Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5

Watch out for the continuation of this novel at dreame.com
Go to link: https://bit.ly/3g1CQ7M

Or go to link: https://www.dreame.com/novel/FmB4pzXf6XgqcNkr85feLQ%3D%3D-BEWILDERED-PASSION.html

Girl

Itinaas niya ang kanyang kamay at inihagod sa basang buhok. Nakagat ko ang labi ko nang ipilig niya ang ulo at nagtalsikan ang mga tubig sa tabi. Nasaid ko ang isang baso ng lime juice nang may sumilay na ngiti sa kanyang labi. Para akong nakakita ng artistang pinagkakaguluhan ng mga fans. Dahil pag-ahon ni Jasper mula sa tubig ay panay na ang kaway ng mga kababaihan sa kanya. May mga halos himatayin pa at kulang na lang ay gapangin nilang lahat siya.

"Hoy! Bakla ka ba?"

Nagulat ako nang isang babae ang lumitaw sa harap ng balintataw ko. May sipsip siyang straw mula sa hawak na baso ng juice na may palamuting maliit na payong.

Hindi ko siya pinansin at muling nagpasalin sa bartender ng lime juice sa baso. Naramdaman kong tumabi ang naka-one piece swim suit na babae sa akin. "Bakla ka 'no?" Sa halip na sagutin siya ay tinungga ko ang inumin. Sumulyap siya kay Jasper na ngayon ay nakikipag-usap sa mga kabarkadang lalaki na pulos nakasuot lang ng isang piraso ng tela.

"I can't blame you. He's one hell of a guy. I'm referring to Jasper San Huwes!" Umupo siya sa bakanteng stool habang pinagmamasdan mula sa malayo ang lalaking kanina ko pa pinapanood. Ang hirap naman kasing iiwas ng mga mata sa kanya. Tuwing maaalala kong wala akong karapatang humanga sa isang lalaki, lalo naman akong natutuksong tingnan siya. "Even gays like him!"

"Miss, ako ba ang kinakausap mo?" pag-mamaang-maangan ko. Noon ko lang napansin na may itsura rin naman pala ang morenang babaeng ito. Katamtaman ang haba ng buhok, balingkinitan ang katawan, makinis at mamula-mula ang balat at may kurba rin naman ang pigura.

"Sino pa ba? Wala namang ibang tao rito?" Yung bartender, hindi tao? Inirapan niya ako. "Suplado mo, huh! Bakla ka nga!"

"Hindi ako bakla." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Muling napasulyap kay Jasper na ngayon ay kausap ng babaeng pinagtitinginan din ng mga kalalakihan.

Sinundan ni morena ang tinitingnan ko. "Huwag mong sabihing si Yvonne Ash ang prospect mo?" Hindi pa rin siya tumitigil na para bang kakilala ko siya. "Be careful with that girl. She's a play girl and will only manipulate man when already into her." Umorder siya ng beer sa bartender.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong sa babae.

"Hindi mo ba alam? Flirt iyang si Yvonne. And everybody knows she likes Jasper. But Jasper also played with girls. Kaya nga bagay sila..." Tsismosa rin ang isang ito. Pero ewan ko bakit gusto ko pa rin siyang pakinggan. Iniabot niya sa akin ang beer at kinuha ko naman para huwag siyang mapahiya saka siya sumipsip ng juice niya. "I wanna be played by a San Huwes. Kahit isang gabi lang. Fvck him all night and feel his thrust inside me. It will be my most memorable experience." Lintik! Anong pinagsasasabi ng babaeng ito? Sobrang bastos ng bibig niya. In-english lang niya ang mga salita pero kung si Hilda ang nagsabi ng mga iyon, siguradong ampangit pakinggan. Pero kahit saan mo tingnan, bastos pa rin.

"Type kita." Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang bigla niyang sabihin iyon. "I'm Janessa. You are?" Napalunok ako dahil nakasampay na sa balikat ko ang braso niya at amoy na amoy ko ang hininga niya.

"M-Moon. Moon ang pangalan ko." Ang baba ng boses ko nang magpakilala ako. Namputik parang kina-career ko na talaga ang pagiging lalaki, ah? "But you thought I'm gay?" Dugtong ko. Bakasakaling iwan na niya ako sa katahimikan ko.

"That's because I saw you were seriously staring at Jasper San Huwes..." Kung sabihin ko sayong Oo! Dahil pareho lang tayong hindi makapagpigil sa tanawin ng isang matipunong kalahi ni Adan. "Now I realized you're just jealous because of Yvonne." Inilapit niya ang labi sa akin. Nyemas! Agad akong umatras.

"Jealous?" Siguro nga. Bakit kasi lagi na lang nandiyan ang Yvonne na iyan? "No, I'm not." Nilagok ko ng mabilis ang bote ng beer. Paglapag ko sa mesa ay siya namang pagpunas ng daliri ni Janessa sa labi ko. Para akong masusuka!

Mas lumapit pa ang mukha niya sa akin, sa may leeg! "I like your style, Moon." Maarteng bulong niya. Ano bang style ang sinasabi niya? Maniniwala na ba ako kay Georgia?

Nang minsan kasing pumunta si Georgia sa mansyon para humingi ng pera kay itay ay halos lumuwa ang mga mata niya pagkakita sa akin. Ilang buwan na nga ba simula noong maging personal driver slash assistant ako ni Jasper? Dalawa? Tatlo? At tumubo na rin ang buhok ko. Hindi ko na rin kailangang magpagupit dahil ito raw ang uso ngayon sabi ng stylist ni Jasper. Parang korean hair style na naka-side pa ang bangs. Kung hindi raw kilala ni Georgia ang totoong Moon, malamang ay magkagusto siya sa akin ngayon. Sinamaan ko lang siya ng tingin at sa halip na magalit ang bruhilda de cacao sa akin ay nagpakurap-kurap lamang siya na parang nagpapa-cute. Para siyang tuta sa tingin ko!

"Uh, J-Janessa, hindi ka ba hinahanap ng mga kaibigan mo?" Konti na lang ay mahuhulog na ako sa silya ko kakaiwas sa babaeng ito.

"Be with me one night, Moon." Ano raw? Teka, hindi na tama ito. Tumayo agad ako. Mabilis akong naglakad palayo kay Janessa.

"S-Sorry may gagawin pa pala ako..." Paatras akong lumayo at kuntodo hingi ng paumanhin sa babaeng mukhang nahulog agad sa kamandag ni Moon. "S-Sige pag-iiisipan ko!" Nahihiya akong ngumiti at kumaway pabalik. Nakita ko pang bumuga siya ng hangin sa palad para amuyin ang sariling hininga. Saka siya masamang tumitig at nagtaas ng isang kamay para mag-sign ng dirty finger sa akin. Halatang nainis siya sa biglaan kong paglayo.

Muntik na akong mahulog sa pool nang maramdaman kong may biglang umakbay sa akin. "Hey, hey, hey Moon! Looks like you got a new girl!" Itinagilid ko ang ulo ko at halos mahalikan ko na ang pisngi ng lalaking basang-basa pa ang buhok. Nakabalabal ng twalya si Jasper na nakalapit na pala agad sa akin.

"Ano'ng sinasabi mo?" Pinagpapawisan ako ng malamig sa hindi ko maintindihan na dahilan.

Inginuso niya si Janessa na hanggang ngayon ay galit na nakatutok ang mga mata sa akin. "Sino siya? Ha?" Mas inilapit pa niya ang bibig sa tenga ko. Heto na naman ang unti-unting pagbilis ng tibok sa dibdib ko.

"Si Janessa?" wala sa loob na tanong ko.

"Uhh, Janessa huh!" Nakangisi siya, may halong panunudyo ang mga mata. Bumitiw ako mula sa bisig ni Jasper. Hindi pa rin normal ang paghinga ko. "She's cute." Hayan na naman ang nakakatuksong mga tingin niya pagdating sa mga babae. Iyan ang napansin ko kay Jasper simula nang makilala ko siya. Kapag may natitipuhan siyang babae, titig na titig siya na para bang ikaw lang ang nakikita niya. Na para bang walang ibang importante sa kanya.

"Type mo? Sayo na!" Mabilis na lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam pero parang tumaas bigla ang dugo ko. Pagtalikod ko ay hindi ko na siya nilingon.

"Moon, wait!" Tawag niya sa akin ngunit hindi ko na siya pinansin. "Selos ka naman agad. Don't worry, I got better taste than yours!" Dinig na dinig ko pa ang halakhakan ng mga kabarkada niya. Parang nakikinikinita ko na nag high five pa sila.

Hindi ko plano at hindi ko sinadya. Wala rin naman akong magagawa dahil ito na ang kapalaran ko. Sa madaling salita, alalay ako ni Jasper San Huwes.

Wala akong ideya kung paano ako pinatawad ni Don Diego. Hindi ko alam kung ano ang naging paliwanag ni Jasper sa ama niya para manatili kaming pareho ni itay sa mansyon. Nagulat na lang ako nang ipatawag ako ng Don at sabihing mula sa araw na iyon ay pagsisilbihan ko na ang anak niya, si Jasper. Hindi lang bilang driver kundi bilang personal servant. Iyon ang tingin ko sa mga pangyayari. Magiging sunod-sunuran ako kay Jasper San Huwes.

Nakakatawa dahil sinuswelduhan ako sa trabahong ito. Si Mang Dong ang humahawak ng sweldo ng mga katulong. Kaya linggohan akong may natatanggap na pera mula sa kanila. Huwag ko lang daw ipapaalam kay itay.

"Masyadong mahigpit ang itay mo. Kaya naawa ang mag-ama sayo!" Minsan kinausap ako ni Mang Dong. "Hindi dapat ganoon ang trato sa anak. Daig pa pala ni Mang Berting si Don Diego kung magalit sa anak." Nakita kong napatiim bagang si Mang Dong. Kung alam lang niyang hindi naman ako tunay na anak ni itay.

Si itay ang namamahala ng mga kabayo ni Don Diego. Matagal na siyang nagsisilbi sa mga San Huwes. Masyado nga siyang loyal at doon na namamalagi sa rancho. Halos hindi na kami nagkikita. Na mas ikinatuwa ko dahil palagi na lang niya akong sinisinghalan kapag nagkikita kami.

Pagpasok ko ng kwarto ay tinanggal ko agad ang suot kong jacket at maluwag na long sleeve. Nakakasanayan ko na ang ganitong mga damit pero ewan ko kung bakit kakaiba ang init ng pakiramdam ko ngayon. Tinanggal ko rin ang nakapanloob na leather t-shirt na hapit ang disenyo. Mabigat at mainit ang leather na ito pero dito ko naitatago ang dibdib ko. Para akong nabunutan ng tinik nang hubarin ko iyon.

Nakasuot na lamang ako ng manipis na sando, walang bra kaya siniguro kong nakasarado ang lahat ng bintana, lalo na ang pinto. Uminom ako ng malamig na tubig at gumuhit agad ang ginhawa sa buong katawan ko.

Napatalon ako nang biglang may sunod-sunod na kumatok. "Lintik, hindi man lang ako pinaupo muna!" Mabilis kong muling isinuot ang mga hinubad na damit. Kung bakit iisa lamang ang silid namin ni Jasper. Kung bakit kailangan pa akong kasama sa social gathering ng business ng mga San Huwes. Tatlong araw kaming mag-i-stay sa hotel na ito. Dalawang gabi akong magtitiis at matutulog ng nakabalot ang buong katawan. Pigang-piga na ang mga bundok ko! May lalabas pa kayang mga gatas dito pagdating ng araw?

Parang kidlat na pumasok ng silid ang naka-trunks lang na si Jasper. May nakasampay na towel sa balikat. "Bakit nagkukulong ka rito?" Nakangisi niyang bungad sa akin. "Your girl is still waiting out there!" Tumalikod ako at tinungo ang mesa kung saan naroon ang malamig na tubig. Girl, girl! Nakaka-grrr ka! Bwiset! Mabilis akong lumagok ng tubig. Parang nilulunod ko na ang sarili ko kakainom! Naiinis din ako at hindi ko alam kung bakit.

"Come on, Moon! We're here to enjoy." Nagulat ako nang agawin niya ang baso ng tubig na hawak ko at inumin ang natitirang laman noon. Para akong namamalikmata nang dumampi ang labi niya sa mismong baso na ininuman ko. At bumaba ang tingin ko sa katawan niyang namumutok sa muscle. Pababa pa... at pababa pa... ahhh... shit! Tumalikod agad ako. Hindi na tama ang tumatakbo sa utak ko.

"Nandito ako para magtrabaho, Jasper." Seryosong winika ko. "Sabihin mo kung may ipapagawa ka." Hindi iyong idadamay mo 'ko sa mga kalokohan mo.

"I'll just take a shower." Parang wala siyang narinig na iniwan akong nakatayo. Napabuntong hininga ako nang makapasok na siya sa banyo.

Ilang araw na akong ganito. Ilang araw ko nang gustong iuntog sa pader ang ulo ko. Naiinis ako sa epekto ni Jasper sa sistema ko. Alam kong hindi tama ito. Hindi tama!

Naglakad-lakad ako sa loob ng silid. Paroo't-parito. Nakagat ko ang labi ko nang marinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa shower. Isipin ko lang na dumantay ang tubig sa katawan ni Jasper...

Nyemas! Hindi nga tama ito!

Naghanap ako ng gagawin. Ano nga ba ang dapat gawin sa isang silid kasama ang lalaking pinagpapantasyahan mo? THAT'S IT! Masisiraan ako ng bait kapag nagtagal pa ako rito. Kaya pinihit ko ang pinto upang makalabas ng silid. Para lamang makita ang napakaseksing babae sa harap ko. Nakakulay kahel na two piece, may hawak na laptop at mabilis na pumasok ng kwarto.

"Where's Jas?" mataray na tanong ni Yvonne. Kung bakit kasama pa ang babaeng ito sa gathering na dadaluhan din ni Jasper.

Palagi mo na lang siyang hinahanap. Itali mo na lang kaya siya sa beywang mo? "Naliligo!" Hindi nawala ang suya sa boses ko.

Inilapag muna sa mesa ang hawak na laptop bago halatang inis na hinarap akong muli. Hawak ko pa rin ang seradura ng pinto. Gusto ko nang lumabas pero ayaw ng mga paa ko. Paano kung iwan ko silang dalawa sa silid na ito? Paano kung ano ang mangyari?

"Naliligo po, MAM YVONNE! Don't you remember? You're just a driver!" Nakapamaywang na bulyaw niya sa akin. Nakagat ko ang labi ko. Oo nga naman. Driver lang ako. "Dahil lang mabait sayo si Jas ay wala ka ng galang? Ang kapal mo!" Nagtaas-baba ang dibdib ko. Pero kailangan kong pigilin ang galit na nararamdaman ko.

"S-Sorry po, ma'm." Yumukod ako habang mariin kong naisara ang mga kamao ko. Tama naman siya 'di ba? Napakaliit ko kumpara sa kanila ni Jasper.

Kinuha niyang muli ang laptop at kunot ang noong lumapit sa akin. Akala ko ay ipupukpok ang dala sa ulo ko iyon pala ay ibabagsak lang sa dibdib ko. Mabuti na lang at makapal ang suot ko, kung hindi ay napisat na ang mga nakatagong alaga ko. "Sabihin mo sa amo mo, siya na lang ang gumawa ng presentation niya! I don't have time for all his rubbishes!" Pagkasabi no'n ay nagmartsa na siya palayo.

Napangiti ako. "Mukhang may LQ?" nasabi ko sa sarili. Ako na ang nagbalik ng hawak kong laptop sa mesa nang makitang nakabukas pa ang screen nito dahil mayroon pang liwanag. Inangat ko ang display monitor at nakitang nakabukas ang isang file. Mahina akong natawa. Pinapagawa ni Jasper si Yvonne ng business presentation. Kitang-kita sa screen ang simula ng title. Ang engot naman. Pinapahirapan ni Yvonne ang sarili. Kahit ako na hindi nakapagtuloy ng pag-aaral ay alam iyon. Puro lang yata pagpapaganda sa katawan ang dunong ng babaeng iyon eh.

Na-download ko na ang software at sinsisimulang mag-type ng ilang impormasyon nang may bumulong sa tenga ko. "What are you doing?"

Napaangat ako sa kinauupuan ko. "Ay lintik!" wala sa loob na sabi ko at napanganga dahil sa tabi ko ay ang nakatapi lang ng twalya na si Jasper.
__________________
Pls Follow, Vote and Comment

The continuation of this novel can be found at dreame.com
Go to link: https://bit.ly/3g1CQ7M

Or go to link: https://www.dreame.com/novel/FmB4pzXf6XgqcNkr85feLQ%3D%3D-BEWILDERED-PASSION.html

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro