Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

02

What the hell is happening in the Philippines right now?!

A war? Seryoso ba sila?! Nasa tamang pag-iisip pa ba ang mga presidente na namamahala?!

Why do they even call themselves president if they can't even defend their own people or keep the country peaceful?! 

Hindi naman nag-sakripisyo ang mga bayani para sa sariling bansa kung mauuwi lang sa gyera ang tatlong teritoryong isla na pinaglaban nila. At bukod pa ron, maging ang mga inosenteng mamamayan ay maaapektuhan.

"Be careful, everyone; spies have put several mines nearby."

Tuluyan akong napabalik sa reyalidad matapos marinig muli ang boses ng abogado. He turned off his radio, and I heard it on my radio. Binaling niya ang buong atensyon sa akin matapos humugot ng hininga.

I arched my brow.

Should I sue him?

I believe he's a spy from the north. Hindi naman kasi niya kailangan magpanggap gamit ang ibang pangalan kung wala siyang madilim na sikreto. Kanina pa siya kahina-hinala. Baka nga sinusundan ako ng lalaking 'yan!

Kumibot ang labi ko. I was ready to get the handcuffs from my back but was stopped when he moved. Tumuwid siya ng tayo at naka-angat ang noo nang sumaludo.

There's something in my stomach that's twirling around.

His plain shorts and slightly extended black t-shirt gave him an even taller appearance.

I gritted my teeth, letting my hair be blown by the strong wind. Ibinuka ko ang bibig ko, akmang mag-sasalita na ngunit nang wala ring lumabas na mga salita rito ay muli akong tumikham.

Ano naman kaya ang pakay nito? Bakit siya ang secret mission ko? 

"Liutenant Colonel Sai," 

Halos magitla ako nang marinig ang boses ni General mula sa radyo. Kaagad ko naman itong kinuha mula sa bulsa nang matunugan ang pagkataranta sa himig ng matandang lalaki.

"Lieutenant Colonel Sai, reporting, sir," I said, trying to keep the nervous energy out of my voice.

"We have a critical situation. Northern spies have planted bombs in the central-western sector."

My heart skipped a beat before opening my mouth. "Do we have any intel on the number of bombs or their locations?"

Damn. Mukhang mabigat ang misyon na ito. 

"Not specifics, but we know they're targeting key infrastructure to disrupt our operations. Your mission is to lead a team to the central-western sector immediately. You need to find and defuse those bombs before they cause any damage."

"I'll assemble my team right away." Sagot ko sa mahaba niyang paliwanag. 

"There's no time to waste, Lieutenant Colonel Sai. Report to the command center for a detailed briefing. And Sai," he added, his tone softening slightly, "be careful out there. We can't afford any losses."

"I understand, sir. We'll neutralize the threat."

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. I didn't turn to face Grey as I got aboard the helicopter, but I could still see his hands on his forehead and his salute. 

Fuck, wala akong oras para sa kaniya. 

Kailangan naming ma-defuse kaagad ang bomba. Kung hindi ko iyon nagawa kaagad, plenty of people who live near the site will die or be harmed.

Nang makasakay ay agad na umandar ang helicopter sa himpapawid. Habang ako naman, nasa location tracker upang tingnan ang pupuntahang lugar habang nakikinig sa balita.

Tinipon ko ang grupo. Aaminin kong hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sa totoo lang, ito na yata ang pangalawang pinaka-mabigat na misyon na pamamahalaan ko. 

We are always concerned about the possibility that someone is spying on us. I can see my allies' worried expressions, and my own thoughts are reflecting that same fear.

Takot kami. Takot na takot. Wala naman kasing second chance or try ang gyera. Na kapag nagkamali ng isang galaw ay mayroon pang apat na buhay. 

Hindi ganoon 'yon. Hindi madali ang pagiging sundalo sa gyera.

But we shall not be referred to as Philippine soldiers unless there is a valid reason. 

Sundalo kami. Sundalo, at hindi sundalo lang. 

Gesturing towards the screen where a map is displayed, I take a deep breath and begin my briefing. I point to a specific area on the map, highlighting the region where the spy's activities have been most prevalent. 

"Nandito ang mga spies," Anunsyo ko gamit ang matikas na boses. "We'll move in here, and then we'll take up positions here, hiding in the dense foliage if there are many."

Narinig ko ang pag-singhal ng karamihan. 

 "We'll need to move quickly and quietly. If we're going to catch these spies off guard, we can't afford any missteps," Tumango-tango sila sa mga sinasabi ko. "Kaya nga we'll need to remain disciplined and focused, executing our plan with precision and efficiency."

We can't afford to ignore this new threat, not when innocent lives are at stake.

"But for now, our first priority is to defuse the bomb in the Kalibo. We'll need to move swiftly and decisively to neutralize the threat before we can proceed with our original plan."

Ang huling nadatnan ko sa kanila ay ang pagpapalitan nila ng kinakabahang tingin. Iniwan ko sila roon upang makausap ang General. Kailangan naming kumilos na hangga't wala pang nasasaktan na mga tao. 

"Sir, nasaan ang medical team?" 

"H'wag kang mag-alala. The OASIS medical team has already volunteered to join us. They're pros at handling tough situations."

Mabilis akong tumuwid sa pagkakatayo, ang noo ay nakataas at sumaludo. "Thank you, Sir!"

Nag-mamadali akong lumabas at nag-handa na. 

I change from normal clothing to a soldier's uniform, an olive-green shirt, and camouflaged pants. I lace up sturdy combat boots, and a rough combat jacket with pockets for essentials completes my attire.

Inayos ko ang buhok kong hanggang leeg at sinuot ang protective helmet.

"Handa na ba?!" 

Sumaludo ang lahat sa akin. "Handa na!" 

Sabay-sabay kaming sumakay sa Humvee dala-dala ang mga armas. Tahimik kami sa loob ng sasakyan habang tinatahak ang daan patungo sa nasabing daan. Nakasilip kaming lahat sa bintana, nagmamanman sa buong lugar.

I scanned the terrain from the Humvee. 

Kasalukuyan kaming nandito sa Kalibo, Visayas. Halos kalahating araw din ang naging byahe ko patungo rito kaya't wala na kaming oras pa para magpaligoy-ligoy. 

Tahimik at kalmado lang ang buong lugar, hindi mo aakalaing may nag-aabang na patibong sa loob. I took a deep breath and prepared to give the command.

"Everyone out of the Humvee!"

Binuksan ni Ellis ang pintuan ng Humvee, lahat naman kami ay handa na habang ang hawak sa baril ay mas lalo lang humigpit. Pinasadahan ko ng tingin ang grupo bago manguna sa pagbaba ng sasakyan. 

"Kailangan nating mag-hiwa-hiwalay. Na-track natin ang five bombs at kailangan kaagad iyon ma-defuse," Pinasadahan ko ang lugar at tumingin sa compass. "Dalawa sa east, tatlo sa north at isa sa south. Kami nang bahala ni Private Sanchez sa East."

Tumango silang lahat at dali-daling nag-hiwa-hiwalay. Sumunod naman si Sanchez sa akin patungo sa naka-tokang lugar.

Dalawa lang kami ni Sanchez dito dahil mas malapit dito ngunit mas kaunti na lang ang oras bago sumabog. Mas mapapadali kung dito ako mapupunta at pagkatapos ay susundan ang iilang bomba na may mahaba pang oras na natitira. 

"Negative, Liutenant Colonel Sai," Hinihingal na anunsyo ni Sanchez na nanggaling pa sa likod ng lugar. 

Tumango naman ako. "Wala ring tao rito."

Baka nasa looban pa sila kung saan nandoon ang grupo. Damn it.  

"May thirteen minutes at ten minutes pa tayo bago sumabog ang bomba rito," Paliwag ko kay Sanchez. "Mag-hiwalay tayo. Ako na sa abandonadong gusali, at ikaw sa swimming pool area. Maliwanag?!"

Sumaludo ang lalaki at walang salita na iniwan ako. 

Ramdam ako ang butil ng pawis sa buong katawan ko. I tightened my grip on the riffle. Bawat hakbang ko ay para bang malalagutan ako ng hininga. 

Sa sobrang tahimik ng lugar, tanging ang dumadagundong na dibdib ko lang ang naririnig ko. 

Sampung minuto lang ang mayroon ako at may kalayuan pa ang lugar. 

Shit, hindi tama 'to. Maraming maapektuhan sa oras na magkamali ang isa sa grupo ko. But I should trust them. Ako ang nag-turo sa kanila kaya ako ang salamin ng kakayahan nilang lahat.

Tumatakbo, tumahak ako sa abandonadong lugar.

Sinilip ko ang relo at sunod-sunod na napamura nang mapagtantong mayroon na lang akong walong minuto bago ma-defuse ang bomba. 

Malikot ang mata ko nang ikutin ang abandonadong lugar. Negative sa ibaba kaya naman kaagad akong tumahak sa itaas. Bawat hakbang ko sa palapag ng hagdan ay para akong kakapusin ng hininga.

"Negative, walang spies dito." Napahinga ako ng maluwag. Doon ko lang nababa ang hawak na baril. Halos magkasalubong na ang kilay ko nang ikutin ang buong itaas, ngunit walang bomba akong nakita.

What the hell?!

Saglit kong sinilip ang bomb detector at halos mapauwang ang bibig sa nakita. I know I'm just seeing it wrong! Mas lalo kong nilapit ang detector sa mga mata na halos maduling na. 

Fuck... walang bomba?!

Alam kong tama ako kanina sa nakita ko! Maging ang General nga ay pinaliwanag pa kung saan nakatanim ang mga bomba. At dito 'yon! Sa abandonang gusali malapit sa parking lot! Nandito 'yon... alam kong...

"Liutenant Colonel!" 

Kasabay nang pag-tunog ng radyo ko ay siya ring may bumubulusong na bala sa aking direksyon. Napalunok ako nang makita ang pader sa tabi ko na natamaan ng bala.

Tangina, muntik na ako roon!

Sa halip na radyo ang kuhanin ko ay ang baril. I gripped it hard and split my leg slightly, braced for what was going to happen. Halos hapitin ko na ang sariling hininga dahil sa tensyon na bumabalot sa buong sikmura.

I can hear Ellis calling me on the radio, but I am unable to respond. 

Nandito sila, sa paligid ko. 

Sa paghakbang ko ay agad na tumama ang bala sa pader malapit sa akin. Habol ang hininga, sinundan ko ng tingin ang direksyon kung saan ako nanggaling. 

I grimaced. Gusto pala nilang mag-laro, sure, we'll play. 

Dalawang magkasunod na putok ang iniwan ko sa direksyon kung saan alam kong nandoon sila. Malawak ang lugar ngunit kahit saan ako magpunta ay wala akong daan pababa dahil nasa hagdaan sila.

We're on the fourth floor, unless I jump.

Hindi ako mamamatay sa bala ng mga baril ng mga putanginang espiya, pero mamamatay ako sa taas nang pagtatalunan!

Shit, Sai. I'm trapped.

Naputol ang iniisip ko nang paulanan ako ng putok ng bala. Kaagad akong gumulong at pinadapa ang sarili sa likod ng sira at kalahating pader. 

What the hell was that? Marami sila?! 

Sumilip ako sa gilid ng pader ngunit kaagad din napatago upang masalag ang bala na halos tumama na sa mukha ko. Sumandal ako sa pader at nag-kasa ng bala bago kinuha ang smoke granade. 

Habol hininga ko itong binato sa direksyon nila. 

I covered my nose and waited for thick smoke to cover the whole place. Nang tuluyang balutin ng usok ang lugar ay doon lang ako nagkaroon ng tyansang makatakas sa kanila. 

Tumingin ako sa buong lugar, umaasang may iba pang daan.

"Puta," Huminto ako sa dulo ng lugar at inis na sinabunutan ang sarili. "Dead end 'to, tangina."

Naaninag ko ang bomb detector. Sa inis, pinag-aapakan ko ito at nang mabasag ay agad kong binato palayo sa akin. 

It was hacked! Wala talagang bomba sa lugar na 'to! Tangina. 

Nasa panganib ang buhay ko at ng grupo ko dahil sa putanginang bomb detector na 'yan!

Suminghap ako ng hangin at handa nang tumakbo ngunit napayuko nang makita ang grupo ng mga armado na dumaan sa pwesto ko. Pinigil ko ang hininga para hindi makagawa ng kahit anong ingay.

Marami sila. Isa lang ako dahil malayo ang grupo ko sa akin!

Nang tuluyang marinig ang tunog ng yapak ng mga sapatos nilang paakyat sa panglimang palapag ng abandonadong gusali ay doon lang ako nagkaroon ng tyansang makahinga ng maluwag. 

I tightly close my eyes, hindi maiwasang manginig ang buong kalamnan.

Hindi pa naman ako nag-sulat ng goodbye letter sa papa ko at sa mama ko. Naging panatag kasi ako masiyado na mabubuhay ako kapag natapos ang mala-impyernon misyon na ito. 

I heaved a sigh. 

Mabilis kong minulat ang mga mata nang maaninag ang anino sa bintana mula sa kabilang building. He was holding a sniper, and it was fucking pointing at me. Gugulong pa lang sana ako ngunit nahuli na.

I got shot on my knees!

"Nasa fourth floor, valcony!" Umalingawngaw ang sigaw ng isang lalaki mula sa kalayuan.

"Tangina talaga." Dali-dali akong tumakbo, wala ng oras para indahin pa ang tama ng baril. Bumungad sa akin ang dalawang armadong lalaki. Handa pa lang silang itutok ang baril sa akin ngunit huli na sila dahil nakabaril na ako. 

Dali-dali akong bumaba sa third floor.

My eye was drawn to the shadow leaping on the wall. Nakasabit ang mahaba niyang baril sa likod habang ang dalawang kamay ay nasa pader na pinagtatalunan. 

Huminto siya sa hindi kalayuan, malapit sa hagdan kung saan ako bababa.

Tangina talaga...

Wala na akong lakas, may isa pa! 

Halos mahugot ang hininga ko nang magkasalubong ang mata namin. The armed guys who tried to kill me were dressed just like him. Maging ang mga armas nila ay magkakapareho!

"Liutenant Colonel Sai? Sai?! Ayos ka lang?!" Sa radyo, bumungad ang boses ni Ellis. "We found the bomb! It's fake! Naloko tayo! Hacked ang bomb detector natin! Hin—"

Kaagad kong tinapat ang speaker ng radyo sa ibaba ng labi. "Check every alley of the building, tingnan niyo kung may mga tao pang sugatan!"

"Clear na, wala ng mga tao sa area. How about you? Nasaan ka?!"

Hindi ko nagawang sagutin pa si Ellis at napalunok na lang nang marinig ang putok ng bala mula sa likuran. 

Shit, they are here. Marami sila, naaaninag ko. 

Narinig ko ang malakas na tawa mula sa likuran. Mukhang nagkakatuwaan na sila dahil wala na akong ibang lugar pa na mapupuntahan.

Nanubig ang mga mata ko at nanginginig ang kamay ng kuhanin ang radyo na nahulog sa lapag. 

"Disengage and withdraw! F-Fall back! We're outnumbered and outgunned. Continuing this fight will only result in unnecessary harm to our team. We need to fall back to east barracks immediately to avoid unnecessary casualties!"

We are soldiers, and we do not fear death. We fear losing people and our nation.

Na kahit sa gitna ng bumubulusong na bala at bomba, mga walang buhay na kapwa sundalo, mananatalay pa rin sa isip namin ang responsebilidad at ang misyon. 

Protecting our nation in peace is a soldier's responsibility and delight.

Iyan ang katotohanan. Iyon kami. 

"Where are you?" Dinig ko ang garalgal na boses ni Lara mula sa radyo ni Ellis. "Pupuntahan ka namin ni Ellis. Just give us a fucking clue, nasaan ka?!"

I tightly closed my eyes. "Don't mind me, I'm okay. Just fucking lead the people out of this fucking hell!"

"Solveig, ano ba?!" Sita ni Ellis sa linya ni Lara.

"It's a c-command." Malamig kong tugon at iniwan sila sa linya.

Tuwid akong tumayo matapos humugot ng malalim na hininga, nananatiling nakatago sa likod ng pader. Mahigpit ang hawak ko sa baril nang silipin ang kung ano ang nasa likod ng pader.

Six... no, Seven. Pito sila sa likod ng pader na pinagtataguan ko. 

Hindi nila hawak ang mga baril nila at mukhang nagkakatuwaan na. 

I grimaced. 

Pero hindi ako tinawag na sundalo kung susuko ako kaagad. 

Inalis ko ang buhok na humaharang sa mata bago humakbang nang bahagya palayo sa pader na pinagtataguan. I instantly aimed the gun at someone's head and pressed the trigger. 

Naalerto sila sa ginawa ko. Kaagad akong humakbang pabalik sa likod ng pader at kumasa. 

Nice, head shot. Anim na lang. Anim... pero ang isa ay may GBU-57 MOP.

Halos mahugot ang hininga ko nang maglabas ng machine gun ang dalawang lalaki. Kaagad akong napatago sa likod ng pader ngunit hindi iyon naging sapat. Nasira ito dahil marupok na ang pader.

Agad akong naging alisto at tinutok ang baril sa kanila.

Laking gulat ko na lamang ng balutin ng makulay na usok ang lugar nila. Mukhang nagkamali nang pagkakatapon ang lalaki at doon nahagis ang bomba sa kanila. 

A colored smoke bomb was thrown in their area, not mine, by a man who did parkour earlier.

Posible ba 'yon?

"Cease fire! Hold your fire!" Isang baritonong himig ang bumalot sa aking tainga. Humupa naman kaagad ang pag-baril dahil sinunod nila ang naturang lider ng grupo.

Nagkasalubong ang mata ko nang may mapagtanto.

So he is the leader? Xantheus Kyl Rutherford...

Bago pa man ako makaalis, naaninag ko ang lalaking nag-uutos na huwag magpakawala ng mga bala. And I was shocked to find out that he was the one who detonated the colored smoke bomb in their area.

May tanga bang leader?

Hindi ko na sila pinag-tuonan pa ng pansin. Dali-dali akong nag-tungo sa dulo ng lugar at hindi nag-dalawang isip tumalon upang makatakas. 

Damn. Buhay pa ako. 

Ayon ang huli kong natandaan bago tuluyang nag-dilim ang buong paningin. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa sick bay sa barracks, nakahiga sa medical cot. 

"Tangina, nakatakas pa 'yong putanginang spy na 'yon," 

Kung hindi lang sila marami, lintik lang ang walang ganti!

"Ikalma mo, Lieutenant Colonel Sai,"

Narinig kong bumukas ang pinto, napatingin naman ako kaagad doon. Inaasahan kong si Captain Vince ang bubungad sa akin. Napasinghap tuloy ako ng hangin nang makitang iniluwal nito sina Sergeant Ellis at Private Lara.

"Hindi namin ma-track ang location nung leader," Umupo si Sergeant Ellis sa gilid ng medical cot ko. Mabilis na inabot sa kaniya ni Private Lara ang benda. 

"Buti hindi sumabog bungo mo ro'n."

Sarkastiko akong tumawa. "Muntik na nga akong maging history kamo."

Tumawa si Lara at nagkibit-balikat sa harapan ko. "GBU-43/B MOAB gamit nila sa ibang area kaya siguro naubos na. Magpasalamat ka kasi flash-bang grenade lang nabato sa 'yo."

Mas lalo lang nag-tiim ang bagang ko nang marinig ang halakhakan ng dalawang kaibigan. I watched Ellis arrange the bandage and vetadine. He was about to apply it to my arm wound when the door cracked open, signaling that someone was entering.

Niluwal nito ang hindi ko inaasahang tao.

Pumunta si Lara sa tabi ko at parang tuod na nagbaba ng tingin, tinatago ang kinikilig na ngiti sa labi. May binulong siya sa tainga ko gamit ang ipit niyang boses na nagpaikot ng mga mata ko sa inis.

"Pogi, pogi, pogi..." She giggled.

Kupal, ilang beses ko pa bang maririnig 'yan? halos lahat ng babae kong kaibigan, ayan ang sinasabi sa tuwing nakikita ang abogado. 

To be honest, I disagree with them. Hindi ko nakikita ang sinasabi nila pero iintindihin ko na lang, iba-iba naman kami ng opinyon sa buhay. 

Akala ko ay dadaan lang sa harapan namin ang abogado ngunit huminto ito sa harapan naming tatlo. Halos kapusin tuloy ng hininga si Lara na nasa tabi ko. 

"Ako na gagamot," Attorney Grey volunteered, glancing at Ellis.

Kaagad na nagkasalubong ang kilay ko sa narinig. I looked at the lawyer, and our gazes instantly linked. I wonder why his lips were slowly forming into a smile. It was twitching, obviously to stop himself from laughing.

"Hindi na. Ito lang nakuha ko, wala lang 'to sa'k—"

"May tama 'yan ng baril," Nagulat ako nang tumayo si Ellis at binigay ang first aid kit sa abogado. "Ikaw na bahala sa kaniya. I only know first aid, fracture pa naman kamay niyan."

"Ellis," Madiin kong tawag sa pangalan ng lalaki. Hindi niya ako pinansin at tinapik ang likod ng abogado bago naglakad palabas sa sick bay. I looked at Flora with a look that begged her to stay.

Mukhang hindi niya naintindihan 'yon at sumaludo sa akin bago lumabas ng sick bay.

Naiwan kaming dalawa ni Grey sa loob ng sick bay. Napausog naman ako ng kaunti nang mag-lakad siya palapit sa'kin. 

"Doctor ka ba talaga?" I rolled my eyes as I broke the silence between us.

Napatigil siya sa gagawing pag-aayos sa benda upang tingnan ako diretso sa mga mata. Sarkastikong kumibot ang kaniyang labi, seemed offended by what I said.

Naniniwala naman ako sa parte na abogado siya. Natatandaan ko naman ang mukha niya kahit paano. Siya ang abogado nila Zhav noong nasa hospital si Callie dahil sa gagong si Salazar. 

Wala kaming naging interaction no'n at hindi ko rin tanda ang pangalan niya dahil hindi naman ako interesado. Ang tanging naalala ko lang sa kaniya ay ang mukha niyang nakakainis.

"No," Diretsong sagot niya at sinimulan ang paglalagay ng gamot sa sugat ko. "Hindi ako nag-medical school, but I did complete a pre-medical sciences program in college. Mas tumutok ako sa law schoo—"

"Ah, hindi ka talaga doctor?" Mas lalo kong pinagtibay ang pagiging sarkastiko sa tono. Tumango naman siya sa'kin, natatawa. "Medical team ang kailangan namin hindi abogado."

"Damn, I'm offended." He mumbled and pushed his glass on the bridge of his nose before opening his mouth again.

"Ganito na lang," Kumuha siya ng bulak, ang mata ay nasa braso ko. "Yes, I'm not a doctor YET. Graduating ako, med-school. Invited ka sa graduation. Buddies naman tayo 'di ba? Sherlock Holmes' buddies?"

Natigalgal ako sa huli niyang mga sinabi at hindi na nakasagot pa. I could sense the heat rising from the shame on my body as I looked away, gulping. 

Hindi naman dapat ako mahiya lalo na't tama naman ako, hindi pa naman siya doctor at magiging pa lang! Bwisit! Ang sipag talaga ng mga taong hindi kuntento sa iisang kurso. Yung tipong may Attorney na nga sa pangalan, dinagdagan pa ng doctor.

As Gray placed a triangle bandage on my right arm, silence fell between us. Nang matapos ay umupo siya sa lapag upang kuhanin ang takip ng vetadine na nahulog sa harapan ko. 

His lips opened as he closed the vetadine, his eyes still fixed on it. 

"How about you? Sigurado ka bang hindi ka northern spy?"

Kaagad na nagkaroon ng uwang ang labi ko. Pinasadahan ko ang buhok ko matapos nang sandaling mariin na pag-pikit sa mata bago inis na tiningnan siya sa mga mata.

"No offense, ha, gago ka ba?" I muttered.

He puckered his lips then slowly nodded. "Gago talaga. Imagine, ginamot ko ba naman espiya galing Luzon."

Wow, what the hell!?

Lalo lang nag-tiim ang bagang ko nang marinig ang patago niyang pag-tawa. 

Inayos niya ang salamin at tumayo sa harapan ko. He opened the first aid case and placed vetadine and bandages inside before turning his attention to me.

"Pinagsasabi mo?" Nanggagalaiti kong inangat ang nanlilisik na mga mata sa kaniya. Kung mayroon lang akong baril ngayon sa katawan ko, paniguradong sumabog na ang bungo ng lalaking 'to. 

Naghalukipkip siya then bowed gently and leaned close to me. 

"I saw everything," Naging seryoso ang tono ng lalaki. "Tinulungan ka nung leader ng mga Northern spies. Paano mo ma-e-explain 'yon?"

Umiwas ako ng tingin at tuluyang naningkit ang mata sa sobrang pagtataka. 

Akala ko ay namamalikmata lang ako sa nakita kanina. 

Kyl Rutherford, the head of the Northern spies, threw a Colored Smoke Bomb in their direction, preventing his comrades from seeing the path, allowing me to escape.

Kung sa tutuusin, kaya niya nang ibato ang hawak niyang GBU-57 MOP dahil na-trap na nila ako sa isang lugar ngunit hindi niya iyon ginawa. Madali lang din nilang malilisan ang lugar sa oras na bitawan ang bomba.

There's no excuse not to carry out that horrible action.

Nakakapagtaka. Ano ba talaga ang habol nila sa'min?

^____________^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro