang patayin?
What the hell? Hindi pwede 'yon!
Pero... bahala na.
Pinutok ko ang baril. I gulped as I saw the bullet fly into the sea. What the hell was that? Muli kong kinasa ang baril at hinahanp ang lalaki. Napagtanto ko na lamang na nasa loob na siya ng sasakyan.
Our eyes met. May kung anong tumatambol sa aking dibdib.
Ngayon ko lang nakita ng buo ang mukha niya.
"Don't move," He sexily commanded.
Hindi ako nakinig sa utos ng lalaki. Itinutok ko ang baril sa kaniyang ulo ngunit tila ba hindi siya natinag, seems to be used to the muzzle of a gun.
"Sabi kong h'wag kang lalapit 'di ba?!" I gripped the gun hard and was ready to pull the trigger when he went next to me.
Hindi ko siya pwedeng patayin. It's a command. Na kahit ano pa ang ginawa niyang malala ay hindi iyon pwede!
But we have the freedom to break their bones..
Ihahampas ko sana sa kaniya ang baril ngunit mabilis niyang na-salag ang kamay ko. Kaagad akong napainda roon. Sinubukan ko siyang sipain pero hindi ko nagawa dahil ipit ang dalawang paa ko.
Sa kamay naman, kanan ang gamit ko at hindi kaliwete, hindi ko kayang makipag-laban dahil injured ang kanan ko!
Mas lalo lang nahulog ang kotse at isang hinga na lamang ay tapos na.
"I said don't move!" Malamig niyang banta sa akin.
"Hindi ka ba makaintindi, papatayin kita kapag luma-" Halos mahugot ko ang hininga ko nang mariin niyang hinawakan ang pulso ko. Sinubukan ko siyang sikuhin ngunit laking gulat ko nang magpakawala siya ng malaking galaw...
Causing us to fall together.
^_____________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro