Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Prologue

Magtanong kay author.
Anything under the sun. 📝
Ask your Wattpad Author Mar Mojica ✏️
Malapit na malapit na po sa:
Wattpad Ambassadors PH
(Community organisation)
This month of May 2020
***

Incomplete.
This Book is Exclusively distributed by Dreame.com

Readers will encounter words that are not suitable for very young ages. Strong parental guidance is advice. Contains very sensitive topics. Please don't ridicule others to those genders you don't agree. Don't look for faults but encourage one another to lift everyone's spirit. Don't judge but open up your minds.
~|~|~|~|~|~

"Come on, Moon! Huwag ka nang magpa-virgin. Alam ko na ang sikreto mo kaya huwag mo na akong layuan!"

Shit! Ano na ang gagawin ko? Kung sisigaw naman ako at dadaluhan ng mga gwardiya, malalaman nila ang tunay kong pagkatao.

Umatras pa ako ngunit pader na pala ang nasa likuran ko.

"Huwag kang lalapit, Rey! Or else..." Pinipilit kong tapangan ang boses ko pero sobrang kaba na ang laman ng dibdib ko.

"Or else what? Sisigaw ka? You know you can't do that, Moon. Kaya huwag ka nang magpakipot."

Unti-unting lumalapit si Rey sa kinaroroonan ko. Ilang hakbang na lang ay maaabot na niya ako. Lintik naman!

"Akala ko ba magkaibigan tayo, Rey? Bakit ka nagkakaganyan?"

Inilibot ko ang mga mata ko para maghanap ng maipupukpok sa kanya. Pero malapad na lamesa, couch na mabigat at munting sofa lang ang nakikita ko. Kung sa pantry sana, may mga plato roon at maliit na kutsilyo. Pero ilang hakbang pa bago ako makarating doon.

Napasinghap ako nang maramdaman kong nasa harapan ko na pala siya.

"I'll make you happy, Moon." Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay sinunggaban niya ang mga braso ko habang ang mukha ay pilit na isinusubsob sa leeg ko.

"Please, Rey! Itigil mo ito!"

Iniharang ko ang mga kamay ko sa dibdib niya. Matangkad siya, malapad ang katawan at para siyang halimaw na hayok sa laman sa mga oras na ito. Kaya damang-dama ko ang lakas niya.

Nagpumiglas pa rin ako at awtomatikong tumaas ang isang paa ko para tuhurin siya. At naging dahilan iyon para mabitawan ako at mapahawak siya sa harapan niya. Pero alam kong hindi ko siya napuruhan dahil kanina pa nangangatog ang tuhod ko at nanghihina ang katawan. Kaya nahagip niya akong muli sa aking mga kamay. At mabilis na ibinalyang muli sa pader. T*ngna ang sakit sa likod! Nabali na yata ang gulugod ko!

"You bitch! You think you can get away from me?"

Nanlilisik ang mga mata niya. Para siyang mabangis na hayop na handa akong lapain anomang oras. Nilukuban na ako ng sobrang takot. Pakiramdam ko ay wala na akong pag-asang makawala mula sa kanya.

Nangilid ang mga luha ko. Lalo na nang pabigla niyang sinira ang polong suot ko. Dinig na dinig ko ang nagtalsikang mga butones sa sahig. Nais ko mang takpan ang sarili ay hindi ko magawa dahil nakadikit siya sa katawan ko. Sinunod niyang pinunit ang body girdle na suot ko at agad na naramdaman ang paggalaw ng mga itinatago ko.

"You are a woman," nanlalaki ang mga mata at humihingal na sabi niya. "And all these will be mine!" Isinubsob niya agad ang kanyang mukha sa gitna ng dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang kamay niya habang ibinubukas ang zipper ng pantalon ko. Tuluyan nang dumaloy ang mga luha sa aking mga mata.

"R-Rey, please tama na..." Humihina na rin ang boses ko. Galit at takot ang namamayani sa kalooban ko ngayon. "Ano ba ang naging kasalanan ko sa 'yo?"

Akala ko ay mabuti siyang tao. Naging malapit ako sa kanya. Mas pinagkatiwalaan ko pa nga siya kaysa kay Jasper. Shit na Jasper iyan!

Jasper San Huwes. Nagtapat siya sa akin kanina. Sinabi niyang gusto niya ako. Na hirap na hirap na siyang itago ang nararamdaman niya. Pero hindi niya ako hinayaang magsalita. Hindi niya ako pinayagang sabihin ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Lintik! Bakit hanggang sa ganitong pagkakataon ay si Jasper pa rin ang nasa isip ko?

Naramdaman ko ang tumutusok na mga buhok sa leeg ko. Pati na ang pagbaba ng pantalon ko.

"S-Shit ka, Rey..." Wala na akong magawa kundi ang magmura. Nadama ko ang lamig ng buong kwarto. Ngayong iisa na lang ang natitirang pantakip sa aking katawan ay mas nawalan ako ng pag-asa.

"Matagal na kitang pinapantasya, Moon. Simula noong araw na iyon, nangako na ako sa sarili kong mapapasaakin ka. Sa akin ka nang babae ka!"

Parang lasing si Rey na humihingal at pilit na tinatanggal ang kahuli-hulihang saplot sa aking katawan. In-ekis ko ang dalawa kong hita habang sinusubukan ko pa rin siyang itulak.

Nang biglang may marahas na nagbukas ng pinto...

Sabay kaming napatingin ni Rey sa taong iniluwa ng nakapinid na pintuan. Namutla ako nang mapagsino ang kaisa-isang nilalang na laman ngayon ng isip ko. Nagtama ang aming mga mata ni Jasper at kitang-kita ko ang pagbaba ng kanyang paningin sa hubad kong katawan na pilit inaari ni Rey.

Walang salitang lumabas sa bibig ni Jasper. Malalaki ang hakbang at kuyom ang kamaong nilapitan niya kami at mabilis na sinuntok si Rey. Bumagsak sa sahig ang walanghiya pero nakatawa pa ring nagsalita.

"Huwag kang makialam dito, Jas!"

Tila hindi iyon narinig ni Jasper. Sa halip ay nagmamadaling nagtanggal ng suot na t-shirt. Inilang hakbang niya ako at nakatitig sa luhaan kong mga mata at saka isinuot sa katawan ko ang damit niya. Napakaseryoso ng mukha niya. Parang mas natatakot pa ako sa kanya ngayon kaysa kay Rey. Tumama ang balat ko sa kamay niya na nagdulot sa akin ng napakataas na boltahe ng kuryente.

Nagulat na lamang ako nang bigla siyang suntukin ni Rey mula sa likuran kaya napaigtad siya.

"Jasper! Sinabi nang huwag kang makialam dito!" galit na wika ni Rey na nakakuyom ang mga kamao.

Kahit nakita kong nasaktan ay hindi nawalan ng balanse si Jasper. Sa halip ay hinarap pa niya ang nakakatakot na si Rey. Hindi ganito ang nakilala kong Reynaldo Muñoz. Edukado at mataas ang posisyon sa SHH. Isa sa mga iginagalang sa loob ng kumpanyang ito. Ngayon ay wari isang toro na handang suwagin pati na ang sariling amo.

"Get out, Rey!" mariing mga salitang lumabas sa bibig ni Jasper. Kitang-kita ko ang pagngangalit ng kanyang panga.

Subalit hindi natinag si Rey. Sa halip ay nakakaloko pang nagwika, "You're defending that..." Itinuro ako ni Rey habang nanliliit ang mga mata. "That kind of person? You don't even know if he's a real man! Or maybe he had surgeries since he's definitely a gay!"

Malakas na suntok ang lumipad sa panga ni Rey. Nanlalabo ang mga paningin ko ngunit napakalinaw ang poot na nararamdaman ni Jasper ngayon. Kaya gumapang sa akin ang pagkabalisa. 'Pagkat alam ko, may bahagi ako sa galit na namuo sa kanyang katauhan.

"I said, get out, Rey! Get out of here before I forget who you are in this company!"

Galit na hinarap muli ni Rey si Jasper. "You're taking the side of that sonofabitch against me? You know I can overturn this company, Jasper! Don't try me!" pagbabanta ni Rey na unti-unting naglakad patungo sa kinaroroonan ko. Talaga yatang wala siyang balak na tigilan ako. Na kahit naririto na si Jasper ay handa pa rin niyang isakatuparan ang kanyang maruming balak.

Isang hakbang pa palapit sa akin at muling lumatay sa labi ni Rey ang kamao ni Jasper.

"Get out and stay away from her!" nanginginig ang laman na sabi ni Jasper. "Don't ever show your face here again, Rey! I mean it!"

Napasubsob sa sahig si Rey ngunit agad ding nakabangon. Nagkatitigan silang dalawa ngunit unang umiwas si Rey.

"Dammit!"

Galit na galit na lumabas siya ng silid. Tinapunan pa niya ako ng matatalim na mga tingin bago tuluyang naglaho.

"Sir, ano po'ng nangyayari?" narinig ko ang mahinang boses mula sa 'di kalayuan. Alam kong tinig iyon ng gwardiyang marahil ay nakarinig ng ingay mula sa aming kinalalagyan.

"Huwag mo 'kong kausapin!" dinig ko ang pagbulyaw ni Rey, pati na ang papalayo niyang mga yabag. Ngunit may mga padyak pa rin na unti-unting lumalapit sa aming kinalalagyan. Saka lang bumalik sa isip ko kung ano ang itsura ko sa mga oras na ito. Nagmamadali akong pinagpupulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Pero hindi ko halos mahawakan ang mga bagay na iyon dahil sa sobrang panginginig ng mga kamay ko. Pakiramdam ko ay mabubuwal ako anomang oras.

Gusto ko na namang maiyak. Kapag may iba pang nakaalam kung ano ang tunay kong pagkatao, siguradong hindi lang si itay ang susumpa sa akin. Pati na rin si Don Diego!

Parang kidlat na may humila sa palapulsuhan ko. Yakap ko ang mga damit habang hinahatak ako ni Jasper sa likod ng mesa.

"Sit." Utos niya. Hindi ako kumilos. Kaya hinawakan niya ang mga braso ko para idiin at parang lantang gulay na napaupo sa sahig. Nag-isang luhod siya sa harapan ko at tinitigan ang aking mga mata. Napalunok ako nang muli kong masilayan ang mga matang iyon. "Shh..." Inilapat niya sa kanyang labi ang hintuturo niya at saka mabilis na muling tumayo. Saktong nadinig ko ang natatarantang gwardiya.

"Mr. San Huwes! Ano po ang nangyari?"

Mabilis ang kabog sa loob ng dibdib ko. Nagtatago ako ngayon sa likod ng mesa. Kung saan hindi ako matatanaw ng kahit na sino basta naroon lamang sa may pintuan. Pero kapag umikot si Manong ay siguradong patay ako. Nayakap ko ang aking sarili. Bago ko ipinikit ang aking mga mata ay natanaw ko pa ang maamong mukha ni Jasper.

"It's alright, Manong. Nagkasagutan lang kami ni Rey." Aniyang naulinigan ko pa ang paghakbang palayo sa kinalalagyan ko.

"Nasaktan ba kayo, sir?" Naramdaman ko ang paglapit ni Manong. Hindi ko pa rin idinilat ang mga mata ko.

"Hindi naman, Manong. Uh..." Natigilan siya bago muling nagsalita. "Pwede po bang iwan nyo muna akong mag-isa?"

"Mag-isa? Hindi po ba nandito pa si Sir Moon?" Napalunok ako sa nadinig ko. Nila-log ni Manong lahat ng labas-pasok ng building na ito. At alam niyang naririto pa ako.

"You've mistaken it, Manong Leroy. Kanina pa umalis si Moon." Napakalamig ng boses ni Jasper. Pakiramdam ko ay hinahaplos nito ang pagal kong diwa at katawan. Naitanong ko sa sarili, bakit niya ako pinagtatakpan? Kanina lang ay galit siyang iniwan ako. Ngayon, siya rin pala ang taong magtatanggol sa akin. Paanong hindi ako matututong mahulog sa kanya?

"Ganoon po ba?" Sana paniwalaan niya si Jasper. "Saan kaya ako nakatingin nang lumabas si Sir Moon?"

Katahimikan.

"Uh, sigurado ba kayo sir na hindi kayo nasaktan? Para po kasing nagkainitan kayo ni Mr. Muñoz. Namamaga po ang mukha niya, eh." Muling dumaan ang mga yabag sa tenga ko. At alam kong malapit na iyon sa pwesto ko. Kaya mas kumabog ang dibdib ko sa kaba.

"Away magkaibigan lang, manong. You don't have to worry. Bukas maayos na ulit kami." Kampante ang tinig ni Jasper. Parang wala siyang itinatago. "Sige na, manong. Iwan mo na muna ako."

"Okay sir. Basta kung may kailangan kayo, tawagin nyo lang po ako." Wala akong narinig na sagot pero alam kong tumango si Jasper. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Kasunod ang mahinang lagitik ng lock. At mga yabag na patungo sa kinaroroonan ko.

Nayakap ko ang aking sarili. Napasandal ako sa drawer na nasa likuran ko at kusang umunat ang mga nakatiklop kong mga paa. Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Para pala muling mabagabag.

Naramdaman kong tumabi sa akin si Jasper. Kahit ilang dipa pa ang layo namin sa isa't-isa ay dama ko ang init ng kanyang katawan.

"What's this, Moon?" Naguluhan ako sa tanong niya at napadilat. Takot akong harapin siya. Takot akong sabihin sa kanya ang totoo. "Tell me the truth..." Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "I could see your almost naked body. And I could tell you're not a man. Pero gusto kong marinig mula sayo..."

Bawat salita niya ay nagdudulot sa akin ng sari-saring damdamin at kilabot. Sumulyap ako sa kanya. Pero muli akong napatungo at napapikit. Paano ko sasabihin? Paano ako magsisimula?

Nagulat ako nang tumagilid siya at isinandal ang kamay sa drawer na nasa likuran ko. Napadiin ang sandal ko. At sinalubong niya ang aking mga mata.

"Sagutin mo ako, Moon!" mariing utos niya na nakapagpapabilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito.

Bumaba ang tingin ko sa bahagyang nakabukang labi niya. Nakagat ko ang labi ko. At hindi ko alam kung bakit may biglang bumara sa likod ng lalamunan ko.

"J-Jasper..." marahan kong tawag sa pangalan niya. Gusto kong tawagin ang pangalan niya at mag-sorry sa kanya. Aminin sa kanyang isa akong huwad.

Subalit bago pa muling bumuka ang labi ko ay sinakop na ito ng labi ni Jasper. Hinalikan niya ako. Maiinit na halik na tila dinadala ako sa lugar na malayo, mataas at hindi ko pa narating kailanman.

_______________________

By: Mar_Mojica
Follow, Vote and Comment

Announcement:
"Nais n'yo bang magtanong at makachikahan ang author na si Mar Mojica?
Sa loob ng isang oras, ang Wattpad Ambassador Philippines ay magbibigay ng pagkakataon upang makapagtanong kayo sa author ng aklat na ito. Abangan ngayong Mayo, 2020."
From WP Ambassador PH

Sundan ang FB Page:
https://m.facebook.com/WattpadAmbsPH/?tsid=0.7778590945892897&source=result

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro