01
Everytime I see evil, I want to remove it right away.
Numerous people have lost their lives and suffered injuries, while animal habitats have been damaged or destroyed. Additionally, an increasing number of attacks by foreigners has resulted in many losing their jobs.
The situation was becoming concerning, yet our nation was still dozing off and doing nothing.
The Philippines continues to be targeted by foreign countries seeking to invade. Former President Gilante Viomes has chosen to intervene in the current situation facing the country. According to Viomes, the Luzon will be the first to suffer from foreign actions if the current president continues to merely observe events without making plans to protect the nation.
To protect all of his fellow citizens, he declared, he would rather keep them separated from Visayas and Mindanao.
On the other hand, President Kiko Lojez has recently stated his position, warning that taking direct action against these threats could place the Philippines in greater danger. He even expressed support for separating Luzon from Visayas and Mindanao if Viomez and others decide it is necessary.
Czeyane smiled widely in front of my face. "Okay na ba? Ipapasa ko na 'yang report sa NNC."
"National News Channel?" Halos maningkit ang mata kong tanong. Tumango naman siya dahilan upang mapahilot ako sa sintido.
I groaned. "Magrereporter ka niyan?"
"Excuse me?!" Bakas ang inis sa boses niya. Hinablot niya ang report paper mula sa kamay ko at umirap. "I dedicated my sweat, tears and blood to that report! Wala kang karapatang i-judge ako 'no!"
Tumawa si Cassee sa gilid. "Badbitch ka kasi, Cze."
Nilingon ko naman siya na kanina pa tahimik sa isang tabi. Kaka-alis lang din ng mata niya sa Macbook mula sa halos dalawang oras na pagkakatutok. As far as I know, Cassee was preparing for the upcoming end season of MNB.
Doble kayod ang babae dahil ayaw naman daw niyang madismaya si Mr. Sanders sa kaniya.
Czeyane rolled her eyes to Cassee. "Kailan ba kayo magkakaanak ni Xion? Para naman hindi ko na makita 'yang pagmumukha mo sa Pinas."
"Eh, ikaw? Kailan ka makaka-move on kay Tanatos?"
Sabay naming tinawanan si Cze na parang bulkan na nag-aalburoto. Pati nga ang report niyang pinaka-iniingatan ay halos malukot niya na dahil sa inis.
Tumayo na ako at nagpamulsa.
"Sa'n ka punta?" Zhav asked.
"Labas na ako, papahangin. Kaya nga ako nag-day off para ipahinga 'tong tainga ko sa putok ng baril at bomba. Kaso pucha, daig pa may gyera kapag nagsama 'tong si Cas at Cze." Ismid ko sa dalawang kaibigan.
Cassee quickly raised her middle finger to me as she slowly gazed back at her Macbook. Mood talaga ng babaeng 'to.
Tumango naman si Zhav sa'kin at hinayaan na ako. Kaso mukhang hindi pa tapos si Czeyane.
"Ano nga? Ayos na ba 'tong report ko? Nagagalit na 'yong kalbo na director do'n sa NNC!"
Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga at mariin na pinikit ang mata.
Czeyane is auditioning for NNC, the National News Channel, as a news reporter. Naatasan silang gumawa ng sariling report at iyon ang isusubmit sa director ng NNC. And that is why I am here today: to see if her report has facts and verifiable information.
Tama naman kaso... "Mas late pa 'yang report mo kay Amirah at Avery na bibili lang daw ng doughnuts pero tatlong oras na nakalipas, wala pa rin."
"Late na?!" Her eyes widened. Sinapo niya ang bunganga at hinulog ang namimilog na mata sa report niya. "Bakit? Ano na bang ganap sa bansa natin, ha?!"
Lyn pouted. "Almost a week na no'ng nahati 'yong Pinas. May sariling watawat na nga rin 'yong Luzon sa Mindanao at Visayas."
Humalakhak si Cassee. "Tanggalin mo rin kasi minsan isip mo kay Tanatos, teh. Late ka na tuloy sa balita! Alam mo bang imbis na foreign countries ang kalaban ng Pinas, naging Mindanao at Visayas versus Luzon na!"
"Paano 'yon? Ano na ginagawa ng foreign countries sa'tin?"
"Time freeze raw muna, Zhav," Cassee gritted her teeth and peeked at Cze in the corner of her eyes. "May bobong tao na nag-a-audition sa NNC. Baka daw iba-iba pa ma-report."
Handa nang rumebut si Cze sa babaeng binibiro siya ngunit natikom din ang bibig sa muling pag-sasalita ni Cassee. She took the earphone out of one ear and stood up, her gaze locked on me.
"Kung nahati 'yong PH soldiers, saan ka napunta?!" Bakas ang pag-aalala sa tono ng babae.
Maging ang kabiruan niyang mga kaibigan ay natimbang ang pag-aalala at takot sa mukha nang ibaling ang tingin sa akin.
I cleared my throat. "Sa ViMinda."
That is the sad truth. Nahati ang Pilipinas sa dalawa. Bumukod ang mga taga-Luzon sa Visayas at Mindanao dahil sa desisyon ng dating presidente. Habang ang mga sundalo naman, walang naging karapatan sa pagpili kung saan sila aanib.
And yes, I was sent to the Visayas and Mindanao.
"Eh paano ka? Bakit ka nandito sa Luzon?! Espiya ka!" Biro ni Cassee.
"Kinabukasan pa naman malalagyan ng boundary. Kaya tutulak rin ako agad bago abutan," Paliwanag ko. "Kaya lang naman ako nandito para pumunta sa libing ni Robin."
Malaking kagat ang ginawa ni Avery sa doughnut bago humalukipkip sa harapan ko. "Iyong Foreigner na sundalo?" Tumango naman ako dahilan upang mapairap siya. "Ah kung hindi pala dahil sa kaniya, hindi mo kami sisiputin dito?!"
Nag-iwas ako ng tingin para iwasan ang tanong niya.
Kadadating pa lang ni Avery at Amirah pero umuusok na kaagad ang ilong nila sa galit. We're staying in Callie's rest home in Zambales right now. Nag-plano silang manatili rito ng ilang araw bago bumalik sa kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan.
At ngayon, kasalukuyan kaming nasa café malapit sa rest house.
Ang totoo niyan, ang libing ni Robin at ang mga kaibigan ko talaga ang pakay ko sa Luzon bago magkaroon ng harang ang lugar.
Napansin ko si Avery mula sa gilid ng mata ko. Handa na siyang sumimsim sa iniinom niyang iced coffee ngunit mukhang may nahagip ang mata niya. With her mouth hanging open, she bit her lip as she turned to gently glance at Cassee and Czendaya.
Mabilis na nagkasalubong ang mata nilang tatlo.
"Anong mayroon?" Kunot noong tanong ko.
Sininyasan ako ni Avery na lumapit. Ganoon naman ang ginawa ko. Bahagya akong lumapit sa kaniya at mabilis siyang may binulong.
"O to the M to the G! May pogi! Naka-Civic!"
Tuluyan akong napairap sa kawalan. Handa ko na siyang supalpalin ngunit hindi natuloy dahil nag-ring ang phone ko.
Inalis ko naman agad ang braso mula sa pagkakakrus bago kuhanin ang cellphone. I immediately opened it and went to messages. Naagaw ang atensyon ko sa pangalan na matagal ko nang gustong kalimutan.
Naninikip ang dibdib ko nang buksan ko ang conversation.
Ramil Suaze:
nak d mo b namimiss papa? miss n kita ok k lng b jan? alam m sav saken n kulet binlock mo aq kaya d aq maka meseg sau ,, 😅😅
gumawa c papa bago account para makontak kita kc sa 22o lng miss n miss k n ni papa
magulo now sa pilipinas nak ,, nagaaway mga politika 😢 ikaw ba aus k lng dyn? bka may misyon k na mahirp ha pakatatag k kng d mo kaya uwi k d2 saken lgi kita tatanggpin 😄
bkt d k nagrereply nak? may gnawa ba c papa? galit k prin ba saken? sana replyan mko nak
pacencya k na nak ha kung di na mabubuo pamilya ntin,, kc masaya n rin c mama mo sa bago nya pamilya aq rin ok n rin aq
luv k n pApa ha,! ikaw p rin ang 1st princess q,, qung may mali man ngawa c papa sori nak patwarin mo n sana aq 😢😢 gus2 n qta makita eh kung ok lng 😅😅
Bukod sa pag-aayos sa bansa, may personal na gulo akong hindi maayos-ayos.
Paano maayos? Kung hindi ko naman sinusubukang ayusin.
My phone rang again, and the General's name flashed on the screen.
Napakunot ang noo ko. Considering that I'm on leave, I don't see why the General should call right now. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan. Hindi naman siya tumatawag kapag hindi importante ang sasabihin.
"Sagutin ko lang." Paalam ko sa kanila at hindi na hinintay pa ang pahintulot nila. Naglakad ako palabas ng rest house at agad na sinalubong ng magandang tanawin na may kasamang malamig na hangin.
"Magandang umaga, General!" I greeted as I answered the call.
"You have a new mission," he said without preamble. "You're in the same location as our target, attorney Grey Sandoval."
Para akong na-estatwa at hindi kaagad nakasalita.
Gusto kong mag-mura at manuntok. Hindi ko naman duty ngayon. Hindi ko responsebilidad na gawin ang inuutos ng General.
Tangina. May choice pa ba ako?!
"Surveillance and identification," the General explained. "We need to know his movements, his contacts, and any suspicious activities. I can't give you all the details, but this mission is crucial for national security."
Humugot ako ng hininga, wala ng magawa. "Understood. Can you give me more specifics about Sandoval? I need to be sure I can identify him."
"Grey Sandoval is in his late twenties, about six feet tall, with an athletic build. He has short, dark hair and usually wears casual but sharp attire." The General's voice was steady.
"Anything specific about his face? Scars, marks, anything?" I pressed.
"He drives a silver sedan, usually a Honda Civic.."
Hinintay ko ang susunod niyang linya ngunit mukhang ayon lang talaga ang sasabihin niya. Tuluyan akong napasapo sa noo, hindi mapigilan ang inis na nararamdaman. "Ayan lang? Paano ko mahahanap 'yon e halos naka-civic mga tao rito. Any location tracker?"
Akala ba nila ganoon kadali mag-hanap ng tao kung ang impormasyon na meron lang ako ay may civic siya? Ano 'to?!
"We are still working on it," Humugot siya ng hininga. "Tatawagan ulit kita kapag mayroon na... Remember, be discreet. Only report back when you have solid information." the General reminded me before hanging up.
Doon lang ako nagkaroon ng tyansang mag-mura.
"Tanginang 'yan, kung hindi lang mas mataas ang ranggo niya sa'kin, hindi ko susundin 'tong kupal na panot na 'to. Bwisit! Pahinga ko ngayon tapos bibigyan ako ng mission? Ano 'to?! Gaguhan?!"
Fine, I'll just do what he commands.
A secret operation—where the objective was surveillance and identification of attorney Grey Sandoval.
"Sinong kaaway mo?"
Halos mapaigtad ako nang makita si Amirah. She was wearing a white dress and flat black slippers. Kunot ang noo niya habang naglalakad palapit sa akin. Mukhang narinig niya lahat ng reklamo ko.
"Wala," Pag-tanggi ko. "Saan ka punta?"
"Hintayin mo ako. Kuhanin ko lang sa rest house 'yong solution ng contact ko."
Tumango ako sa naging suhestiyon niya at hinintay siyang makabalik. Umupo ako sa isang malaking bato at hinayaang mabasa ng alon ang talampakan. I couldn't take in the breathtaking scenery since I was waiting on General's report.
Bumalik si Amirah dala-dala ang solution ng contact lense niya. Sabay kaming nag-tungo pabalik sa café.
Naabutan namin ang apat na babae na ganoon pa rin ang usapan. Palihim nilang pinapasadahan ng tingin ang lalaki na para bang ulam sa tustado nilang kanin.
"Tangina, pogi nga," Mura ni Cassee sa gilid. Kinailangan niya pang mag-suot ng black shades para hindi mapansin ng lalaki na tinitingnan siya nito.
Sinipat ko ang direksyon ng lalaking kanina pa nila pinagpapantasyahan.
He appeared to be in his early twenties, his face a picture of poker-faced calm as he read. He had hazel eyes and wore glasses that he pushed up onto his nose. His lips were naturally pink and subtly curved.
Abala ang lalaki sa pag-babasa habang ang tainga ay may nakasalampak na earbud. Mukhang hindi naman sila nito naririnig dahil bukod sa malayo ito sa amin ay abala rin ito sa sarili niyang buhay.
Napansin ko namang sinipa siya ni Avery mula sa ibaba ng lamesa. "Shut the fuck up, bitch. Ako unang nakakita sa kaniya kaya back off. Isa pa, may pro-gamer ka na, duh!"
"Cool off kasi sila," Cze scrunched her nose. "Pero kung titingnan, pogi naman talaga."
"Huy, suotin mo 'tong shades ko. Baka mahalata ka niya!"
Tinawanan ako ni Zhav at ni Amirah nang magpakawala ako ng malalim na bunton-hininga. This is what it's like when they're together. Kung hindi nila pag-uusapan ang mga taong kinakaayawan nila, magpo-pogi hunting naman sila.
How chaotic they can be. Ako na lang ang nahihiya, eh.
"Kaniya ata 'yong Civic na pinicturan mo kanina sa labas, Cze,"
Natigilan ako sa ginagawang pag-halo sa kape na nasa harapan. I looked up at them instantly, my lips opened and my forehead furrowed, as if I had heard the magic word.
"Six footer?!" Wala sa wisyo kong tanong.
Mabilis na lumipad ang mga mata nilang lahat sa akin. Naramdaman ko pa ang pag-hampas ni Cassee sa balikat ko, natatawa at hindi makapaniwala.
"Paubaya mo na, Avery. Minsan lang lumandi 'tong si Sai. Hilig pala mga Civic riders na matatangkad." Natatawang biro ni Amirah habang ang tingin ay na kay Avery.
Sumangayon naman si Cze sa babae. "True the rain! Para naman hindi lang Luzon, Visayas at Mindanao ang nag-didivorce! Dapat legs din ni Sai!"
"What the fuck?" I chuckled, sounding offended. They made me dirty.
Tangina talaga. Kung pwede ko lang sabihin sa kanila ang natanggap kong misyon para kahit paano ay madepensahan ko ang sarili ko!
"Sure," I said to end the conversation quickly. "Itanong n'yo nga pangalan."
"Type mo?" Takang tanong ni Zhav, kabababa lang ng tawag nila ni Ayang. Mabilis akong umiling bilang sagot.
Totoo naman, he's not my type.
"Itanong niyo na. Maawa naman kayo sa binata natin, nagdadalaga na, oh."
"Tangina mo, Cassee." I mouthed.
"Oh, tangina mo rin, Solveig Rai," Tinaas niya pa ang gitnang bahagi ng daliri sa akin bago ilipat ang nangkukumbinsing tingin sa direksyon nina Cze. "Huwag niyo sundin 'yan. Huwag kayo matakot, 'di tayo babarilin niyan."
I scoffed then rolled my eyes. "Ako na lang, kupal kayo."
Sa huli, kung sino ang walang paki sa pinag-uusapan nila kanina pa ay siya rin ang lumapit sa lalaki para hingiin ang pangalan. But it's not in a romantic way where I will ask him for a date! Iba naman ang pakay nila Avery sa pakay ko sa lalaki.
"Nakalunok ba ng bomba 'yan si Sai? Hindi naman gan'yan 'yan, ah! Kape naman ang iniinom natin, hindi alak," Hindi makaniwalang untag ni Cze. "Eh bakit ang lakas ng amats niyan?!"
"Gago, is she sick?!"
Binalewala ko ang sunod-sunod na kumento ng mga babaeng kaibigan. Pinasadahan ko ang buhok at lakas-loob na desididong nag-lakad palapit sa lamesa kung saan naroon ang lalaki na kanina pa pinag-uusapan. Mabuti na lang at nahagip kaagad ng mata ko ang binabasa niyang libro.
"Fan din ako ng sherlock holmes," Panimula ko sa usapan.
Even though he had earbuds in his ears, he heard me right away. Bahagya niyang hinubad ang nakatakip sa tainga, inaalis ang tingin sa libro na binabasa at tinaas sa akin ang mga mata.
His mouth went agape. Napalunok naman ako sa naging reaksyon niya.
Mali ata ang approach ko... tangina kasi. Mas hasa naman sila Avery sa ganitong bagay, sa akin pa talaga hinayaan 'tong mga klase ng bagay na 'to.
"Talaga?!" His face lit up. Hindi ako makapaniwalang napatango-tango sa kawalan. Sinenyas niya na umupo ako sa bakanteng upuan kaya kaagad ko itong sinunod.
I was just taking my shot, men.
"Alam mo, we should become buddies!" Suhestiyon niya sa mataas na tono. "Bata pa lang ako, fan na ako. So... what do you think was Sherlock Holmes' most impressive deduction?"
Doon ako natigalgal at naging malikot ang mata.
Nananatiling nakatingin sa akin ang lalaki, may ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi habang hinihintay ang isasagot ko. I fidget with my fingers under our table, feeling the heat in my body.
Tangina. Nabasa ko lang 'yong title ng binabasa niya! Hindi naman talaga ako fan!
Naiilang akong ngumiti. "Actually, sa dami kong nabasa, n-nakalimutan ko na. Pero mahilig ako sa mysteries katulad ng SH. Kakatapos ko lang nung Nancy Drew series by Carolyn Keene... maganda 'yon. Fan ka rin?"
Mukhang nakumbinsi ko naman siya sa mga sinabi ko.
He fixed his glasses on the bridge of his nose and beamed. "Not really a fan, pero nabasa ko na nearly all of Keene's stories."
"Nice," Pilit ngiti kong saad. "I'm Sai... and you are?"
Inilahad ko pa ang kamay ko sa pagitan naming dalawa. Naaaninag ng mga mata ko mula sa kalayuan ang mga kaibigan na ang tingin ay nakalapat sa amin habang ang labi ay may malapad na ngiti.
Mukhang chini-cheer nila ako. Tsk.
"I'm Gio... nice meeting you."
Nang marinig ang pakay na impormasyon sa kaniya ay mabilis na nahulog ang balikat ko at halos ipilit ang ngiti sa labi para hindi mahalata ng lalaki ang pagkadismayado sa mukha ko.
Hindi siya 'yong Grey na tinutukoy ni General!
Tangina. Sayang effort ko!
"May libro ako na binabasa ngayon kaso naiwan ko pala sa kotse," I pouted. "Kukuhanin ko lang saglit."
Tumango siya sa paalam ko. Nang makalabas ay tila ba naka-takas ako sa kulungan. Hinayaan kong tumama ang sariwang hangin sa aking balat at inis na kinapa ang cellphone mula sa bulsa.
Binuksan ko ang group chat namin at mabuti na lang ay online silang lima.
Sai anak ni cardo dalisay:
Hindi ko pala type
Alis kayo riyan, lipat tayo loc.
Mabilis na nag-tipa si Zhav at sinundan naman ito nina Cze.
Zhav lassengera:
Saan tayo? may alam akong malapit na resto sa seaside
Czendaya ganda:
Kupal, ghosted agad?!
Cassee nagpanggap na may etits:
'di pasok sa kanila 'yong kantang isang linggong pag-ibig
Hindi ko na nagawang tapunan ng rebut ang mga replies nila dahil sa pag-tunog ng radio. I instantly took it since the General might have an update on my mission.
"Everyone, switch your radio to channel six. May access tayo ro'n." The voice commanded urgently over the speaker, crackling with authority and a hint of urgency.
Mabilis na kumunot ang noo ko. Nilapat ko ang bunganga sa speaker ng radyo habang kinakagat ang balat ng hinlalaking daliri.
It was obviously a political channel. It's an order that we can't intervene in the political channel!
"It's against protocol, sir—" I began in a hesitant voice.
"Turn your radio to channel six!" The order came out sharp and forceful, cutting through any objections.
I closed my eyes tightly and hurried away to a secluded spot where I could be unseen and unheard. Tumayo ako sa dalawang pagitan ng puno ng buko kung saan kitang-kita ang magandang tanawin ng Zambales.
"Lieutenant Sai," Bago ko ilipat ang radyo ay narinig ko pa ang tawag sa akin ng General. "Give me your exact location and head to channel six, as soon as possible."
Iyan ang huli kong narinig bago tuluyang ilipat ang channel ng radio. Walang pag-aalinlangan kong binigay ang lokasyon ko habang hinihintay na may magsalita sa ika-anim na radyo.
"This is attorney Grey,"
Halos mag-sitayuan ang mga balihibo ko sa katawan nang marinig ang pamilyar na malamig na boses ng isang lalaki. The voices echoed from somewhere, one clear and the other hoarse.
There was an unsettling feeling in the air.
Siya ang abogado na pinapahanap sa akin ni General. At ngayon, naririnig ko ang boses niya mula sa aking likuran.
Tangina. Who is he, exactly?!
Handa na akong dumungaw sa pagitan ng puno ng buko ngunit naagaw ang atensyon ko sa kalangitan nang marinig ang tunog ng helicopter. Wind blew hard, making my hair dance in the air like a superhero cape. Sand flew around me as the helicopter got closer and closer.
Nandiyan na ang sundo ko.
I tightly closed my eyes and fixed myself. Kinuha ko ang radyo na iniwan sa buhanginan at hinintay ang pag-land ng helicopter.
"Again, this is Grey Sandoval. Is my voice coming through clearly?"
I glanced around, and the man with the radio caught my attention right away. Agad akong napangiwi nang mapagtanto na siya ang nagsasalita sa kasalukuyang radyo na pinapakinggan ko.
A small, knowing smile played at the corners of my lips.
He had introduced himself as Gio earlier. Yet, it was amusing how I soon discovered his true identity—Grey Sandoval.
He is Luxeuil Grey Sandoval, after all.
A lawyer and also a doctor.
He opened his mouth and continued, "Northern spies are currently in our region. To the best of my knowledge, Xantheus Kyl Rutherford, a Lieutenant General Doctor, led the mission."
Nag-tama ang mga mata namin kasabay nang pag-dala ng hangin sa buhok ko.
"A war has broken out." he announced fiercely.
^_______________^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro